Chapter 9: Missing

2931 Words

ANDREA “WOW!” ani ko nang makita ang anim na kulay ng broccoli. May kulay white, purple, yellow, yellow-green, green at dark green akong nakita. Hindi ko alam kung meron pa ba. Basta ang alam ko, iba-ibang variety sila. Para silang ice cream nang inilagay na ng isang manananim sa isang malaking ceramic bowl. Kaygandang pagmasdan talaga. Isa lamang ang produktong ‘yan na nagustuhan nila Papa at Mama dito sa Hacienda Cañete. At ‘yan pa lang sa kasalukuyan ang napitas nila para sa sample na hinihingi ni Mama. May paparating pa raw mula sa taniman kasama ng ibang produktong gusto naming makuha rin sa kanila. “Parang ice cream sa paningin ko, Mr. Cañete.” Napalabi at napalunok pa ako dahil parang bigla akong nag-crave sa ice cream. Ngumiti lang ang ginang sa akin. Mukhang naaliw sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD