NAPAHINGA nang maluwag ang dalagita matapos niyang maubos ang soup na pinaluto ni Brandon para sa kanya. Tumayo siya at bitbit ang pinagkainan niya sa lababo pero nang makita siya ng kasambahay ay agad na kinuha sa kanya. “Ako na po riyan, ma’am.” “Okay lang po ate. Kaya ko na po ito.” Nakangiti niyang wika. “Naku ma’am bisita ho kayo rito. Mapapagalitan ako ni sir.” “Hindi po ate kasi makakasama na rin kita. Isa ako sa maninilbihan kay sir Brandon kaya ‘wag na po kayong mahiya.” “Talaga? naku, akala ko ay bisita ka ni sir. Ang ganda mo kasi akala ko anak mayaman ka. O, sige. Ikaw na ang bahala—” “Manang Tersing?” Napapitlag si Jen sa boses sa kanyang likod. Si Brandon na nakababa lang sa hagdan. “Jen anong ginagawa mo diyan? Hayaan mo na ang maid ang gumawa ng niyan.” Saad