3

1920 Words
Buenaventura brothers Naglalakad ako sa hallway. Iyong birhen kong alalay ay nagpaalam na magc-cr raw muna siya kaya hindi ko na hinintay at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta basta kung hanggang saan ako kayang dalhin ng dalawang paa ko ay doon ako.  May mga estudyante nang napapalingon sa akin dahil sa naiiba kong suot. Sila kasi mukhang mga manang. Simbahan ba ang paaralang ito at ang raming mukhang madre? Kidding right Addi? Eh may naligaw ngang Satanas eh. Dos is just so f*****g hot. He's hotter than hell. Maarte kong hinawi ang aking buhok patungong likuran at taas noong naglakad. Kulang nalang ata ay tumirik ang mga mata nila kakatitig. Kawawa naman ang mga ito. Nakikita nila sa akin ang mga bagay na hinding hindi mapapa sa kanila. Napansin ko na bigla nalang nagkaroon ng espasyo sa gitna dahil sa mabilis na pag-alis ng mga estudyante roon. Akala ko ay ako ang dahilan para bigyan nila ako ng mas malaking daan pero iyon pala ay dahil sa lalaking naglalakad at supladong suplado ang mukha. Sandali akong natigilan dahil sa imahe niyang kumuha ng atensyon ko. Masyadong suplado tingnan habang nakapamulsa, naka earphones at ang mga mata ay kagaya ng kay Dos. But Dos' screams dominance while itong isa naman ay masyadong snob tingnan. Nakarating rin siya ng tuluyan sa harapan ko. At dahil nandito lang ako sa gitna at nakatayo lang ay humaharang nga ako sa dinadaanan niya. Pwede naman siyang lumiko. Kaso napakurap ako nang huminto siya sa harapan ko. Ang unang kumuha agad ng atensyon sa akin ay ang nakakaakit niyang pabango. Malinaw ko naring napagmamasdan ang mukha niya. Damn! Langit ba ang lugar na ito? Ba't ang rami ko atang nakikitang mga lalaking sobrang perpekto ang imahe! His look screams heaven for pete's sake! Napatitig ako sa kanyang gwapong mukha. His almost foreign features made me gasp. Kahit saang anggulo ko ata siya tingnan ay wala akong mahanap na kapintasan. "You're blocking my way young lady," aniya sa husky na boses. Oh... The tone of his voice is so sexy! Pakiramdam ko ay dumapo ang hininga niya sa leeg ko kaya tumatayo iyon ngayon.  "Am I? Masyado na bang masikip ang daan at nakakaharang na talaga ako?" Humalukipkip ako, inangatan siya ng kilay.  May kung ano sa mga mata niya na ang sarap titigan katulad lang rin ng kay Dos. Pero mas maamo ng konti ang mga mata niya.  Lalo na sa mukha niyang seryoso na dumadagdag sa karisma niya. Oh damn it! Ang hot din! "Bago nga lang talaga siya." May narinig akong nagsabi noon. Who's this guy anyway? Ba't parang naghahariharian ito dito? Siya ba ang prinsepe ng mga taong gubat na ito?  "Step aside." Malamig niyang sabi sa akin. Kahit wala naman akong galit na naaaninag sa mukha niya pero sapat na iyong ipinupukol na titig niya sa akin. Para na iyong tumagos sa likod ko sa sobrang talim.  "May sinusunod ka bang Pedestrian line at kahit lumiko ay ayaw mo?" Mas lalo nang tumaas ang kilay ko. Ako pa ba ang mag-aadjust sa kanya? Ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong inuutusan ako. Hindi purket ang gwapo niya at mukhang sikat pa dito ay handa na akong sundin lahat ng gusto niya. That's another story. I have my own law. At iyon lang ang sinusunod ko.  Gumalaw ang panga niya, ang mga mata ay mas lalong naging madilim. Bakit bigla bigla kong naalala si Dos? Pero mas nakakatakot iyon kumpara sa lalaking ito. Iyong tipong magdududa ka kung buhay ka pa ba pag kinausap ka niya. Parang ikakamatay mo pag hindi mo siya sinunod. Damn that rough guy!  "Tsss..." Umismid siya. Ang buong akala ko ay liliko siya pero nagulat ako nang derideritso na ang lakad niya hanggang binangga niya ako sa aking balikat na halos matumba ako. Nalaglag ang panga ko. What the f*****g hell! In my entire life I've never been treated like this! Ang lakas ng loob niyang banggain ako! Sa sobrang galit at pagkairita ay hinubad ko ang ang suot kong heel at mabilis na itinapon sa likod niyang hindi pa nakakalayo nang tuluyan sa akin. Lumagapak agad iyon sanhi para mapahinto siya, dahan dahan akong nilingon sa nagbabaga niya nang tingin. Kung galit siya, mas galit ako sa kanya. Ano... Masakit ba? Akala mo naman hindi kita papatulan purket ang gwapo mo? Hah! My f*****g ass! "f**k you!" sigaw ko sa matinding galit at ipinakita sa kanya ang aking middle finger. Gulat na gulat ang mga estudyanteng nanonood, ang iilan ay napasinghap pa. Naglakad patungo sa akin ang lalake, dala dala narin ang aking heel at ang galit niyang mukha. "Anong problema mo?" matigas niyang sabi at mas mariin akong tiningnan. "Ikaw anong problema mo?!" Itinulak ko siya palayo sa akin.  Hindi siya natinag doon. Kapwa kami nagsukatan ng tingin. The intensity of his eyes is just too much. Para iyong nanghihila at sinusunog ako sa impyerno. Gusto ko man iyong pantayan pero parang hindi ko kaya kaya mas tinaliman ko pa ang aking tingin. Hinawakan niya ang lace ng aking heel kaya nalaglag ang aking tingin doon. Ganoon nalang ang pamimilog ng aking mga mata nang marahas niya iyong hinila sanhi para masira iyon ng husto. He almost smirk, ngunit masyado ring sarkastiko iyon. Inihulog niya ito sa sahig. Oh my God! Malalagari ko ata ang leeg niya. Ang mahal mahal niyan! Dad bought that in States! Tapos ginanyan niya lang?! Umusok ang ilong ko. Parang yung sungay ko ay umabot na sa sukdulan. Damn him!  "You're a f*****g d**k!" Sa sobrang pagkairita, marahas kong hinila ang kanyang polo sanhi para matanggal ang mga botones noon, revealing his chest and half of his stomach. Maraming nagsinghapan, kahit ako ay palihim na napasinghap nang makita ko ang kanyang nakakapanglaway na kamay. Ang malalandi kong mga mata ay ilang sigundo pang nanatili roon, sandaling nakalimutan ang galit kaya pilit ko nalang tinatagan ang aking sarili. "Tangina?" Napaatras siya sa pagkagulat, hindi makapaniwala sa aking ginawa. He glared at me darkly. Bago pa ako makaatras ay hinawakan niya na agad ang aking braso. "You!" Marahas niya akong hinila na halos ikinatapilok ko. Nasubsob agad ako sa kanyang dibdib lalo na't hindi ko magawang balansehin ng maayos ang tindig ko dahil isang heel lamang ang suot ko. Napahawak ako sa balikat niya para panatilihing nakatayo at hindi tuluyang matumba. Ikinairita niya iyon lalo, na hinawakan ko siya. "Ouch! Ano ba?! Let go of me!" Nagpumiglas ako pero mas lalo niyang idiniin ang pagkakahawak sakin. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin sa akin ngayon dahil sa galit niya.  "Tres." May malamig na boses ang pumaibabaw. Nagkasalubong ang aking kilay. Tres? This guy is Tres? Iyong sinasabi ng birhen kong alalay na kapatid ni Dos? Kaya pala may kung ano rin siyang awra na katulad kay Dos. Dahan dahang huminahon ang ekspresyon ng mukha niya lalo na ang pagkakahawak niya sa braso ko. Parang ang mala-awtoridad sa boses na iyon ang nagbigay sa kanya ng kaonting takot para mapakalma agad ang kanyang galit. Binasa niya ang labi at nilingon ang kung sinong tumawag. "Uno..." sambit niya sa baritonong boses. Naririnig ko na ang yapak nitong papalapit na sa amin kaya kinuha ko ang atensyon na iyon para bawiin ang aking braso ng marahas. Nabitiwan iyon ni Tres, iritado ulit akong binalingan.  "Anong nangyayari dito? And what's with your uniform? Sinong gumahasa sayo?" Nakarating sa aming harapan ang nagngangalang Uno. "Kasalanan niya," ani Tres sa nadidisgustong boses.  "Yes... Ginahasa ko siya," puno ng sarkastiko kong sagot at pasimple kong nilingon itong si Uno. Nang makarating ang tingin ko sa kanya ay napasinghap ako, ang aking mga mata ay bahagya pang namilog. Kulang nalang ay malaglag ang panga ko sa sahig. Oh my frigging gosh! Ba't ang gugwapo ng magkakapatid na ito?! He seemed very territorial. Compared to Dos who's dominant, Uno screams territory! Para siyang Hari na kayang pamunuan ang kanyang nasasakupan sa sariling paraan. Binalingan niya ako. Doon ko napagtantong hindi na pala ako humihinga sa kakatitig sa kanya. Ang nakaawang kong bibig ay agarang natutop. Tumikhim ako at pasimpleng pinasadahan ng haplos ang aking buhok. Pinasadahan niya ako ng tingin. Tumigil naman iyon sa paa ko saka ito lumipat sa kinaroroonan ng heel ko. Nagsimula siyang humakbang doon sa magaang paraan at pinulot iyon saka siya bumalik sa akin.  Napakurap ako nang lumuhod siya. Oh... Mukhang hindi ata ito katulad ng dalawa niyang kapatid ah? Matino ata itong si Uno! Parang hindi maldito at lalong hindi suplado! Hindi ito alagad ni Satanas kumpara sa kanyang mga kapatid. He belongs in heaven. O baka nga...  "It's broken. Why are you wearing heels inside the classroom, miss? Tapos hindi ka pa nakauniporme. Are you the rumored transferee girl?" Tumingala siya sa akin, hawak hawak na ang heel ko. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Parang nagniningning na ang aking mga mata dahil lamang kinakausap niya ako. "Your brother did that to my heel. Sinira niya!" Napaismid ako kay Tres.  "Dahil tinapon mo sakin," giit niya.  "Dahil binangga mo ako!" "Eh sino bang paharang harang?" Umangat ang isa niyang kilay sa nang-iinsultong paraan. "Malaki ang daan. Use your common sense." Umirap ako ng husto.  "Common sense? Alam mo pala ang bagay na iyan?" "Tres. Enough." putol ni Uno sa kanya. Natutop agad ang bibig ni Tres at tamad na namulsa, tinapunan pa ako ng matalim na tingin. Tumayo si Uno at inilahad sa kapatid ang aking heel. "Ayusin mo ito total sinira mo," aniya. Umismid si Tres, nagkasalubong pa ang kilay. Palihim akong ngumisi nang magtama ang aming tingin. "It's her fault—"Nang makita ni Tres na nagkasalubong na ang kilay ni Uno ay napabusangot agad ang mukha niya. Mahina siyang napamura at kinuha ang heel na inilahad ni Uno. Oh? Masunurin? Binalingan ako ni Uno. Mabilis kong ikinalma ang aking ekspresyon. "Where's your dorm?" tanong niya na ikinatitig ko sa gwapo niyang mukha.  "Doon lang." I said calmly. Tiningnan niya ang aking paa. "You can't walk with that. Ako na ang magbabayad sa kasalanang ginawa ng kapatid ko sa'yo. Alam kong hindi iyan magsosorry. Wala yan sa bukabularyo niya." Hindi ko alam ang tinutukoy ni Uno pero napunto ko rin iyon nang bigla niya akong binuhat. Sa sobrang gulantang ko ay agad kong naipulupot ang kamay ko sa leeg niya para doon kumuha ng suporta. "You don't have to carry her! Ihagis mo nga iyan palabas." Iritadong sabi ni Tres. Tiningnan niya ang kanyang kapatid. Umismid naman ako kay Tres. "Hanapin mo si Dos. Baka kung anong kababalaghan na naman ang pinaggagawa ng lalaking iyon. Ihahatid ko lang siya," ani Uno at tumalikod din. Nagsimula ring maglakad si Uno. Napatitig ako ng husto sa kanya. Alright... He's just too damn attractive! Sobra pang gentleman hindi kagaya noong dalawa na kulang nalang ibalibag ang babae.  Pasimple kong nakagat ang labi ko para pigilang mapangiti kaso sakto ring nahulog ang tingin niya sa akin kaya nahuli niya ang ginawa ko.  "That's illegal... You don't want to turn me on right now, do you? Lalaki lang rin ako, natutukso..." Oh... Pilyo... Pananagutan ko naman ang pang-iinit mo kung sakali, Uno. What the f**k, Addi? Tumikhim siya, nag-iba agad ang ekspresyon at namumungay ang mga matang tiningnan ako. "Ako na ang hihingi ng tawad sa ginawa ng kapatid ko. Ganoon lang talaga iyon sa mga babae." Naiiling niyang sabi.  "Well. I should thank him. Nang dahil sa away namin ay kinakarga mo ako ngayon." Humagikhik ako.  Mukhang alam ko na kung sino ang lalandiin ko rito. I can't resist Uno! Ayoko doon kay Dos at Tres eh. Basta ay may kung ano kay Uno na nakakaakit. Ang ugali niya kasi... And this is the first time someone treated me like this. Pakiramdam ko ay para akong prinsesa sa kanyang ginagawa. Siya lamang ang nagparamdam sa akin ng ganoon.  "You're naughty." Napangiti siya sakin na ikinatulala ko lalo sa kanya. Sa isang iglap pakiramdam ko ay humiwalay na ang kaluluwa ko sa akin. Hindi ako makahinga sa biglaang pag liwanag ng kanyang mukha dahil sa ngiting iyon. I like him!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD