ANDY
“NASA baba na si Zach?” tanong ko kay Norrine nang marinig ang apelyido ni Zach. Hindi ko naintindihan ang iba niyang sinabi pero apelyido lang ni Zach ang natandaan ko.
“Yes, Ma’am!”
“Great!” excited kong sabi nang marinig ang sagot ni Norrine.
Ngayon ang alis naming dalawa papuntang Batangas. Dahil beginner pa lang ako, Mount Batulao ang inerekomenda sa amin ng tour guide na nakausap namin ni Zach. Kahit siya, nagsabi rin sa akin. Sorry na agad sa katawan ko.
Alam kong iniisip nilang baka mahirapan ako.
Sa villa kami mag-stay ni Zach ngayong gabi, tapos maaga ang punta namin sa registration site kung saan magkikita-kita kami kasama ng tour organizer namin.
Tinulungan ako ni Norrine na ibaba ang gamit ko. Dami kong dala na nasa loob ng hikers bag. Si Norrine din pinabili ko niyan kasi wala nga akong ideya kung anong klaseng brand maganda, though nakikita ko naman sa internet any brand basta matibay dahil sa maraming dala nga. Sa pagkain lang talaga ako magaling. Sa pagluluto din pala.
Sinalubong ako ni Zach sa ground floor. Kinuha na lang niya kay Norrine ang bag at iginiya ako palabas. Wala akong pakialam sa mga nakakakita, alam naman kasi nila na marami akong kaibigang lalaki din. Saka maliban sa hiking, tungkol din sa business ang pinag-uusapan namin ni Zach. Business partners kami kaya hindi naman masama siguro.
Dahil naabutan kami ng rush hour ni Zach sa daan, late na kami nakarating sa twin villa na nirentahan namin. Nasa pinakataas iyon, at magkatabi lang ang aming inuukopa. Malinis ang loob kaya maganda talaga mag-stay dito. JINstagramable pa! Kaya ‘yon ang una kong ginawa pagkapasok. Napatigil lang ako nang makarinig nang sunod-sunod na katok mula sa labas.
“H-hi,” ani ko kay Zach. May hawak siyang dalawang tasa na may lamang kape.
“Coffee?”
“Sure.” Kinuha ko ang hawak niya.
Tumalikod siya sa akin pagkuwa’y humarap sa labas.
“Ang ganda siguro dito sa umaga, noh?” ani ko nang tumabi sa kan’ya. Nakapuwesto siya sa may railings habang sumisimsim ng kape.
Dapat alak ang hawak niya, hindi kape. Sabagay, sobrang lamig sa bahaging iyon kaya talagang mapapakape ka para mabawasan ang lamig.
“Perfect din sa couple,” aniya nang lingunin ako.
“Yeah,” sang-ayon ko.
Hinarap niya ako kapagkuwan. “Naranasan niyo na bang mag-asawa ‘to? I mean ang magbakasyon,”
Natawa ako nang pagak. “Sa totoo lang, hindi pa. Naiinggit nga ako sa iba, e. Normal lang ‘yan, noh?”
“Bakit naman?” aniyang nakakunot ang noo.
“Busy?” ani ko na lang.
“Time sa isa’t isa ang kailangan para mapanatiling mainit ang pagsasama niyo. Alam ba ‘yon?”
“Hindi ko rin alam, Zach.” Lumabi ako pagkatapos kong uminom ng kape. “Hindi naman kagaya ng normal couple, Zach.”
Napatitig siya sa akin. Kita ko sa gilid ng mga mata ko. Sa magandang tanawin kasi ako nakatingin.
“‘Wag mong sabihing dahil sa business kaya kayo nagpakasal?”
Natawa na lang ako sa sinabi ni Zach.
“Isipin na lang natin na parang gano’n nga.”
“Sa mga kagaya natin, uso ‘yon kaya hindi mahirap hulaan. Suwerte na lang ng mga couple na dati nang magkarelasyon bago sila pinagkasundo,”
Ako naman ang napatingin kay Zach. Paran may iba siyang pinapahiwatig. Mas interesado siyang pag-usapan ang tungkol sa marriage.
“Don’t tell me, ikakasal ka na rin?”
Tumawa lang siya nang mahina. “Yeah. Sa susunod na linggo na.”
“Wow. Congrats! Welcome to the club, Zach!”
“Cheers!” Iniangat ni Zach ang tasa niya sabay ngiti.
Kapwa kami natahimik nang mapatingin sa magandang view ng lugar na iyon. Siya, biglang lumalim ang isip. Ako naman, tinatamad mag-isip, kaya inilibot ko na lang ang paningin ko.
Tumingin ako kay Zach na nakatingin pa rin sa kawalan. Kaya pala biglang sabi niya sa akin nang una kaming mag-usap na gusto niyang mag-hiking, at naghahanap nga raw siya ng makakasama. Kailangan niya palang maglibang. Ako rin naman, kailangan ko.
Sa loob ng ilang buwan, hindi naman ako na-stress kay Ezi kasi nga kinalimutan ko na ang lahat. Pero heto, siya na naman itong lumalapit sa akin. Mukha lang akong magulo, pero ayoko ng gulo.
Napailing ako sa naisip ko.
Iniisip kong magkaroon na ng totoong boyfriend para hindi na siya makalapit sa akin. Pero paano nga, e, hanap nila puro balingkinitan. Dapat siguro, simulan ko na ang operasyon balik alindog. Para magkaroon naman ako ng lovelife, hindi ‘yong nang-aasar lang sa asawa kong hilaw.
EZIAH
“Ho? Kami po ni And ang a-attend sa Linggo ng gabi?”
“Oo, anak. Masama kasi ang pakiramdam ng Mama niyo. Alam niyo naman kung bakit.”
Oo nga pala. Buntis kasi si Mama Kendra, at hindi ko alam kung alam na ni Andy. Hindi naman kasi humarap sa amin no’ng last dinner namin sa bahay nila.
“Saan po ba ‘yon?”
Talagang sinadya ako ni Papa dito dahil wala raw si Andy sa opisina kahit sa bahay. Hindi ko nga siya masagot kanina nang tanungin niya sa akin si Andy. Ang sabi ko nga lang baka may nilakad. Hindi raw kasi pumasok mula kahapon si Papa kaya wala siyang ideya sa mga lakad ng anak niya.
“Sa Tiaong, Quezon. May tutuluyan na kayo doon. Narito na rin ang ilan sa mga detalyeng pag-uusapan niyo doon kasama si Mr. Cañete.” May inilapag na foolder ang ama ni Andy.
“Gano’n ho ba. Ako na lang po kaya? Baka mapagod lalo si Andy–”
“Kailangan dalawa kayo. O mas tamang sabihing mas kailangan si Andrea dahil anak ko siya.”
“S-sige ho, kausapin ko si Andy mamaya.”
“Sige, hijo. Paano, kailangan ko ng umuwi.”
Tumayo ako at hinatid ang ama ni Andrea hanggang sa baba.
Pagbalik ko sa opisina ko ay tinawagan ko ang numero ni Andrea. Hindi sumasagot kaya nagpasya akong puntahan na lang sa opisina niya. Pero wala doon si Andy at tanging ang sekretarya lang nito ang pumasok nang araw na ‘yon?
“Saan ba siya nagpunta?”
Kumamot sa ulo ang sekretarya ni Andy.
“Natawagan niyo na po ba si Ma’am?”
“Oo. Pero hindi niya sinasagot. Nasaan ba kasi siya?” Medyo tumaas na ang boses ko. Mukhang ayaw niya kasing sabihin.
“K-kasama po si Mr. Enriquez, sir.” Napayuko siya mayamaya.
“What? Silang dalawa lang ba? Saan ba ‘yan at nang mapuntahan?”
“S-sa Batangas po. Kanina po kasi ang schedule nilang dalawa para umakyat sa Mt. Batulao.”
“Oh,” ani ko.
Oo nga pala. Naalala kong aakyat daw siya sa bundok.
“Seryoso?” ani kong hindi makapaniwala. Baka hingalin naman ‘yon?
“Yes po. Day hike lang naman po ‘yon.” Tumingin siya sa relong pambisig niya. “Alas tres na po ng hapon kaya baka nakababa na po sila. Tapos bukas po ang check out nila sa villa na tinutuluyan nila ni Sir Enriquez.”
“Pakibigay nga ang address ng villa at pupuntahan ko. Kailangan kong makausap si Andrea ngayong araw din. Importante ito kesa sa hiking nila ng Enriquez na ‘yon!”
“P-pero, sir…”
“Norrine,” ani ko sa matigas na sabi.
“W-wait po.”
Pagkabigay na pagkabigay ay kaagad kong iginiya ang sarili ko pabalik ng opisina. Hapon na kaya hindi p’wedeng mag-commute ako. Kailangan kong makarating agad para ma-plano na namin ang lakad namin para bukas.
Hindi ko alam kung bakit nainis ako. Alas siyete na ng gabi kami nakakuha ng piloto tapos quarter to eight naman kami nakaalis. Kaya nang makarating kami malapit sa villa na pagmamay-ari ng kaibigan ko, late na din. Tapos magmamaneho pa ako papunta sa vila na inuukop ni Andrea.
Hindi ko alam kung bakit naisip ni Andrea na sumama sa kliyente niyang iyon, e, mukhang lately lang sila nagkakilala. At naiinis ako isipin na kung sinu-sinong lalaki ang sinasamahan niya, gayong may Calvin pala.
“Miss, nandito ako para kay Andrea Ken Davis. Saang room po ba siya?”
“Ho? Wala po kaming Andrea Ken Davis na guest. At hindi po kami p’wedeng magbigay ng details, for security lang po.”
Napahilot ako sa sintido ko.
“Asawa niya ako, Miss. Kahit tingnan mo pa ang–” Tumigil ako sa pagsasalita at hinanap ang pekeng copy ng marriage certificate namin. Pinakita ko iyon sa kan’ya. Hinanap ko rin ang picture namin ni Andrea noong kinasal kami.
“See?”
Tumingin pa sa akin ng ilang beses ang babae bago binalikan ang picture. Tumango naman siya.
“Pero ipapaalam ko lang po saglit sa management.”
“Okay,” ani ko at naupo sa bakanteng upuan sa harapan ng information desk.
Tumayo din ako nang bumalik ang babaeng nakausap ko.
“I’m sorry, sir. Hindi po namin p’wedeng papasukin sa loob without knowledge po ng asawa mo. Tawagan niyo po muna kaya?”
“I did. Pero hindi siya sumasagot. Saan ba ang silid niya?” May tinuro siyang dalawang villa na maliit pero magkatabi, at nasa pinakatuktok iyon. “Ano kaya kung mag-check in na lang ako? Kailangan ko lang siyang makausap.”
“Ay, opo. ‘Yan din po sana ang isa-suggest ko po.”
“Okay. Anong available room niyo ba?”
“Bahay Kubo na lang po, sir, e. Pero malaki naman po siya, nasa 21sqm. Cozy at minimalist po ang interior niya kaya magugustuhan niyo po.” May pinakita sa akin na picture. Oo nga, gawa siya sa kawayan. At para kang nasa probinsya lang.
“Kaya lang ho namin tinawag na bahay kubo dahil yari po sa kawayan sir. Pero modernong bahay kubo naman po siya. Ang dingding lang po ang kawayan. Matibay din po ang kama at gawa po sa salamin ang ating bintana. Super ganda rin ng view lalo na kapag umaga po.”
“Sige, kunin ko na ‘yan.” Kinuha ko ang wallet ko. Pero napatigil ako nang maalalang wala akong dalang cash. “Tumatanggap ba kayo ng credit card?”
“Yes po.”
“Great.” Inabot ko sa kan’ya ang credit card ko. May binigay din siyang form since hindi daw ako sa website nag-book ng room.
Dinala niya ako sa tutuluyan ko pagkatapos niyang asikasuhin ang pag-chec in ko. Nagpahanda na rin ako ng pagkain dahil nagutom ako bigla nang dumaan kami sa restaurant nila.
“Thank you,” ani ko sa kan’ya. Kakatapos lang niya akong i-tour at sabihin ang mga bawal at p’wedeng gawin habang naka-check in ako sa kanila. Kagaya na lang ng basura Kaya napakalinis ng paligid, e.
Tinanaw ko ang tinutuluyan ni Andy mayamaya. Bukas ang ilaw maging sa kabila. Natanong ko na rin kung saang room ang kay Enriquez, magkatabi nga sila. Kaya pala twin villa dahil magkadikit sila.
Kaagad akong naghubad ng damit at naligo nang makaalis ang naghatid sa akin. Ni-lock ko din ang pintuan.
May dala akong gamit ko dahil deretso na nga kami sana sa Quezon bukas kung sakaling pumayag siya. No, kailangang sumama ni Andrea sa haciendang pupuntahan namin dahil tungkol iyon sa negosyo nila. May produkto kasi ang hacienda ni Mr. Cañete na gustong-gustong makuha ng Hotel De Astin para sa restaurant. Bali, sila ang magiging main supplier nila.
Saktong tapos na akong maligo ang siyang dating din ng pagkain. Pero inwan ko din naman dahil kailangang makausap ko na si Andy ngayon. Bukas ng tanghali daw ang check out nilang dalawa kaya alam kong nasa loob lang ng villa si Andrea.
Kaagad kong idinayal ang numero ni Andrea, nag-ring naman pero hindi niya sinasagot.
Paakyat na aki ng villa nila nang muling dumayal. Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin niya iyon. Pero naapatigil na naman ako nang marinig ang ungol ni Andrea sa kabilang linya. Hindi ko na tinapos iyon at minadali ang pag-akyat.
Mabilis na kumatok ako sa pintuan ng inuukopa ni Andrea. Sunod-sunod iyon kaya kaagad na bumukas iyon.
Gulat na mukha ni Andy ang bumungad sa akin.
“E-Ezi… Anong ginagawa mo dito?”
“Sinusundo ka.” Tumingin ako sa loob. Napakunot ang noo ko nang makita ang kasama niya.
Lumabas siya at hinarap ako.
“Ang OA mo naman, Ezi. Nagbabakasyon ako, e.”
Napaangat ako ng kilay nang sabihin niya iyon.
“Kasama ang lalaking ‘yon?” Tinuro ko pa ang pintuan niya. “Paano kung malaman ito ng magulang mo, huh? Nila Mommy?”
“Eh ‘di, mabuti! Nang matapos na ang palabas!”
Napalakas ang boses ni Andy kaya hinila ko siya pababa at dinala sa bahay kubo na inuukopa ko. Binitawan ko lang siya nang mai-lock ko ang pintuan.
“Ano naman bang palabas ‘to, Ezi?”
“Ikaw, Andy? Ano na naman bang palabas ang ginagawa mo? Umungol ka na naman sa harap ng ibang lalaki?” Nainis ako bigla nang maalala ang ginawa niya na kasama noon si Calvin sa VIP room ng ZL Lounge.
“Pakialam mo ba kung kani-kanino ako umuungol?!”
“Wow. Gan’yan pa ang natutunan mo sa mga lalaki mo?”
Hindi ko nagustuhan ang naging sagot ni Andrea kaya uminit ang ulo ko. Lumapit ako sa kan’ya. Magkasalubong na ang kilay ko kaya napalunok siya.
Hinigit ko ang kamay niya at hinila palapit sa kama.
Dinig ko ang pagsinghap ni Andrea nang itulak ko siya sa kama.
“‘Di ba, paborito mo ang umungol, Andrea? Sige, papaungulin kita hanggang sa magmakaawa kang tumigil ako.”
“E-Ezi,” sambit niya nang mapatingin sa akin. Mabilis ko pa namang hinubad ang damit ko.
Akmang uupo si Andrea nang itulak ko ulit. Sumampa na ako mabilis na umibabaw sa kan’ya. Bago pa man siya magsalita ay sinakop ko na ang labi niya.