"AYOS KA LANG BA, ENDANG?" Nasa hapag kami nang biglang nagtanong sa akin si nanay. "O... Opo, Nay." Tinitigan niya ako nang maigi habang naglalagay ng mga plato sa lamesa. Nakaupo na ako at nakapangalumbaba. "Hindi ka okay. Nag-aaalala ka siguro sa pyutyur biyenan mo, ano?" aniya. Tiningnan ko lang siya at ibinalik ang paningin ko sa plato. "Kamusta na raw ba? Nabawi na ba siya?" Naupo na rin siya sa harap ko at naglagay ng kanin sa sarili niyang plato. "Hindi ko alam, Nay. Hindi pa tumatawag si Asul." "Sana naman mabawi siya at mahuli ang kung sinumang kumidnap sa kanya. Hay, napakadelikado na talaga ng panahon na 'yon." Dumaan ang pamilyar na sakit sa dibdib ko. Iniwas ko na lang ang paningin ko at sinimulan ang pagkain. Sa totoo lang nawawalan ako ng gana pagkatapos kong mal