ANDREA NAGPATIHULOG ako sa kama pagkuwa'y pumikit. Ang hilig talaga ni Ezi sirain ang mode ko. Okay, wala na akong pakialam sa kanila kung anong gagawin nila. Pero sana naman, konting respeto sa akin. Saka hindi lang kami ang nandito, may ibang tao pa. Paano kung makarating kay Mama? Napatingin ako sa kisame ng silid na iyon. Kinapa ko ang dibdib ko. Ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Alam kong dahil ito sa inis sa kanila. Mukhang magkakasakit pa yata ako sa ginagawa nila sa akin. Kailangang alagaan ko ang puso ko, wala ako sa ayos kumain kaya delikado. Tumingin ako sa pintuan nang makarinig ng katok doon. "Sino 'yan?" ani ko sa mahinang sabi. Tinatamad ako bumangon, e. "It's me, Ezi," Nasapo ko ang noo ko para hilutin. "Bumalik na kayo ng Maynila, Ezi. Pakiusap lang." "Open