ANDREA NAPADAING ako nang maramdaman ang mabigat sa hita ko. Ramdam ko din ang buhok kaya nahulaan kong ulo ng tao iyon. Wala naman akong ibang kasama dito sa silid na ito kung hindi si Ezi lang. Nagbaba ako nang tingin. Napapikit akong muli nang makitang ulo nga ang nasa hita ko. Pero napangiwi ako. Buti na lang hindi siya nakaharap sa akin. Dahil kung sakali, parang inaamoy niya ang aking ano. Pero okay lang, nakatikim naman ng sabon 'yan kagabi. Napatingin ako sa paligid. Umaga na nga. Kita ko na ang liwanag. Kailangan ko nang mag-ayos dahil sasama ako kay Ilo doon sa burol. "Ezi, hoy! Gising!" Tinampal ko ang pisngi niya. Tumingin ako sa paahan niya. Nakabalagbag pala siyang natulog. "Hmm," ani lang niya. 'Aba! Hindi man lang gumalaw, oy!' "Umayos ka nga ng higa! Ginawa mo n