Kabanata -4

2046 Words
Nabuhay na naman ang kaba sa dibdib ni Jen nang bumaba sa sasakyan si Gen. Alvaro kasama ang tatlong police. Naglakad silang apat at nangunguna si Alvaro hanggang nakalapit sa kanya. “Good evening.” Kinakabahan niyang sambit. “Good evening my beautiful wife.” Malambing na tugon ni Alvaro at yumuko pa ito at hinalikan siya sa labi. Smock lamang ‘yon pero nakakadire pa rin. “Good evening.” Pagbati rin sa kanya ng tatlong police pero ang isa ay tila hinuhubaran siya dahil sa malagkit nitong titig. Yumuko na lang siya at pumasok sa loob. Katulad ng madalas na gawin ni Jen ay pinaghanda niya ng makakain ang mga bisita ng asawa niya. Nagluto siya ng kaldereta at dinakdakan. Pagkatapos niyang mag-serve ay inayos naman niya ang mga iinomin ng mga bisita at naglabas rin siya ng ice cube. Tumabi siyang kumain sa asawa niya. Ngunit halos hindi niya malunok ang kanin dahil ang kamay ni Alvaro ay nasa hita niya. Masyadong posisive ang asawa niya kapag kaharap ang mga katrabaho nito. Mag-iisang buwan na silang ikinasal sa civil sekreto nga lang kaya walang nakaalam maliban sa kanyang Inay at kawani ng lungsod sa probinsya. Doon sila kinasal sa Santa Catalina Island kaya kahit ang anak ni Alvaro ay hindi alam na mag-asawa sila. “Wala pa kayong anak, sir?” usisa ni Sergeant Benetiz pero sa kanya nakatingin. “Wala pa pero malapit na.” Sagot ni Alvaro. Nagpalitan ng salita ang apat at siya ang bida dahil super proud si Alvaro sa kanya. Kahit katiting hindi siya nasisiyahan dahil batig ng dalagita na ito ay isang palabas lamang. Nang matapos ay tinulungan pa siya ni Benetiz na dalhin ang pinagkainan sa lababo. “Ako na po, sir.” Saad niya pero mapilit si Benetiz. “Sa ganda mong ‘yan dapat hindi ka pinaghuhugas ng pinggan. Kung ako lang ang asawa mo ay ituturing kitang prinsesa, pagsisilbihan kita.” Mahina lang ang tinig ni Benetiz ngunit puno ng paglalambing. Napatingin siya sa dalire nito na may wedding ring. “Ganiyan ho ba ang madalas n’yong sabihin sa asawa ninyo sir noong nanliligaw ka pa lang?” tanong niya. Nawala ang pa-cute ni Benetiz napahiya ito sa sinabi niya. Nilapag muna ni Benetiz ang mga pinggan tas muli siyang binalingan. “Maaring mas mayaman sa akin ang asawa mo pero mas malakas ako. Mas mapapaligaya kita—” “Tama na ho. Ang bastos ninyo! Sa susunod na bastosin n’yo pa ako isusumbong kita sa asawa ko!” mariin niyang pagbabanta tas tumakbo siya patungo sa sala. “Mahal, paalisin mo na sila natatakot ako.” Mangiyak-ngiyak niyang pakiusap sa asawa. Pero hindi siya pinakinggan ni Alvaro. “Pumasok ka na lang sa kuwarto mo pero ‘wag kang matutulog dahil mamaya may bisita ako.” Dali-dali siyang umakyat sa hagdan at pumasok sa kuwarto niya. Siniguro niyang naka-lock ‘yon tapos kinuha niya agad ang selpon niya at tinawagan ang tiyahin niya. Nanginginig siyang nakikiusap na kunin siya dito sa mansyon pero pinagalitan lamang siya ng tiyahin at ayaw nitong makisawsaw sa problema nilang mag-ina. Napaiyak ang dalagita takot na takot talaga siya dahil hindi lang ito ang isang beses na nangyari. Kaninang umaga kasi ay dumating dito ang boyfriend ng asawa niya at nang makita siya ay gusto siyang tirahin. Ngunit ayaw ni Alvaro dahil nagseselos ito sa kanya. Mahal na mahal ni Alvaro ang boyfriend nitong 29 years old na si Oscar isang bartender sa bar doon nakilala ng asawa niya si Oscar. Silahis si Oscar kaya kahit sa babae at lalake ay gusto nitong tirahin. Kinuha niya ang isang unan at kumot at imbes sa kama ay doon siya sa ilalim ng kama nahiga. Dito sa sulok ay nakakaramdam siya ng safety. Nitong linggo lamang dito na siya natutulog sa ilalim ng kama dahil kapag sa kama hindi siya makatulog. Ito ang comfort zone siya sa madilim na bahagi. Dahil sa sobrang pagod sa maghapon na kakatrabaho ni Jen dito sa mansion kaya nakatulog siya agad. Nagising lamang siya nang may kumakalmpag sa labas ng pinto niya. Muli na naman siyang nanginig baka ‘yong police na naman. “Open the door!” ang mariing boses ng asawa niya. Hindi siya kumibo hinayaan niya si Alvaro kakatok at baka ipatira siya sa iba. Nawala ang katok maging ang boses ni General. Ilang sandali siyang nanatili sa ilalim ng kama. Hindi na nga bumalik ang asawa niya. Hindi siya lumabas at napayakap lang siya sa unan. Subalit isang putok ng baril ang narinig niya na sa sobrang gulat sa lakas ng putok napasigaw siya. Nasira ang doorknob sinipa ni Alvaro ang pinto at nakapasok ito. Humagolhol siya nang iyak sa matinding takot na halos hindi siya makahinga. Lumapit si Alvaro sa kama tas yumuko ito kaya nakita siya. “Lalabas ka diyan o babarilin kita?” Mas lalong namilog ang kanyang mga mata nang tutukan siya ng baril ni Alvaro. “Labas!” sigaw ng heneral. Sa takot niya ay wala siyang nagawa kundi ang lumabas. Hindi pa siya nakakatayo nang maayos nang sampalin siya ni Alvaro. Sa lakas at bigat ng palad ni Alvaro napaikot siya at sinalo ng kama. Parang umugong ang teynga niya parang may tumutunog. Hindi pa siya nahimasmasan sa sampal nang sabunutan ni Alvaro ang buhok niya tas pinatingala siya nito. Sunod-sunod ang patak ng luha niya. Hindi siya makapagsalita nanginginig ang kanyang bibig. “Anong ginawa mo kanina? nakita ko sa CCTV na pumasok dito si Oscar at umakyat sa hagdan. Pero biglang nasira ang mga camera sa koridor? May relasyon ba kayo ni Oscar?” nanlilisik ang mga mata ni Alvaro. Namilog naman ang mata niya. “W—wala… wala. Hindi ko siya nakitang pumasok—” “Liar!” sigaw sa kanya ni Alvaro at mas hinigpitan pa ang hawak sa buhok niya. Nagmamakaawa ang dalagita dahil sobrang sakit ng higpit sa buhok niya parang matatanggal sa kanyang anit. Hindi pa nakuntento si Alvaro at sinakal pa siya nito. Walang laban ang lakas ng isang dese syete anyos na dalagita sa katulad ni Alvaro na nasa 53 years old at maskulado pa. Lalo pa’t may hawak pa itong baril. Sinandal siya ni Alvaro sa wall tas pinaitaas gamit lamang ang isa nitong kamay. Napahawak si Jen sa pulsohan ni Alvaro. Hindi na siya makahinga at pumatak ang huling luha niya baka iyon na ang huli niyang buhay. “Tito Alvaro, are you there?” Boses mula sa ibaba. Ang boses ni Brandon kaya nabitawan siya ni Alvaro. Sumalampak siya sa sahig at napaubo-ubo siya. Hinawakan pa ni Alvaro ang panga niya at pinatingala siya. “Nandyan si Brandon sa labas, huwag na huwag kang magkakamali na ikanta ako. Dahil sa oras na malaman ni Brandon na sinasaktan kita, ipapatay ko ang kapatid mo sa kulungan isusunod ko siya sa Nanay mo!” Mariing pagbabanta ni Alvaro sabay na bitaw sa panga niya nang pabalang. “Ayosin mo ‘yang hitsura mo, at lumabas ka. Tawagin mo ang lahat ng santo baka sakaling maakit sa ‘yo at tirahin ka!” “B—bakit kailangan mo pa akong ipatira sa kanya bakit hindi na lang sa iba? Kahit sa driver mo o yung mga isa sa mga guard mo? kung ‘yon lang ang paraan para—” “Nag-iisip ka ban ang maayos?” mariing pinutol ni Alvaro ang sasabihin niya. Hindi na siya nagsalita at baka magkamali pa siya muli na naman siyang sasaktan. “Si Brandon lang at ikaw ang nakakaalam sa tunay kong pagkatao. Isa sa mga pantasya ko ang matira ka ng iba, gusto kong Threesome tayong tatlo.” Kinalibutan si Jen sa sinabi ng asawa niya. May sakit sa utak si Alvaro dahil lalabas lang ang p*********i nito kapag may isang lalakeng kasama. Hindi niya maintindihan kung may mga taong nabubuhay na katulad ng pantasya ni Alvaro. “Tito Alvaro? My parents are here. Mamamahikan kami.” Muling boses ni Brandon kaya agad na lumabas si Alvaro at siya naman ay tumayo kahit pa nanghihina ang buo niyang katawan. Inayos ni Jen ang sarili alinsunod sa utos ng asawa niya. Nagpalit siya ng damit at naglagay pa siya ng balabal sa leeg dahil bakas ang kamay ni Alvaro namumula ang leeg niya. Pumuputok rin ang gilid ng labi niya kaya naglagay siya ng make- up upang matabunan. Nilugay niya lang ang buhok saka siya lumabas ng kuwarto. Pababa na sana siya sa hagdan pero napahinto siya at pinagmamasdan ang mga bisita. Lima silang lahat kabilang na si Lea na nakita na niya. Tumatawa ang asawa niya sa mag-asawang kaharap. Bakas sa mga kasuotan nila ang antas ng kanilang buhay—mayaman. “Kuya Bran si ate Madisson.” Masayang sambit ni Lea sa phone nito at binigay kay Brandon ang phone. Sumilay ang kasiyahan sa mukha ng binata nang maka-video-call ang long time girlfriend nito. Napaawang ang labi ng dalagita na ngayon niya lang nalaman na si Brandon Fuentebella pala ang boyfriend ni Madisson. Minsan na niyang nakita ang anak ni Alvaro noong gabing ikinasal sila. Kung ano ang ugali ni Alvaro ay ganoon rin si Madisson. Sinampal siya minsan ni Madisson dahil lang nasira niya ang butones ng damit nito. Ayaw sa kanya ni Madisson napilitan lang siya nitong tanggapin dahil siya umano ang magiging susi upang manalo si Alvaro sa halalan. “Where is your wife, bytheway? Na-ikuwento sa akin ni Lea na bata pa daw ang asawa mo at maganda.” Biglang sabi ng babae. Bago pa siya makita na nakatingin sa kanila bumaba na siya ng hagdan. Napakapit lang siya sa gilid dahil para siyang matutumba. “Oh, she’s here!” boses ni Lea. Siya naman pagtapos ng tawag ni Brandon kay Madisson. “Hello.” Pilit ang sigla sa tinig ng dalagita. “Oh my God! She’s too young. Napakaganda niya, kumpadre.” Hindi makapaniwala ang Ginang. Ngunit bakas ang pagkadisgusto ng mestizang si Donya Consuelo. Para siyang isdang kinakaliskisan dahil mula ulo hanggang talampakan ang mapanuri nitong mga mata. “What’s your name, hija?” mabait ang ama ni Brandon na nakangiti sa kanya. “She’s my wife, kumpadre.” Pabirong saad ni Alvaro. Nagtawanan ang mga ito at pati siya ay tumawa kahit na napipilitan lang. “Mahal come here.” Malambing na saad ni Alvaro na tila ay mahal na mahal siya. Humakbang siya palapit sa asawa ngunit bigla siyang na out balance at mabuti na lang nahawakan siya agad ni Brandon sa baywang. Nanghihina ang buo niyang katawan talagang umiikot ang paligid. “A—are you okay?” bakas ang pag-aalala sa kanya ng binata. Napakurap ang dalagita. Gusto niyang sabihin ang totoo ngunit malinaw pa sa sikat ng araw na walang maniniwala sa kanya at natatakot siya sa banta ng asawa niya. Noong nakaraang linggo kasi ay pinapatay ni Alvaro ang Nanay niya dahil pinagkakalat nito sa barangay na bakla si Alvaro. Wala silang kalaban-laban kaya nanahimik na lamang sila. Ngayon ang kapatid niyang lalake ay nakakulong at ‘yon naman ang panakot sa kanya ni Alvaro kaya kahit gustong-gusto niyang sabihin kay Brandon kung anong klaseng tao si Alvaro ay natatakot siya. Isa pa, sino ba siya para paniwalaan, para kampihan ng binata? “O—okay lang ho ako, sir…” nauutal niyang sagot. Binitiwan na siya ni Brandon. Nakatayo siya nang maayos at muli siyang humakbang. “Oh my God. There’s blood in her ear!” napasigaw pa si Lea. Maagap siyang napahawak sa kanyang teynga at pagtingin niya sa kamay may dugo nga. Dahil ba ito sa malakas na sampal ng asawa niya at nabasag ang eardrums niya? kaya pala kanina para siyang nakakarinig ng ugong sa loong teynga niya. “May I see—” “Let me, Brandon!” putol agad ni Alvaro sa sasabihin ni Brandon tas mabilis itong nakalapit at binuhat siya. “Excuse me, my wife is sick. I’ll be back.” Turan ni Alvaro tas muli siyang inakyat sa itaas. Napalingon ang dalagita sa ibaba nakatingin sa kanya ang pamilya ni Brandon. Tinaas niya ang kamay niya at lalapit sana si Brandon pero pinigilan ito ng pinsan. Tuluyan nang naibaba ng dalagita ang kamay kasabay ng kanyang talukap, nandilim na ang kanyang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD