Dos Buenaventura
First day of school ko pa lamang ay iritang irita na agad ako nang magising ako sa bell nilang singlakas ata ng busina ng isang nagmamadaling ambulansya. Napadaing ako at agarang nagtalukbong ng kumot. Ba't ba ang aga aga nilang manggising?!
"Miss Addi?" Isang sunod sunod na katok ang narinig ko. Hanggang ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagbukas nito. Ugh!
Napabangon ako at marahas na natanggal ang nakatakip na sleeping mask sa mata ko. Galit na galit kong kinuha ang unan ko at inihagis sa direksyon niya.
"Get out!" sigaw ko na nagpagulat sa kanya at mabilis iyong inilagan.
Ang pinakaayaw ko talaga sa lahat ay yung dinidisturbo ako pag tulog ako. Hindi ba pwedeng hayaan nalang nila akong matulog muna? Hindi naman panghabang buhay akong tulog! Kailangan ko talaga atang ipalista sa babaeng ito ang mga rules ko. Addi's Law.
Pinulot niya ang unan at tiningnan ako sa kanyang namumungay na mga mata, ang mukha ay mas lalo pang naging maamo.
"P-Pero po malilate kayo sa pasok niyo..." marahan niyang sabi.
"Do you think I came here to study? No. Ni wala akong interes ni isa sa mga subject niyo dito. Si Daddy ang may gusto sa lahay ng ito. Hindi ako. At lalong hindi ko gustong maging estudyante ng makalumang eskwelahan na ito." Ibinagsak ko ulit ang sarili ko sa malambot kong unan at itinabon ang sleeping mask sa mga mata ko. Disturbo!
Nakatulog nga ako ng ilang oras. Doon lang ako nagising nang pasado alas dyes na. Okay. I think I need to take a bath now. Naligo nga ako. I did my morning rituals katulad ng nakasanayan ko sa sarili kong kwarto. Ilang sandali lang ay may kumatok at pumasok nga iyong birhen kong alalay.
Her usual attire is really baduy. Loose na blouse and palda plus medyas na hanggang tuhod ata at cheap na shoes. Nasa gitnang hati pa talaga ang tuwid na buhok at sobra pang hinhin. Goodness!
"Miss Addi, buti naman po at gising na kayo. Heto na po ang uniporme ninyo." Inilapag niya iyon sa kama ko. Katatapos ko lang rin iblower ang buhok ko at maglagay ng make-up kaya tumayo na ako at naglakad doon suot ang aking bathrobe.
"What the f**k is this?" Nandidiri ang mukha ko nang hawakan ko iyong manggas na halos ang liit lang ng parte ang kaya kong hawakan nito at igiya pataas para makita ko ng buo. Inihagis ko rin naman iyong blouse na sinasabi niyang uniporme ko sa sahig. Na kahit iyong palda ay inalis ko rin sa kama ko.
"Gusto mo akong magmukhang manang?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
"Pero Miss Addi. Yan po ang uniporme dito." Naging malungkot ang boses niya.
"No. I can't wear that! Magpatahi ka ng bago kong uniporme. Gusto ko ay above the knee iyong palda. Tapos yung blouse ay fit. And I want it clean. Hindi katulad niyan na mukhang isang taon nang hindi nalalabhan at itinambak nalang sa aparador kaya ganyan na ang kulay. Parang pinaglumaan na tapos ipapasuot pa sakin. I'll wear my uniform kung iyong mga binigay kong detalye ang iprepresenta mo." Tumalikod rin ako sa kanya at nagtungo na doon sa pinagsabitan ng mga nakahanger kong mga damit.
"S-Sige po Miss Addi. Pero kailangan niyo paring pumasok. Alam naman ng mga guro dito ang kalagayan niyo kaya maiintindihan nila. Ihahatid ko nalang po kayo sa room niyo pagkatapos niyong magbihis."
"Whatever. Get out," wala sa sarili kong sabi dahil tutok na ako sa pamimili ng damit na masusuot ko.
Nagdress nalang ako. Yung nakayakap ang kalahati sa katawan ko habang iyong ibaba naman ay natatangay rin sa akin pag naglalakad ako. Isa itong below the knee na dress na black and white.
Doon lang ako lumabas nang matapos rin ako. May dala dala akong purse kung saan nakalagay ang pinakaimportante kong bestfriend ngayon sa lugar na ito. Si handsanitizer.
"Miss. Nasa locker niyo na po ang mga librong kakailanganin niyo. Sasamahan ko po kayo doon."
Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Anong kukunin ko roon? Libro nilang tumatalakay kung gaano kaboring ang eskwelahan na ito? Idagdag pa iyong mga estudyante na akala mo ay walang kamuwang muwang sa mundo. Para akong isang mamahaling branded na damit na nahalo sa ukay ukay. Gosh!
Nagtungo nga kami doon sa locker room nang tumigil ako bigla kaya nabangga siya sa likod ko. Gaga!
"Stay here. Hindi ako maliligaw sa loob. Buntot ka nang buntot sakin." Iritado akong umirap sa kanya at naglakad na sa loob.
Lumiko ako dahil nandoon na ang magiging locker ko nang may nadatnan akong hindi inaasahan. Hindi ko ineexpect na meron palang ganito dito. Kasi naman, lahat ng estudyante mukhang mga sinauna at Maria Clara. Pero nagkamali ako. Mukhang may nahalong hindi santo.
Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad papunta doon sa nagmimake-out. Rinig na rinig ko ang daing ng malanding babae. Masyado na atang intense ang nararamdamang init nila sa katawan kaya hindi na nila ako namamalayan.
"Ugh, Dos..."
Kitang kita ko ang paggala ng kamay ng lalake sa blouse nito at mukhang iginagapang na iyon sa loob para punteryahin ang dibdib niya habang hinahalikan siya nito sa panga niya patungo sa leeg niya. Sa dami daming pagsasandalan ng babae na locker iyong akin pa! The heck?
Nang mahimasmasan ako sa nasaksihan ay nagpatuloy rin ako sa paglalakad lalo na't hindi parin nila napapansin ang imahe ko rito. Paano ba naman, binabyahe ng lalake ang babae sa kalangitan. They're both busy.
Pagkarating ko roon ay mabilis ko agad silang hinawi.
"Tabi nga. Wag dito sa locker ko. Doon kayo oh." Marahas kong itinulak ang babae paalis sa locker ko nang makarating ako doon kaya ang kinalabasan ay kamuntik na siyang mapaupo sa sahig. Buti nalang at mabilis ang kamay nitong lalake at nahawakan agad siya sa beywang. Hindi na ako nag-abalang sulyapan pa ang dalawa at itinuon lang ang buong atensyon sa loob ng locker ko.
"What the f**k?" Malutong na mura ng lalake na kumuha ng buo kong atensyon. Did I just heard him cuss? Akala ko puro mga mababait ang nandito sa loob na ito. Pero sabagay. Nakaya ngang magmake-out magmura pa kaya. This school is interesting.
Tamad akong napalingon sa kanilang dalawa. Iyong babae ay nahihiya nang itinago ang mukha niya sa akin. Habang itong lalake ay bakas sa mukha ang pagkairita at matalim ang titig sakin. His face caught my whole attention. Lalo na ang tattoo na nasa gilid ng kaliwang mata niya na mas lalong nagpapabadboy sa kanya. Maliit iyon na letrang x. I can also see the tattoo on his arm. I'm not into tattoo's but I guess they're cool. It looks good on him.
Malinaw kong napagmasdan ang mukha at ang tindig niyang malaadonis na ang pagkakahubog. Iyong labi niyang nakahalf open pa na mukhang dinilaan niya dahil medyo basa. His foreign features made me stare at him for awhile. Ang tangos ng ilong niya. Ang mga mata niya ay parang singdilim ng gabing walang ni isang bituin na mas lalong nagpapadagdag sa karisma niyang sumisigaw sa kagwapuhan. Plus his messy hair! Parang ginulo niya lamang ngunit sobrang bagay sa kanya. I feel like I've been blessed right now. My eyes have been blessed! Who's this guy?!
"The hell with you?" aniya sa matigas na ingles, ang mga matang madilim ay nag-aalab na sa galit na akala mo'y sasakmalin na ako ano mang oras.
Mukhang binabawi ko na ang sinabi kong nabinyagan ako ng isang anghel. Dahil sa oras na ito pakiramdam ko ay binisita ko ang impyerno at nakilala ang isang demonyo. He's so hot! Not just his gaze! Everything about him right now is so hot for me! Damn this guy! Ang swerte naman ng babaeng nakamake-out niya!
"Let's continue," sabi niya na ikinalingon ng babae sa kanya.
"Ah. Sige Dos. Ano... saan mo ba gusto?" tanong ng babae sa kanya na nagpataas lang ng kilay ko.
Talagang gusto pa ah? Ano? Round two? Sa mismong harapan ko? Live show? Ipinatili ko na ang tingin sa loob ng aking locker at ayaw nang magbigay ng interes sa dalawa kung ano man ang maisipan nilang gagawin.
"No. Not you. Lumayas kana. This girl will give the pleasure I almost reach awhile ago."
Napalingon agad ako sa kanya. Binitiwan niya ang beywang ng babae at mariin akong tiningnan.
Damn! He's so hot! Those piercing look he's giving me right now is so sexy! Meron palang katulad niyang estudyante sa paaralang ito? Yung mga sinaunang tao na hinaluan ng ubod na perpekto at gwapong katulad niya.
And what did he just said? Ako ang magtutuloy? Kahit gwapo siya ay hindi ko siya susunggaban! Kakalapa niya lang dito sa babae tapos ililipat siya sa akin. Malay ko ba kung yung kahalikan niya ay may sakit pala. Ayoko ring mapasa sa labi ko ang laway ng babaeng ito. Ayokong mapasahan ng bacteria like ew!
Nalaglag ang panga ng babae, halata ang pagkakagulat. Wala itong nagawa kundi magwalk out at sundin agad ang gusto ni Dos. Wait... Sino ba siya rito para umasta siya na akala mo ay isang hari na kailangang luhuran at pagbigyan? Just because he's scary and intimidating? Anong klaseng gwapong demonyo ba ang kaharap ko sa oras na ito?
"Tsss." Umirap ako saka tumalikod sa kanya at itinuon ulit ang tingin sa loob ng locker ko.
Kahit gwapo siya ay hindi ko ipapamukha sa kanyang nagugwapuhan ako sa kanya. Hindi naman bago sa akin ang ganyang mga hitsura kaya di ako naiignorante. Ang rami ko nang nakakamake-out na katulad niya lang rin. Pero siya ata itong nangingibabaw sa mga nakikilala ko. I wanna bite his lips right now. Pakiramdam ko kasi parang ang lambot. Seriously Addi...
Nasa gitna pa ako ng pagpapantasya sa kanya nang bigla niyang isara ng marahas ang locker ko na nagpabalik sakin sa katauhan ko. Pinihit niya ang aking balikat ko para paharapin ako sa mukha niyang galit na galit na sa akin pagkatapos ay itinulak ako ng marahas sa locker. Napadaing ako ng bahagya at mariing napapikit dahil sa pagkakatama ng likod ko roon. What the f**k! Sino siya para ganituhin ako?!
Dumilat ako. Nagtama ang mga mata namin lalo na't ang lapit na ng mukha niya sakin. Ang madilim at malalim niyang mga mata ay mariin ang tingin sa akin. Naging mahinahon ang ekspresyon ng mukha ko taliwas sa pagiging seryoso niya nang matitigan ko ang kanyang napakagandang ng mga mata na kahit nakakatakot iyong pagmasdan ay parang bibihagin ka parin. Siya ata iyong tipong tao na walang panahon para ngumiti. But still, I got the nerve to stare at him like this. I'm not scared...
"Alam mo ba kung gaano kasakit ang puson ko ngayon?" Halos ibulong niya iyon sa labi ko.
Natutup ang nakaawang kong bibig lalo na't nakakalasing ang pagtama ng hiniga niya sa ilong ko. Teka? Nakainom ba ito? I can smell a familiar taste of wine. He's drunk?
"Tingin mo ba may pakialam ako sa puson mo?" sabi ko nang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Mas lalong nabahiran ng pagkairita ang mukha niya. Hinawakan niya ang braso ko at idiniin ako lalo sa locker. Balak niya ba akong patagusin dito?!
