Chapter 4

1482 Words
"ENDANG, KAILAN MO BA AKO SASAGUTIN?" "'Pag naging triangle na ang buwan!" Inismiran ko si Bernardo nang mapadaan ako sa harap ng tindahan nila. Ang hirap niya talagang iwasan lalo na't parang inaabangan niya talaga ang pagdaan ko. "Endang..." Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa pangalan ko. Naglakad lang ako sa footwalk na patungo sa bahay. Nadaanan ko pa 'yung mga batang naglalaro ng chinese garter. Magulo at masaya sila. Buti pa sila parang walang problema. Naguguluhan ako. Sasabihin ko ba kay nanay na nasisante ako sa coffee shop at nakahanap ako ng bagong trabaho? Pero baka sumama ang loob niya. Proud na proud pa naman iyon sa trabaho ko tapos ngayon magiging katulong na lang. Kanina ay nagpumilit si Sir Asul na ihatid ako pero tinanggihan ko. Siyempre dapat magpakipot muna ako. Isa pa, hindi kami close. Nasa pinto pa lang ako ng bahay pero rinig ko na 'yung pag-ubo ni nanay. "Nay?" Nilapag ko muna ang bag ko sa loob ng kuwarto saka siya pinuntahan doon sa kabilang kuwarto. "Nay, ayos ka lang ba?" Kumuha ako ng tubig para painumin siya. Parang kinurot ang puso nang makitang hirap na hirap siya. Hinagod ko ang kanyang likod. "Inumin n'yo na muna 'yan, Nay. 'Di ba sabi ko po huwag muna kayo maglalabada? Pumunta ka na naman ba sa bahay ng mga Altamirano?" Ang tinutukoy ko ay ang mayamang pamilya kung saan nag-e-extra si nanay sa paglalabada. Ilang beses ko na siyang sinabihan na tumigil na siya sa pagseserbisyo roon pero mukhang hindi nakikinig. "Naiinip kasi ako rito bahay, anak." Umubo siya ulit. "Hay naku, nay. Mas malaki pa ang gagastusin natin sa pagpagamot sa'yo kesa pasuweldo ng mga 'yon kaya tumigil ka na, ha?" Hindi siya umimik. Ito ang hirap 'pag matanda na, pasaway. Ako na lang ang nagluto ng hapunan namin. Ilang beses kong sinubukang sabihin kay nanay ang nangyari ngayong araw kaya lang hindi ko talaga kaya. Siguro palilipasin ko muna ang mga linggo. Umaasa pa rin ako na ibabalik ako ni Manager Kim sa coffee shop. Sino ang mag-aakalang sa isang iglap ay mawawalan agad ako ng trabaho? At ang matandang mayaman na 'yon, sobra siya kung makahusga. Next time na magkita ulit kami, hahalik ang langit sa dagat! ---- NAKAHIGA na ako't lahat pero hanggang ngayon hindi pa rin nabubura sa isip ko ang guwapong mukha ng bago kong boss. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nando'n kaya siya natulog sa condo niya? Nagtalukbong ako ng kumot at pinilit na ipikit ang aking mga mata. Wala pang ilang segundo ay nagmulat ako ulit nang tumunog ang cellphone ko. May nagtext. FROM: Boss Asul 8:09PM 9AM tomorrow. Sharp. Naalala kong nagpalitan pala kami kanina ng numero. Totoo na nga talaga ito. Nagtipa na lang ako ng reply. Siguro nga dapat ko nang tanggapin ang bagong twist ng kapalaran ko. TO Boss Asul 8:10PM Yes boss. Dont wori, ill c*m. On tym. Itatabi ko na sana sa lamesa na nasa gilid ko ang cellphone ko nang muli itong tumunog. FROM Boss Asul 8:10PM Damn. Huh? Ang sama naman ng ugali ni Boss. Ang tino ng reply ko tas magmumura lang siya? Where's his etiquette? Napaka-unprofessional naman niyang tao. Hindi na lang ako nag-reply. Medyo nakaka-hurt din palang magsalita ang amo ko. Sabagay, katulong nga lang pala niya. Pero kahit na 'no. Dapat tratuhin pa rin niya ako ng tama. Hmm. Kung hindi niya ako kayang tratuhin nang tama, puwes, tuturuan ko siya. Humanda siya bukas, makikita niya. ---- KINABUKASAN nagising ako dahil sa ingay mula sa labas. Naulinigan ko ang pamilyar na mga boses. Pagkatapos kong ligpitin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kuwarto. Naabutan ko si nanay at si Bernardo na magkaharap sa lamesa, nagkakape at kumakain ng pandesal. "Gud murning, Endang." "Kung gusto mong gumanda ang umaga ko, huwag na huwag ka nang pupunta rito araw-araw. Hindi ka pa ba nagsasawa? Wala kang mapapala sa'kin!" Naningkit ang aking mga bilog. Kakamut-kamot lang siya ng ulo. "Endang, huwag mo namang awayin si Bernardo. Nagkakape lang 'yung tao," komento ni nanay. Umismid ako. "Wala ba 'yang kape sa bahay nila?" "Mas masarap kasing magkape 'pag nakikita kita, Endang..." katwiran ni Bernardo. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. "So, anong tingin mo sa'kin, coffee mate?!" Pumaling ang kanyang ulo. "Hindi. Ikaw 'yung mainit na tubig na nagpapa-init ng kape sa umaga." Ngumiti siya, labas ang gilagid. Dinampot ko 'yung kaldero sa ibabaw ng kalan. Akma ko na siyang babatuhin nang pinigilan ako ni nanay. "Endang, maupo ka na at kumain. 'Di ba may pasok ka? Hindi ka pa ba late niyan?" Noon lang ako natauhan. Nang tingnan ko ang orasan ay pasado alas otso na. In short, mali-late na ako. Binalik ko ang kaldero sa kalan. "Nay naman! Bakit hindi n'yo man lang ako ginising?" Kandatakbo na ako sa kuwarto at kumuha ng tuwalya saka pumasok sa banyo. "Hindi mo naman kasi sinabing gigisingin kita, anak!" rinig ko pang sigaw ni nanay. Sumimangot ako. Halos wisik-wisik lang ang ginawa kong pagligo. Hindi ako puwedeng ma-late, malalagot ako kay Boss Asul. Kandaugaga ako sa pag-ayos at pagbihis. Pakiramdam ko nga kinakatyawan ako ng orasan. Kainis! "Anak naman, dahan-dahan. Hindi naman aalis ang coffee shop." Natigilan ako sa pagsusuklay ng buhok kong basa pa. Buti na lang wala na si Bernardo paglabas ko ng banyo. Madadagan lang ang sama ng umaga ko. Kung alam mo lang, Nay. "Kahit na, Nay. Ayokong magka-bad record 'no." "Sus, kumain ka nga kaya muna. 'Di bale nang late basta busog ka. Pa'no ka makakapagtrabaho nang maayos niyan kung gutom ka?" "Doon na lang ho ako kakain, Nay." Tinapos ko ang pagliligpit ng bag at pag-aayos ng sarili ko. Suot ko lang ang isang fitted jeans at puting turtle neck blouse. Pagtingin ko sa orasan ay 8:31 na. Sana hindi ako maiipit sa traffic. "Alis na ho ako, Nay." "Oh siya, basta dalhin mo itong baon para kainin mo 'pag nagutom ka." Inabot ko na lang ang lunch box mula sa kanya. "Salamat, Nay. 'Yung gamot n'yo huwag n'yong kalilimutang inumin. At huwag ka nang magpapagod, ha?" "Oo na, anak. Sige na." Inihatid pa ako ni nanay sa pinto. Napansin ko na naman tuloy na malapit na iyong liparin. Huwag lang sanang pagtripan ng hangin at isama sa kalawakan. ----- "MANONG, balak n'yo bang sumama sa libing ng patay? Mali-late na ako, oh!" Hindi ko na napigilang magreklamo. Kanina pa kasi parang hindi umuusad. Parang nakikipagkarera sa pagong. "Miss, libing naman talaga ang pupuntahan namin. Service ito ng uma-attend sa burol. Hindi naman puwedeng mauna pa itong dyip sa mismong nagdadala ng patay," deklara ng isang pasahero. Tiningnan ko ang katabi ko, pati na rin ang iba pang mga pasahero. Ngayon ko lang napansin na panay puti ang kanilang mga suot. "G...gano'n ba? Bakit hindi n'yo agad sinabi?" "Nagtanong ka ba?" mataray na tanong ng isang babaeng pasahero. Tiningnan nila akong lahat at nagbulungan pa 'yung iba. Pagkatigil kasi kanina ng sasakyan sa harapan ko ay agad akong sumakay. "Manong, teka, bababa ho ako!" Halos takpan ko ang aking mukha sa sobrang hiya. Pagkababa ko ay nag-abang ako ng panibagong dyip. Badtrip. Pagtingin ko sa oras sa cellphone ko ay 8:51 na. Hindi ko na inalintana yung isang sasakyan na masikip, sumakay pa rin ako. Pagkarating ko tuloy sa harap ng condominium ay mukha akong galing sa giyera. May ID rin akong pinagawa kahapon kaya pinapasok agad ako. Pinindot ko ang 14th floor pagkapasok ko sa elevator. Kung puwede lang sanang tumambling ay ginawa ko na. Nakailang lunok ako nang makarating sa harap ng unit. Akma ko palang pipindutin ang doorbell ngunit bumukas ang pinto. Sumalubong sa akin ang amoy ng aftershave ni Boss. Nagtama ang aming mga mata pero hindi ko matukoy ang emosyon sa kanyang mga mata. Nakabihis na siya. A usual business attire at stripe red na necktie. "G...good morning, Sir." Kandutal ako. Tiningnan niya ang kanyang pambisig na relo. "You're five minutes late, Miss Aragon." Boses pa lang niya ay nag-umpisa nang manginig ang tuhod. Napakagat ako ng ibabang labi. "S-sisisantehin n'yo rin po ba ako, Sir?" Pumaling ang kanyang ulo. "It wasn't in the rules, was it?" "Po?" Bigla niya akong hinila papasok at isinandal sa likod ng pinto. "I don't fire employees, Miss Aragon. I just punish them." Kandaduling ako sa lapit ng aming mga mukha. "May... May kaltas na po ang suweldo ko?" Gumalaw ang kanyang panga. Tiningnan niya ako diretso sa mga mata pababa sa... "This is your punishment." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi agad ako nakagalaw. Bigla kong narinig ang mga ugong ng hangin. Tila ilang segundo akong nabingi. Nang humiwalay siya sa labi ko ay marahan niyang hinawakan ang aking baba. "A late is equivalent to a kiss." Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ko ang mabilis na pagbayo nito. Normal ba ito? Normal bang punishment ang halik mula sa boss? ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD