ANDY
MAAGA akong nagising kinabukasan. Himbing na himbing pa si Ezi nang bumaba ako sa kama. Alas sais pa lang naman kasi. Siguro, tanghali gumagayak si Ezi pumasok sa opisina niya. O, baka walang balak na pumasok dahil nandito ang Mommy niya?
Umikot ako papunta sa side niya banda at kinuha ang telepono. Natigilan ako nang mahagip ng mata ko ang mukha niya.
Napangiwi ako nang makita ang noo niyang namamaga.
“Saan galing ‘yan?” naisatinig niya.
Lumapit ako at pinakatitigan ang noo niya pagkuwa’y hinipan. Napalunok ako nang gumalaw siya. Nawala sa isip ko na baka bigla siyang magising.
Akmang hahawakan ko noo niya nang pigilan niya ang kamay ko sabay mulat niya ng mata. Lumunok ako ng dalawang beses bago ngumiti sa kan’ya.
“A-anong nangyari diyan? Kinagat ng ipis?” Ngayon ko lang kasi napansin ‘yang noo niya. Sabagay, madilim kagabi.
Naupo siyang hawak pa rin ang kamay ko. “Ang bilis mo namang makalimot, Andy. Natamaan lang naman ‘to ng pintuan kahapon. Who do you think I'll blame for this?”
Ngumiti ako nang alanganin sa kan’ya. Oo nga pala, sinadya kong bitawan ang pintuan kahapon.
“Ahm, ‘yong pintuan?” kunwa’y sabi ko. “Ang tanga, e, noh? Hindi man lang umiwas, kita ng may noo.” Humagikhik pa ako pero natigil din dahil sumama bigla ang timpla ng mukha niya. Kasabay tuloy nang lunok ko ang pag-blink ng mata ko.
“E-Ezi!” biglang sambit ko nang hilahin niya ako palapit dahilan para mapadagan ako sa kan’ya.
Singbilis naman ni Flash na pinagpalit niya ang aming posisyon at pumosisyon sa ibabaw ko. Pinitik ang niya ang noo ko ng tatlong beses na ikinangiwi ko.
“Mommy!” malakas na sigaw ko mayamaya nang pitikin pa ulit ni Ezi ng isang beses pa. “Mommy Maia!” Lalo kong nilakasan ang boses ko para marinig ng ina niya.
May shield kaya ako, baka akala niya.
“Andy, ano ba ‘yang–” Hindi na natuloy ni Tita Maia ang sasabihin nang makita ang anak na nakaambang pipitikin ulit ang noo ko. “Eziah!” saway ni Tita sa anak.
“M-Mom.”
Magkasalubong ang kilay na lumapit si Tita Maia sa amin at tiningnan ang anak ng masama.
“Tama ba ‘yang ginagawa mo, Ezi, huh? Kailan ka pa naging sadista? Paano kung wala ako dito? Sino ang sasaway sa ‘yo? Sabihin mo nga, ano pang kaya mong gagawin sa asawa mo, huh?”
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Ezi matapos marinig ang litanya ng ina.
Umalis si Ezi sa ibabaw ko at hinarap ang ina.
“Mom naman, ganito lang po kami maglambingan. ‘Di ba, Andy?” Lumingon pa siya sa akin at parang humihingi ng tulong.
‘Well, nagkamali siya nang hingan!’
“Ito? Lambing pa ba ‘to, dear? Masakit ‘yang pitik mo, huh! ‘Di nga kita sinasaktan dahil sobrang mahal kita.” Nalungkot pa ako kunyari nang tumingin sa ina niya. “ Tapos ikaw, namimitik ka? Pagmamahal pa ba ‘yon? Parang hindi ‘yan ang sinumpaan natin sa harap ng pari, dear.” O ‘di ba, natigilan si Ezi sa sinabi ko. Umawang lang din ang labi niya sabay galaw ng mata.
Tiningnan naman ni Tita Maia ang noo ko. “My God, Eziah! Namumula na, o! Hala, gamutin mo ‘yan!”
“Yes, mom!” mabilis namang sagot ng asawang hilaw ko sa ina niya.
Tumingin sa akin si Ezi kapagkuwan. Bahagya siyang umingos sa akin. Wala siyang magawa talaga kapag Mommy na niya ang nagsasalita. Napakmasunurin niya talaga kasi sa ina kahit noon pa mang bata kami. Basta sinabi ng ina niya, susundin at susundin niya talaga, kahit pa labag sa kalooban niya.
“Hindi kayo bababa hangga’t hindi kayo nagkaayos. Maliwanag?” Palipat-lipat ang tingin niya sa amin. Tumaas din ang kilay niya mayamaya. “Kahapon ko pa kayo napapansin, huh. Akala niyo. Kaya pag-usapan niyo nang maayos ‘yang hindi niyo pagkakaunawaan.”
“Opo.”
“Yes, Mom.”
Magkasabay pa naming sagot.
“Ah, ‘yang sa noo mo, anak. Si Andy na bahala diyan. Right, anaka?” nakangiting baling sa akin ni Tita.
Kita ko ang pagngiti sa akin ni Ezi. As if naman papayag ako. Siya ang bahala maglagay ng yelo para humupa ang maga.
“Yes, Mommy Maia!”
Hinintay naming makalabas ang ina niya bago namin hinarap ang isa’t-isa.
“Talagang ginagamit mo si Mommy para mapasunod ako, Andrea,” ani ni Ezi nang tuluyan makalabas ang ina.
“Slight lang, dear. Pero binabalaan kita, ‘wag mo akong sagarin, baka higit pa diyan ang magagawa ko sa mukha mo habang nandito ang Mommy mo.Ewan ko lang kung magugustuhan ka pa ni Tamaya. Alam mong hindi ako kayang pagalitan ni Tita kaya umayos ka.” Nag-bleh pa ako sa kan’ya pero inismiran niya lang ako.
Bumuntonghininga siya mayamaya. “Damn it! Okay, okay… You win! Pero p’wede bang maging maayos ang pakikitungo natin sa isa’t-isa hangga’t nandito si Mommy? Para makauwi na siya kaagad. I know, gusto mo ring umalis agad si Mommy. Hindi ko na kayang makasama ka pa nang matagal sa iisang silid, Andy!”
Bahagyang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya. Masayahin ako pero mabilis akong masaktan kahit konting masamang salita lang. Sana alam ni Ezi ‘yan. Inaamin kong may pagka-isip bata ako pero pilit ko namang ini-improve ang pagiging mature ko. Kaya nga tumigil na ako sa larong sinimulan ko sa kan’ya. Natuto na rin ako.
“Likewise, dear! Ayaw rin naman kitang makasama sa iisang silid, kaya it’s atay, balunbalunan. Okay na?” tugon ko sa huling sinabi niya. Pilit ko pang pinasigla ang aking boses.
Wala akong narinig na salita mula sa kan’ya kaya kaya nagsalita ulit ako.
“And I hope, huli na ito, Ezi. Baka sa susunod hindi na kita masabayan sa pagsisinungaling sa Mommy mo. Saka para magawa ko na rin ang mga nais kong gawin noon pa man. Kailangan ko na ring mag-move on sa buhay. Sa tingin ko naman, napagbayaran ko na ang mga kasalanan ko sa ‘yo.” Ngumiti pa ako nang mapakla. “By the way, napa-resched ko na ang hiking ko with Zach ngayong end of the month. Sana, nakauwi na si Tita niyan, ano? Para makauwi ka na rin, sukang-suka ka na kasi sa katabaan ko.”
Tumayo ako at iniwan siya. Tinungo ko ang closet. Wala na akong narinig na salita talaga sa kan’ya.
Nang makita ko ang closet kong magulo ay nilingon ko siya. “Pakiayos nga mga gamit mo dito, hindi ako sanay ng ganito kagulo ang damitan ko, e. Damit mo ‘yan, kaya ikaw ang mag-aayos niyan. Pero kung hindi mo kaya, tawagan tatawagan ko si Tamaya par siya gumawa niyan.” ‘Para may silbi naman siya bilang girlfriend mo.’ Gusto ko sanang idugtong sa kan’ya.
Sumeryoso naman ako nang bumaba ako. Back to pagpapanggap kami ni Ezi. Hindi ko na siya inaasar para makombinsi na namin si Tita na okay kami ng anak niya.
MAAGA kaming umuwi ni Ezi mula sa opisina namin nang makatanggap nang tawag sa Mommy niya. Magluluto daw siya para sa huling dinner niya dahil nakapagpasya na siya sa wakas na uuwi na kinabukasan.
Nagkatinginan pa kami ni Ezi nang sabay kaming makarating sa tapat ng bahay namin. Dahil babae ako, pinauna niya akong makapasok sa loob.
Kakababa ko lang sa sasakyan nang makatanggap nang tawag mula kay Calvin. Hindi ako p’wedeng pumasok sa loob na kausap si Cal kaya nanatili ako sa labas. Sumandal pa ako sa sasakyan ko nang makipag-usap ako sa kan’ya.
Saktong pababa si Ezi nang ngumiti ako. Tumawa rin ako kalaunan.
Natawa na naman kasi ako sa k’wento ni Cal na sinuyo niya ang boyfriend niya tapos ayon, nagpasuyo naman. Mga ilang beses na silang nag-away tapos magbabati. Nabnggit rin niya kung nakailang round sila after ng reconciliation kaya napalakas ang tawa ko. Hindi sila nagsasawa, ano?
Kita ko ang pag-iling ni Ezi nang mapatingin sa akin.
Nagpaalam na agad ako kay Cal dahil papasok na si Ezi sa bahay.
“See you tomorrow, Cal. Love you!” Sabay patay ng linya.
Magkikita kami kasi niyayaya akong pumunta ng bar.
Hinabol ko si Ezi nang makitang malapit na siya sa pintuan. Kumapit ako sa braso niya. Bumaling siya sa akin na salubong ang kilay.
“Relax, dear. Last na ‘to, kaya let’s enjoy na lang. Okay?” Sinandal ko pa ang ulo niya bago niya binuksan ang pintuan.
Napangiti ako nang bumungad si Tita Maia sa amin.
“Gan’yan nga mga anak. Uhh, kaya na-e-excite akong magkwento sa Daddy niyo.” Parang kinikilig si Tita sa nabungaran niya.
Maganda ‘yan, para hindi na siya mag-isip na bumalik ulit para bantayan kami.
Dumeretso kami ni Ezi sa komedor nang makapasok. Pinaghila niya ako ng upuan na ikinangiti naman ng Mommy niya.
Lahat na yata ng ka-sweet-an ni Ezi inilabas niya nang gabing iyon sa dinner. ‘Ano ‘yon, huling pabaon kay Tita?’ Marami rin kaming pinag-usapan kasam ang ina niya nang matapos kaming kumain. Na-miss ko tuloy bigla si Mama dahil kay Tita Maia. Kailangan ko na sigurong dalawin siya sa susunod na araw.
Magkasabay naming hinugasan ang pinagkainan habang nakatunghay sa amin si Tita Maia. Kita rin naming nakailang take siya ng picture sa amin bago nagpaalam na papasok na sa silid niya. Actually, simula pa talaga nang dumating si Tita, panay kuha niya sa amin ng litrato.
“Ikaw na bahala diyan,” ani ko kay Ezi ilang minuto makaalis ang Mommy niya.
Ang sakit na kasi ng binti ko. Kailangan ko nang matulog nang maaga dahil may trabaho pa ako kinabukasan.
Dumeretso ako sa banyo pagkagaling ko sa kusina. Naligo ako para mabilis akong makatulog. At bago ako matapos sa pagpatuyo ng buhok ay pumasok si Ezi na may dalang kopita na may lamang alak. Sumulyap lang siya sa akin. Nakita ko lang sa salamin. Hinarap na kasi niya ang sarili niyang laptop. Pero lumabas din kapagkuwan sa balcony ng silid namin. Naghanda na kasi ako para matulog.
Hatinggabi noon nang lumabas ako, nakaramdam kasi ako nang pagkauhaw.
Napakunot ako ng noo nang makita si Ezi na nakatayo bandang pintuan ng inuukopa ng ina niya. Napalingon siya sa akin nang maramdaman ang presensya ko.
Iminuwestra ng kamay nito sa bibig para sabihing, ‘ssshhh.’ Lumapit ako sa kan’ya at nakisilip din. Bahagyang nakabukas pala ang pintuan.
Napaawang ako ng labi nang makita si Tita Maia na may kausap sa may laptop. Kung hindi ako nagkakamali si Tito Eli ang kausap niya.
“Hindi pa talaga ako uuwi, asawa ko. Sinabi ko lang ‘yon para makauwi sila nang maaga ngayon. Para makapagpahinga naman sila. Gano’n. Alam mo bang binubuhos nila ang oras nila sa trabaho? Kaya wala silang oras para sa isa’t-isa. Ayon, nakalimutan na tayong bigyan ng apo. ”
“Hayaan mo na kasi sila sa diskarte nila, wifey. Nahihiya na mga ‘yan sa ‘yo, lalo na si Andy. Kapag handa na sila, gagawin naman talaga nila ang bagay na ‘yon. Kaya maghintay ka lang, ‘wag mo silang pine-pressure. Kaya umuwi ka na bukas, missed na kaya kiya.”
“Eh sa gusto ko na ng apo, Eli! Dapat ‘yon ang wino-workout nila. Hindi ko alam kung na-ge-gets nila ang parinig ko kanina sa hapag.” Natawa ang Daddy ni Ezi sa kabilang linya “At alam mo ba, asawa ko?”
“O,”
“May pa-unan pa sila sa gitna!”
Napalunok ako nang marinig ang sinabi ni Tita. Yeah, sa umaga, nagigising ako na may unan sa gitna namin. Si Ezi lang naman ang mahilig maglagay ng bakod sa amin. Pero minsan natatanggal dahil niyayakap ko tapos ililipat sa kabila.
“Mga bata nga kasi nang ikasal. Hindi pa talaga sila handa na magkaroon ng anak. Hamo, wifey, ako na ang mag-set up sa kanila sa susunod.”
Hindi ko na narinig ang sagot ni Tita dahil hinila na ako ni Ezi pabalik ng silid namin. Hindi pa nga ako nakakainom, e.
Dinig ko ang pag-lock niya ng pintuan nang makapasok na kami parehas.
Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya. “Ano ba, Ezi! Kukuha pa nga ako ng tubig dahil nauuhaw ako.”
“Later, okay? Kahit ilang gallon pa ‘yang inumin mo, wala akong paki.” Pumikit siya pagkuwa’y tumitig sa akin. “Matagal nang hinihiling ni Mommy na bigyan natin siya ng apo.”
“O, tapos, bibigyan natin? Gano’n?” nakapameywang kong tanong.
“Of course not!” mabilis niyang sabi.
‘Wow! Bilis sumagot!’ isasatinig ko sana.
“Hindi naman pala, e! Eh bakit mo nga ako hinila, e, nauuhaw ako?”
“Okay. Ganito kasi, ‘yon. Hindi talaga aalis si Mommy hangga’t hindi siya nakakasiguro na okay na tayo.”
“Narinig ko nga. Pero alam mo, Ezi, ba’t ‘di mo na lang aminin sa Mommy mo ang lahat? Pati ako nahihirapan sa sitwasyon natin. Narinig mo naman sinabi niya, alam niyang may problema tayo. Kaya ito na ang tamang pagkakataon para sabihin sa kan’ya ang lahat, hindi ka na mahirapan magpaliwanag dahil sa alam niya. Saka mukhang hindi Tita. Kuha mo ba ang ibig kong sabihin?”
“Kuha ko. Pero hindi pa ako handang sabihin. Ayokong ma-upset siya bago ang birthday niya. Ang alam lang ni Mommy, hindi pagkakaunawaan, kaya hindi talaga p’wede.”
Napabuntonghininga ako pagkuwa’y kumamot sa ulo.
“O, anong gagawin natin ngayon? Magtatagal pala siya rito,” seryosong sabi ko.
“Tuwing madaling araw kasi, pumapasok siya rito. Tsinetsek niya tayo. Ilang beses ko nang nahuli si Mommy. Ngayon, hindi pa siya pumupunta dito kaya ini-expect kong pupuntahan niya tayo after nang pag-uusap nila ni Daddy.”
“Oh, kaya pala niya nasabing may unan sa gitna natin.”
“Yeah. Pero may naisip ako kung paano mapapauwi si Mommy.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. “At ano naman ang naisip mo?”
“M-magpapanggap tayong n-nagse-s*x?”
Napasinghap ako sa sinabi ni Ezi. Seryoso siya? Ni hindi nga ako marunong umungol! Baka imbes na ungol, utot ang mailabas ko.
“Si Tamaya na lang kaya–”
“Andy, hindi p’wede si Tamaya dito.” Napahawak siya sa sintido niya. “Kapag nahuli niya tayong nag– you know, baka bukas mapauwi natin siya.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Parang may punto nga si Ezi. Hindi uuwi ang ina niya kung hindi niya kami makita.
“Don’t worry, Andy. Hindi mo naman kailangang maghubad. Okay? Malaki naman ang comforter, matatakpan naman katawan natin.” Napalunok si Ezi kaya napatingin ako sa adams apple niya. “J-just the sound, para maniwala si Mommy na nag-aanuhan tayo.”
“Y-you mean, uungol talaga tayo?” Lumunok din ako.
“Y-yes.”
Napatingin kami parehas sa pintuan nang marinig ang yabag mula sa labas. Mukhang malapit na siya pintuan namin.
“A-ang Mommy mo.”
“Yeah. Let’s go!” Sabay hila niya sa akin papuntang kama. Napasunod din tuloy ako.
Kakahiga ko lang nang biglang pumatong sa akin si Ezi. “E-Ezi,” ani ko.
Hindi siya sumagot dahil abala na siya sa pagtakip ng katawan namin habang nasa ibabaw ko siya. Ramdam ko ang maiinit niyang hininga kaya napabuga rin ako nang hininga. Napababa rin ako ng tingin dahil ramdam ko ang umbok niya sa pagitan ng hita ko. Naka-boxer short lang siya kaya ramdam na ramdam ko talaga.
Sabay kaming napatingin sa pintuan nang magpumilit ang ina niya sa pagbukas.
“N-naka-lock naman ang pintuan. Paano niya tayo maririnig?”
“May susi siya,” anas ni Ezi. Tumama ang hininga niya sa mukha ko kaya naamoy ko. Ang bango pala at ang init ng hininga niya.
At ilang sandali nga lang ay narinig nila ang muling pagtunog ng doorknob. Sa tingin nila, ginagamitan na niya ng susi.
“E-Ezi, anong g-ginagawa mo?” ani ko nang bigla siyang gumalaw sa ibabaw ko.
Nakaramdam ako nang kakaiba kaya hindi ako makatingin sa kan’ya. Pero para siyang umuulos? Nagkiskisan na tuloy ang aming mga balat dahil coordinates lang ang aking pantulog.
Hindi ko tuloy alam ang gagawin dahil pakiramdam ko nadadala ako sa ginagawa niya.
“I’ll kiss you, Andy,”
“H-huh?” ‘God! Para kaming nagse-s*x sa ginagawa niya sa ibabaw ko!’
Napasinghap ako bigla nang sakupin niya ang labi ko. Sinasabayan niya nang ulos kaya bigla namutawi ang ungol sa aking labi pero sa loob ng bibig niya kaya baka hindi marinig kung sakali.
“Oh, fvck! Kiss me back, Andrea.” Muli na naman niya akong siniil kaya napaungol ulit ako.
Dinig ko na ang pagtunog ng doorknob kaya tinugon ko na ang halik ni Ezi. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko, umungol si Ezi nang tumugon ako. Hindi ko na rin tuloy alam kung ilang segundong naghinang ang aming labi. Tumigil na kasi si Ezi at hinalikan ang leeg ko, pagkuwa’y sinakop naman niya ang earlobe ko– na ikinaungol ko nang malakas. Kakaiba ang hatid kasi niyon sa akin. Pakiramdam ko, nabasa na ang underwear ko. Dagdag din kasi ang pagtulak niya sa kaibigan sa aking gitnang may saplot pa.
“Oh, Andy…” dinig kong sambit ni Ezi mayamaya.
Nawala ako sa huwisyo bigla. Umungol din ako dahil sa ginagawa niya sa ibabaw ko. Napapikit pa ako kapagkuwan.
Napamulat ako bigla nang tumigil si Ezi sa ginagawa niya.
“U-umalis na si Mommy,” bulong niya sa akin sa namamalat na boses.
Imbes na sumagot ako, lumabi ako dahil naramdaman ko ang paninigas ng kaibigan.
“E-Ezi, n-nanigas ‘yong k-kuwan mo,” wala sa sariling sambit ko na ikinaalis niya sa ibabaw ko.
Ewan ko lang kung tama ang pagkakita ko sa mukha ni Ezi. Namula iyon matapos kong sabihin iyon. Kahit na lampshade lang ang tumatanglaw sa amin, kita pa rin naman sa mukha niya dahil ang lapit lang ng mukha namin.
“N-normal lang sa aming mga lalaki ang tigasan,” aniya sabay tayo. Derederetso din siya nang pumasok sa banyo.
Saktong pagsara niya ng pintuan ang pagkapa ko sa pagitan ng hita ko. Basa na yata ang panty ko!