4

2088 Words
Know him more  Hindi alintana ni Uno ang mga estudyanteng pinapanood kami. Ako naman itong tumititig lang sa kanya. Kay bago bago ko dito ganito agad ang pambungad ko sa mga estudyante. I'm not here to show them how good girl I am anyway. At wala iyon sa bukabularyo ko. Doon lang ako umaamo kung may gusto na akong akitin.  "Stop staring miss. That's illegal." sabi niya.  "If you're a drug then I'm willing to get high." Humalakhak ako na ikinailing niya narin. May tumakas pa ngang ngiti doon.  "Damn... why so naughty?" halos pabulong niya na iyong sabihin sa hangin. Uno is a perfect boyfriend material. Yung tipong magiging bestfriend mo at the same time. Parang handa ka niyang samahan sa lahat ng lakad mo pero may mga limitations ka parin. How I wished I'm his ideal type. But I guess he likes good girls? Ang layo ko doon. I'm starting to get curious... may girlfriend kaya ito? Pero parang wala naman eh. He's kinda serious when it comes into relationships. Iyong hindi nagloloko hindi katulad ni Dos na mukha palang halatang ang rami nang naloloko. Bigla siyang tumigil sa paglalakad. Ewan ko kung bakit. Nakatitig lang kasi ako sa mukha niya. I can't get enough of it. Tsaka busy pa ako sa pagpapantasya sa kanya eh. "Haze? Why are you packing your things? Are you leaving?" may tinanong siya doon sa harapan.  "Ang bait mo talaga Uno. Sino na naman ba sa dalawang kapatid mo ang may ginawang kalokohan kaya ikaw itong nagbabayad ng kasalanan nila? Anyway, no I'm not leaving. That transferee brat is the reason why my things are packed! Pinalayas niya lang naman kami doon sa dorm namin. She wants the whole room! That girl is unbelievable!"  Napatingin ako sa kanya dahil sa narinig ko. Si Uno naman ay napakurap at nakatingin narin sa akin. And then this b***h met my gaze that shocked her. Hindi niya siguro inaasahang ako ang binibuhat ni Uno. And what did she said? Ganito talaga si Uno? Matulungin? Akala ko pa naman ay sa akin lang. That's alright. Pabibigayin ko ito sa akin. I'll enjoy my stay here making my life in hell just to be kick out. Pero sasideline narin ako kay Uno para naman hindi ako mabagot.  "Ayaw ko kasing may kasamang katulong sa kwarto ko." Ngumiti ako sa kanya. Siya yung babaeng masama makatingin sa akin. Iyong prinsesa ng mga tagabundok dito. At bakit kilala siya ni Uno? Sikat rin ba ang babaeng yan? Sabagay. Maganda eh. Mas maganda nga lang ako.  "Excuse me?!" Halos manlisik ang mga mata niya. Her ugly side is showing. Unlike me. Kahit galit ako ay namimaintain naman sa mukha ko ang kagandahan ko. Hindi katulad sa kanya na kumukupas agad.  "Ah, sige Hazel. Ihahatid ko muna. Baka hinahanap kana rin ng kapatid ko. Maiwan kana muna namin. I hate catfights." sabi ni Uno saka rin siya nagsimulang maglakad paalis doon sa harapan ng tinawag niyang Hazel. Anong koneksyon niya sa magkapatid at mukhang close siya?  "You're a naughty badgirl." sabi ni Uno nang huminto kami sa pinto. Ngumiti lang ako sa kanya. Ayokong magtaray eh. Napapakalma ako ng mukha niya. I want to look cute.  Binuksan niya ang pinto saka rin pumasok doon at inilapag ako nang dahan dahan sa kama ko.  "You better wear your complete uniform Miss--"Addi." putol ko sa kanya na may ngiti parin sa labi.  "Addi. Wear a proper uniform." Tumango ako. Hindi ko parin magawang putulin ang titig ko sa kanya. Nakagat ko ang labi ko nang may ilang sigundong katahimikan ang namuo. Hanggang sa lumuhod na talaga ako doon sa kama at hinila ang tshirt niya para makayuko siya at masalubong ko ang labi niya.  "Opsee... easy there baby. Don't be so wild. Mali yan." Humalakhak siya na ipinagsalubong ng kilay ko. Did he just reject me?!  "Are you rejecting me? Dahil ba doon sa babae? Is she your girl?" May bahid nang pagkairita ang mukha ko. Ngayon lang may tumanggi sa akin! Ngayon lang! Hindi naman sa s*x ang habol ko sa kanya pero kahit halik man lang! Bat bigla akong nalungkot dahil masyado siyang mabait?  "Nope. Isa sa kapatid ko ang nililigawan si Hazel Lopez. I'm single. But it doesn't mean I'll let you kiss me right now. Baka kung saan pa tayo mahulog at hindi ako makapagpigil. I don't want to be rude in your room. Besides, I respect you." He patted my head and smiled at me. Ilang sandali akong napatitig sa kanya hanggang napanguso ako at umupo sa kama. Halos ibaon ko doon ang pwet ko. Ni hindi ko na naipasok sa kokote ko na may manliligaw na Buenaventura ang babaeng iyon.  "Fine." I rolled my eyes. Ayokong magmaldita pero nakakainis lang kasi! Sana man lang ay may ugali siya ni Dos! Baka kung si Dos ito ay kanina pa kami naglalapaan sa isa't isa. Kahit make-out lang! How about that Tres?  "I'll go now. I'll lock your door for your safety. Enjoy your stay here Addi." Ngumiti siya sa akin bago siya tumalikod. Bumaba pa ang tingin ko sa pwet niya. How sexy. Sayang naman at hindi lumapat ang labi ko sa labi niya! How do you kiss a girl Uno? I'm kinda curious.  Nakangiti pa ako dito sa loob ng kwarto ko at hindi matanggal sa utak ko ang ginawa ni Uno nang may biglang kumatok doon. Mabilis iyong nabura at napalitan ng busangot. Pero baka si Uno iyon ay mabilis rin akong bumaba sa kama ko at halos takbuhin ang natitirang distansya ng pinto. Binuksan ko agad iyon at nakangiti pa ako kaso mukha ng panget kong birhen na alalay ang bumungad sa harapan ko. Kailan ba mamamatay ang isang ito? Masyadong disturbo eh. "Ano? Make sure that's worth it. May pinagpapantasyahan ako tapos disturbo ka." Iritado kong sabi saka ako naglakad pabalik sa kama ko na dismayado. Dapat pala ay hindi ko pinalabas dito si Uno nang hindi nahahalikan. Nagsisisi na tuloy ako. "Uhm, Miss Addi kasi lunch na. Ano pong gusto niyo? Dito nalang maglunch o doon sa cafeteria?" tanong nito sakin.  Kakaupo ko palang sa kama ko ay tumayo rin agad ako. Gusto kong makita ulit ang tatlong magkapatid na iyon. Para naman hindi lang tiyan ang mabusog sa akin. Lalo na si Uno. Baka kasi may magpapansin sa kanya. Babakuran ko lang. That Buenaventura is mine. Addie's Law. Don't mess up with my territory. Uno is my territory. "Di bagay sa mukha ko ang tinatago. Dapat nirarampa ko ito." Nagtaas ako ng kilay sa kanya na ikinatango niya lang. Anong klaseng anghel ba ang sumanib sa babaeng ito at masyadong mabait?  Lumabas rin naman kami. Sinamahan ako ng alalay ko sa cafeteria. Tanong nga nang tanong sa akin kung ba't daw ako nawala at kung ano daw iyong narinig niyang binuhat ako ni Uno at nag-away kami ni Tres.  "If you don't shut up then I'll let my fist handle your mouth." Mariin ko siyang tiningnan na nakabuntot na naman sa akin.  "S-Sorry po miss Addi." I just rolled my eyes. Ang sarap ihagis sa langit ng babaeng ito para sumakabilang buhay na at tigilan na ang kakasunod sa akin. Pero hindi ko rin naman kasi kayang mag-isa lang ako dito. Mabuti naring may alalay ako.  "Oo nga pala. Tungkol doon sa uniporme ko. Gusto ko bukas na bukas ay nakauniporme na ako." Ngumiti ako ng makahulugan. I want to impress Uno.  "P-Po? Miss Addi? P-Pero tatahiin pa po iyon. Baka matagalan pa." Naging dismayado ang mukha niya.  "I don't care. I want my uniform tomorrow. Kung pwedeng hindi sila matulog sa pananahi ay gagawin nila. Sino bang Principal dito? Sabihin mo ikick-out ako kung hindi dumating ang uniporme ko bukas ng umaga." Namutla siya sa sinabi ko. Kitang kita ko pa kung paano siya napalunok ng laway. They're not gonna expell me. Mas mabuti itong sila ang hawak ko sa mga leeg nila kaysa iyong sila ang hinahawakan ako. Dad's controlling them so I'm gonna control them either. Alam kong kahit anong gawin ko ngayon ay hindi nila ako ieexpell. That's their loss. Not mine.  "Sige po Miss Addi. Gagawan ko iyon ng paraan."  "Good."  Pumasok kami sa loob ng cafeteria pagdating doon. Dress parin kasi ang suot ko pero ibang heel na. Pasalamat ang Tres na iyon at kinuha ni Uno ang atensyon ko.  Ang alalay ko na mismo ang pumila para sa pagkain ko. Bagot na bagot naman ako dito. Idagdag pa ang panay paglingon sa akin ng iba. Mga ignorante talaga eh.  Pagod kong ibinaling ang tingin ko sa pagkain na inilapag niya. Mabuti naman at mukhang matitino ang pagkain nila dito.  "Doon kana sa labas. Ayokong mawalan ng gana sa pagkain dahil sa hitsura mo." Tumango naman agad siya sa sinabi ko.  Nakaupo na ako dito sa malaking mesa na kasya ang apat. Rectangular kasi iyong mesa. Ayoko rin na may kasama ako. At mukha namang walang nagbabalak na kausapin ako dito. I'm the rumored transferee spoiled-brat girl. At kalat na ata dito kung gaano kahaba ang sungay na meron ako. Sa bawat gagawin ko ay ramdam ko ang titig nila sakin. Kumpara sa mga pagkain nila dito, mas masarap pa ata ako. Kaya ayan silang lahat. Mas tutok sakin kaysa sa mga kinakain nila.  Sa dami ng nakatingin sa akin ay may kumuha rin ng atensyon ko. Kasama niya iyong tatlong pinalayas ko. Ano nga ulit ang pangalan nitong Prinsesang gubat na ito? I can't remember her name. Kinausap pa naman iyan ni Uno.  "Ba't pinapasok iyan dito eh mukha namang hindi interesado sa pag-aaral." Pagpaparinig niya sa akin. Is she trying to provoke me right now? Nagtatanim ng galit dahil pinalayas ko sa kwarto nila o insecure lang talaga sa taglay kong ganda? Pasalamat siya at good mood ako dahil sa ginawa ni Uno sa akin. I'm not into catfights either. Boring kasi iyon. Mas gusto ko yung ginagalit ko siya lalo sa akin hanngang mamatay siya sa sobrang inis sakin. That's better.  Kung makapagsalita siya eh hiyang hiya naman ako doon kay Dos. Kung ikukumpara sa akin ay mukhang may mas interes pa nga ako sa pag-aaral kaysa doon. Nasa loob naman sana ng eskwelahan kaso umiinom. Idagdag pa iyong nasaksihan ko. Lalo na yang tattoo niya!  Sumubo ako. Hindi ko na inabalang pagtuunan siya ng pansin. Tumigil rin naman. Ang tanga niya siguro kung nagpatuloy siya sa pagpaparinig eh halata namang wala akong pakialam.  "Oo nga pala Hazel. Nasaan si Dos? Ba't wala ata ang manliligaw mo dito?" Halos ibuga ko ang kinakain ko sa narinig ko. Napahagalpak ako ng tawa. Nililigawan siya ni Dos?! Ibig sabihin yung maldito na iyon ang tinutukoy ni Uno sa kanya. Wow. He's unbelievable. May nililigawan tapos may nilalandi. What kind of demon are you Dos? Kulang ata ang salitang badboy para ilarawan ang lalaking iyon. Para kasing sagad sa buto ang taglay na kamaldituhan.  "Excuse me? What's funny about that?" Nabahiran na ng iritasyon ang mukha niya. Dos is courting her. That's the funniest joke I heard this day. Mamamatay ata ako kakatawa. "Wala lang. Natatawa ako sa mukha mo eh. Takpan mo kasi." Tumawa parin ako. Gulat naman ang ekspresyon ng mukha niya.  "What did you say?!" Her voice reached a high pitched tone. Mukhang bagay nga silang dalawa ni Dos. Parehas na may sungay.  "Nanliligaw pala si Dos sayo? Alam mo bang nakita ko siya kanina sa locker room? May nililigaw rin. Mukhang byaheng kalangitan ata. You should've seen how Dos kissed that girl. Your suitor is very rough awhile ago." Humalakhak ulit ako.  Anger is shown all over her face. Ramdam ko sa galit niya ngayon ang kagustuhan niyang lapitan at sambunutan ako. How cheap. Ibinalik ko nalang ulit ang atensyon ko sa kinakain ko. That guy is seriously a devil. May nililigawan tapos sumasideline pa. Si Uno kaya? He said he's single. Pero kung taken man, baka maging kabit ako. Aagawin ko yun sa girlfriend niya. Silang magkakapatid kasi yung tipo ng lalake na kahit anong loyal mo sa boyfriend mo, pag nakilala mo sila ay magkakasala ka talaga. Uno is good but he's dangerous just like his two brothers. Tinutulak niya ang mga babaeng gumawa ng kasalanan. If that's the case then I'm a sinner. That's for sure. Siguro si Tres ganoon rin katulad ni Dos. Kaso siya yung tipo ng lalakeng sobrang snob. Yung walang pinapansin. Parang gusto niya lang pagtuunan  ng pansin niya walang iba kundi ang sarili  niya. I'm slowly knowing that three. But I want to know Uno more. Para kasing siya yung tipong masarap magmahal, iyong sagad na sagad yung pagpapakilig niya sayo na halos tagos hanggang buto. I really want to know him more.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD