Kabanata 2

1087 Words
OH, wow! Ang bulalas ng pinsan niyang si Lea ang siyang nagpakalas sa kanilang dalawa. “P—pasensya na po, nabasa ko po kayo.” Mabilis na kumalas ang dalagita sa kanya. Hindi naman gaano ang bula lang sa kamay nito. “It’s okay. I don’t mind.” Nakangiti pa siya kaya nawala ang pangamba sa dalagita. Ngunit napayuko ito at muling pinagpatuloy ang ginagawa. Pinagmamasdan niya ang dalagita habang umiikot ang washing ay nagbabanlaw naman ito sa ibang kurtina. “Bakit pala wala kayong maid? Sasabihan ko si tito Alvaro na kumuha ng katulong para hindi ikaw ang gumawa ng gawaing bahay.” Saad pa niya. “Kuya Bran? That’s none of your business, duhh!” muling singit ni Lea tas lumapit pa ito at hinila siya sa kamay palabas sa kusina. “Oh my God, kuya! Anong ginawa mo kanina?” “I… I was…” Hindi makapagsalita si Brandon tumingin pa ito sa bukana ng pinto pero pumalatak lang si Lea. “Brandon, Lea?” Sabay silang napalingon sa hagdan. Si Alvaro na pababa at inaayos nito ang polo at bakas ang kasiyahan sa sengkwenta’y dos anyos na heneral. Napalingon si Brandon sa paligid walang bakas ng lalake ni Alvaro katulad ng narinig niya sa phone at sinabi rin ng dalagita na narito ang boyfriend nito. Tiyak na pinatago agad ni Alvaro. “Hi, tito!” malambing ang boses ni Lea. Isang journalist si Lea kasalukuyan rin anchor sa isang news channel at kaya narito sila ay para interview-in si Alvaro. “What happened to your clothes, Bran?” Napuna pa ni Alvaro ‘yon. Tumingin sa kanya si Lea bagamat alam nito ang nangyari pero tahimik lang ang pinsan at hinihintay siyang magsalita. “Galing ako sa laundry area ninyo tinulungan ko si Jen. Bakit hindi ka kumuha ng maid tito? sa laki nitong bahay mo hindi kakayanin ni Jen mag-isa saka asawa mo siya hindi katulong!” Turan niya. “So, nakita mo na rin pala ang pinakamamahal kong asawa. Maganda siya hindi ba lalo na’t sexy.” Ikinatuwa pa ni Alvaro ang nangyari. “Wait… so totoo ‘yong sinabi ng babae kanina na asawa mo nga siya? Gosh tito hindi pa rin kayo nadala sa ex-wife ninyo at may bagong asawa ka uli? Hindi naman sa pagiging judgemental pero sa mga katulad niya halatang pera lang ang habol niya sa iyo.” “Watch your words, Lea!” sinaway agad ni Brandon ang pinsan. “He’s right, hija. My wife is far from my ex-wife.” “Well…” Pagsuko ni Lea. “Bueno, hija. Can we just postpone the interview? I have an urgent meeting at camp crame.” “No problem, tito. Just ping me when you are available.” Kahit dismaya si Lea ay nakangiti pa rin ito. Nagpasalamat si Alvaro at sabay-sabay pa silang lumabas. “Sandali lang, Mahal!” Naunang napalingon si Brandon sa boses sa kanilang likod. Si Jen na hawak ang paper bag. “Ipinagluto kita kanina para sa lunch mo.” Saad ng dalagita. Bahagyang napaawang ang labi ni Brandon. Ngumiti si Alvaro at kinuha ang paperbag sa kanya. “Napakasuwerte ko talaga sa misis ko. Hindi lang maganda, maalaga pa at malinis sa bahay.” Papuri ng heneral. “Hindi mo naman kailangan magbaon tito dahil may budget naman para sa pagkain. Marami rin mabibili sa labas.” singit ni Brandon. “Pero mas maganda po ang organic sir mas nakakasiguro ako na malinis ang kinakain ng aking asawa. Sa labas po kasi maraming binubudbud at ‘yon ang main cause ng cancer.” Sagot ng dalagita. Tumawa si Alvaro proud ito sa asawa niya. “I told you she’s one of a kind.” Tinapik-tapik ni Alvaro ang balikat ni Brandon. “Sige na, wife. Aalis na kami. Mag-iingat ka, dito.” Hinalikan pa ni Alvaro sa pisnge si Jen bago tuluyan sumakay sa sasakyan. Sakay si Alvaro sa sasakyan nito habang sila naman magpinsan sa sasakyan niya. Binuhay ni Brandon ang makina at bago pa nito pinaharorot ay nilinga pa niya ang dalagita na nakatayo sa labas ng gate at nakatingin sa kanya. Hindi maalis ang tingin niya sa dalagita. “Hey!” untag sa kanya ni Lea tas sinundan ang tingin niya. Pero pinatakbo na ni Brandon ang sasakyan. “What do you think?” tanong pa ng pinsan niya. “What do you mean?” tanong niya pabalik. “The wife of tito Alvaro. you believe her. How old is she by the way she looks young and innocent. Ngayon ko lang nalaman na may bagong asawa na naman pala si tito. Alam kaya ni ate Madisson?” “I guess so.” Maikli niyang tugon. “Pero kuya Bran walang halong biro ah, mas bagay kayo no’ng wifey niya.” Humagikhik si Lea. Napailing-iling na lang ang binata dahil kung anu-anong pinagsasabi ng pinsan niya. Matanda siya ng limang taon kay Lea pero sa kanilang magpipinsan sila ang close. Nagpababa si Lea sa isang convenient store at magtatraysikel na lang daw umano ito pauwi ng mansyon. Siya naman ay dumiretso na sa office niya. Malayo-layo rin ang byahe mabuti nga at alas nueybe na nang umaga kaya wala na masyadong traffic. Habang binabaybay ni Brandon ang kahabaan ng edsa ay sumasagi sa diwa niya ang inosenteng mukha ng dalagita. Napakaganda ng mga mata ni Jen ito ang una niyang napansin kanina. Naabutan siya ng trapik kukunin niya sana ang phone para tawagan si Lea kung nakauwi na ito. May ipapasuyo sana siya pero hindi niya mahagilap ang phone niya. Sa kanyang bulsa wala, sa upuan wala. Bigla niyang naisip, naiwan nga pala sa laundry area dahil muntikan siyang mabasa kanina. Tiningnan niya ang oras, may thirty minutes pa siya at malapit na rin siya sa office. Pero kailangan niya ang phone niya. Kaya nang umusad ang trapik ay umabante siya tas kumanan siya at pa-atras. Pabalik siya ngayon sa mansyon ni Gen. Alvaro kailangan niya ang phone niya. Matulin pa ang patakbo niya ng sasakyan na para bagang hinahabol siya ng kalaban. Iwan niya ba’t natuwa pa siya nang maiwan ang phone niya ibig sabihin ay muli niyang masisilayan ang magandang mukha ng dalagita. Napangiti si Brandon sa naisip, mag-isa lang ang dalagita sa mansyon. “Damn!” palatak ni Brandon nang maalala muli ang panaginip niya. Kaya ang sandata niyang patulog na sana ay muling nagising. Humigpit ang hawak niya sa manibela at mas binilisan ang patakbo na animo’y siya ang hari ng kalsada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD