Chapter 4: Kiss

2438 Words
-EZIAH CLARK “WALA pa bang tawag mula sa opisina ng asawa ko?” tanong ko sa kasambahay namin pagkaupo sa magarang sofa namin. Nasa Bulacan ako ngayon at pinapatawagan kasi ni Mommy sa akin si Andy dahil hindi nga kasi nakasama sa akin. Hindi ko na siya makontak mula kahapon matapos niyang mag-walk out. Tinamaan lang naman ako sa mga sinabi niya kaya hindi ko na ako nakaimik. Anong magagawa ko kung nandito na kami sa sitwasyong ito? Siya naman ang nagdala nito dito sa akin, kaya parehas kaming responsable sa mga nangyayari sa amin. Sinimulan niya kaya tatapusin ko nga. Para hindi na rin ulitin ni Andy ang isip batang desisyon– este padalus-dalos Gustong-gusto pa naman ni Mommy si Andy noon pa man. Lagi na niyang naibibida sa akin ang asawa ko– mali, si Andrea pala. Natunghayan kasi nila ang paglaki ni Andy dahil nga sa magkaibigan ang pamilya namin noon pa man. Hindi ko na rin sinama si Tamaya dito sa Bulacan. Baka mag-isip pa si Mommy nang masama. Minsan pa naman, nadulas si Tamaya sa pagtawag sa akin ng endearment namin kaya hindi talaga p’wede. “Wala daw po, sir. Kumain daw po sa labas kasama ang kliyente niya. Tapos deretso din daw po attend ng party si Ma’am.” “Damn! Kailan pa nagka-party ng hapon?” ani kong napalakas ang boses. Ang sabihin niya, ayaw lang niya akong kausapin. “Tapos sabi pa nang nakausap ko, sir, aakyatin daw ni Ma’am ang pinakamataas na bundok dito sa Pilipinas sa susunod na araw, kaya ‘wag na daw po kayong magtangkang tumawag.” “What?! Sinabi niya ‘yon?” “Sekretarya lang po yata ‘yon ni Ma’am. Pero parang may bumubulong sa kan’ya. Baka nakikinig po si Ma’am.” Ngumiti ang kasambahay namin. “Sabihin mo nga sa akin, Ezi. Ano na naman ba ang ginawa mo kay Andrea?” Napalunok ako nang marinig ang boses ni Mommy. ‘Lagot na!’ “Akala mo hindi ko alam na nagkakaproblema kayo? Ang sabi ni Kendra, hindi ka na daw dumadalaw sa kanila, gano’n din si Andy. Bakit ba?S” “M-mom, may hindi lang napagkasunduan kaya hindi siya nakasama sa akin ngayon. Normal na po sa mag-asawa ‘yon. Alam niyo po ‘yan.” “‘Wag nga ako, Ezi. Hindi gan’yan ang Daddy mo mula nang magsama na kami. Hindi ‘yan matutulog na hindi ako nilalambing. Hala, magbihis ka na at sosorpresahin ko si Andy sa bahay niyo. Sakto lang ang dating natin kapag umalis tayo kaagad ngayon.” Napalunok ako sa sinabi ni Mommy. “S-seryoso, Mom? Pupunta ka sa bahay?” “Yes. Two weeks lang naman. Pero kung hindi pa kayo okay, aba’y mapipilitan akong mag-isang buwang stay doon, gaya nang napag-usapan natin nakaraan. Busy din ang Daddy niyo kaya abalahin ko na lang sarili ko sa inyong dalawa. Kailangan na nating pag-usapan kung kailan niyo ba kami p’wedeng pagbigyan sa apo. Kaya tawagan mo si Andy na pupunta ako ngayon. Gusto ko rin siyang makasalo ngayong hapunan.” Napatanga na lang ako kay Mommy matapos niyang sabihin iyon. Pagkatalikod ng ina ay kaagad kong idinayal ang numero ni Andy. Hindi siya sumagot kaya tinadtad ko siya nang text, maging chat sa inbox niya. Kaya wala pang sampung minuto napatawag na si Andy. Madali kong tinungo ang silid ko at sinagot ang tawag niya. “Mamumundok pala, huh?” ani ko sa nang-aasar na himig. “Totoo naman, a! Kahit i-fax ko pa ang schedule ko sa mga susunod na araw. Hmp.” Natigilan siya mayamaya. “Totoo bang sinabi mo?” “Kukulitin ba kita kung hindi? Kahit tawagan mo pa si Mommy. Actually, nakapag-ayos na siya ng gamit niya, at nagbibihis na lang din yata siya.” “My God! Akala ko, nakaligtas na ako sa kalokohan mo, Ezi! Eh, kung si Tamaya the thin kaya ang ibahay mo diyan?” “Andy!” “Nag-usap na kasi tayo tungkol dito, e. Ayoko na nga, Kuya Ezi.” Natigilan ako nang marinig ang salitang Kuya mula sa kan’ya. Parang hindi na ako sanay na tinatawag niya nang ganon. Parang hindi na ako sanay. Mas gusto ko din na Ezi ang itawag niya sa akin. “Kaya nakikiusap ako, Kuya. Aalis pa naman ako bukas. Kailangang maaga akong makarating sa pupuntahan ko. Nakakahiya kung hindi ko siputin si Zach, ‘di ba? Nagmagandang loob pa naman ‘yong tao na samahan ako, tapos iindiyanin ko?” Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. ‘So, ‘yong Zach Enriquez pala ang kasama niya sana?’ Napangisi ako sa naisip. Tutal hindi ko nakasama si Tamaya ngayon, gagantihan ko siya. ‘Pero teka, ‘di ba, may Calvin pa siyang ka-I-Love-you-han?’ ‘Andy!’ biglang sigaw ko sa aking isipan. “Wala ka nang magagawa, Andy. Nag-aayos na si Mommy at luluwas na kami mayamaya.” Pinatay ko na kaagad ang linya para hindi na marinig ang sasabihin ni Andy. Lumapad din ang ngiti ko mayamaya. Kahit papano, nakaganti rin ako sa wakas kay Andrea. -ANDY INIS na inilapag ko ang telepono ko. Tumingin pa ako doon. ‘Talagang binabaan niya ako? Wow, huh! Bwis*t ka, Eziah! Kung ano ang ikinabanal ng pangalan mo, siyang ikinasama at ikinabastos mo!’ Napabuntonghininga ako nang marahas. Akala ko, hindi na pupunta dito si Tita Maia, since bumisita na doon si Ezi. Sa pagkakaalam ko, hindi na sinama ni Ezi si Tamaya dahil wala nga ako. ‘Buti nga kaya Tamaya the thin!’ Pero bakit biglang nagbago ang desisyon ni Tita? Kausap ko siya kanina, e. Kanina lang, parang ayaw niyang pumunta sa amin. Tumunog ang telepono ko kaya napatingin ako doon. Binasa ko ang mensahe ni Ezi nang makita ang pangalan niya doon. Napailing na lang ako sa sinabi niya. Gusto niyang ipalipat sa akin ang mga damit niya sa silid na ginagamit ko. Uminit ang ulo ko bigla pero wala na naman akong magagawa dahil mabubuko kami. ‘God, ayaw kong ma-stress si Mama ngayon.’ Pero kung sakaling sinabi na ni Ezi sa Mommy niya, papakiusapan ko na lang si Tita Maia na ilihim kila Mama, hindi biro ang pinagdadaanan ngayon ni Mama na pagkalungkot dahil kay Kuya Astin. Hinigit ko ang bag at nagpaalam na kay Norrine na uuwi na. Tatawag naman ‘yan sa akin kapag may problema dito sa office. Saka well-trained naman siya ni Papa kaya ayos lang na umalis ako ngayon. Pero rin niyang puntahan si Thor, ang pinsan ko kung kailangan nila ng urgent signature ko para sa mga papeles na mga kailangan. Gusto ko mang magpatulong sa paglipat ng mga gamit ng asawa kong hilaw, pero hindi ko magawa. Baka makarating pa kay Tita Maia. Ang hirap talaga kapag nagkukunwari lang. Pero bakit nga ba pumapayag akong magpaloko kay Ezi? Dapat noon ko pa nasabi sa kanila na hindi naman talaga kami kasal ng anak niya. Napahawak ako sa aking noo. Dahil nga pala kay Mama! “Ahhhh!!!!” sigaw ko kapagkuwan. Saktong pagdating ko sa bahay namin ni Ezi, nagpadala ulit siya nang mensahe na kakaalis lang nila. Kaya naman nagmadali akong ilipat ang mga gamit niya. Basta ko na lang sinaksak sa damitan ko ang damit niya. Siya na ang bahalang mag-ayos no’n pagdating niya mamaya. Ano siya sinusuwerte, kung ako pa ang mag-aayos? Mag-asawa lang ang peg? Ang mga gamit niya sa banyo, basta ko na lang din inilipat sa akin. Sorpresa ko yan sa kan’ya mamaya. Akala niya, huh! Mahigit isang oras din akong naglinis sa kabilang silid. Sinigurado kong walang bakas ni Ezi. Baka doon kasi tumuloy ang Mommy niya. Mahirap na. Hindi rin uubra kung ila-lock. Ilang linggo kaya siya dito, kaya baka magtanong at magpumilit na buksan. Nang masigurong malinis na sa kabila ay bumalik ako sa aking silid at nahiga. Ramdam ko ang pagod nang mailapat ko ang aking likod sa kama ko. Mabilis akong iginiya ng antok nang ipikit ko ang aking mga mata. Hindi ko tuloy namalayan ang pagdating nila Ezi. Napapitlag ako nang may yumugyog sa akin. “Hey, Andy! Nasa labas na si Mommy.” Papungas-pungas akong naupo. Naka-indian sit pa ako nang mga sandaling iyon. Napatigil ako sa pagkuskos ng gilid ng mata ko nang makitang nakatitig si Ezi dibdib ko pagkuwa’y bumaba pa sa hita kong hantad. Makinis naman kahit na mataba. Hindi abot ng tuhod ang aking dress na pambahay kaya kita kapag gano’ng posisyon. “Hoy!” Tampal ko sa mukha ni Ezi. Nailang kasi ako bigla. “Mag-diet ka nga, ang taba mo,” aniya at tumayo bigla. “Wow!” Iningusan ko siya nang mapatingin sa akin. “Sabihan mo ang Tamaya mo na kumain, baka hanginin siya bigla.” “‘Wag mo ngang madamay si Tamaya dito, Andy.” “Eh, sa gusto ko, magagawa mo? Siya ang batayan mo kaya damay siya! Hu u ka sa akin ‘pag pumayat ako!” Tumayo ako at naglakad papuntang pintuan. Sinadya kong banggain siya. “Kung papayat ka, ‘di sana noon pa, Andy,” aniyang natatawa. Dinilaan ko na lang siya sabay bukas ng pintuan para lumabas. Sinara ko din kapagkuwan. Naalala kong lalabas siya kaya hinawakan ko ang doorknob para hindi niya mabuksan mula sa loob. At ilang sandali lang ay narinig ko ang boses niya, tinatawag niya ang pangalan ko. May pagbabanta pa. “Damn you, Andy! Hintayin mong makalabas ako!” Hinigpitan ko ang pagkakahawak gamit ang dalawang kamay kaya nahirapan siya, pero binitawan ko din, dahilan para mahila niya sa loob at… “Ouch!” dinig ko ang daing ni Ezi. Napangiwi ako nang makita ang isang paa niya sa sahig. Mukhang natumba yata dahil sa biglang bitaw ako no’ng pintuan. “Sorry!” ani ko sabay takbo. “Andrea!” “Hi, Tita– Mommy!” masayang sabi ko sabay kaway sa kan’ya. Buti na lang nandito si Tita. “Oh, na-missed kitang bata ka. Ang ganda-ganda mo pa rin.” “Masarap po mag-alaga si Ezi, nakaka-ganda,” biro ko na ikinangiti ni Tita Maia. Lumingon ako sa pintuan ng silid namin ni Ezi. Kita ko ang paghawak ni Ezi sa bewang niya. Base rin sa buka ng bibig niya nagmumura siya. Bago siya tumingin sa gawi namin ng Mommy niya ay inalis ko na ang tingin ko sa kan’ya. Hindi nman siya makakaganti sa akin dahil nandito ang Mommy niya. Sa paraang iyon, makaganti man lang ako sa ginawa niya sa akin. Tinulungan ko si Tita Maia sa kusina nang mag-presinta siya na magluluto para sa pagkain namin. Sabi ko, umorder na lang kami, kaso ayaw niya, siya daw magluluto para sa hapunan namin. Nahiya naman ako kaya tinulungan ko na. Nasa hapag na kami nang magkatinginan kami ni Ezi. Sinipa ko ang paa niya mayamaya sa ilalim ng mesa dahil mas nauna niyang asikasuhin ang sarili niya. Nginuso ko ang plato kong walang laman. Gusto kong lagyan niya ng pagkain para masabi ng Mommy niya na sweet ang anak niya sa akin. Pero ang totoo niyan, gusto kong asarin si Ezi. Nahulaan ni Ezi ang ibig ko kaya napangiti ako sa loob-loob ko. Matamis na ngiti ang iginawad ko kay Tita Maia nang tumingin siya sa amin. “Bagay talaga kayo, mga anak. Kaya hindi ako nagkamali noon sa Daddy niyo na baka mahulog kayo sa isa’t isa,” masuyong sabi ni Tita. Ngiti lang ang ginawa ni Ezi sa ina. “Talaga po? Ibig sabihin, matagal niyo na pong gusto ako para sa anak niyo?” Tumingin ako kay Ezi. Mukhang ayaw niya sa isasagot ng ina niya. “Oo. Kahit noong mga bata pa kayo, anak.” “Wow.” Hinawakan ko ang kamay ni Ezi. Nagpumiglas siya kaya inapakan ko ang paa niya para tumigil. Nagtama ang paningin namin kaya sinamantala kong lakihan ang mata para alam niyang binabantaan ko siya. “Talagang tinadhana tayo, dear. Sa tingin mo?” masuyong sabi ko kay Ezi. “Y-yeah,” aniyang halata ang inis nang tumingin sa akin. “Mabuti na lang at nahanap niyo ang isa’t-isa, anak.” Pinisil ni Tita ang kabilang kamay ni Ezi. Hindi tuloy alam ni Ezi kung ngingiti o sisimangot sa ina. Kung nandito siguro si Tamaya baka nainis na ‘yon. Sayang, maganda sana pagselosin ‘yon. Pinagpahinga na ako ni Tita Maia pagkatapos naming kumain. Pumasok na lang ako sa aking silid para harapin ang hindi ko natapos kanina sa opisina. Bukas na raw kami mag-tsismisan, ‘yan pa ang termino ni Tita nang sabihin niya iyon. Si Ezi, ang pinaghugas ni Tita ng pinggan at pinagligpit nang ginamit namin kanina. Nasa harap ako ng laptop ko nang pumasok si Ezi. Hindi ako tumingin sa kan’ya pero alam kong papalapit siya sa kama. Nasa gitna pa naman ako. “Saan ako matutulog?” aniya. “Sa sahig. May extra mat diyan, d’yan ka mahiga,” sagot ko na hindi nakatingin sa kan’ya. “Hindi ba sasakit likod ko d’yan?” “Ngayon hindi. “Pag gising mo, mararamdaman mo.” Hindi pa rin ako tumitingin sa kan’ya. “Damn! ‘Wag na lang. Dito na lang ako sa tabi mo.” Doon na ako napatingin sa kan’ya. Naupo siya sa tabi ko. Pumasok din siya sa kumot ko. “Seryoso ka? Baka makalimutan ko, magapang kita. Mamili ka,” nakangiting sabi ko. “As if naman nanggagapang ka. Ilang beses na kitang nakatabi, tulog mantika ka,” aniya sabay higa. Well, noon ‘yon! Ngayon, hirap na ako makatulog. Tapos konting galaw lang sa akin, gising agad ako. Pinagkasya lang niya ang sarili sa tabi ko. Tumagilid nga lang siya dahil okupado ko ang halos sa kama. May space din sa kabilang gilid ko. Napangiti ako nang makitang pumikit na siya. Wala sa sariling inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Takot din siya sa ipis at gagamba kaya nakaisip ako nang kalokohan para istorbohin siya. “May ipis sa paa mo, Kuya. Tapos may gagambang pababa mula sa kisame,” bulong ko na ikinamulat niya bigla. Natawa ako sa loob-loob ko. Sabi na. Tumingin siya sa kisame at sa paahan niya. Wala siyang makita kaya napalingon sa akin kapagkuwan. Pero hindi sinasadyang tumama ang labi niya sa labi ko kaya natigilan ako. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na kuryente. Maging siya rin ay natigilan. At nang magtama ang aming mata ay mabilis kaming naglayo sa isa’t isa na parang nagkakahiyaan. Katahimikan ang namayani sa amin mayamaya. Dinig ko ang pagtikhim niya. “Night, Chabita.” Sabay talukbong. Hindi na ako nakapagsalita dahil biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Tita Maia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD