Madilim ang paligid tanging hampas ng maliliit na alon at lakas ng hangin dito sa karagatan. “How is she doing in the province?” Cold ang boses na tanging narinig ng tauhan. “She’s fine, boss.” Sagot ng tauhan at luminga-linga. Hindi niya makita si Brandon pero batid ng tauhan na nagpapalunod na naman ito sa alak. “What does she look like? what clothes is she wearing? does she eat well?” sunod-sunod na tanong ni Brandon. “Ah,” napakamot sa ulo ang tauhan. Hindi niya lang inaasahan na pati ang kasuotan ng dalaga itatanong pa ng amo. “Nakasuot siya ng pulang bestida at saka—” “Liar!” Matigas na boses ni Brandon. Kinabahan agad ang tauhan dahil pinutol nito ang sasabihin niya. “Hindi nagsusuot ng pulang damit si Jenny. Mas gusto niyang pink na palda at blouse. Palpak ka na nama