CHAPTER 2: HE'S ANGRY

2751 Words
“MA’AM, NASA LABAS po ang asawa niyo.” Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang sinabi ng sekretarya kong si Norrine. “A-asawa ko?” ani kong nakakunot pa ang noo. “Si Sir Eziah po,” “Ah,” biglang sabi ko nang maalala. Sa isip ko kasi, wala akong asawa. Oo nga pala, mahigit limang buwan na kaming naglolokohan ni Ezi. Pati pamilya namin, niloloko niya. Basta, labas ako kung sakaling magkabukuhan. Si Ezi ang may kasalanan, hindi ako. Wala pa ring alam ang mga ito na walang kasalang naganap, at tanging palabas lang iyon ng magaling kong asawa na si Ezi. Yeah, naisahan niya ako doon. Pero makakahanap din ako ng paraan para makaganti sa asawa ko. Kaya humanda siya sa akin. Pero sa totoo lang, nasaktan ako sa ginawa niya, kaya ipaparanas ko sa kan’ya ang ipinaranas niya sa akin. I know naman na wala siyang gusto sa akin. Pero sana, hindi na lang siya sumipot kung ayaw niya pala. Talagang hinayaang pa niyang magmukhang tanga ang magulang namin pati ang mga bisita namin. Hindi pa nga ako nakaganti sa pagtawag niya sa akin ng Chabita, dinagdagan niya agad. “Ahhh!” biglang sigaw ko sa sobrang inis ko. Nagulat pa si Norrine sa sigaw ko. “Sabihin mo, busy ako. May kausap akong investor, at bawal akong istor– ” “Narinig kita, Andrea.” Napapikit ako nang marinig ang tinig ng lalaki na sumagot. “Sa loob ng limang buwan na pag-iiwas mo, nahuli rin kita,” ani ni Ezi sabay ngisi. “Yeah, nahuli mo rin ang matabang isda,” ani kong walang buhay. Tumingin ako kay Norrine. “Maari ka ng lumabas, Nor.” Kaagad namang tumalima si Norrine. Si Ezi naman, pumasok na naupo sa gilid ng mesa ko. “Busy, huh?” “Yes, super. Ikaw?” ani kong may pagkasarkastiko. “Busy din. Pero dahil sa kakatago mo, ang dami kong pending. At gusto kong pagbayaran mo iyon, Andrea. Pumunta ka mamaya sa bahay dahil hinihintay ka ni Mommy.” “Ows? Ako talaga ang pinapapunta niya? Bakit hindi mo dalhin ang sekretarya mo, si Tamaya, your love, huh?!” hindi ko pa rin inaalis ang pagka sarkastiko ko. Napatingin si Ezi sa likod niya. “Lower your voice, Andrea!” “Oh, I’m sorry. Me and my big mouth.” Tinampal ko pa ang mapupulang labi ko sa inis ko. “If I were you, umalis ka na. Okay? Kahit na mahilig ako kumain, hindi ako mahilig manood ng cooking show.” Ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko. May palabas na naman kasing magaganap malamang, at sa harap ng magulang niya, kaya ayoko nang makipaglokohan. Gaganti ako kay Ezi sa ibang bagay. Dito kasi sa pinasok ko, dehado ako. Aminado naman ako. Nire-review ko pa ang proposal na ginagawa ko para sa bagong project namin kaya ibinalik ko ang atensyon ko doon. Kailangan ko nang mapakita iyon kay Papa bago siya umalis ng Maynila. As usual, inutusan na naman ni Mama para tingnan si Kuya. “Damn!” dinig kong sabi ni Ezi. Nag-angat ako ng tingin sa kan’ya. Ang guwapo niya talaga pero nagmumukhang pangit dahil sa kasalanan niya sa akin. Hindi naman ako bato para hindi masaktan. Oo, ako ang nagsimula nang laro na ito, pero hindi ko pa rin deserved ang ginawa niya sa akin. “Damn you too!” Umawang lang ang labi niya nang tumingin sa akin. Mukhang ayaw niyang umalis kaya tumalikod ako habang binabasa ang ginawa ko. Ilang sandali lang ay narinig kong tumunog ang telepono ko kaya bumaling ako para kunin iyon. Napaawang ako ng labi nang makitang nakahiga si Ezi sa sofang naroon. Feel na feel lang? Nakatingin siya sa akin kaya iningusan ko siya. Kaagad na sinagot ko ang tawag nang mabasa ang pangalan ng caller. “Hi, Cal! Napatawag ka?” “I need your help, Andy. Please?” “Bakit? Ano bang nangyari?” “I’m doomed.” ani pa niya. “Bakit nga?” Buntonghininga ang sinagot niya kaya napataas ang boses ko. “Calvin, you’re wasting my time here!” “N-nahuli niya kami ni Sally. Tapos… he broke up with me,” malungkot na sabi ng kaibigan ko sa kabilang linya. Isang bisexual si Cal. Pumapatol sa babae, gano’n din sa lalaki. At ‘yan ang problema niya ngayon. Nahuli ng boyfriend niya. Kaya tigok siya ngayon. “Ang tanga mo, Cal. Promise! Pero bagay lang ‘yan sa ‘yo, sinungaling at manloloko ka kasi.” Kay Ezi ako nakatingin, alam niyang siya ang pinapatamaan ko rin. Tinaasan lang niya ako ng kilay. “Ouch!” “Kumusta ka na ngayon?” “I’m not okay. Can you come?” “Bayad muna siyempre.” “Okay. How much?” “Hindi pera. Gusto ko ng specialty niyo sa restaurant,” ani ko sabay labi. Ngumiti rin ako. Ilang linggo ko ng hindi natitikman ang seafood kaya naglalaway na ako. Napalis ang ngiti ko nang makita si Ezi na nakasimangot. “Deal. Don’t forget to bring beer, Andy. Bye, love you!” “Bye! Labyu too! See ya!” ani ko sa malanding himig. Wala akong balak na pagselosin ang mokong na nasa sofa dahil hindi naman siya kailanman magseselos. Tinugon ko lang ang kaibigan ko para maipakita naman kay Ezi na meron din akong ka-i love-you-han. Huh! Akala niya, siya lang? Hello?! Ako rin meron! Tumayo ako ako hinigit ang shoulder bag ko na bagong bili ko lang. Branded, kaya dinsiplay ko agad. “Pakisara nang pintuan pagkalabas mo. Mauna na ako kasi may lakad ako. Babush!” “You’re coming with me, Andy!” ani ni Ezi na sumunod sa akin. “I’m afraid I cannot, my dear husband.” Tumingin ako kay Norrine at ngumiti. “May appointment ako ngayon. Please cancel my afternoon schedule. Alright?” bilin ko sa sekretarya ko. “Noted, ma’am.” Nagmamadaling iginiya ko ang aking sarili sa elevator nang makalabas ng opisina ko. Ngumiti ako sa mga nakakasalubong ko na bumabati. Nasa likuran ko si Ezi kaya binabati din nila. How sweet, nakabantay sa akin! Mabilis na pinindot ko ang button ng executive elevator nang makitang medyo malayo pa si Ezi. Dapat sa kabila siya sumakay, ‘wag dito. Ayokong makasama sa iisang sulok ang kagaya niyang may amoy babae. Dapat ako lang ang babae niya, gano’n. ‘Wait, walang kayo, Andy!’ ani ng isang tinig sa isang isipan ko. “Oo na!” naisatinig ko tuloy. Kokontra pa, e! Ang buong akala ko, hindi maabutan ni Ezi ang pagsara ng elevator, pero nagulat ako nang makita ang kamay niyang pumigil doon. Namumula kakapigil niya. Buti na lang bumukas muli. “Dapat sa kabila ka. Hindi tayo kasya dito,” ani ko sa walang buhay. Hinarap niya ako kaya napaatras ako hanggang sa mapasandal sa dingding. Napalunok ako nang dumikit ang balat niya sa balat ko. Ang dibdib ko ay tumatama na sa matipunong dibdib niya. “L-lumayo ka nga, Ezi. Baka may makakita sa atin” ani kong naiilang. Tumaas ang kilay niya sabay tingin sa camerang nasa loob. “Oh, concern ka sa mga makakakita sa atin? Ano naman ngayon? Alam nila mag-asawa tayo.” Nagsalubong ang kilay ko. “P’wede ba, Eziah Clark, hindi ako nakikipaglaro sa ‘yo. ‘Wag kang dumikit sa akin dahil baka maamoy ni Calvin na amoy lalaki ako.” Saglit na natigilan siya. Umatras naman siya kapagkuwan na naipagpasalamat ko. “So, kayo no’ng Calvin na kausap mo?” “Y-yes. Secret din, gaya niyo,” ani ko. “Nice. Good for you then,” aniya at tumabi sa akin. Sumandal siya sa dingding din. “Galingan mo din magtago, hindi ka pa naman magaling,” ani pa niya. “Ako pa ba, Ezi? Mas galingan mo dahil nasa tabi mo si Tamaya. Oras na may makakita sainyo sa opisina mo, yari ka. Eh ako? Kilala ng magulang ko si Cal dahil kaibigan ko siya at ang alam nila may girlfriend, kaya hindi sila mag-iisip ng masama sa akin. Lagi pa ngang napunta sa bahay noon kahit may girlfriend. At normal na ‘yon sa paningin nila ang realsyon namin, kaya I’m safe, Eziah.” Kaklase ko si Calvin noong kolehiyo, at lagi kong kagrupo sa mga group project at presentation kaya lagi siyang pumupunta sa bahay. Tumitig sa kawalan si Ezi mayamaya, wala na ring imik. Ako, nakataas ang noo habang nakatingin sa may pintuan ng elevator. Duh, ako, magpapatalo sa kan’ya? Hindi, noh?! ARAW nang linggo noon nang bumisita si Ate Laura sa bahay namin ni Ezi. Oo, bahay namin ni Ezi ang tinitirhan ko, pero hindi siya umuuwi dito. Ako lang. Kaya kahit na magpagulong-gulong ako, ayos lang. Uuwi lang siya kapag may ipapakita sa pamilya niya na picture kunyare na kuha sa bahay, ganurn. At siyempre, pupunta siya kapag wala ako o tulog ako. Wala kaming kasambahay kaya malaya kami sa bahay na ito. Pero sa totoo lang, malungkot kapag gabi. Tanging musika lang ang maririnig sa buong kabahayan kapag maaga ako umuuwi. Kaya nga minsan, sa condo ko ako umuuwi para hindi maramdaman ang kalungkutan. Pero kadalasan weekend lang ako sa bahay namin ni Ezi, kasi malaki ang posibilidad na bumisita sila Mama at Papa. Gaya ngayon. Buti na lang hindi nakasama si Mama kay Ate Laura dahil ilang araw nang sumasama ang pakiramdam niya. “‘Yong totoo, Andy, masaya ka ba sa buhay mag-asawa?” Napatigil ako sa pagnguya ng Pili nuts na dala ni Ate Laura nang marinig ang tanong niya. Mapakla akong ngumiti. “Minsan masaya, minsan hindi,” ani ko sa seryosong himig. “Kumusta naman ang bahay? Nagsusuka pa rin ba si Mama?” “Oo, nagsusuka pa rin siya. Pero baka bukas magpa-check up siya.” “Mabuti naman.” Hinarap ko si Ate at seryosong kinausap. “Ikaw na muna ang bahala sa kan’ya, Ate, huh? Bibisita na lang ako sa mga susunod na araw. Hindi ko lang masabi kung anong oras. Marami lang kasing ginagawa sa opisina. Saka ayaw naman niya sabihin sa akin na may sakit siya kaya magtataka ‘yon kung bakit ako dumalaw.” “Kaya nga, e. Kinumbinsi ko na nga na sabihin sa ‘yo, kaso ayaw niya.” “Hayaan mo na muna siya, Ate. Kapag handa na lang. Pero pakisabihan na rin ang mga kasambahay na parating silipin si Mama.” “Oo. Lahat nga kami lagi nakaabang sa pintuan kapag pumapasok siya sa silid ni Astin.” “Hay.” Hindi ko maiwasang malungkot para kay Mama. Pagkaalis ni Ate Laura ay siya ring dating ni Calvin. Nakabusangot na naman. “What?” ani ko nang salubungin siya. “Sabi mo pupunta ka sa bahay. Naghintay ako, alam mo ba ‘yon?” maarteng sabi niya sa akin. “Oh, sorry naman. Biglang na-busy, e,” palusot ko. Ang totoo niyan, dumeretso ako sa condo ko para matulog. Pagkatapos kong makita si Ezi, ayon biglang ragasa ng pagod sa katawan ko kaya hindi na ako tumuloy. “Salamat naman at namuti ang mga mata ko kakahintay sa ‘yo! Grabe, ka!!” Nagpatiuna siya pasok sa loob ng bahay. “Okay. Sorry na. Dito na lang tayo uminom.” Pabagsak na naupo siya sa malabot naming sofa nang makarating sa sala. Inilinga niya ang paningin niya kapagkuwan. “Infairness, ang ganda ng bahay niyo. Kaso parang ang lungkot,” aniya. “Sinabi mo pa. Kaya itagay na ‘yan!” ani ko at dumeretso mini bar namin. “Halika nga rito, pumili ka ng iinumin. May bago akong kinuha sa ZL,” tawag ko kay Calvin. Lumapit naman siya sa akin. Inisa-isa pa namin ang mga alak na nandoon bago kami nakapili. Pero hindi sinasadyang nasagi niya ang isang inilabas namin kaya naglinis pa tuloy kaming dalawa ng sahig. Nagkatawanan pa kami dahil ‘di man lang nga namin natikman. “‘Di ko tuloy natikman. Sayang,” ani ni Cal sa lalaking boses. Magsasalita sana ako nang mapansin ang pamilyar na nakatayo sa may pintuan ng minibar. “What the heck, Andy?” ani ni Ezi sabay tingin kay Calvin na noo’y nakasandal sa maliit na cabinet sa loob ng minibar namin. Umalis siya kapagkuwan pero dinig ko ang tunog ng lakad niyang padaskol. Galit? Napalabi ako nang tumingin kay Calvin. Parehas kaming nakaupo pa naman sa sahig para punasan at tanggalin ang mga bubog. “Next time na lang?” aniya. “I think so.” “Okay. Call me kapag sinaktan ka niya, huh?” seryosong sabi ni Calvin. “Don’t worry, hindi ‘yan mananakit. Alam mo naman ang status namin, ‘di ba?” “Oo nga pala. Paano, iwan ko muna kayo. Nawala sa isip ko na weekend pala ngayon.” “O sige na. Alis na. Baka biglang pumunta din magulang niya. Yari ako,” “Bye, Andy!” Tumayo na siya kapagkuwan. Kumaway ako sa kan’ya at hinawakan ang dustpan na may bubog. Hindi ko na hinatid si Calvin sa labas dahil tinapon ko pa ang bubog sa lagayan ng mga bote sa gilid ng bahay namin. Pinunasan ko rin ng mop ang sahig para matanggal ang alak. Nag-spray din ako ng air freshener para mawala ang amoy sa paligid. Napangiwi ako nang maramdaman ang pwet kong nabasa na pala ng alak kanina. Basta nga pala ako naupo sa sahig kanina. Iginiya ko ang aking sarili sa taas para maligo ulit. Amoy alak na rin kasi ako. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala si Ezi. Baka nasa kabilang silid. Alam niya kasing ako ang umuukopa ng masters’ bedroom. Sa labas ko na piniling maghubad ng aking saplot. Wala akong itinira para wala akong bitbit paglabas. Inilagay ko iyon sa laundry basket na nasa gilid bago ako pumasok sa banyo. Kakaharap ko lang sa shower nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo. “Ezi, ano ba!” ani ko sabay hila ng roba na nakasabit. Ibinalot ko iyon sa katawan ko bago ito hinarap. Seryoso at hindi maipinta ang mukha niya nang harapin ko. “Ano bang problema mo? Bakit mo naman basta-basta binuksan ang pintuan? Alam mo namang nandito ako sa loob!” “Sino nagbigay sa ‘yo ng karapatan na magdala ng lalaki sa pamamahay natin?” Humakbang siya papalapit sa akin. “Natin? Ipapaalala ko lang sa ‘yo, Ezi, hindi tayo kasal. Kaya walang natin!” Napapikit siya. “Niregalo ito sa ating dalawa, kaya atin ‘to. Now, bakit mo siya dinala dito? Ilang beses na? Huh?” Napangiwi ako sabay angat ng kamay at tiklop ng tatlong daliri. “Two,” ani ko. Humakbang siya lalo papalapit kaya napaatras ako. Umabante ulit siya kaya muli akong napaatras hanggang sa makorner niya ako. “Hindi mo man lang ako nirespeto, Andy! Never kong nadala si Tamaya dito, kaya sana hindi ka rin nagdala ng lalaki mo dito!” Sabay hawak nito sa mukha ko. Umawang ng bahagya ang labi ko dahil sa pagpisil niya bandang panga ko pero napangiwi din ako dahil sa sakit. “E-Ezi, w-wait… ang sakit.” daing ko sa kan’ya pero hindi naman niya pinansin. “Anong ginagawa niyo dito kapag wala ako, huh?!” Halata sa boses niya ang gigil. “Ano?!” “W-wala, promise,” ani ko sabay taas ng kanang kamay. Pero huli na. Bigla niyang diniin ang sarili sa akin at sinapo ang magkabilaang pisngi ko sabay sakop ng labi ko. Hindi ko inaasahan ang bagay na iyon kaya matagal bago ako nakabalik sa aking sarili. Napakapit ako sa damit niya dahil sa nagawa niya. Hindi ko maintindihan si Ezi nang mga sandaling iyon. Bumitaw siya kaya nakahinga ako ng maluwag. “Gano’n ba ang ginagawa niyo? Huh?” Napasingahap ako nang bigla niya na namang sakupin ang labi ko. This time, medyo marahas kaya nakaramdam ako ng kaba. Napadaing ako nang bigla niyang kagatin ang ibabang labi ko. Kasabay niyon ang pagdiin ko din ng kuko sa dibdib niyang may damit pa. Pero alam kong dumiin iyon dahil natigilan siya sabay tingin sa akin. “F*ck!” sambit niya sabay sapo sa ulo niya. Hindi niya alam ang sasabihin nang mga sandaling iyon. Tumingin ulit siya sa akin na habol ang hininga. Hinawakan ko ang labi kong masakit. Napatingin ako sa kan’ya nang makita ang dugo sa daliri ko. Walang sabi-sabing tinalikuran niya ako. Ni hindi man lang humingi ng tawad sa ginawa niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD