Napabuga ng hangin ang dalaga habang nakatanaw kay Brandon at Madisson na nagsasayaw sa gitna ng mga bisita. Bisperas ng kasal nila at bukas ang gaganapin sa isang beach resort. “Bagay na bagay talaga sila tiyak artistahin ang magiging anak nila.” Papuri ng isang bisita. “Oo naman hindi ‘yon malabo.” Panggatong ng isa pa. Rinig ni Jen ang mga boses nila at sang-ayon siya sa mga ito. Malakas ang dating ni Madisson mataray na maganda ang aura nito. ‘Yong tipong mapapalingon ka lalo pa’t matangkad si Madisson hanggang balikat lang siya nito. Ngayon nakasuot pa ito ng takong kaya halos magpantay sila ni Brandon. “Yaya, can you make me some tea?” Napalingon siya sa nag-utos. Ito ‘yong matalik na kaibigan ni Madisson. “Opo, ma’am. Wait lang po at igagawa ko kayo.” Magalang niyang tug