-ANDY
“I’m with Mr. Enriquez,” ani ko nang salubungin ako ng isang staff ng magarang kainan na iyon sa Makati.
Hindi ko ito date, huh. Nandito ako para makipag-meeting tungkol sa expansion ng aming hotel. May location siyang ipo-propose. Sa akin nakasalalay ang isang branch ng hotel namin na ito kung sakali. Dapat kasama ko si Norrine pero walang maiiwan sa opisina namin.
“This way, ma’am.” Sumunod ako sa staff nang igiya niya ako papasok pa sa isang pintuan.
Napatigil ako sa paghakbang nang makita ang dalawang hindi ko gustong makita. Si Ezi na kumakain tapos si Tamaya na may dini-discuss base sa buka ng bibig niya. Kung titingnan sila, parang sekretarya at boss lang. Ang outfit din ni Tamaya, pang-opisina lang din. Walang bakas na may relasyon sila, ang galing lang talaga.
Umiwas ako nang tingin nang mapansin ang pagbaling ni Ezi sa gawi ko. Ngumiti ako sa staff at tumingin kay Mr. Enriquez na masuyong naghihintay sa akin.
“I’m sorry, late ako,” ani ko sa kan’ya.
“Don’t worry, kararating ko lang din dahil sa traffic.”
“Super traffic nga. Thank you,” ani ko nang ipaghila niya ako ng upuan.
Nagsimula na nga si Mr. Enriquez pagkaupo ko dahil parehas kaming may appointment din ng alas tres. Ipinakita niya sa akin ang pino-propose niyang lugar para sa hotel namin sa Cebu. Kagaya ng Hotel De Astin sa Caramoan, malapit sa dagat. Malawak at maganda naman pero kailangan ko pang i-present sa board. May mga pinasa sila sa akin, hindi ko nagustuhan dahil malayo masyado sa dagat. Gusto ni Mama, kagaya lang ng sa Caramoan at sa ibang existing na branch namin.
Masyado nang naukupa ng meeting ang aking sarili kaya hindi ko namalayan ang paglapit ni Ezi sa amin, kasunod niya si Tamaya.
“Yes?” ani ni Mr. Enriquez.
“Oh, I’m sorry. Mr. Enriquez, meet my husband, Eziah Clark Davis. My dear, si Zach Enriquez nga pala.”
“H-hi, Mr. Davis. Totoo nga palang ikinasal na si Miss Andrea.”
“Hi.” Walang nagawa si Ezi, nakipagkamay siya ng pilit.
“Yeah. Six months ago na,” sagot ko sa sinabi ng ka-meeting ko. Tumingin ako kay Tamaya sabay ngiti ng matamis. Kita ko ang pag-ingos niya.
“Can we talk, Andy?” ani ni Ezi sa akin.
“Can’t you see, dear, may ka-meeting ako? Later na lang sa bahay. Okay lang ba?”
Bumuntonghininga siya kapagkuwan. “Okay.”
Akmang tatalikod siya nang magsalita ako. “I love you,” masuyo kong sabi na ikinaawang niya ng labi.
Tumaas ang kilay ni Tamaya sa narinig.
“Dear?” untag ko kay Ezi na hindi alam ang sasabihin.
“I-I love y-you t-too.” Sabay tingin kay Tamaya na nag-walk out na.
Talagang tutugon si Ezi dahil nandoon ang pinsan ko sa kabilang mesa, si Thor. Alam kong nakita niya iyon kanina pa. Nawala lang sa isip kong pansinin ang pinsan ko dahil abala din siya sa kausap.
“Uh, ang sweet talaga ng asawa ko. Bye!” ani ko at nag-flying kiss pa sa kan’ya.
Tumingin ako kay Mr. Enriquez na nakangiti sa akin. Tumalikod na noon si Ezi. Nahagip din ng mata ko ang dalawa sa parking lot, mukhang nagagalit si Tamaya sa sinagot ni Ezi.
Well, nagkamali sila ng tinalo. Hindi man ako ang asawa, pero sa mata ng iba ako ang legal na asawa. At lahat p’wede kong gawin sa public kung gugustuhin. Wala akon pakialam kung mag-away sila. Ito ang gusto nila, ang ipamukha sa iba na kasal kami ni Ezi, ayan, paninindigan ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa loob-loob. Nagdiwang din ang aking kalooban dahil nakaganti ako kahit papaano.
Tumingin ako kay Thor nang kumaway siya. Nag-sign language pa siya, kumain na daw ako. Yeah, food is life kasi sa akin.
Pagkatapos naming magkasundo ni Mr. Enzriquez ay humingi ako ng copy ng video niya at bumalik na ng opisina. Tinapos ko rin ang ilang pipirmahan bago magsimula ang meeting ko ng alas tres.
Hindi pa man nagsisimula ang meeting nang makatanggap ako ng text mula sa aking asawa– I mean kay Ezi. Nagdesisyon tuloy ako na umuwi sa bahay namin.
Namin? ulit ko sa isipan ko.
NAPAPIKIT ako nang marinig ang slowrock na musikang pumailanlang sa buong kabahayan. Ang sarap lang pakinggan kapag gabi.
Nandito na naman ako sa bahay namin ni Ezi. Nakatanggap kasi ako ng mensahe mula sa kan'ya na dadalaw ang magulang niya kaya ayon, nandito na naman ako sa mansyon namin, nag-iisa. Malapit ko nang tawagin ang mga mumo para may makausap naman ako.
Sinabay ko ang ulo sa awitin. Nakasandal ako sa sofa habang ang mahabang buhok ko ay nakasampay. Sinabayan ko rin paminsan-minsan ang awitin. Pero napatigil ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan.
Nilingon ko ang pintuan at tiningnan kung sino ang pumasok. Though alam ko naman kung sino lang p’wedeng pumasok nang ganoong oras. Naka-lock din iyon kaya ang may hawak na susi lang ang p’wedeng makapasok doon.
Muli na lang akong pumikit para magkunwari na hindi ko alam ang pagdating niya. Pero napamulat din ako nang maupo siya sa tabi ko.
“Sasama ka sa akin bukas.” Talagang paladesisyon si Ezi, noh?
Nilingon ko siya. Napakunot ako nang mapansing namumula siya. Mukhang nakainom tapos namumungay pa ang mga mata.
“May pasok ako bukas,” ani ko.
“So am I.”
“Eh ‘di walang pupunta. Gano’n lang ‘yon.”
“Mamili ka, dito sila titira ng isang buwan o tatlong araw tayo doon?”
“What? Isang buwan?” Humarap ako sa kan’ya.
“Yeah.”
Napatingin siya sa labi ko nang hindi sinasadyang napanguso ako.
“Okay. Sasama na ako bukas. Good night!” Sabay tayo ko.
Nang maalala ang tugtog ay nilingon ko siya. “Papatayin ko ba o makikinig ka pa?” Tinuro ko ang speaker na tumutugtog pa.
Hindi siya sumagot. Basta na lang siya nakatingin sa akin kaya ako na ang nagdesisyon.
“I think papatayin ko na. Night!”
Wala na akong narinig mula sa kan’ya kaya umakyat na ako at naghanda ng gamit.
Nasa Bulacan ang magulang niya kaya magdadala ako ng damit. Malayo. Saka tatlong araw kami doon. Tatlong araw kaming maglalandian sa harap ng magulang niya– I mean magkukunwari. Pero p’wede din kaming maglandian kung gusto niya.
Napangiti na naman ako sa mga naisip ko. Actually, p’wede kong gamitin ang pagkukunwari namin para malandi siya ng todo.’Yon ay kung wala pa siyang balak na sabihin sa magulang niya.
Pero kung magkabukuhan? Sasabihin ko lang naman na wala akong alam sa ginawa ni Ezi. Kahit ako ay nasorpresa. . O, ‘di ba?
Sa hindi gaanong kalakihang bag ko inilagay ang mga damit ko. Hindi naman kailangan na maleta dahil iiwan ko rin kasi ang mga ginamit ko doon. Saka baka magyaya agad si Ezi na bumalik kami. Si Ezi pa!
Kakapikit ko lang nang maramdaman ang pagbagsak sa tabi ko. Kasabay niyon ang pagdantay ng kamay sa beywang ko. Nakatagilid pa naman ako nang mga sandaling iyon.
“E-Ezi, ang kamay mo,” ani ko.
Wala akong narinig na sagot dahil hilik na ang sumunod.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya pero napasinghap ako nang muli niyang ibinalik. Nakailang ulit yata ako na tanggal ng kamay niya pero ibinabalik lang niya.
‘Yong totoo, tulog ba ‘siya, o nagkukunwari lang?
Mukhang ayaw naman niyang tanggalin kaya hinayaan ko na lang. Inaantok na rin kasi ako.
Kinabukasan, nagising akong wala na sa tabi ko si Ezi. Buti na lang dahil baka ano pa ang isipin niya dahil sa pagpayag ko na dumantay ang kamay niya sa beywang kong mabilbil. Pero maganda naman ako. Mas maganda ako kay Tamaya the thin.
Sa kusina ako dumeretso pagkatapos maligo. Mag-aalas otso na nang umagang ‘yon.
“Maupo ka na.”
Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya.
“Ako?” ani ko sabay turo sa sarili ko.
“May iba pa ba tayong kasama?”
“Mumo,” ani ko sabay upo sa upuan. “Thank you,” dugtong ko pa.
“Ikaw magsandok para sa sarili mo,” aniya na ikinataas ko ng kilay.
“Aw. Okay. No prob, dear!”
“Stop calling me, dear, Andy.”
“Nagpa-practice lang, ‘to naman.” Umingos ako sabay kuha ng sinangag na kanin. Kumuha na rin ako ng itlog pagkuwa’y bacon.
Pasado alas diyes na nang umalis kami sa bahay. Pero hindi ko maiwasang mainis nang huminto kami sa labas ng isang subdibisyon.
“May hinihintay ba tayo?” Baling ko kay Ezi.
Hindi na siya nakasagot dahil may biglang kumatok sa bintana ng sasakyan.
Napabuga ako ng hangin nang makilala ang babaeng nasa labas ng sasakyan.
“Saan ako?” tanong ni Tamaya kay Ezi nang bumukas ang bintana.
Tumingin sa akin si Ezi kaya lalo akong nainis. Parang gusto pa niyang sabihing sa upuan ko uupo si Tamaya.
Pumikit ako pero nagmulat din. “Girl, dito ka na sa pwesto ko. Bababa ako.”
Gigil na binuksan ko ang pintuan at nilingon si Ezi na nakaawang ang labi.
“Enjoy,” ani ko sa mapakla sabay baba ng sasakyan. Binuksan ko ang likuran at kinuha ang bag ko.
“Where are you going, Andy?!”
“To the moon!” inis na sagot ako at nagpara ng sasakyan pero nilagpasan lang ako dahil may sakay iyon.
Nakahinga ako nang maluwag nang huminto sa akin ang isang taxi.
Akmang bubuksan ko ang pintuan nang may pumigil sa akin. Alam ko naman kung kaninong kamay ang pumigil sa akin.
“Bitawan mo ako, Ezi,” matigas kong sabi.
“Nag-usap na tayo tungkol dito kagabi, Andy. Kaya sasama ka sa akin.”
“Excuse me, may kasama ka na, oy!” Tinuro ko si Tamaya na naghihintay. “Kaya ano pang gagawin ko do’n?”
“Ikaw ang inaasahan ni Mommy. Kaya dapat–”
“Stop!” putol ko sa mga sasabihin niya. “I’m sorry, Ezi. Hindi na ako sasama.” Mapakla akong ngumiti. “Hindi ako martir, Ezi. Hindi. Okay? Oo, kasalanan ko ito, pero hindi ko deserve na gawing tanga sa harap ng magulang mo o ng kahit sino. Hindi naman ako ang sinasaktan mo dito, ang magulang ko. Alam mo kung gaano nila ako kamahal. Tapos… malalaman nilang gaganituhin mo ako? Hindi nila tatanggapin.” Umiling-iling pa ako. “Kaya itigil mo na ito, Ezi.”
“A-Andy…”
“Kung tutuusin, dapat wala ako dito dahil hindi naman tayo kasal. Pero ano? Nandito ako. Nandito ako dahil aminado naman ako sa kasalanan ko, kaya nagpapakatanga ako, maipakita lang na kaya ko ang larong pinasok ko. Pero may hangganan lang pala ako. Suko na ako, Ezi.”
Hindi pa rin niya alam ang sasabihin nang mga sandaling iyon.
“Iharap mo na si Tamaya sa magulang mo, para maging masaya ka na. Tatanggapin at tatangapin ka naman nila, e, lalo na si Tamaya. Pinili mo siya kaya talagang tatanggapin nila dahil mahal ka nila. ‘Wag mo akong isipin. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Mama at Papa.”
Napapikit ako nang maalalang may pinagdadaanan pa pala si Mama. Naaawa na ako sa kan’ya. Tapos heto, dumagdag pa ako.
Tinampal ko ang dibdib ko dahil pakiramdam ko may pumipiga sa puso ko. Ngayon pa lang, nasasaktan na ako para kay Mama.
“I-I’m so sorry, Ezi,” sinsero kong sabi. “Sa lahat. Sorry,” inulit-ulit ko pa. “I mean it.”
Nakatitig lang sa akin si Ezi nang mga sandaling iyon.
Naramdaman ko ang pagluwag ng kamay niyang nakahawak mayamaya kaya binawi ko ang braso ko.
Tumingin ulit ako kay Tamaya kapagkuwan.
“Good luck sainyo.”
Ngumiti ako sa kan’ya bago sumakay sa taxi.
Naikuyom ko ang mga ngipin ko nang makalayo ang sinasakyan ko sa lugar na iyon. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko nang mga sandaling iyon. Pinipigilan kong ‘wag umiyak dahil hindi nila deserve ang luha ko.
Nasasaktan talaga ako para sa Mama ko ngayon pa lang.
“Manong, p’wede po bang sumigaw?”
Nilingon ako ng driver. “Sige, sumigaw ka lang, hija.”
Nang marinig ang paglakas ng tugtog sa radyo ay doon ko pinakawalan ang malakas na sigaw.
Naiinis ako sa sarili ko, sa kagagahan ko!