Unbelievable
"Bloody hell..."
Laglag panga akong napatingin sa eskwelahang nasa harap ko na ngayon. Para itong sementeryo na ewan dahil sa sobrang boring tingnan. And it looks old! Mga sinaunang tao ba ang nag-aaral dito?! Pakiramdam ko nga ay dito nag-aaral si Jose Rizal dahil sa kalumaan ng hitsura! No f*****g way! Dad is not doing this to me! Para niya naring inihalo ang branded sa mga ukay ukay pag inilagay niya ako rito! Tapos itong eskwelahang ito ay parang pang hestorical period pa! Hindi talaga ako magtataka kung makakakita ako ng mga homo-sapiens diyan sa loob! No f*****g way!
"Miss Addi, welcome to our schoo—"
"Shut up!Call my Dad right now and tell him I'm going home. f*****g now," putol ko sa matigas na boses at maarteng nasapo ang aking noo.
Jesus! Hindi ko kayang manatili rito! Ngayon pa nga lang ay pakiramdam ko unti unti na akong natutunaw sa sobrang opposite ng lugar sa akin! Kulang nalang ay magtirik ako ng kandila sa aking kinatatayuan at talagang magiging libingan na ang tingin ko sa lupaing ito! Mamamatay ako sa loob ng maaga dahil sa sobrang boredom!
Ibinaling ko sa mga bodyguards ni Daddy ang buo kong atensyon dahil sinisimulan na nilang ilabas ang bagahe ko sa kotse at hakutin palabas. I don't have any of my gadgets! Pinaparusahan talaga ako ni Dad?! Ramdam na ramdam ko iyon dahil pati cellphone ko ay nagawa niyang imbarguhin. He didn't even bother giving me my cards! Kahit coins ay wala ako! Paano kung nauhaw ako? Malinis ba ang tubig nila rito? Kahit nga ata signal ay hirap hagilapin sa lugar na ito!
Goodness! Paano ako mabubuhay sa eskwelahang ito na wala ang mga 'yon?! Damn it.
"Hey! Ibalik niyo ang mga bagahe ko sa loob ng kotse! I am not gonna stay here!" Kulang nalang ay isaksak ko ang matalim kong tingin sa kanila na mukhang wala namang naririnig. They're my Dad's bodyguards. Not mine. Sinisante niya na silang lahat eh. Di kasi daw ako nababantayan ng maayos. Walang makakabantay sa akin ng maayos yun iyon. I'm expert at escaping.
Nang hindi nila ako pinakinggan, sa sobrang inis ko ay hinubad ko ang heel na suot ko at itinapon doon sa isa kong bodyguard na tinamaan sa mukha pero tiniis lang iyon at nagpatuloy. Now, my words are not their law anymore! Oh just great Addi... Bullshit. f*****g. Bullshit.
"Miss Addi, huminahon po kayo. Gagabayan ko kayo papasok Miss. Wala ka pong mapapala dito sa labas. Mahirap itong puntahan at mas lalong mahirap itong labasan. Baka ay maligaw ka pa. At lalong magagalit ang Daddy mo pag sinuway mo na naman siya." Namungay ang mga mata niya sa akin. Nasa 20's na ata ang babaeng ito. Isa ba ito sa katulong namin? Sa sobra kasi nilang dami doon sa bahay ay hindi ko na makabisado. 'Tsaka hindi rin naman ako parating nandoon. I always sneak out.
"Bakit? Saan ba ito banda? Kailangan ka pa bang umakyat ng bundok para makarating sa eskwelahan niyong singtanda narin ng lumipas na panahon?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
This is really surreal! Dapat ay nasa cafe ako ngayon at nagkakape dahil umaga! Pagkatapos ay pupuntahan na iyong gang ko! But Dad wouldn't let me! Masisira lang daw ang buhay ko. Sira na ang buhay ko kaya ano pa ang kaibahan nito? Noong namatay si Mommy, pakiramdam ko ay nawalan narin ako ng gana sa lahat ng bagay kaya umabot na ako sa puntong wala nang pakialam sa lahat at gawin nalang ang maisipan kong gawin, mabuti man o hindi.
Napabuntong ng hininga ang babae at sinikap na ngumiti ng matamis sa akin.
"This way Miss..." aniya sa mahinanong boses at nagsimulang maglakad.
Ilang sigundo akong nakatayo dito sa labas suot ang pink pencil skirt at long sleeve all-button shirt, halos bumaon na ang heel sa lupa sa kagustuhan kong manatili na lamang dito at huwag nang pumasok sa pangit na paaralan.
Napalingon ako sa likod pero mga kakahuyan lang naman ang malinaw doon sa paningin ko. May dalawa pang daan na naiiba. They left the car but I don't have the key! 'Tsaka mukhang nakakatakot iyong daan. Ayoko namang matulad doon sa wrong turn. Ayokong mawalan ng parte ng katawan ko. I know I'm gonna enjoy the thrill if I escape right now pero mas nakakathrill siguro kung sapilitan akong ikick out ng school na ito dahil sa ugali ko. And Dad has no choice but to take me home. Well, that's easy. Doing naughty things are my favorite. Malademonyo na akong napangisi sa ideyang naisip ko.
Naglakad narin ako at sinundan na lamang iyong babaeng napakaoff-fashion ng suot. Kulang nalang ay lumiwanag ang kalangitan sa kanya at bumyahe na siya sa kabilang buhay. Mukha siyang madre. Like ew...
Pagkapasok na pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang malaki nilang field kung saan ay marami nang estudyante ang nagkalat. Or should I say mga sinaunang tao. Naibaling nila sa akin ang lahat ng atensyon nila. Nagsimula sila sa ulo ko hanggang dahan dahang umakyat ang tingin nila patungo sa mukha ko at sinalubong agad sila ng isa kong kilay na nakataas na.
"Ngayon lang kayo nakakita ng isang tunay na tao?" matabang kong tanong at may halong pang-iinsulto.
Nag-iwas agad sila ng tingin sa akin lalo na't hindi rin nila maitago ang pagkamangha na gumuhit sa kanilang mga mukha noong makita ako. Siguro ay sobrang ganda ko sa paningin nila. Sa lahat naman ng mga tumitingin sa akin ay yun agad ang mapupuna. I always stand out. Kahit pa ihalo ako diyan sa malamodel na mga babae ay mangingibabaw parin ako. Karisma ko pa lang...
Habang naglalakad ay umiikot din ang aking mga mata sa paligid. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan at hindi mabura sa mukha ko ang pagkadisgusto dahil sa nasusulyapan ng mga mata ko. Off-fashion na uniporme, buhok na iisa lang ang kulay, lahat ay itim at akin lang ang naiiba. Idagdag pa ang loose ba blouse nila at mahabang palda. Kadiri! Nilalamayan ang salitang fashion sa imahe nila.
"Mga tagabundok ba ang mga nag-aaral dito?" Ngumiwi ako na ikinalingon ng babae sa akin.
"Hindi naman Miss Addi..." malumanay niyang sabi.
"Ah, nanggaling doon sa kagubatan ang iba. Mga taong gubat. No wonder." Napatango ako at pinasadahan ulit ng tingin ang estudyante nang may mahagip ang aking mga mata.
Isang babae ang namukod tangi sa grupo ng mga estudyante na kumuha ng atensyon ko lalo na't magkasalubong ang kanyang kilay at bakas sa mukha ang pagkainsulto. Mukhang narinig niya siguro ang sinabi ko. Malamang... Hindi naman siguro sila mga bingi hindi ba? Sa lakas ba naman ng boses ko.
Nanatili ng ilang sigundo ang aking mga mata sa kanya. Siya lang ata ang nakita kong matino dito. May matinong damit, matinong mukha at matinong imahe. Yung buhok niya ay halatang malambot at bagsak na bagsak. Yung akin kasi ay messy na medyo kulot ang dulo. Maganda siya kahit papaano. Maputi rin siya, matangos ang ilong, natural na mapula ang pisngi ganoon rin ang kanyang labi. She looks okay. But I hate the way she stares at me. Puno kasi iyon ng pagkairita. Nalamangan ko ata? Lamang na lamang ako at siya itong mukhang prinsesa ng mga taong gubat dito. Still, taong gubat parin.
"Ihahatid ko nalang muna kayo sa kwarto niyo Miss para makapagpalit kayo ng damit bago natin suyudin ang kabuuan ng eskwelahan—"
"Sementeryo," putol ko sabay irap.
Napakurap lang siya at ngumiti sa akin. Masyado naman atang tinubuan ng pakpak ang babaeng ito? Baka nga pag inihagis ko siya ay makalipad siya sa ere.
"Miss. Magpalit ka po ng damit..." Aniya nang tingnan ang aking suot.
"Why? Bukod sa suot mo, mas katanggap tanggap pa itong akin. Pasalamat ka nga at hindi pa ako nakahubad eh." Ngumiti ako ng peke ngunit sa huli ay umirap din.
"P-Pero..."
"Then call my Dad. Give me your damn phone if you can't do that. I'll call him." Inilahad ko sa kanya ang palad ko. Nakakatamad kausap ang mga inosente. Masyado talagang mga boring. Walang thrill sa mga buto. I really hate good girls! Ugh.
"Ah, sige po." Agaran kong nakitaan ang pagkataranta sa kanyang mga mata.
"What?" Nagtaas ako ng kilay para kumpirmahin ang tinutukoy niya.
"Wag nalang po kayong magpalit ng damit, Miss." Ngumiti siya sa akin.
Nagsimula siyang maglakad nang hinawakan ko ang braso niya. Napangiwi agad ako at mabilis na hinalungkat ang sanitizer sa dala kong purse. Ayokong mapasahan ng kahit isang bacteria.
"Just stay at my back okay? Ako dapat ang nauuna. Wag mo akong pinapabuntot sayo dahil hindi ako aso. Just explain the places na susuyudin ko rito." Naiirita kong sabi habang nagpapahid ako ng hand sanitizer.
"Ah, okay po Miss Addi." Nakangiti niyang sabi sa akin na mas lalo kong kinairita.
"Ako lang ata ang maganda rito..." Naiiling akong naglakad nalang. Bawat hakbang ko ay sinusundan ako ng tingin ng nakakaramihan. Napapasinghap pa sila pag hinahawi ko ang buhok ko papuntang likod.
Huminga kayo mga kutong lupa. Baka ikamatay niyo na iyan at maging kasalanan ko pa!
Nakasentro lang ang tingin ko sa harap. Hindi na gumagala ang mata ko dahil mukhang wala rin naman akong makikitang maganda sa eskwelahan na ito. I can't believe this kind of school exists! Naisearch ko pa ito kagabi sa google. Pero masyado itong tago! Parang nasa bukid na ewan. Wow. I can feel Dad's anger at me right now. Ngayon lang talaga nagsisink-in sa akin kung gaano siya kagalit kaya dito niya talaga ako pinatapon para maghirap ako. This is totally my opposite!
Panay explain lang ng nakabuntot sa aking babae doon sa mga pasilidad na nadadaanan namin. May library pala sila? Meron ring cafeteria. Walang basketball court pero may malaking field naman sila sa labas. Para iyong pang football. Malaki ang eskwelahan nila dahil may dorms rin. So, dito pala silang lahat nakatira. Makakalabas ka lang dito kung tapos na ang school year. Di ko ata abot ng dalawa kong kamay ang bilang ng araw na matatagalan ako ng eskwelahan na ito. Hindi ako ang maghihirap dito, sila.
"At ito naman po ang—"
"Stop. Naririndi na ako sa boses mo at pagod na ako. Ihatid mo na ako sa magiging kwarto ko dito." Humalukipkip ako.
Ilang sandali siyang tumitig sa akin. Kahit bulakbol ako at tamad mag-aral gumagana parin naman ang utak ko at hindi ako tinatakasan ng katinuan kailanman. Pero ito? May utak pa ba ito? Zombie?
"Don't just stare at me!" Napataas na talaga ang boses ko kaya napakurap siya at agad namang tumango saka iginiya ako sa daan na pupuntahan namin.
Laglag panga pa yung mga estudyanteng nakarinig sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang nagtataray? Sabagay. Mga tagabundok eh. Ignorante.
Maraming pinto ng kwarto ang dinaanan namin hanggang huminto kami sa isa. Binuksan ko agad iyon pero tumaas agad ang kilay ko nang may tatlong babae ang nakaupo sa kanya kanya nilang maliliit na kama. Malaki naman ang space pero ba't may kasama ako?
"Ba't nandito kayo sa magiging kwarto ko? Hindi ko kailangan ng mga katulong. Gusto kong mapag-isa."
Nagulat silang lahat at nagkatinginan, nanatiling tikom ang mga bibig dahil narin siguro sa aking presensya.
"Ah, Miss Addison. Kasama mo po sila dito. Lima po kayo dito eh. Bawat kwarto dito ay may limang estudyanteng umuukupa." Paliwanag ng babaeng kasama ko.
"Do I care? No. So send them out right now." diin ko at matalim siyang tiningnan.
"Pero—"
"I know my Dad paid this school more than the prize they expected. Sigurado akong handang lustayin ni Dad ang kayamanan namin mabulok lang ako dito. He's desperate now. So, I'm desperate either. And I want this room. Mine. Alone."
Napatitig na naman siya sa akin. Hindi alam kung susundin ba ako o ipipilit parin ang gusto niya kahit alam niyang magiging alanganin siya. Tila nagdadalawang isip na kung sino ang susundin. Si Daddy ba o ako.
Ibinaling ko ang tingin ko sa tatlo na nagugulantang parin sa bawat salitang nilalabas ng bibig ko.
"Hakutin niyo lahat ng mga basura niyo at lumabas na kayo sa kwarto ko."
Nagkatinginan lang sila ulit. Ilang IQ ba meron ang mga utak nila? O baka nga pati brain cells ay wala na sila.
"I said go the f**k out! Damn it." Nabahiran na ng iritasyon ang mukha ko na nagpapitlag sa kanila, doon lamang natauhan.
Mabilis silang gumalaw at pinagliligpit na ang mga gamit. Humalukipkip ako, pinanood ang kanilang pagkakataranta. Ang pinaka ayoko talaga sa lahat ay iyong hindi ako sinusunod.
Pagkaalis nilang lahat ay sumunod din naman ang mga bodyguards na dala dala na ang aking mga gamit.
Tamad akong umupo sa kama ko habang inaayos nila ang magiging kwarto ko. Pinanood silang tanggalin iyong mga naiwang kama ng tatlo. Actually apat iyon. Ewan ko kung sino ang may-ari ng isa. Itong kama ko lang ata ang malaki. May bedsheet narin itong pink ang kulay at malambot na hindi kagaya doon sa kanila na plain white. Kulang nalang ay tabunan ko narin ng puting kumot pag humiga ka dahil para nang pang-morgue ang hitsura. Wala bang may alam sa salitang fashion dito? Seriously... this place is unbelievable!