Chapter 5

1767 Words
NAIINIS AKO. Ayoko na. Kasisimula ko pa lang pero parang hindi ko na kayang ituloy. Akala ko pa naman gentleman siya. Akala ko rin professional siya. Hindi. Magnanakaw siya! Ninakaw niya ang mahiwagang first kiss ko! Argh! Gigil akong naupo sa sofa. Bakit hindi man lang ako nagprotesta? Bakit parang nagustuhan ko pa? Sinaniban na ba ako ng kalandian? Kinapa ko ang aking labi. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang init ng kanyang hininga. Tama bang hinayaang ko siyang halikan ako? No. Maling-mali. Kailangan ko siyang layuan. Baka may iba pala siyang gustong gawin sa'kin. Baka gagawin niya akong kabit. Huwag na 'no! Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagtipa ng text para sa kanya. Pagkatapos niya kasi akong halikan ay bigla niya na lang akong iniwan. TO Boss Asul 9:21AM I quit. Agad din naman siyang nag-reply. FROM Boss Asul 9:21AM What? TO Boss Asul 9:22AM Im resigning. Iwan ko na lang po rito ang resignation letter ko. Isinuksok ko loob ng bag ang cellphone ko pagkatapos kong mai-send ang reply ko. Naisipan kong maglinis na lang muna. Tutal pinakain naman ako ni Boss, pambayad na rin do'n. Maghahanap na lang ako ng malilipatang trabaho. Ayokong masira ang dignidad ko. Iyon na nga lang ang maipagmamalaki kong kayamanan tapos mawawala nang gano'n lang? Bahala si Boss Asul sa buhay niya, basta magre-resign ako, whether he likes or not. Pumasok muna ako sa kuwarto niya para maghanap ng puwedeng masulatan ng resignation letter. Napanganga ako nang sa wakas ay nakapasok na ako. Ang laki pala ng kuwarto niya. Halos dalawang sala niya sa labas. Pero kapansin-pansin agad ang mga kagamitan sa loob. Dominant ang kulay pula sa loob. Mula sa kama, sa maliit na sofa, at maging ang kurtina ay katulad sa labas. Vampire ba si Boss? Ang weird naman niyang pumili ng kulay. Anyway, bakit ko pa ba pinoproblema 'yon? Binuksan ko isa-isa ang cabinet pero wala akong mahanap na bondpaper. Naupo ako sa kama. Sobrang lambot at ang laki rin. Nang inilibot ang paningin sa kuwarto ay napansin ko ang dalawang pinto sa gilid. 'Yung isa ay para sa banyo siguro. 'Yung isa naman ay hindi ko alam kung ano. Extension room yata. Nilapitan ko iyon at sinubukang buksan ngunit naka-lock. Lumabas na lang ako at naghanap ng walis kahit na mukhang wala naman akong wawalisin dito. Mas makintab pa yata sa pisngi ko ang sahig. Kaloka. Hindi ko nga alam kung nakakapasok pa ang alikabok dito. Sige na nga lang, ang mahalaga madaanan ng walis. Inuna ko muna sa kuwarto niya. Buti na lang maliban sa pula ay iba pang kulay rito. Puti ang pintura ng pader at maging ang closet niya. Sinunod ko 'yung sa kusina papunta sa sala. Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa nang biglang bumukas ang pinto. Nang lingunin ko ito ay humahangos na pumasok si Boss Asul. "Sir?" Bumalik siya? Natigilan ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Pawisan siya at mukhang kagagaling lang sa karera. Nagtama ang aming mga mata. "D... Don't leave," hirap niyang sabi. Napantastikuhan ako. "Po?" Lumapit siya sa'kin. Nabitawan ko ang dustpan at walis. "Why are you resigning?" Lumamlam ang kanyang mga mata. Bumuntong hininga ako. 'Di ko sinagot ang tanong niya. Yumuko lang ako. "Is it about the kiss?" Dedma pa rin. Inilihis ko ang paningin ko sa pader. "Did I scare you?" aniya. Mabilis akong tumango. Kasunod niyon ay ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Alright, I'm sorry. Hindi ko lang napigilan." Doon na ako napatingin sa kanya. Kitang-kita ko 'yung lungkot sa kanyang mga mata. Tama ba 'yung narinig ko? Nag-sorry siya? Hindi niya ako gagamitan ng powers niya? Akala ko pa naman mai-intimidate ako sa kanya. "Seryoso ba 'yan? Wala ka talagang masamang binabalak sa'kin?" Umiling siya. Malungkot pa rin. "Weh? 'Di nga po? Baka balak mo akong gawing FUBU? 'Di ba gano'n naman talaga kayong mga mayayaman? Kung saan-saan n'yo lang sinusuksuk 'yang dos por dos n'yo..." "What?!" Napaawang siya. "Oh, bakit? Totoo naman, ah. Isusumbong kita sa girlfriend mo 'pag magkita kami." "I don't have a girlfriend," agap niyang sagot. Tila nayayamot na sa'kin. Inikutan ko siya ng mata. "Eh 'di yung nililigawan mo na lang," katwiran ko. Namewang siya sa kabila. Nakita ko 'yung bahagya niyang pagngiti. "Nagugutom ka ba?" ani niya. Infairness sa kanya parang natural na siyang kausap, hindi katulad kahapon na parang nakakatakot. Tapos madalas nang tagalog. "Kakakain ko lang po kaya." "Come." Tumalikod siya. "Po?" Humarap siya sa'kin. Inisang hakbang niya ako at hinawakan sa braso. Bigla ay naramdaman ko na naman ang kidlat. Pareho kaming natigilan. "Sa'n po tayo pupunta, Sir?" "Sa mall," balewalang sagot niya. "Ano pong gagawin natin do'n?" This time ay tumigil na siya at tumingin sa'kin. "Bonding." "Po? Bakit tayo magba-bonding? Friends ba tayo?" "Pft!" Nagulat ako nang bigla siyang humalakhak. Ang sarap pakinggan ng tawa niya, parang kinikiliti pati ang puso ko. Yumuyugyog pa iyong mga balikat niya habang tumatawa. Nangingiti na rin tuloy ako. Nang maka-recover na siya sa pagtawa ay hinatak niya ulit ako papunta sa pinto. "Let's just say, this a knowing-each-other stage. You want to work comfortably with me, right?" Alanganin akong tumango. Ang totoo'y hindi ko pa rin gets ang pinupunto niya. May gano'n ba sa mag-amo? Bago 'yon, ah. At sa kanya ko lang nalaman. Pero nakaka-touch siya. "Eh pa'no po 'yung ginagawa ko?" "Mamaya na 'yan." Nagpahatak ako sa kanya kahit na medyo naguguluhan pa rin ako. Ngumiti pa nang makahalugan yung mga guards sa baba ng building. Paano'y hanggang sa marating namin ang harap ng sasakyan, nakahawak pa rin sa palapulsuhan ko si Sir. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Not to mention na alalay lang niya ako sa lagay na 'to. ---- "Grab anything you want, okay?" Nasa loob kami ng boutique na mukhang pangsosyal lang. Nang tingnan ko ang mga presyo ng damit ay 3,999 pesos ang pinakamababa! Sus maria santissima sa langit! "Ayy, hehe. Nagbago na po ang isip ko, Sir. Kain na lang po tayo." Nakakatakot naman ng presyo ng mga damit dito, baka mamaya kahit singko wala nang laman ang bulsa ko pag-uwi. "Ayaw mo ba nito?" Iwinagayway niya sa akin ang isang dress. Kulay peach iyon at simply lang ang tela, elegant tingnan. Gusto ko sana kaya lang nasa 8,000 na ang presyo. Tingin ko bagay iyon sa balat ko. Maputi kasi ako, namana ko kay nanay. Lumunok ako. Balang araw mabibili ko rin ang gano'ng klaseng damit. "N...next time na lang po. Hehe." "What about this?" Isang blouse naman ang ipinakita niya. Sunod-sunod akong akong lumunok. "Maganda ba?" tanong niya. Tumango ako. "You like it?" Tumango ulit ako. "Let's buy it then." "Naku, huwag po!" Mabilis ko iyong kinuha sa kamay niya at ibinalik sa pinagkuhanan niya. "Ayan na lang po. Mas bagay 'yan sa'yo." Isang khaki shorts inabot ko sa kanya. Kinuha naman niya iyon. "You think so?" "Oo naman po, sa tindig n'yo pa lang bagay na bagay, walang halung biro." Namilog ang mga mata ko nang muli siyang ngumiti. Pero this time may kakaiba na sa kanyang ngiti, nangingislap ang kanyang mga mata. Kumalabog ang dibdib ko. "I'm quite surprised, nahulaan mo ang sukat ko," tila proud pa siya sa akin. "Oo naman po," sabi ko. "Sa tindig niyo pa lang alam ko na ang vital statistics n'yo. Magaling kaya ako sa ganyan." Umarko ang isang kilay niya, parang naaaliw sa akin. Ang guwapo pa niya lalo 'pag ngumingiti siya. I think, crush ko na siya! "Ows? What's my vital statistics then?" Hindi namin pansin na may nanonood sa aming saleslady. Humawak ako sa aking baba. Tiningnan ko ang kanyang kabuuan. "Hmmm, feeling ko 'yung dibdib n'yo po, trenta y dos. 'Yung bewang n'yo po, bente dos. Tapos 'yung lawit n'yo po dos por dos." Nalaglag ang kanyang panga. ----- INAAYOS ko nang mabuti ang mga damit na binili ni Boss Asul para sa akin kahapon. Ang dami niyang pinamili para sa'kin. Treat niya raw. Na-realize kong mabait naman pala si boss. Gentleman at all times. Hindi ko nga naramdaman na katulong niya ako. Kumain din kami pagkatapos mamimili. Pati nga si nanay binilhan niya. Naikuwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa amin. Mataman lang siyang nakinig. Pati ang mga paghihikahus namin sa buhay ay naikuwento ko na rin. 'Pag kaharap ko siya, feeling ko siya si Ma'am Charo. Inihatid din niya ako sa labas ng kanto kahapon. Sa dami ba naman ng dala ko. FROM Boss Asul 8:56AM Good morning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD