"TANGA!"
Nanggalaiti ang matandang negosyante. Namumula ang kanyang mukha. Sa taranta ko'y napatayo ako bigla. Muntik pa akong mauntog sa lamesa.
"Sorry po! Sorry... Sorry..." gagap ko.
Basa na ang mga papeles na nasa lamesa. Umuusok pa nga.
"How could you!" muling sabi niya. Nanlamig ang katawan ko.
"P...pasensya po talaga, hindi ko ho sinasadya."
"It's because you're stupid!"
Napapikit ako. Maka-stupid 'to. Hindi ba siya naaawa sa nguso kong sumubsob sa sapatos ng kasama niya?
"I got this, Sir..." apologetic na sabi ng lalaking may abuhing mga mata. Nang tingnan ko siya ay nagtama ang aming mga paningin.
Slow motion na dumaan ang kidlat sa aming mga mata. Tantiya ko, mga 2.55 seconds. Naramdaman ko ang pananalaytay niyon sa aking mga ugat, mabilis, patungo sa aking dibdib.
Isang talata talaga ang masasabi ko. Gwapo, makisig, matangkad, matangos ang ilong, namumungay ang mga mata na parang bagong gising, mapupula ang mga labi, at makalaglag panga ang kanyang panga! Sinundan ko pa ng tingin ang paggalaw ng adam's apple niya. Nang lumunok siya sa pangalawang beses ay lumunok din ako.
Ganito. Ganito talaga ang mga eksenang napapanaginipan ko. 'Yung unang pagkikita namin ay matutulala kami sa isa't isa. Ngingiti siya at ngingiti rin ako. Hahawakan niya ako sa mukha at magsasalubong ang aming mga hininga.
Umabot na sana sa Mt. Pinatubo ang imahinasyon ko, kaya lang biglang dumating si Manager Kim.
"What's going on, Allenda?"
Pinagsalikop ko ang mga kamay sa aking harapan at kagat-labing tiningnan ang mga papeles. Tingin ko'y tungkol iyon sa negosyo. Bakit ba kasi ako nadulas? May punto naman pala ang matandang negosyante, ang tanga ko!
"I'm so disappointed, Manager Kim! Sa tinagal ko ritong nagkakape, ngayon lang nangyaring may tatanga-tangang waitress na sisira sa meeting ko." Galit pa rin ang matanda. Noon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Parang gusto ko na tuloy mag-evaporate sa ibabaw ng bubong.
"I'm really sorry, Sir. Hindi na po ito mauulit," sabi ni Manager Kim.
"Talagang hindi na! I want you to fire her right away! She's so incompetent. Hindi siya nababagay rito."
Nang marinig ko iyon ay tila nag-jelly ang aking mga tuhod. Hindi puwede. Kung mawawalan ako ng trabaho, paano na si nanay? Sino ang bibili ng mga gamot niya para sa kanyang sakit? Paano ko mapapaayos ang bahay naming malapit nang tangayin ng hangin ang bubong? Paano na makakalaya si tatay kung walang mag-iipon?
Tiningnan ko nang may pagmamakaawa si Manager Kim. Malungkot at tipid lang siyang ngumiti bilang tugon.
"Pasensya na po ulit kayo, Sir. Papalitan ko na lang ang kape ninyo," aniya.
"Don't. Nawalan na ako ng gana. Basta sa susunod, ayaw ko nang makikita ang pagmumukha niyan dito!"
Dinuro ako ng matanda. Humakbang ako paatras.
"Let's just reschedule the meeting, Mr. Mijares. Magpapa-print na lang ako ng panibagong kopya ng kontrata."
"Alright, Sir," sagot ng lalaking Mr. Mijares kuno.
Pagkatapos niyon ay naglakad na paalis ang matanda. Bumuntong hininga si Manager Kim.
"Pumasok ka na sa loob, Allenda. Hintayin mo ako sa opisina ko. Ako na ang bahalang magpalinis nito. Magpalit ka na rin ng suot."
Tiningnan ko ang sarili ko. May mga talsik pala ng kape ang puti kong uniform.
"S-sige ho. Pasensya na po ulit."
Bago ako tuluyang tumalikod ay tinapunan ko muna ng tingin ang lalaking tinawag na Mr. Mijares. Ngayon, blangko na ang kanyang mga mata. Pero pakiramdam ko ay sinusuri niya ako. Posible ba 'yon?
Nagtungo na ako sa locker room para kunin ang damit pamalit. Halos nabilang ko sa aking utak ang bawat hakbang ko. Humikbi muna ako sa loob ng restroom. Iniisip ko pa lang na tatanggalin ako ni Manager Kim ay parang nanlalata ako.
Lagot na. Mukhang wala akong choice kundi magpaligaw kay Bernardo. Siguro simula ngayon ay makikipag-close na ako sa kanya. Mag-a-apply na lang akong tindera ng pandesal. Oh, kay pait naman ng kapalaran ko!
Inayos ko muna ang sarili ko at pinahid ang aking mga luha. Naglagay rin ako ng powder sa pisngi at kulay sa bibig. Nawalan yata ako ng kulay no'ng sinigawan ako ng matanda. Buti na lang sila pa lang ang customer kanina. Tiningnan ko nang maigi ang sarili ko sa salamin. Kung sakaling sisantehin man ako, atleast hindi ako magmumukhang nagluluksa.
Pagkalabas ko sa restroom ay nakasalubong ko si Cyril, isa sa mga kasamahan ko.
"Ano'ng nangyari, Allenda? Ayos ka lang ba?"
Ngumiti muna ako. Nakikita ko 'yung pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Narinig ko lahat."
"Ha?"
"Narinig ko 'yung sinabi ng matanda kay Manager Kim."
"Ayos lang 'yon."
Isa si Cyril sa mga naging close ko na sa loob ng apat na buwang pagtatrabaho ko rito. Mabait siya at lagi akong dinadalhan ng pagkain.
"Pakikiusapan ko si Manager Kim," sabi niya.
"Huwag na. Ako nang bahala."
"Pero hindi mo deserve ang mapaalis dahil lang do'n."
Tinapik ko siya sa braso.
"Huwag kang mag-alala, pakikiusapan ko naman siya. Malay naman natin, 'di ba?"
Malungkot siyang tumango. Si Cyril ang typo ng tao na maaalalahanin lalo na sa mga kaibigan niya. No'ng pumasok ako rito ay siya ang unang nakapagpalagayan ko ng loob.
"Sige na nga. Masyado kang maganda para malungkot. Cheer up na."
"Salamat, Cyril. Sige na, gawin mo na ang trabaho mo bago pa tayo mahuli pareho. Masisante ka pa."
Ngumiti lang siya ngunit nag-aalangan pa rin ang mukha.
Pumasok na ako sa loob ng opisina ni Manager Kim. Wala pa siya roon. Siguro ay kausap pa 'yung guwapomg businessman na 'yon.
Naupo na lang ako sa visitor's chair. Ang laki rin ng opisina niya rito, well-ventilated at moderno ang mga disenyo at kagamitan. Ang hindi lang yata moderno ay ang pagmumukha niya. Mukha kasing napag-iwanan na siya ng panahon. Isa sa siya sa mga tropa ng mga dalagang magpapagulong ng drum sa langit 'pag natsugi na.
-----
ILANG MINUTO pa akong naghintay bago dumating si Manager Kim.
Kung kanina'y papetiks petiks lang ang heartbeat ko, ngayo'y parang nakikipag-unahan sa karera.
Umupo siya sa swivel.
"Now, tell me. Bakit nangyari iyon, Allenda?"
"Ehm... Nadulas po kasi ako, Ma'am."
"Hindi ka nag-iingat," komento niya. Medyo may lungkot din sa kanyang mga mata. Kinabahan tuloy ako lalo.
"Eh, Ma'am... tatanggalin n'yo ho ba talaga ako?" Huminga siya nang malalim.
"Regular customer natin si Mr. Chua. Kaibigan din siya ng mga Hidalgo. In short, personal silang magkakilala ng may-ari nitong coffee shop."
Ako naman ang huminga nang malalim. Ito ang mahirap pagka nagtatrabaho ka sa mga mayayaman, isang pagkakamali mo lang ay tanggal na agad. Walang sorry sorry. Hindi talaga uso sa kanila ang second chance. Hay.
"Ibig bang sabihin no'n ay wala na akong trabaho simula sa araw na ito?"
Dahan-dahan siyang tumango. Bigla ay parang binibiyak nang literal ang aking puso. There's no way I'll lose this job! Kailangan na kailangan ko ng pera.
"Pasensya na, Allenda. Oo, gusto kita dahil madali kang turuan at pakisamahan. Napakasipag mo rin, kaya lang hindi kita kayang maipagtanggol. Sa mga oras na ito ay tiyak nakarating na sa mga boss ang nangyari."
Nanlabo na aking paningin.
"Naintindihan ko po kayo, Ma'am. Ginagawa n'yo lang din po ang trabaho ninyo. Mamimi-miss ko po talaga kayo."
"Ikaw rin. Pero kung gusto mo ay may iaalok ako sa'yo."
"Po?" Naayos ako ng upo.
"May iaalok akong trabaho para sa'yo." This time ay tumigil sa pagtulo ang aking mga luha.
"Talaga po, Ma'am?!"
"Oo. Hindi naman kita kayang pabayaan lang."
Sa tuwa ko'y napasuntok ako sa hangin.
"Yes! Salamat po talaga, Ma'am. Kahit ano pa 'yan ay gagawin ko basta makakaya ko po."
"Of course, you can, Allenda."
"Ano po 'yon, Ma'am?" excited kong tanong.
Naupo siya nang matuwid saka sumandal sa swivel. Pinaikot niya ang ballpen sa lamesa na sinundan ko ng tingin.
"Kaya mo naman sigurong maglaba, magluto, at maglinis, 'di ba? Huwag kang mag-alala, malaki ang pasuweldo, mas malaki pa sa suweldo mo rito sa coffee shop. Stay-out ka rin, so from 9 to 6 pm din ang trabaho mo."
"Woah! 'Di nga po? Totoo? Aba, oo naman po! Kayang-kaya ko 'yan. Kailan n'yo po ba ako gustong magsimula, Ma'am?"
Mukhang blessing in disguise rin pala na nasisante ako. Ang bait talaga ni Manager Kim. Marangal na trabaho naman ang katulong. Ang importante, hindi ako mawawalan ng trabaho.
"I don't know, itatanong ko pa sa magiging boss mo."
"Po? Hindi po kayo?" Umiling si Manager Kim.
"Eh, sino po?" tanong ko.
Ngunit napasinghap ako sa kanyang isinagot.
"It's Mr. Mijares.... Dark Blue Mijares."
----
Fairy: Bukas ulit. Hehe. Mag-ingay kayo, readers, uy.