"HOW DID IT HAPPEN, DAD?" Nandito kami ngayon sa mansyon ng mga Mijares. Tensiyonado ang magkambal na Dark Red at Dark Blue, pero mas tensiyonado ang matandang Mijares, si Tito Skeet. "I don't know. Magkasama lang kami kanina sa mall pagkagaling namin sa eskuwelahan ni Princess," sagot ni Tito Skeet. Namumula ang kanyang leeg at mga mata. Parang anytime ay iiyak na siya. "Ang sabi ko hintayin na lang niya ako sa exit door dahil ilalagay ko sa sasakyan ang pinamili niya pero nang balikan ko siya roon ay wala na siya. Walang ideya ang mga guwardiya kung sa'n siya napunta. I tried to call her phone but it's out of coverage." Nagkatinginan ang magkambal at bumuntong hininga. Magkatabi naman kami ni Kira sa kaharap nilang sofa. I can't help but to worry about Tita Nisyel. Panigurado pera an