Kabanata 3

1476 Words
NAPABUGA nang hangin si Brandon dito sa loob ng sasakyan. Mga ilang minuto na siya narito sa labas ng mansyon pero kinakabahan siya. Napailing-iling ang binata bakit ba siya kinakabahan nang ganito? Sa edad niyang ‘to, halos nilibot na niya ang mundo at iba’t ibang personalidad ang nakakausap niya tapos sa isang menor de edad lang siya kakabahan? What the hell? Buong tapang na lumabas ng sasakyan si Brandon tas nag-doorbell siya. Ilang beses niyang pinindot ang button pero hindi lumalabas ang dalagita kaya siya na mismo ang kusang pumasok. Binuksan niya ang gate at dire-diretso siya sa veranda. “Sino ‘yan?” Mula sa ikalawang palapag ay dumungaw sa balcony ang dalagita siya namang pagtingala ni Brandon kaya nagpang-abot silang dalawa. Kinaway niya ang kamay habang nakapamulsa ang isa. Napangingiti ang dalagita tas binitiwan nito ang mop at mabilis na bumaba ng hagdan. Segundo lamang nang bumukas ang maindoor. “Sir…” sambit ng dalagita. “Ang bilis mo ah? lumipad ka yata.” Pagbibiro ng binata kaya tumawa na ang dalagita. Napatda si Brandon nang lumabas ang dalawang dimple ni Jen. Mas lalong lumabas ang kagandahan niya. Pantay rin ang mapuputi nitong ngipin bagamat pawisan pero mas nangingibabaw ang taglay niyang ganda. “Kayo po pala ulit, sir. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” mahinahon ang tinig ng dalagita. Parang payapa ang buhay kapag nagsasalita ito. “I… I forgot my phone.” “Ay, oo pala. Kanina po nakita ko naiwan n’yo kanina sa kusina hinabol ko po sa inyo pero nakaalis na po kayo. Teyka lang po kukunin ko po.” Magsasalita pa sana siya pero mabilis na pumasok sa loob ang dalagita tas mabilis rin bumalik hawak ang phone niya. “Ayan na po, sir. Mabuti po hindi pa kayo nakakalayo nakabalik agad kayo.” Ani pa ng dalawa. “Hindi… hindi pa naman ako nakakalayo diyan pa lang sa labasan. May binili rin kasi ako sa convenient store eksakto magbabayad sana ako sa counter pero ‘yong phone ko wala sa bulsa ko.” “Mabuti naman po kung ganoon kasi ang bilis n’yo makabalik. Sige po sir maiwan na muna kita marami pa kasi akong gagawin.” Akmang isasara na ng dalagita ang pinto nang mabilis niya itong pinigilan. Sumilay agad ang takot sa mukha ng dalagita. “Sir ‘wag na po kayong pumasok ako lang po dito mag-isa.” Natakot nga ang dalagita. “Hindi naman ako masamang tao. Kung iniisip mong pagsasamantalahan kita ‘di sana kanina sa laundry pa lang ginawa ko na.” Pagtatanggol niya sa sarili. Hindi nakapagsalita ang dalagita tumingin pa ito sa kanya. “Oo nga po pala. Saka, napakaguwapo n’yo po tiyak na mabait kayo.” Natuwa si Brandon nais niyang sabihin na hindi basihan ang hitsura para masabing mabait o masama ang isang tao. Pero ayaw niya nang pahabain pa nakikita namang natatakot ang dalagita. “Pasok po kayo, sir.” “Thank you. Pero aalis na rin ako talagang binalikan ko lang ang phone ko.” Ngiti niyang sabi. Tumango ang dalagita. Tumalikod na si Brandon at lihim na napailing. Bagamat tama lamang na huwag basta-bastang magtitiwala ang dalagita ngunit hindi niya pa rin maiwasan ang madismaya. Sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya tas paghihinalaan lang siya na masamang tao ng dalagita? Sa guwapo niyang ‘yon? “Sir, sandali lang po.” Mabilis siyang napalingon sa likod. Sinundan siya ng dalagita at tumataas baba ang dibdib nito na tila kinakabahan. “Kayo po ba si Brandon Fuentebella?” Bahagyang napakunot ang noo ng binata. “Yes, I am.” Sagot niya. “Mr. Fuentebella, good morning. Sabi po ng asawa ko kayo daw po ang bibili sa akin?” Tuluyan nang nagsalubong ang kilay ng binata. Napalingon pa siya sa paligid dahil medyo may kalakasan ang tinig ng dalagita. “Sa loob tayo mag-usap.” Saad niya. “Sige po, Mr. Fuentebella. Pasok po kayo.” Seryoso ang mukha ni Brandon talagang nagulat siya sa sinabi ng dalagita. Pumasok sila sa loob tas ni-lock agad ng dalagita ang pinto at pinaupo siya sa sofa. “Sir, ano po ang nangyayari. Sir bakit po—” “Hold on. Hold, on.” Pigil niya sa dalagita dahil bigla itong nataranta. Natahimik naman ang dalagita dahil tumunog ang phone ni Brandon. Tumayo si Brandon at bahagyang lumayo at sinagot ang tawag ni Gen. Alvaro. (“I see you, Bran.”) Saad sa kabilang linya. Mabilis na nilibot ni Brandon ang tingin sa paligid may mga CCTV pala dito. Tinutukso siya ng heneral kahit hindi niya ito nakikita batid niyang nakangisi ito. (“I know what’s on your mind—") “I forgot my phone, so I came back even if you ask your wife!" mariin niyang turan. (“At sinong niloloko mo? papunta ka pa lang, pabalik na ako.”) Sa inis ni Brandon ay pinatay niya ang tawag. Nakakabastos man dahil ama pa rin ito ng girlfriend niya na hindi magtatagal ay magiging father-in-law niya si General. “Ang asawa ko po ba ‘yon, sir?” untag sa kanya ni Jen. Muli siyang napabuntong hininga. “Hindi ka binebenta ni tito Alvaro at kung sakali man hindi rin kita bibilhin. Paano ka ba napasok sa siwatsyong ito?” seryoso niyang tanong. “Nalulong po sa sugal ang Nanay ko nagkanda-utang-utang po siya kay General Alvaro. Ako po ang pinangbayad ni Inay. Kaya napilitan po akong pakasalan si Alvaro.” Kitang-kita ni Brandon ang luha sa mga mata ni Jen bago ito napayuko. “So, paano mo nasabing binebenta ka ni tito gayong mag-asawa na kayo?” tanong niya. “Bakla po ang asawa ko, sir. Bago kami magpakasal may agreement kaming dalawa. Katulad na lang po ng ari-arian niya kahit singko po wala akong habol. Pangalawa po, kailangan ko siyang tulungan na manalo sa senador sa darating na election. Kung hindi daw po siya manalo kailangan daw ay mabayaran ang utang namin at ang sulusyon lang po ay ipagbili ang aking dangal.” Mas lalong napayuko ang dalagita. Pero hindi pa rin makumbinsi si Brandon dahil magulo ang salaysay ng dalagita. “Magkano ang utang ng Nanay mo?” tanong niyang muli. “Anim na daang libo po.” Sagot ng dalagita. Umigting ang panga ni Brandon. “Sa sugal lang umabot ng 600,000? anong klaseng sugal ang—never mind. Tatapatin kita, ineng.” Ani pa ni Brandon ineng sapagkat bata pa si Jen 12 years ang agwat niya sa tama lang na ineng ang itawag niya. “Pasensya kana, pero medyo masakit ang sasabihin ko sa ‘yo. Walang bibili sa ‘yo na halagang 600,000. Alam mo ba kung magkano ang perang binanggit ko?” Napakagat sa ibabang labi ang dalagita. Tumango lang siya at nanatiling nakayuko. “Sa realidad lang tayo, hija. Kahit sabihin mong virgin ka at bata kapa, wala pa rin siraulong bibili sa ‘yo sa halagang ‘yan. 20,000 malaki na puwede pa siguro gawin kang parausan sa halagang 20k to 50k pero 600k wala—” “Alam ko naman po ‘yon sir. Sinabi ko lang naman po sa inyo kasi nagtanong kayo.” May himig na pagkamuhi at tila naiiyak na ang dalagita. “I’m sorry.” Hingi niyang paumanhin. Bata pa nga talaga ang dalagita masyadong balat sibuyas. “Pero may option ka pa. Diba at nabanggit mo kanina na kailangan mong tulungan ang asawa mo na manalo sa senador ‘yon na lang ang huli mong alas para makalaya kayo sa utang. Ang tanong ko sa ‘yo, sa paanong paraan mo naman matutulungan si Gen. Alvaro? Ano ang kaya ng isang seventeen years old?” Ginigisa niya ng tanong si Jen. Ngunit hindi ito nagsalita at pinunasan na lamang nito ang mukha. Umiyak nga ang dalagita. Nang tumingin ito sa kanya ay namumula ang mata nito at ang pisnge. “Bakit ko pa sasabihin sa inyo gayong masyado kayong mapagmataas. Sabagay, pare-parehas lang naman kayong mga mayayaman. Ang tingin n’yo sa aming mahihirap ay isang langgam na madaling apakan!” tuluyan nang umiyak ang dalagita. “Hindi ako mapagmataas. I’m trying to help you through reverse psychology because—" “Umalis na po kayo, sir. Marami pa akong gagawin!” mariing pinutol ng dalagita ang sasabihin niya sabay na tumayo ito. “Wait—” sinubukan pa niyang habolin ang dalagita pero mabilis itong nakaakyat sa hagdan. Napasuklay sa buhok si Brandon. Kung totoo man ang sinabi ni Jen na 600k ang kailangan nito para mabayaran ang utang ng Inay niya kay heneral. Then, wala siyang magagawa. Kahit sabihin na barya lang sa kanya ang halagang kailangan ng dalagita hindi naman siya gago para akuin ang utang ng taong hindi niya kilala. Ang problema ng ibang tao ay hindi niya problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD