Chapter 5

3682 Words
Katamtaman ang sikat ng araw sabado ng umaga sa malawak na bakuran ng mansion ng mga Velasco. Naka swimming trunks lang ang tatlo na paulit-ulit tumatalon pabulusok sa malalim at may kalakihang swimming pool. Ipinasadya ito ng matandang Donya para sa kanyang nag-iisang apo. Natatakpan ng naglalakihang mga puno ang paligid nito na medyo malapit sa gate ng naturang mansion. Pabalik-balik ang pag-ahon at pagtalon ni Lacim at Mico na patuloy na nag-aagawan sa iisang bola. Nakahiga si Julian sa isa sa mga lounger na nasa gilid ng pool. Nakasuot ng sunglasses habang nagbabasa ng maliit na makapal na libro. Lalo pang nadepina ang abs nito sa tiyan nang tumagilid. Maririnig sa malayong pinto ng kusina ng kanilang mansion ang ilang tilian ng mga mga kasambahay. Tahimil na pinapanood nila ang kanilang senyorito. "Huwag mo akong itulak Abeth!" singhal ng isa sa kanila, "Malalagot tayo nito kay Donya Juliana." "Ano ba kasing ginagawa niyo diyan?" tanong ng matandang sa kanilang si Delia, "Matet kunin mo 'tong basket ng mga gulay. Oras ng trabaho ah?" Mabilis na naglaho ang tilian ng mga dalaga nang utusan na sila isa-isa ni Aling Delia. "Julian, iyong bola!" utos ni Lacim dito sabay turo sa bolang tumalbog patungo sa gate ng mansion. Marahang ibinaba ni Julian ang suot na sunglass, bumangon siya sa pagkakahiga at ibinaba ang libro. "Utusan niyo ba ako?" pameywang nito sa dalawa. Nagtayuan ang kanyang mga balahibo sa binti nang nakangisi siyang sabuyan ni Mico ng tubig. "Ano bang ginagawa mo dude?" tanong nito, "Maligo ka na rin kasama namin." Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Walang imik na umapak at humakbang sa damuhan ang kanyang hubad na mga paa. Dinampot niya ang bola at malakas iyong inihagis patungo sa dalawa. Muli siyang bumalik sa pagkakahiga. Ipinagpatuloy ang kanyang sinimulang ginagawa. "Julian, iyong bola!" muli ay pang-iistorbo ng dalawa sa kanya. Walang imik na muli niya iyong kinuha. Masama niyang tiningnan ang dalawa na nagtatawanan pa. Nakailang utos ang dalawa sa kanya upang kunin ang lumagpas na bola. Hindi na siya nakatiis pa, inihagis niya sa gitna ng pool ang malaking salbabida. Doon siya nahiga habang pinagmamasdan ang langit. "Hindi ka maliligo?" si Lacim na sinakyan ang gilid na bahagi ng salbabida, yumundo iyon. "Oo nga dude?" si Mico na lumangoy na palapit sa kanya, "Si Brenda pa rin ba ang iniisip mo?" "No way! Bakit ko iyon iisipin?" Nagkibit-balikat ang dalawa. Sabay nilang itinulak pataob ang salbabida. Nahulog si Julian dito. Si-singhap-singhap siyang lumitaw mula sa ilalim nito. "Gago talaga kayo!" aniyang hinampas ang tubig na malapit sa mukha ng dalawang nakangisi na. Muling sumisid si Julian upang hanapin ang sunglass na kanyang naihulog sa ilalim nito. Lumangoy naman patungo sa pampang ang dalawa nang matanaw ang isa sa kasambahay na may dalang tray ng kanilang pagkain na meryenda. "Joy ano iyan?" tanong ni Lacim na nagtatapis na ng tuwalya, pumapatak ang tubig sa kanyang nakadepina at maskuladong katawan. "Sandwich, ipinagawa ni Senyorito Julian." "Wow! Salamat." tanggap sa tray ni Mico na umahon na rin kasunod ni Lacim, lumingon siya sa pool kung saan mag-isang lumalangoy si Julian. "Julian, meryenda na." alok nito sa may-ari ng tahanan. Sumenyas si Julian sa kanya na mauna na. Hindi pa rin nito nakukuha ang sunglass na nahulog kanina. "Dude, sabihin mo kay Julian na nasa sa'yo ang sunglass niya." si Mico na naupo na sa lounger kagat ang isa sa sandwich na kinuha. Malakas na tumawa si Lacim, bahagyang tumalsik mula sa kanyang bibig ang ilang slice ng kamatis. Agad napangiwi si Joy sa nasaksihan, hindi niya akalain na ganun ka-dugyot si Lacim sa malapitan. "Kapag may kailangan kayo, tawag lang kayo sa intercom." anitong mabilis nang tumalikod. Nagpatuloy sa pagkain ang dalawa habang nagpatuloy naman sa paghahanap ng nawawala sa kanya si Julian. "Dude, sabihin mo na sa kanya." si Mico na nakaguhit na sa mukha ang labis na pagka-konsensiya. "Ayoko, mas magagalit iyan sa atin." Mabilis na tumayo si Lacim at hinubad ang tuwalya na nakapulupot sa kanyang baywang. Itinago niya sa kanyang likuran ang sunglass ni Julian na hinahanap. "Moody, ahon na." aniya pagkatapak sa gilid ng pool. "Teka lang.." si-singhap-singhap na saad nito, "Hindi ko makita ang aking sunglass." Malakas na humalakhak si Lacim nang muling lumubog si Julian. Mabilis siyang tumalon at binitawan ang hawak na sunglass sa likuran. "Tutulungan na kita." anito paglitaw ng kanyang ulo. "Salamat." anito bago lumubog ulit. Halos maluha na si Mico sa kanyang pagtawa sa kinauupuan dahil sa kalokohang ginawa ni Lacim. "Anong nakakatawa Mico?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Julian pagkalait niya dito, bitbit ng isang kamay ang sunglass na nabitawan sa pool kanina. "Wala..dude.." Naupo sa tabi nito ang tumutulong katawan ni Julian. Kumuha siya ng sandwich at isinubo iyon ng isahan. Sinundan niya iyon ng isang baso ng juice. Muli silang bumalik sa paglalangoy nang mabusog. Paulit-ulit silang nag-agawan at nagpasahan ng bola. "Ang lakas Lacim!" sigaw ni Julian nang makitang lumipad patungo sa may gate ang pinalong bola. "Kunin mo na." sagot nitong walang pakialam. "Mico, kunin mo!" baling ni Julian sa kanya. "Ikaw na dude, nauuhaw ako." Walang nagawa si Julian kung hindi ang umahon. Wala na siyang ibang choice kundi kunin nalang ito. Nang mapagod ay muli silang naglangoy. "Langoy Lacima, nandiyan na si Jols!" irit ni Mico napinaliit ang tinig na parang isang bakla. "Heto na Mica, ikinakampay ko na ang aking buntot!" "Mga gago!" halakhak ni Julian sa dalawang kaibigan. Paulit-ulit nila iyong ginawa hanggang sa sila ay makaramdam ng labis na pagod. "Apo, magpahanda nalang kayo ng pagkain kay Delia." anang matanda na nakasakay sa wheelchair, "Kumusta na Mico? Lacim?" Natatarantang bumangon sa pagkakahiga ang dalawa. Sa kanilang pagmamadali ay natanggal rin ang tuwalya na nakapulupot sa kanilang beywang. Hindi nila iyon alintana kahit nanlalaki na ang mga mata ni Aleigh na kasama ng Donya sa nakita. "Mano po Lola!" magiliw na sambit ni Mico, mabilis niyang pinulot ang tuwalyang nahulog. "Kumusta na po kayo?" "Ayos lang ako, parang hindi tayo nagkita noong nakaraang araw." tawa ng matanda. "Mano po Lola," si Lacim na agad bumaling ang tingin kay Aleigh na panay lang ang irap sa kanya. "Kumusta ka na Aleigh?" "Ayos lang siya Lacim." sagot ng matanda, "Huwag mo ng asarin 'tong si Aleigh, baka naman mayroon kang gusto sa kanya?" Mabilis nasamid si Julian sa iniinom nitong tubig. Humalakhak naman si Mico na bumalik na higaan. "W-Wala po Lola!" tugon nitong tinakbo ang nahulog niyang tuwalya kanina, namumula na ang mukha. "Ayos lang naman na magustuhan mo ako Lacim." pagsakay ni Aleigh sa kalokohan ng matanda, "Pero dapat ay wala kang ibang babae bukod sa akin kapag liligawan mo na ako." "In your wild dreams, Aleigh!" saad ng binatang namumula sa kanya. Umaalingawngaw ang malakas nilang tawanan. "Diyan nagsimula ang love story namin ni Pakondo." si Donya na ang tinutukoy ang yumaong asawa, "Palagi niya ako noong inaasar, iyon pala ay gusto ako." "Narinig mo iyon Chickboy?" sabay na saad ni Julian at Mico, "Sa ganyan nagsimula ang love story nila." "Tigilan niyo nga ako! Hindi ko siya gusto." "Bakit naman hindi Lacim?" pakikisali pa ng matanda, "Maganda naman si Aleigh, matangkad pa siya." Si Aleign naman ang namula ang buong mukha. Litaw na litaw sa suot nitong uniform ang kakaibang angking ganda at ka-inosentehan. "Ayoko sa mga payat at inosenteng nilalang." Sabay na tumama sa mukha nito ang hinubad na t-shirt ni Mico at Julian. "Huwag kami Lacim, mahilig ka sa payat!" si Mico. "Kaya nga, maniniwala pa ako sa huling sinabi mo!" segunda ni Julian. Natakpan ng makapal na ulap ang haring araw sa kalangitan na matindi ang sikat kani-kanina lang. "O siya, maglangoy na ulit kayo." taboy ng Donya, "Halika na Aleigh, dalhin mo na ako sa kwarto." Umiiling na sinipat ni Aleigh si Lacim. "Palibhasa babaero ka!" aniya bago tumalikod upang itulak ang wheelchair ng matanda. Napunong muli ng tawanan ang kanilang grupo. "Huwag kang magkamali Lacim, twenty palang iyon." si Julian na tiningnan ng masama ito, "Para ko na iyong kapatid, naiintindihan mo?" "Sus, baka naman gusto mo Julian?" "Gago ka dude, iba ang gusto niyan." si Mico. "Ay oo nga pala, si Brenda." Naghabulan silang tatlo patalong muli sa malalim na swimming pool. Malakas na bagsak ng tubig kasabay ng malakas na tawanan ang naulinigan ni Freya sa kabila ng malaking gate na kinaroroonan. Paulit-ulit pa siya ditong malakas na kumatok. "Mico iyong bola!" sigaw muli ni Julian nang tumilapon itong muli patungo sa malaking gate. "Ako na nga!" sigaw ni Lacim na mabilis umahon. Pabalik na sana ito sa kanilang banda nang bahagyang matigilan. "Julian, may tao yata sa harapan ng gate!" sigaw nito. "Ano?" "Sabi ko may tao yata sa labas ng gate!" Umahon ang dalawang nasa swimming pool sa hindi maintindihang sinasabi ni Lacim sa kanila. Bumakas ang kanilang basang mga paa sa malinis na damuhan. "Ano ba iyon Lacim?" "Sabi ko may tao yata sa labas ng gate." tugon nito na inilagay sa kanyang beywang ang hawak na bola. "Teka, iyong mga tuwalya niyo!" ani Mico na mabilis tumakbo upang kunin sa lounger ang mga ito. Tatlong macho at hubad na katawan ang bumungad sa naguguluhang mga mata ni Freya, pagkabukas ng nakapinid na gate. Isa-isa itong nagpalipat-lipat sa katawan nila. Nanlaki ang kanyang mga mata nang tumigil iyon sa basa pang mukha ni Julian. "Anong kailangan mo hija?" si Lacim. Napaawang ang bibig ni Freya habang nakatitig pa rin sa mukha ni Julian na naguguluhan na rin. Napaisip rin siya kung saan niya ito nakita. Tila pamilyar sa kanyang mga mata ang dalagita. "Si A-Aleigh..pinsan ko siya." "Aah, pinsan mo si Aleign?" paglilinaw sa kanya ni Julian, may resemblance siguro ang dalawa kaya ang akala niya at minsan niya na itong nakita. "Pasok ka." Gulong-gulo pa rin ang isipan ni Freya habang sumusunod sa kanilang tatlo. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili na bahagyang naiilang. Siguro dahil kilala niyang magaspang ang ugali ng isa sa lalaking kaharap niya ngayon. Mahina siyang humiling ng panalangin. Na sana, ay hindi iyon mismo ang Senyorito ni Aleigh na kanyang sinasabi. Inihatid siya ni Julian sa bungad ng kanilang tanggapin. Ipinatawag ko na si Aleigh, hintayin mo nalang diyan. Bababa na iyon maya-maya. Tumango siya sa binata na nagsimula ng bumalik sa pool. "Pinsan ba talaga iyon ni Aleigh?" si Lacim na hindi makapaniwala sa nalaman, "Mas maganda sa ito sa kanya." "Bata pa iyon Lacim." may banta sa tinig ni Julian. "Sinabi ko lang na mas maganda." "Higit naman na matangkad si Aleigh sa kanya." si Mico, na bahagyang tumango-tango pa. Humigang muli si Julian sa kanyang lounger na inu-ukopa. Isinuot muli ang sunglass bago binuklat ang hawak na maliit na libro. "So paano na ang ating plano sa pekeng asawa mo dude?" tanong ni Mico na humiga rin sa lounger niya. "Ewan ko sa inyong dalawa, kayo ang may plano 'di ba?" Natigil saglit ang kanilang usapan nang dumating si Matet at Abi upang dalhin ang kanilang tanghalian. "Mag-asawa ka nalang kaya Julian?" suhestiyon ni Mico na sumubo ng isang kutsara ng bopis na ulam. "Madali lang iyan sabihin Mico pero alam niyong hindi iyon ganun kadali." tugon ng kausap nito, "Ang hirap maghanap ng babaeng pwedeng anuhin." Malakas na tumawa ang kanyang dalawang kasama. "Anong pwede mong anuhin?" si Lacim. "Huwag nga kayong bastos mag-isip!" singhal nito, napapahiya sa dalawa. "Pwedeng magpanggap na aking asawa sa harapan ni Lola." "E ano bang plano ang naiisip mo Lacim?" baling ni Mico sa katabi, "Iyong matino ha?" "Wala akong maisip mga dude." "Si Brenda nalang kaya Julian?" tanong ni Mico. Mabilis na bumangon sa pagkakahiga ang binata. Agad na nag-init ang kanyang ulo iniisip palang ito. "Definitely not her Mico." "Pwede niyong ayusin ang inyong gusot Julian." si Lacim, "Sa tingin ko naman ay nagbago na siya." "Nagawa niya na sa akin, in the near future ay pwede niya ulit gawin sa akin." "So what? E fake wife mo lang naman siya." Paulit-ulit na umiling si Julian, hindi payag sa plano nito. "Not her, Lacim." aniya, "Hindi siya ang gagamitin natin." "Dude makinig kayo, mayroon akong plano." si Mico na sinenyasan silang lumapit, "Ito ang plano natin, papakasalan mo iyong babae." agad kumurba ang kilay ni Julian ng pagtutol, "Pero seyempre liligawan mo muna ito, then kapag sinagot ka ay ayain mo ng magpakasal pagkaraan ng ilang buwan." "Tapos?" "Iyong kasal niyong dalawa doon ang magiging peke dahil hindi totoong pari ang ating kukunin." malawak na ngumisi si Julian sabay apir kay Lacim. "Hindi totoo ang lahat, ang ibig sabihin ay walang silbi iyong pipirmahan niyong papel marriage contract. Fake iyong lahat." "Paano?" "Hahanap tayo ng magpapanggap na judge para mabago kunwari iyong apelyido niya." ani Mico na mukhang expert sa pagpla-plano. "Huwag kang mag-alala Julian, peke pa rin naman iyong mga ID niya." "Saang banda doon iyong aamin siya?" si Lacim. "Teka lang dude, ganito after wedding niyo ay pupunta kayo ng inyong honeymoon." tumango si Julian mataman pa ring nakikinig, "Iyon ang tamang pagkakataon mo. Doon mo sasabihin sa kanya na peke lang ang naging kasal niyo at wala iyong halaga. Huwag kang gamol Julian, kailangan mong sabihin iyon sa kanya bago pa niya ibigay sa'yo ang sarili." Malakas na humalakhak si Lacim, naiiling. "Makakaya ba iyon ni Julian?" "Huwag kang magulo Lacim!" palo ni Julian sa ulo nito. "Ayon nga Julian, tama na iyong niloko mo siya sa naging kasal niyo. Huwag mo ng dagdagan pa ang magiging atraso mo sa kanya. At syempre magagalit siya sa'yo doon. Doon na papasok ang contract niyo, iyong tungkol sa mga bagay na ibibigay mo sa kanya. Property, pera, ikaw na ang bahalang mag-plano." "Okay." pag sang-ayon ni Julian sa plano, "Kailan tayo magsisimula?" "Maghanap muna tayo ng babaeng gagamitin mo." "Saan mo naman iyan nabasa Mico?" interesadong tanong ni Lacim. "Binasa ko sa libro." Agad nagliwanag ang mukha ni Julian sa narinig. "E kung binasa mo sa libro alam mo ang naging ending nila?" "Huwag ka ng gumaya sa kanila, nasa sa'yo iyon kung anong gusto mong maging ending niyong dalawa ng babaeng ginamit mo." Mabilis na itong tumayo at tumalon sa pool. Sumunod na rin ang dalawa sa kanya. Ibinabad lang nila ang kanilang katawan sa maligamgam na tubig. "Saang lugar magandang mag honeymoon?" wala sa sariling tanong ni Julian habang naka floating silang tatlo sa ibabaw ng malinaw na tubig. "Sa malamig na lugar para maging mainit ang inyong unang gabi." si Lacim na malakas na tumawa. "Gago ka talaga Lacim!" si Mico na agad itong hinila upang lumubog silang dalawa sa tubig. Lumubog na rin si Julian na natatawa sa kanila. Nagpatuloy ang kanilang usapang honeymoon. "Sa Baguio mo siya dalhin, dude." si Mico, "Mas malayo dito sa lungsod mas maganda para hindi agad makauwi at makapagsumbong kay Lola." Paulit-ulit na tumango si Julian kay Mico. Maganda ang plano nito, magiging pulido kung aayusin niya ito. Nagsisinop na sila ng mga gamit nang dumaan ang pinsan ni Aleigh upang umuwi na. Napangiti nang maliit si Julian nang masilayan ang bahagyang namumula nitong mukha. Tsinita na, tisay pa ang dalawang salita na pumasok sa kanyang isipan. "Ano kayang pangalan?" tanong ni Mico na agad ding naging kuryuso sa katauhan ni Freya, "Mukhang teenager pa, sixteen? Seventeen?" "Maaari, twenty palang naman si Aleigh." tugon ni Julian, "Mukha siyang mas bata dito." "Gusto niyong tanungin ko?" makapal ang mukhang tanong ni Lacim sa kanilang dalawa. "Matinik ako pagdating sa kuhaan ng detalye ng isang babae." Mabilis itong tumayo mula sa pagkakaupo at sinundan ang dalagitang patungo na sa gate. "Bata pa iyan Lacim!" sigaw ng dalawa. "Gago talaga." halakhak ni Mico. Tinanaw ng dalawa mula sa malayo si Lacim at ang batang bumisita kay Aleigh. Ilang beses ipinilig ni Julian ang kanyang ulo. Sa malayong anggulo nito ay pamilyar na pamilyar sa kanya ang mukha. Parang nakita niya na ito nang mga nakaraang araw. Binuksan ni Lacim ang gate, kinawayan niya ang dalagita habang lumalabas sa malaking gate. "Anong pangalan niya? Ilang taon?" sabay na tanong ng dalawa paglapit ni Lacim sa kanila. "Wala, maramot sa detalye ang batang iyon." Nag-apir si Julian at Mico na nasisiyahan. "Iba siya sa mga babaeng nakausap ko." "Bata pa kasi iyon Lacim." si Julian na mataas ang taglay na kumpiyansa. "Nasa college na iyon." bulong-bulong na sagot nito. Muling naupo ang tatlo upang patayin ang mga natitirang oras bago sila tuluyang maghiwalay. May mga papeles silang kailangang pirmahan at i-review. Nabanggit ni Lacim sa kanila na magtutungo ito Sabado ng hapon sa isa sa mga hotel nila na matatagpuan sa Bicol. Si Mico naman ay may lakad rin na patungo naman sa Batangas lang. "Ikaw, saan ang plano mo Julian?" si Mico. "Dito lang ako sa mansion, saan pa ako pupunta?" "Gusto mong sumama sa akin?" si Lacim na nangingiti, "Doon tayo maghahanap ng gagamitin." "Huwag mo na siyang isama Lacim, may naisip na akong magandang plano para sa kanya." si Mico. Mabilis na bumaling sa kanya ang dalawa. "Ano Mico?" sabay na tanong nila dito. "Paano kung iyong dalagitang iyon ang gamitin mo?" "Alin? Iyong pinsan ni Aleigh?" gulantang nitong tanong, "Bakit iyon?" "Una ay maganda siya. Pangalawa ay inosente pa at batang-bata." bilang niya sa kanyang mga daliri, "Mabilis mong ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Mukha naman siyang mabait at maunawain." Paulit-ulit na umiling sa kanya si Julian. Hindi sang-ayon sa iniisip na plano ng kanyang kaibigan. "Okay na siya sa ating plano keysa naman kay Brenda." "Lower your voice Mico." sita dito ni Lacim, "Magiging delikado tayo kapag narinig ni Lola." Tumango si Julian, gusto ng Donya si Brenda. Maaaring ipagkasundo na siya dito kapag wala siyang action na ginawa at ipinakita sa matanda. "Paano natin sisimulan?" wala sa sariling tanong nito. "Wow! Pumapayag ka na?" si Lacim na pumalakpak pa ng dalawang beses. "Oo, keysa mapunta ako kay Brenda." "Dude, grabe ka sa kanya." halakhak muli ni Lacim, "Minahal mo naman iyon--" "Noon, Lacim noon." "Tama na iyan. Simulan na natin ang tunay na plano." taas ng kamay ni Mico sa kanilang harapan, "Unang hakbang ay aalamin mo ang kanyang pangalan. Edad, kung nag-aaral pa siya at ang kanyang number." "Paano?" "Gamitin mo si Aleigh." simpleng tugon ni Lacim, tiningnan siya ng dalawa. "I mean sa kanya mo kunin ang mga detalye niya na hindi mo alam. For example, iyong pangalan niya, number niya, ibang detalye pa." "Lacim has a point." pag sang-ayon ni Mico, "For now ay gamitin mo si Aleigh." Naka set na ang kanilang plano. Hakbang nalang ni Julian ang basehan upang masimula ang plano nito. Pagkaalis ng dalawa ay naligo na si Julian sa kanyang silid. Sinadya niyang sa silid ng Donya kumain ng hapunan upang makapagtanong siya kay Aleigh ng tungkol sa kanyang bumisitang pinsan. "Anong pangalan ng pinsan mong bisita Aleigh?" pasimpleng tanong nito habang kumakain, nag-angat ng nagtatanong na tingin ang matanda sa kanya. "Gusto ko lang pong malaman Lola." Ngumiti ang matanda sa kanya at lumingon kay Aleigh na abala sa kanyang hawak na cellphone. "Freya po, senyorita." tipid na sagot nito. "Iisa ang apelyido niyo?" Marahan itong tumango sabay angat ng paningin sa kanya. "Magandang bata ang pinsan ni Aleigh, apo." singit ng matanda, alam na alam na ni Julian saan iyon patungo. Sa pagrereto nito sa kanya. "Napakagalang pa at halatang magiging mabait na tao paglaki." Bahagyang naagaw ang pansin ni Aleigh sa sinabi ng matanda. Tiningnan niya si Julian na halatang interesado sa pagkakakilanlan ng kanyang pinsan. "Eighteen palang po iyon si Freya." saad nito na ikinangiti ni Julian, hindi niya na kailangan pang magtanong dito. "Third year college, nursing ang course." Lalo pang lumawak ang ngiti ni Julian. "Pareho kami ng apelyido Senyorito." mapakla nitong saad, una palang ay gusto na siya ni Aleigh. Hindi niya lang iyon maaamin ng deretso sa kanyang amo. "Evangelista?" si Donya Juliana. "Opo." tango nitong tuluyan nang nawala ang atensyon sa hawak na cellphone. "Magkapatid po ang Nanay naming dalawa Senyora." "Ibigay mo nga ang number ng batang iyon Aleigh dito sa iyong Senyorito." utos sa kanya ng matanda, "Halatang interesado siya dito." Kapwa natigilan si Aleigh at Julian sa sinabi ng matanda. Labag man sa loob ay napilitan siyang ibigay kay Julian ang numero ng kanyang pinsan. "Salamat Aleigh.." Lupaypay ang balikat na tumalikod sa kanya si Aleigh. Nanghihinayang pero masaya na rin para sa kanyang pinsan. Alam niyang mabuting tao may malawak na pang-unawa ang kanyang Senyorito, malabo nitong saktan at paiyakin si Freya na para niya ng kapatid. Sa kabilang banda ay abot-tainga ang ngisi ni Julian. Ka video call niya si Mico at Lacim na kasalukuyang nasa isang liblib na lugar. "Nakuha ko na ang number niya." mayabang niyang wika, "Ite-text ko na ba?" "Aba, malamang." pilosopo na saad ni Lacim sabay halakhak, "Alangan tawagan mo iyon agad?" "Anong pangalan niya?" si Mico. Malawak na ngumiti si Julian. Bahagyang hinawakan ang baba at sinalat ang balahibo doong tumutubo. "Freya...Freya Lou Evangelista." "Ganda ng pangalan pero sa bandang huli ay papaiyakin lang ng isang Julian Velasco." "Shut up Lacim!" sigaw nilang dalawa ni Mico. "Ano? Nagsasabi lang ako ng totoo." "Maging supportive ka nalang Lacim." si Mico, "Parang hindi ka nagpapaiyak ng babae diyan." "Oo na! Oo na!" wika nitong naging putol-putol ang internet. "Karma." tawanan ng dalawa. Nagpatuloy ang kanilang usapan na dalawa nang wala si Lacim. Pinayuhan siya ni Mico ng kanyang magiging unang hakbang sa nabuong plano. "Salamat dude. Ingat ka diyan." "Ikaw rin diyan dude, good luck." Masama ang tingin ni Julian sa screen ng kanyang hawak na cellphone. Kanina pa siya nagtext pero wala siyang reply na nakuha mula dito. Nagpakilala rin siya bilang amo ni Aleigh. "Hindi ba siya mahilig mag reply?" tanong niya habang paulit-ulit na binabasa ang kanyang text. Hi Freya, si Julian ito. Kinuha ko ang iyong numero sa pinsan mong si Aleigh. Ayos lang ba? Gusto sana kitang tanungin kung nagkita na ba tayong dalawa? Pamilyar na pamilyar ang mukha mo sa akin. Hello there, nag dinner ka na ba? Si Julian ito. Tama ba ang number mo na ibinigay sa akin ni Aleigh? Bakit hindi ka sa akin nag re-reply?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD