Ang singkit nitong mga mata ay sumingkit pa nang maalala ang pagiging babaero nito na sinasabi sa kanya ni Aleigh.
"Hindi kita liligawan, mali ang mga iniisip mo hija." depensa ng lalaki nang makitang iba na ang mga titig nito sa kanya.
"Wala po akong sinasabing ganyan." natatawang saad ni Freya, "Tinatanong niyo kasi ako kung ilang taon na ako."
"Gusto ko lang naman na pagkumparahin ang mukha niyo ni Aleigh na edad ang aking magiging basehan."
Mariing umiling si Freya, dismayado sa ugaling ipinakita nito sa kanya.
"Hindi mo kailangang pagkumparahin kaming dalawa, Kuya."
Ma-dramang hinawakan ni Lacim ang kanyang dibdib. Mahinang tumawa si Freya sa kalokohan ng lalaking kanyang kaharap.
"Pareho kaming maganda at pareho ang aming ugaling dalawa."
"Hindi magkapareha ang ugali niyo--"
"Huwag mo na akong bolahin pa Kuya," saad nitong natatawa, "Hindi ko pa rin sasabihin sa'yo kung ilang taon na ako."
Muli ay ma-drama itong humawak sa kanyang dibdib. Malawak na ngumiti dahilan upang makita ang malalim niyang dimple sa mukha.
"Sige po Kuya, mauuna na ako sa inyo."
"Huwag hija, bata ka pa." sunod sa kanya ni Lacim patungong gate.
"Nakakaloka!" halakhak ni Freya habang kumakaway palabas ng gate.
Nasulyapan niya pa ang dalawang lalaki na matamang nakatingin sa kaniya. Sa loob ni Freya ay mukha namang mabait ang Senyorito ni Aleigh. Nagkataon lang siguro na badmood ito noong araw na iyon. Habang lulan ng bus pauwi sa kanilang bayan ay nahulog si Freya sa malalim na isipin. Iniisip niya ang pinag-usapan nila ng pinsan. Wala sa sariling kinuha niya ang cellphone at nagtipa ng mensahe para dito.
Freya:
Hanggang kailan mo titiisin si Auntie Sioling Aleigh? Ang layo ng naging biyahe niya, sana man lang ay makipagkita ka sa kanya.
Ilang saglit lang ang kanyang hinintay sa reply nito.
Aleigh:
Hindi ko naman sinabi sa kanyang pumunta siya dito Freya. Kagustuhan niya iyon, hindi ko iyon ginusto.
Freya:
Inay mo pa rin siya Aleigh, sa kanya ka nanggaling.
Aleigh:
Hindi ko iyon itinatanggi. Sa ngayon ay ayaw ko pa siyang makita.
Freya:
Hanggang kailan?
Hindi na nagreply sa kanya ang pinsan. Alam niyang mayroon itong mabuting puso kaya hindi niya ito kayang tiisin. Subalit, isang taon na ang nakakalipas ay nananatiling galit pa rin ito sa kanyang ina.
Freya:
Kahit reply'an mo nablang ang mga unseen na menashe niya sa'yo, kahit iyon na lang ang unti-unting gawin mo para maging maayos kayo. Nag-iisa lang ang iyong Inay Aleigh, oo nagkamali at nagkaroon siya ng kasalanan sa'yo ngunit hindi iyon sapat na dahilan para habangbuhay mo siyang talikuran at kamuhian. Nanay mo pa rin siya, Insan.
Wala na siyang natanggap na reply mula kay Aleigh hanggang sa makauwi siya ng kanilang tahanan. Hindi pa siya nakakapasok ng bahay ay agad na siyang sinalubong ng excited na si Sioling.
"Anong sabi sa'yo ni Aleigh hija?" tanong nito sa kanya, "Nagkita ba kayo? Ayos lang ba ang kalagayan niya? Ano na ang itsura niya? Pumayat ba o mataba siya?"
Hindi sumagot si Freya, gustuhin man niyang sungitan ang tiyahin ay hindi niya magawa. Nako-konsensiya siya para sa inaasta ni Aleigh.
"Ayos lang po si Aleigh, Auntie." lingon niya dito, humakbang siya patungo sa mess at kumuha ng malamig na inuming tubig. Lumagok muna siya dito bago muling humarap sa tiyahin. "Malusog po siya, katamtaman lang rin ang katawan niya. Five four na po ang height niya, Auntie Sioling."
Dinukot niya sa bulsa ang cellphone. Kanina habang kumakain siya ng meryenda ay pa simple niyang kinunan ng litrato ang kanyang pinsan. Habang nakasuot ito ng kanyang kulay puting uniform.
"Mayroon po akong picture dito." abot niya ng kanyang cellphone.
Sabay itong tiningnan ni Sioling at Felia. Halos maluha-luha ang kanyang tiyahin nang masilayan ang litrato ng nakangiting anak.
"O, sabi ko naman sa'yo na nasa maayos siya." si Aling Felia.
Ipinagpatuloy ni Freya ang pag-inom ng tubig. Hindi mawala-wala ang kanyang mga mata sa kanyang lumuluha na namang tiyahin.
"Ang anak ko, miss na miss na kita Aleigh anak."
Kumurap-kurap ang mga mata ni Freya, pilit pinipigilan ang sumisilip na luha mula sa bawat sulok ng kanyang mga mata. Mali man, ay naisip niyang magsinungaling sa kanyang tiyahin para mapanatag ito.
"Ipinapasabi niya na rin po na ayos lang siya. Huwag na daw po kayong mag-alala, umuwi na daw po kayo ng probinsya para alagaan si Axel at Gaelan." bumuntong-hininga ang dalagita, "Mabait rin po ang kanyang mga amo at parang pamilya siya kung ituring ng mga ito. Sabi rin po ni Aleigh na mag-iingat kayo sa pag-uwe niyo. Ikumusta at ihalik niyo daw po siya sa kanyang mga kapatid. Ang sabi pa po niya ay magkikita rin kayo sa tamang panahon."
Mahinang humikbi si Sioling, lalong nangulila sa kanyang anak.
"Mabuti naman at napatawad na ako ni Aleigh." anitong mabilis ikinalayo ni Freya sa kanilang dalawa, "Alam kong malaki ang kasalanan at pagkukulang ko sa kanya. S-Salamat hija."
Saglit na natigilan si Freya sa tangkang pagpasok sa silid.
"Wala pong anuman Auntie Sioling."
Kinakain ng labis na konsensiya si Freya pagkapinid niya ng dahon ng kanyang pintuan. Alam niya na masamang magsinungaling, pero hindi niya maatim ang kalungkutan ng ina ni Aleigh. Ayaw niya na itong patuloy pa na makitang nag-aalala sa kanyang anak na hindi nakikita. Bago siya pabagsak na nahiga sa kama ay nagtipa siya ng mensahe para sa pinsan, humingi siya ng sorry sa mga sinabi niya sa ina nito.
Aleigh:
Ano? Bakit sinabi mo ang ganun sa kanya Freya? Aasa iyon na maayos na kami, aasa iyon na sasagutin ko ang mga tawag niya.
Freya:
Hindi ko maatim na makita siyang patuloy na umiiyak at nasasaktan. I am sorry, naririndi na ako sa tinig ng iyong ina, Aleigh kaya gumawa na ako ng paraang alam ko na maaaring makagaan sa kanyang pakiramdam.
Ilang sandali pa ay naka register na ang pangalan nito sa screen ng kanyang hawak-hawak na cellphone.
"Oh?"
"Loko-loko ka talaga, Freya!" halakhak nito sa kabilang linya, "Tapos ano na ang sumunod na nangyari?"
Malawak na ngumisi sa kawalan si Freya.
"E 'di ano pa nga ba?” ikot ng mga mata ni Freya sa kawalan, “Ayon tumigil na siya kakangawa dahil napaniwala ko siyang ganun ang sinabi mo sa akin.” halakhak pa niya.
Hindi na nagpalipas pa ng gabi si Sioling sa tahanan nila Freya. Kinahapunan ay nagbiyahe rin ito pauwi ng probinsya. Pagod man ay tinulungan ni Freya ang kanyang ina na magluto para sa babaunin ng kanyang tiyahin. Unti-unti niya na itong napapatawad at muling natatanggap bilang kanilang kamag-anak.
"Freya maraming salamat sa'yo ha?" anitong sinakbat na ang kanyang dalang bag, saglit na namili rin si Felia ng ilang mga grocery na kanyang ipapadala dito kapalit ng mga iniwang pasalubong na para dapat sa kanyang anak. "Uuwe na ako ng probinsya. Sana ay kayo nalang ng nanay mo ang bahala kay Aleigh, kung sakaling pumunta man siya dito. Patawarin mo sana ang Auntie sa mga nagawa noon sayo."
Maliit na ngumiti si Freya sa kanya na inaantok na ang mga mata. Batid niya na mahirap agad magpatawad pero niyakap niya pa rin nang mahigpit ang kanyang tiyahin. At isa pa kung tutuusin ay matagal na ang alitang nangyari sa kanilang dalawa.
"Wala na po sa akin iyon Auntie," bulong nito na nakaramdam ng araw sa tiyahin, "Mag-iingat po kayo sa biyahe, ayaw niyo po talagang magpalipas dito kahit na isang gabi? Delikado na po ang pagbiyahe niyo dahil pagud pa po kayo."
"Okay lang ako. Ang mahalaga ay nalaman kong okay lang si Aleigh." tugon nito.
"Sioling dito ka na kaya magpalipas ng gabi. Bukas ng umaga ka nalang magbiyahe pabalik ng probinsya." pigil dito ni Felia.
"Okay lang ba ate?"
"Oo naman, magkapatid tayo hindi ba?"
Nang magyakap ang dalawa ay malawak na ngumiti si Freya. Tinalikuran niya ang dalawa at nagtungo sa kanyang silid. Pagapang siyang umakyat at nahiga sa kanyang naghihintay na magulong kama. Wala pang isang minuto ay hinila na siya ng antok, sa hapong iyon.