ANDY
“SO, gano’n ka rin? Tinitigasan?” seryosong tanong ko kay Calvin.
Nasa coffee shop kami ngayon, nagkukuwentuhan. Nagyayang mag-lunch tapos sa coffee shop lang ako dinala. Wala tuloy akong makain na heavy meal ngayong tanghali.
Tapos ayon, bigla kong naikuwento ‘yong nangyari sa amin ni Ezi magdadalawang linggo na ang nakalipas.
“Bunganga mo, Andrea! Nakapang-executive ka pa naman.” Hinagod pa niya ako nang tingin. Napasapo tuloy ako sa bibig ko sabay tingin sa paligid. Saka ko lang napagtantong halos estudyante ang naroon.
Pinagdikit ko tuloy ang aming upuan at bumulong sa kan’ya.
“Alam mo ‘yong para kang inaano? Gano’n siya sa ibabaw ko. Tapos biglang nanigas ‘yong kan’ya. Normal daw ‘yon?”
“Gaga! Sino bang hindi titigasan kung parehas kayong hubad?”
“No! Hindi kami hubad. May suot din naman. Alam mo ‘yong regalo mong coordinates sleepwear? Gano’n suot ko.”
“Ah, okay. Pero kahit na, Andy. Basta magdikit talaga ang katawan niyo, may damit man o wala, titigasan talaga asawa mo. Saka chicks ka rin naman, nga lang...” Nagbaba siya nang tingin sa katawan ko.
“Ayusin mo ang sasabihin mo, Calvin, baka mahampas kita ng upuan.”
“Wala akong sinabi.”
“Wala pa nga, pero sa isip mo, nasabi mo na.” Iningusan ko siya.
Tumitig siya sa akin pagkuwa’y ngumiti. “Ano kaya kung akitin mo ang asawa mo para mawala na ‘yang Tamaya? Tinigasan, e. Baka madala mo santong paspasan, at para mawala na rin ‘yang kainosentehan mo. Impossibleng hindi rin tigasan tigasan si Ezi kapag nakita ka niyang hubad.”
Napailing ako. “Sukang-suka nga sa katabaan ko. Sinabihan pa akong mag-diet. Kaya imposible ‘yan. Saka ‘yong nangyari sa amin, baka si Tamaya nga nasa isip niya.” Bahagya akong nalungkot.
“‘Yon lang. Mag-diet ka na nga kasi. Tutulungan kita,” suhestiyon ni Calvin sa akin.
“Sige. Kaya ko kaya?”
“Naman! Pero bago ‘yan, bar ulit tayo mamaya. Bukas ng gabi na ang alis ko, remember?”
Ay, oo nga pala. Isang linggo pala siyang mawawala kasama ‘yong girlfriend niya. Mamasya na naman sa kung saan. Taga sana all na lang ako sa gilid.
“Sige ba. Saan?”
“ZL? Para naka-discount tayo.”
“Okay.” Tumayo na ako at binitbit ang kape. “See you later. May meeting pa ako mamayang 2pm, e.”
“Okay, bye! I love you!” Kumaway pa siya sa akin mayamaya.
Sabi ko sa isip ko kanina haharapin ko na ang trabaho ko pagbalik ko, pero tinulugan ko lang. Nakakantok kasi ang init. Pakiramdam ko pagod na pagod ako nang makabalik sa opisina.
Ginising lang ako ni Norrine nang sabihin niyang magsisimula na ang meeting. Dumating na daw pala si Papa maging si Thor na pinsan ko. Kaya mabilis na nag-ayos ako ng aking sarili.
Kakaupo ko lang sa upuan ko nang may biglang pumasok sa pintuan, taong hindi ko inaasahan. Kasunod niya ang pinsan kong si Thor.
Anong ginagawa ni Ezi dito? Parte ba siya ng kompanya? Tumingin ako kay Papa na nakangiti sa akin.
‘Hindi ko siya asawa, Papa! Kung alam mo lang! Baka nasipa mo na ‘yan!’ Parang gusto ko isatinig.
Nagbaba ako nang tingin nang bumaling siya sa gawi namin. Mukhang hinanap niya ako.
Siyempre, kunwari hindi ko siya nakita.
Napakapa ako ng pisngi nang makaramdam ng kakaiba. Parang namumula ‘yong pisngi ko, uminit, e.
Tinampal ko ng dalawang beses ang magkabilaang pisngi ko. Halata pa naman kapag namumula dahil sa kulay ko.
Nanlaki ang mata ko nang may biglang dumapo na labi sa pisngi ko. Napalunok ako nang muling maramdaman ang pamilyar na pakiramdam.
Napatingin ako sa gumawa no’n.
“E-Ezi…” sambit ko bigla.
‘Bakit may pahali pa siyang nalalaman? Para lang ipakita kila Papa?’
“Ininvite ako ni Papa.” ‘Hala, hindi ko pa naman siya tinatanong, e.’
Napaayos ako nang upo, baka kasi mahalata niya. “Asawa ba kita?” bulong ko sa kan’ya na ikinangiti niya.
“Sa tingin mo?” aniya.
Sinamaan ko siya nang tingin. Tumingin ako sa unahan nang magsalita ang sekretarya ni Papa. Magsisimula na nga ang meeting namin na kasama si Ezi. Feel na feel niyang belong siya sa Hernandez.
Nagsisimula na ang meeting pero parang wala ako sa hulog. Hindi ko naiintindihan dahil hindi ako mapakali. Tumingin ako sa asawa kong hilaw. Hindi kaya dahil kay Ezi? Sa presensya niya?
Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang tingnan ang guwapong mukha ni Ezi. Pero nang mapagtanto ay pinagalitan ko ang aking sarili at nakinig na lang.
Dapat pala, si Norrine na lang ang pina-attend ko. Hindi na ako makatingin sa unahan dahil kay Ezi. Nawawala ako sa konsentrasyon, mukha niya kasi ang nakikita ko, at hindi ko mapigilan. Kaya sabi ko pagkatapos sa sekretarya ni Papa, pahingi na lang ako ng copy ng video. Documented naman kasi lahat.
Iniwan ko sila Papa at Ezi sa conference room na magkausap. Nauna na rin si Thor dahil pupunta pa siya sa isang opisina niya. Hindi naman kasi HGC ang inaasikaso ni Thor, may kompanya din siya na pag-aari ng ina niya. Kaya kung ikokompara sa amin ni Kuya Astin, siya ang pinakamayaman.
Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ko sa upuan nang pumasok si Ezi.
“Anong ginagawa mo dito?” mataray kong tanong.
“Binibisita ka. Masama ba?” Ngumisi pa siya sabay libot nang tingin sa paligid. Sabi pala ni Papa, sa bahay niyo raw tayo mag-dinner mamaya.”
Natawa ako nang pagak.
“Okay ka lang, Ezi? Tapos na tayo sa Mommy mo, kaya ‘wag mo nang pangaraping magpunta pa sa bahay namin. Magugulo na naman ang mundo mo. sigurado ako diyan.” Gumalaw lang ang kilay niya.
Saglit pa akong natigilan pagkuwa’y sinundan siya nang tingin, paupo siya sa sofa na naroon. Bigla kong naalala ang sinabi ni Calvin.
Ano kaya kung subukan ko, ano?
Tumayo ako sa kinauupuan ko na kagat ang labi. Nakasunod na siya nang tingin sa akin.
Nagbaba ako nang tingin sa kan’ya nang makarating sa harapan niya. Naka-crossed pa ang legs niya habang ang kamay ay nakapatong sa crest rail ng sofa.
‘Hay, ang pogi niya sana, kaso taken na ni Tamaya the thin.’
Ngumiti ako sa kan’ya.
“Don’t tell me, nagustuhan mo ang nangyari sa atin?” ani ko nang maupo sa kandungan niya.
“A-Andy…” Bigla niyang naitanggal ang pagkaka-cross ng legs niya.
Napahawak si Ezi nang bahagyang umangat ako. Bigla kasing umangat ang dress ko pero hinayaan ko na lang sa huli na makita ang maputing bahagi ng hita ko.
Matamis na ngiti ang iginawad ko nang mag-angat nang tingin sa kan’ya.
Iniyakap ko ang braso ko sa leeg niya sabay lapit ng mukha sa kan’ya. “What now, Ezi? Nagustuhan mo ba kaya ka lumalapit sa akin ngayon?”
“N-no. N-nandito ako para sabihin ang tungkol sa dinner. Pero kung ayaw mo, ‘wag kang pumunta,” aniya imbes na sagutin ang tanong ko. “Pakiusap, u-umalis ka sa kandungan ko.”
“Hindi pa ako tapos, dear,” ani ko ulit sabay dampi ng labi sa tainga niya.
Ginagaya ko ang ginawa niya sa akin noong nasa silid kami.
“S-stop it, A-Andy.”
Hindi ko pinakinggan si Ezi. Hinalikan ko ang lahat ng nadaanan ng labi ko. Bumaba rin ako sa leeg niya na ikinasinghap ni Ezi. Napangiti ako dahil doon. Hindi ako titigil hangga’t hindi marinig ang ungol ni Ezi kaya pinagapang ko rin ang kamay ko sa katawan niya habang abala ako sa leeg niya. Napaangat din siya nang tingin para siguro bigyang laya ako.
“Ezi, I'll kiss you.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya, sinapo ko ang magkabilaang pisngi niya at idiniin ang labi ko sa kan’ya.
Kasabay nang pagtugon ni Ezi ang paghapit niya sa akin para lalong maglapit ang katawan namin.
Ako naman ang hindi makapaniwala sa pagtugon ni Ezi. Mapusok at para bang sabik na sabik siya kaya hindi ko tuloy alam ang gagawin oras na lumalim pa ‘yon.
Nanlaki ang mata ko nang mahagip ng gilid ng mata ko ang pagbukas ng pintuan.
“Ma’am, si Mr. Enriquez–” Hindi na natuloy ni Norrine ang sasabihin dahil sa nakita niya. “I’m sorry po.” Sabay sara niya ng pintuan.
Napatigil naman si Ezi sa pagtugon sa akin. Nagtama pa ang paningin namin. Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko kaya tumayo ako inayos ang sarili.
“Kita na lang tayo mamaya sa bahay. May bisita pala ako.” Naglakad ako pabalik ng mesa ko. Kaagad kong tinawagan si Norrine at sinabing papasukin na si Zach. Pag-uusapan kasi namin ang lakad namin ngayong Friday.
Tumayo si Ezi nang makita si Zach na pumasok.
“Susunduin ba kita mamayang dinner?” tanong ni Ezi sa akin na ikinatigil ko sa paghakbang. Sasalubungin ko sana si Zach, kaso nagsalita naman siya. Napansin tuloy siya ni Zach.
“‘Wag na.”
“Mabuti naman, dadaanin ko pa si Tamaya.”
‘Eh ‘di, wow!’ Parang gusto kong isatinig.
Bumaling ako kay Zach at nakipagbeso sa kan’ya. “Maupo ka, Zach,” masuyong sabi ko nang ituro ang sofa.
Hindi ko na pinansin si Ezi kaya lumabas siya nang walang sabi-sabi.
Actually, nahiya ako sa ginawa namin, kaya kay Zach ko na lang binaling. ‘
‘Pero ano ‘yong inakto niya? Hindi man lang niya ako pinigilan, ano? Parang nagustuhan niya ang ginawa ko. O baka sadyang malibog lang siya, na kung kani-kanino na lang papatol? Hay, kawawang Tamaya kapag nagkataon.’
In fairness, ang sarap sa pakiramdam pala. Lalo siguro kung umabot sa kama, ano?
Hindi sana ako pupunta ng dinner pero tumawag ang Mama ko at sinabing nauna na daw si Ezi sa akin. Napilitan tuloy akong dumalo. Pero pagkakain namin ay umakyat ako sa silid ni Ate Laura para makipag-usap. Iniwan ko na naman si Ezi na kausap sila Mama. ‘Asawa lang ang peg? Feeling close kila Mama?’
Nang makatanggap nang tawag mula kay Calvin ay nagmadali akong umalis. Hindi na ako nagpaalam kila Mama ng personal, sa text na lang. Mas lalo kay, Ezi. Bahala siya sa buhay niya.
Saktong dating ko sa ZL Lounge ang pagdagsa ng mga customer. Umakyat ako sa second floor dahil nandoon daw si Calvin.
“Disco ang pinunta mo dito, kaya aning ginagawa mo dito?” ani ko sa kan’ya.
“Hinihintay ka, malamang.” Tumayo siya at hinila ako palabas ng VIP room na inukopa niya.
Ganito siya magyaya lagi, kumukuha ng VIP room para sa amin. Para makapag-usap kami nang maayos. Masyadong maingay kasi sa labas.
“Hindi ako marunong sumayaw, Cal,” ani ko sa kan’ya nang pumagitna kami.
Deretso niya akong hinila doon kanina kaya pakamot-kamot ako.
“Galaw-galaw lang ng katawan, tama na. ‘Di mo naman kailangang mag-ala dancer sa TV,” sigaw niya sa tainga ko para marinig. Nakatayo lang kasi ako sa harapan niya, habang siya ay sumasayaw na sa harap ko.
Napatingin ako sa counter nang makitang kumaway ang pinsan kong si Dariel, kausap niya si Callen at Ian. Nakakapagtaka lang, nakangiti sa akin ang pinsan ko.
“Gu-guwapo din talaga ng mga ‘yan, ano? Hindi mo ba ako p’wedeng ilakad?” bulong ni Calvin na ikinatawa ko.
“Sira ka talaga. Hindi mo na nga kayang i-manage ‘yong dalawa mo, dadagdag ka pa! As if naman pumapatol ‘yan sa kagaya mo,”
“Tanong mo kaya?”
“Heh! Ikaw ang magtanong!” Akmang iiwan ko si Calvin nang hilahin niya ako pabalik. Napayakap tuloy ako sa kan’ya.
“Gagi ka talaga! Durog ka sa akin kapag nadaganan kita!” Tinampal ko pa ang dibdib niya.
“Don’t worry, kaya kita,” aniya sa boses na panglalaki sabay pakita ng biceps niya.
Napailing na lang ako.
Hindi pa ako nakakabitaw kay Cal nang may mapansing mga mata na nakatingin sa amin. Napalunok ako nang makita ang pagkunot ng noo niya.
Bakit nga ba nakalimutan kong nasa public kami ni Calvin? Baka makarating pa ito sa magulang namin.
“Nand’yan si Ezi,” bulong ko kay Cal. “Sa taas nga muna tayo.”
“Ay, ang OA. Hindi pa nga ako nag-e-enjoy.”
Kumawala ako kay Calvin at nagpatiuna sa kan’ya sa may hagdanan. Ngumiti lang ako kay Dariel nang makasalubong ko.
Hindi pa man ako nakakarating ng hagdan nang may pumigil sa akin. Hinila niya ako paakyat ng hagdan. Dinala niya ako sa dulong bahagi ng second floor kung saan malapit sa hallway papuntang banyo. Wala gaanong tao doon nang mga sandaling iyon.
“Basta ka na lang umalis kanina para lang makipaglandian sa kan’ya?” Tiningnan niya pa si Calvin na paakyat ng hagdan.
“Hindi ba p’wedeng nawala sa isip kong nando’n ka? Saka pakialam mo ba, Ezi? Pinapakialaman ko ba kayo ni Tamaya? Hindi, ‘di ba?” Natawa pa ako nang pagak. “‘Wag na tayo maglokohan. Hindi. Tayo. Mag-asawa.” Talagang pinagdiinan ko ang mga salitang iyon. “I know, may alam ang mga kaibigan mo sa ginawa mo. Kaya nga hindi ako pinuntahan ni Dariel para tanungin sana kung kaanu-ano ko si Cal. Samantalang dati, oo. Tama ba ako?”
Saglit na natigilan si Ezi.
Nagbaba ako nang tingin sa kamay niyang nakahawak sa aking braso.
“Bitawan mo ako, Ezi,” kalmado kong sabi. “Hinihintay na ako ni Calvin. Mahaba pa ang gabi, marami pa kaming gagawin na dalawa.”
Sa inis ko kay Ezi dahil sa panghihila niya sa akin, napainom tuloy ako ng alak. Talagang sinulit namin ang gabing iyon. Sa loob ng silid na iyon kami naglagi at ginawang discohan. Para na kaming tangang sumasabay sa tugtog mula sa labas.
Napatigil kami sa pagsasayaw nang may kumatok. Baka ang inorder ko ulit na alak. Pero hindi ko maiwasang mainis nang sabihin hindi na daw p’wedeng umorder.
“B-babayaran ko naman, a? S-saka isa ang Papa ko sa may-ari nito, kaya anong bawal ka diyan?” ani ko sa staff na bumungad sa amin.
Sinapo ko ang ulo nang makaramdam nang pagkahilo. Sa tingin ko, dahil ito sa pagsayaw-sayaw namin ni Calvin.
Napakamot tuloy ng ulo ang staff sabay lingon. Saka ko lang napagtantong may tao sa likuran niya.
“‘W-wag mong sabihing i-ikaw nag-utos?” namumungay ang mata ko nang tumingin sa kan’ya.
“Uhuh. Iuuwi na kita, Andy. Tingnan mo ang sarili mo.” Tumingin pa siya sa relong pambisig niya. “”
“N-no! S-si Calvin ang mag-uuwi sa akin!” Sabay sara ng pintuan. Dinig ko ang ilang katok ni Ezi pero hindi ko pinansin.
Bago pa man ako makarating sa upuan ay tinaas ni Calvin ang telepono ko.
“Ang asawa mong hilaw.”
“Patayin mo.” Pinatay nga ni Calvin pero muli na namang tumawag si Ezi nang makarating ako sa upuan.
Padaskol na naupo ako at kinuha ang telepono. Tumingin ako kay Calvin.
“Sagutin ko tapos ungol ka, huh? Tapos pangalan ko ang iuungol mo.”
“What? Okay ka lang?”
“Ayaw mo? Sige, pangalan mo na lang iuungol ko.”
“Dinadamay mo talaga ako sa gulo niyo, Andy!”
“Matagal ka nang damay. Ang alam niya, nobyo kita.”
“What?!”
“Oo.”
“Kaya pala gano’n siya kagalit sa akin nang makita niya ako sa bahay niyo.”
“Ssshhh!” ani ko at tinaas ang telepono.
Pagkasagot ko ay pinakinggan ko muna siya.
“Patapusin mo lang ang bilang ko ng sampu, Andrea. Sisirain ko ‘yang pintuan at kalad–”
“Ohhh, sh*t, Cal! Ang sarap” ungol ko na ikinatigil ni Ezi. “Sige pa— ohhh.”
“Damn!” huling sambit ni Ezi bago siya nawala sa linya.
Napahalakhak naman ako pagkakitang tapos na ang tawag. Para tuloy akong nababaliw sa kakatawa. Ang tagal bago ako tumigil. Parang nawala tuloy ang pagkalasing ko dahil sa kalokohan ko.
Iling naman ang ginawa ni Calvin habang nakatunghay sa akin na hindi na matigil sa kakatawa.