"Who the hell are you?" galit na galit parin ang boses niya. Idagdag pa ang sobrang lapit niyang katawan sakin. I can even smell his scent. It's addicting.
"f**k you." I slowly mouthed.
Nabahiran ng pagkagulat ang mukha niya. Handa na siyang may gawin sa akin at ewan ko kung ano nang may boses na kumuha ng atensyon naming dalawa.
"Miss Addison..." tawag ng birhen kong alalay.
Ni isa sa amin ay walang nagpatinag sa titigang nangyayari. Dos remained his eyes at me with so much intensity and curiousity. Inangatan ko siya ng kilay.
"Let go. If you're horny then find a slut. Wag ako." Itinulak ko siya. Kusa siyang kumalas sa akin, kusang umatras. Gumalaw ang kanyang panga at namulsa, hindi parin nagbabago ang matalim niyang paninitig sa akin, na akala mo'y ang laki ng kasalanan ko sa kanya.
"We're not yet done badass." Galit niyang sinuntok ang locker at umalis rin. Naiiling niya pang nasuklay ang medyo messy niyang buhok. Wow. Did I just met an asshole jerk? Ano nga iyong tinawag ng babae sa kanya? Dos? Seriously Dos...
Ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa locker ko, umaktong parang walang nangyari. Ilang sandali lang ay bumungad na sakin ang mukha ng birhen kong alalay na may pag-aalala sa mukha. Nanatiling blangko ang aking ekspresyon at mukhang walang nangyari na sagutan sa amin kanina ng lalaking iyon. Well... I am not affected. And I don't care...
"Miss Addi? Okay lang po ba kayo? Wala po bang ginawa si Sir Dos sa inyo?" Bakas sa mukha niya ang takot.
Kinuha ng kanyang sinabi ang buo kong atensyon. Anong ibig niyang sabihin? Sikat ang lalaking iyon rito? Hindi naman iyon kagulat gulat dahil narin sa imahe niya, sa kagwapuhan ng kanyang mukha. Pero ba't parang pati ito ay takot na takot? Is he a God or something?
"Buo naman ako. May nakikita ka bang dumudugo sa akin?" Tamad kong kinuha ang natipuhan kong libro sa loob.
"Ah, hindi po iyan ang tinutukoy ko. Bale ano po, ahh... b-binastos ka ba niya?"
"Ba't interesado ka?" Ibinigay ko sa kanya ang libro ko na kinuha niya naman. "Ikaw magdala." Tumango siya.
"Ah kasi po, yung si Sir Dos ay maldito. Siya ang pinakamatigas ang ulo sa magkapatid na Buenaventura. Hindi kagaya sa isa niyang kapatid na si Sir Uno na matino naman kahit papaano pero may pagkapilyo parin. At si Sir Tres na suplado at tahimik lamang. Si Sir Dos po kasi..." Hindi niya iyon madugtungan. Parang wala siyang mahanap na salita para ilarawan ang lalaking iyon.
"He's rough." Napangiti ako ng makahulugan.
Ibig sabihin ay may dalawa pang kagaya ng lalaking iyon? Isang pilyo at isang suplado? Oh damn it... Ba't bigla akong ginanahan sa eskwelahan na ito?! Hindi naman pala boring. May mapaglilibangan ako kahit papaano. Gusto kong humagalpak ng tawa sa aking mga naiisip.
"P-Po?" Gulat ang mukha niya. Sa ekspresyon niya ngayon para niya akong narinig na magmura. Seriously.
"Nevermind. Di gets ng mga birhen ang salitang iyon." Umirap na ako sa kanya at nagsimula nang humakbang. Hindi mawala sa utak ko ang mukha ni Dos na nagpapangiti sa akin ng pilya.
Saan ko kaya makikita ang dalawa pa? I bet they're like Dos too. Gosh. Buenaventura! Dos Buenaventura! Tapos may Uno at Tres!
"Ahh, Miss Addi. Wag po sana kayong maglalapit sa lalaking iyon. Mag-ingat po kayo sa kanya." Pahabol niya sakin na nagpangisi sa akin lalo.
"Siya ang mag-ingat sa akin. Baka magahasa ko siya." Humalakhak ako na ikinagulantang niya. Damn Dos Buenaventura...