Chapter 13

2909 Words
Pabirong ginulo ni Julian ang kanyang buhok. Pabiro naman siyang sinamaan ng tingin ng dalagitang mabilis inayos ang nagulong buhok. "Huwag mo munang isipin ang future hija." malakas na tumawa ang dalagita, "Malayo pa iyon, ang isipin mo ay iyong ngayon. Halika na, umuwi na tayo." Kinuha ni Julian ang mga paperbag na siya dapat ang magdadala. Naunawaan niya lang iyon nang i-abot nito sa kanya ang palumpon ng mga bulaklak. "Nakalimutan kong i-abot sa'yo kanina." Bantulot man ay tinanggap niya pa rin ito. Hindi na mabura ang ngiti niya sa labi. Ang buong akala niya at wala siyang bulaklak na kagaya ng ina. Hindi ito ang unang beses na nakatanggap nito ang dalagita. May paisa-isa itong natatanggap noong nasa highschool siya. Binabalewala niya lang iyon sa pag-aakalang gusto lang siyang gamitin nang kung sinumang lalaking iyon. "S-Salamat, hindi ka na sana nag-abala pa." "Hindi iyon pwede." anang binata na inalalayan na siya sa siko palabas ng naturang kainan, "Gusto kong maalala mo ang unang araw na lumabas tayo. Gusto kong maalala mo na binigyan kita ng mga bulaklak sa ating unang friendly date." Lalo pang lumapad ang ngiti ni Freya sa narinig. Nararamdaman niya ang kumakawalang mga paru-paro sa loob ng kanyang busog na tiyan. Noon niya napagtanto na ibang Julian ang kanyang nakita noong unang beses silang nagtagpo. Ibang-iba ang Julian noon sa Julian na kasama at kausap niya ngayon. Noon din niya naisip na parang isang aklat ang binata. Hindi niya dapat husgahan sa panlabas nitong anyo. "Nabusog ka ba?" tanong nito na bahagyang sumulyap sa kanya, mabilis na tumango ang dalagita habang nasa mga bulaklak pa rin ang mga mata. "Mabuti kung ganun, hindi ka madadalang sumama sa aking kumain sa labas." Para sa dalagita ay nasa unang pahina palang siya ng katauhan ng binata. Unang pahina kung saan ay unti-unti niya palang itong nakikilala. "Kapag hindi ako busy sa school at kapag wala akong mahalagang ginagawa." tugon ng dalagita sa kanya, "Sasamahan kitang kumain sa labas." Tahimik silang dalawa nang pumasok ng elevator, nanatiling nakatitig sa mga bulaklak si Freya. Hanggang sa makasakay sila ng sasakyan ay hindi na sila muling nag-usap na dalawa. Aliw na aliw si Julian habang sinusulyapan ang dalagita na abala pa rin ang mga mata sa mga bulaklak. "Ngayon ka lang ba nakatanggap ng bulaklak?" hindi nakatiis ay tanong niya sa dalagita. Nag-angat ng mukha si Freya habang kumikislap ang kanyang mga mata sa excitement at saya. "Hindi naman, pero iyong ganito karami ay ngayon pa lang." Tumango-tango sa kanya si Julian na abala na ang mga mata sa tinatahak na mataong kalsada. "Freya, gusto mo ba ng kape?" lingon sa kanya ng binata na nakatingin na stall ng coffee shop. "Sa Starbucks?" tanong pabalik dito ng dalagita na tuluyan nang nawala ang atensyon sa yakap na palumpon ng mga bulaklak. Paborito ng dalagita ang kape sa naturang coffee shop. Iyon nga lang ay kailangan niyang mag-ipon ng ilang linggong baon para ma-afford niya iyon. "Oo, or gusto mo sa coffee bean?" turo ng binata sa isa pang coffee shop na ilang milya lang ang layo sa sikat na unang coffee shop. "Sa Starbucks nalang po." Mahinang tumawa si Julian sa paggamit na naman nito ng po sa kanya. "Huwag kang manginopo sa akin Freya." sentimyento nito habang ipinaparada ang kanyang sasakyan, "Lalo mo akong pinapatanda sa lagay na iyan." Malawak na ngumiti si Freya sa kanya. Wala na ang hiya na kanina ay nararamdaman niya. "E ano bang itatawag ko sa'yo?" tanong nito habang tinatanggal na rin ang suot na seatbelt, "Julian? Senyorito ni Aleigh? Kuya Julian?" "Loko ka!" pabirong palo ng binata sa kanyang isang pisngi, "Julian nalang or Juls ang itawag mo sa akin. Magkaibigan na naman tayo." "Juls?" ulit nito sa kanyang huling sinabi, "Iyon ba ang palayaw mo?" Paulit-ulit na tumango ang binata sa kanya. Ilang saglit pa ay lumabas na ito ng sasakyan na agad niya namang ginaya. Maingat niyang inilapag sa kanyang upuan ang palumpon ng bulaklak. "Sa likod mo nalang iyan, para hindi masikip." saad ng lalaki na mabilis binuhat ang bulaklak, dinala niya iyon sa likod na bahagi ng sasakyan at maingat na itong doon ay inilipag. "Safe siya diyan, don't worry." dagdag pa nitong nilagyan ng seatbelt ang nakatayong mamahaling bouquet. "Loko-loko!"" bulalas ni Freya nang makita ang ginawa dito ng lalaki. Julian shrugged his shoulder. Magkasabay na silang pumasok sa loob ng coffee shop. Magkasama rin nilang tinungo ang counter. "What do you like Freya?" he asked while looking at the menu board, ginaya siya ng dalagita. "One espresso nga Miss saka.." lumingon siya sa dalagita na nakatingin pa rin sa menu board particularly sa price nitong may kamahalan. "Anong gusto mo Freya?" muling tanong niya na marahang hinaplos ang balikat ng dalagita. "H-Ha?" natatarantang tanong ng dalagita sa kanya, "Ano nalang..cappuccino." "Alright." anitong muling hinarap ang kahera, "Isang espresso at isang cappuccino, to go." Paulit-ulit na kinagat ni Freya ang kanyang pang-ibabang labi habang matamang nakatingin sa binata. Nagbabayad na ito gamit ang kanyang mahiwagang card. "Ano pong pangalan--" "Julian sa espresso at Freya naman sa cappuccino." putol nito sa kahera. "Noted po Sir, pakihintay nalang po ng order niyo." Sumunod si Freya nang humakbang paalis sa counter ang lalaki. Tahimik silang naupo sa pang dalawahang upuan upang hintayin ang kanilang order na kape. Kakaunti nalang ang mga nag da-dine in na customer dahil siguro gumagabi na rin. Panay ang ngiti ni Julian sa dalagita tuwing napapasulyap siya dito at nagtatama ang mga mata nilang dalawa. Ganundin ang dalagita sa kanya na agarang bumalik ang hiya. Itinipa-tipa ng lalaki ang kanyang ilang mga daliri sa kamay sa ibabaw ng lamesa. "Anong ginagawa mo usually tuwing weekend?" tanong nito upang mayroon silang pag-usapan. "Naglalaba at naglilinis ng aming bahay." tugon ng dalagita sabay sulyap sa counter, "Tapos sa tanghali ay nagbabasa ng libro hanggang sa makatulog ako." mahinang tumawa ang binata, "Then, kapag linggo naman ay nagsisimba ako. Kasama si Mama o minsan naman ay si Aleigh." Pumangalumbaba ang lalaki sa kanyang harapan. "Tapos?" "Wala na, paulit-ulit na ganun lang." "Aah, isa ka palang typical na teenager." Ngumuso si Freya sabay pabirong umirap dito. "Nasa legal age na ako, eighteen na kaya ako." Hindi na nakasagot sa kanya ang lalaki dahil bigla nang tinawag sa counter ang kanilang pangalan. Sabay silang tumayo at pumunta sa counter. "Thank you Ma'am and Sir. Please come again." Tumango si Julian at ngumiti naman si Freya sa kahera. Magkasunod silang lumabas ng shop. "Hey, Julian nandito ka?" tigil sa kanilang harapan ng isang matangkad at may mala-porselanang kutis na babae. Abot-tainga ang ngiti nito habang nakatingin kay Julian at naghihintay ng magiging sagot nitosa kanya. Bahagyang nagulat si Julian sa kanya ngunit agad ding nakabawi. Rumihistro ang pagkadismaya sa kanyang mga mata nang pagmasdan niya ang suot nito. Nakasuot ito ng itim na damit, fitted at may partner na maikling skirt. Labas rin ang nang-aakit nitong pusod. "Oh, Brenda.." "Akala ko ay kasama ka ni Lacim at Mico?" ngiti nitong sumulyap sa kanyang hawak na kape, "Nag-aaya silang dalawa na pumunta sa bagong bukas na club sa Parañaque." Saglit itong natigilan nang mapansin ang kasama ng binata. Si Freya na tahimik lang na nakatayo sa may gilid ni Julian. Nakikinig at naghihintay. "Oh? May kasama ka pala." halata ang pagkadismaya sa tinig nito, "Are you having a date? At this hour?" prangka nitong tanong sabay tawa ng mahina. Agad nagpantay ang magkasalubong na mga kilay ng binata. Hindi niya gusto ang tono nito. Nanliliit naman sa hiya si Freya, alam niyang may something sa dalawa. Ngunit hindi niya ma-ihakbang ang kanyang mga paa palayo sa kanila. "Wala namang masama kung mag d-date kami ngayon." tugon ng binata na agad hinila palapit sa kanya si Freya, inakbayan niya rin ito. "Girlfriend ko siya, boyfriend niya ako. At isa pa ay ngayon lang siya nagkaroon ng free time, nag-aaral pa siya at isa iyon sa mga priority niya sa buhay." Agad na napawi ang mga ngiti nito sa kanyang tinuran. Sinipat niya si Freya na halos manigas na sa kanyang kinatatayuan. Nanginginig rin ang kanyang isang kamay na may hawak na kape. "Really Julian, really?" "Really Brenda, girlfriend ko siya." walang gatol na tugon niya, "Baby shall we go? Maaga pa ang pasok mo bukas sa school." Hilaw na ngumiti ang dalagita. Wala ito sa plano ngayon kaya hindi niya ito napaghandaan. Wala sa sariling ipinulupot ng dalaga ang isang kamay niya sa beywang ng lalaking nakaakbay sa kanya. "Kaya nga baby baka nag-aalala na rin si Mama." tiningnan niya si Brenda na halatang nagulat sa pagtawag niya dito pabalik ng callsign nila. "Sino ba siya? Past girlfriend mo? Or ka-fling mo?" Agad namula ang buong mukha ni Brenda sa labis na hiya. Hindi niya inaasahang ganito ang magiging tagpo nila. Lalo pa at ang sabi ni Mico at Lacim ay walang kasintahan ngayon si Julian. "I thought--" "He's single?" putol sa kanya ni Freya na dalang-dala na sa acting niya, "He is already taken Miss." Nang hindi sumagot si Brenda ay iyon ang naging cue ni Julian para umexit na silang dalawa. "Baby, halika na lumalamig na ang ating kape." aniyang bahagyang kinabig ang ulo ni Freya pasandal sa kanyang dibdib. "Enjoy your night, Brenda. Pakisabi sa dalawa na hindi ako makakapunta, next time nalang kamu." Halos matumba si Freya sa labis na kaba nang igiya siya ni Julian patungo sa sasakyan nito. Kung hindi lang siya nahawakan ng binata ay malamang na bumagsak na rin siya sa kalsada. "Calm down...saglit nalang ito." bulong niya na kinakain na nang labis na konsensiya, "Pasensiya ka na kung ginamit kita sa harapan niya." Panay ang buntong-hininga ni Julian pagkapasok nila ng sasakyan. Ilang beses niyang pinalo ang kanyang hawak na nananahimik na manibela. "Isa ba siya sa mga ex-girlfriend mo?" lakas loob na tanong ni Freya habang sumisimsim sa baso ng lumalamig niya ng kape. "Mukhang mayroon pa siyang pagtingin na nararamdaman sa'yo." "First girlfriend." tipid na tugon ng binata sa kanya, pinaandar niya na ang kanyang sasakyan. "Pero hindi na ako papayag na i-manipulate niya ako." Agarang may guwang na naramdaman ang dalagita sa kanyang puso. Siguro ay dahil nakita niya kung gaano kaganda ng una nitong kasintahan. Hindi niya maintindihan ang sarili. "First love never die." sambit nito na sa labas na ng bintana nakatingin, sa mga street lights na agad nagpadepina ng kanyang umuusbong na lungkot. "Sabi ng mga matatanda iyon." Hindi nakaimik si Julian sa tinuran ng dalagita. May kakaibang lungkot siyang nakita sa mga mata nitong nakatuon na sa labas ng bintana. Aaminin niya na may natitira pa siyang pagmamahal sa dalagang nang-iwan. Ngunit hindi sapat iyon na dahilan para ito ay pakasalan. "S-Sorry nga pala dahil ginamit kita kanina sa kanyang harapan." hingi niya dito ng paumanhin, wala siyang sagot na nakuha mula dito. "Ayoko na kasing paulit-ulit na makipagkita sa kanya. Ayokong isipin niya na makukuha niya akong muli. Walang kahirap-hirap, gaya ng aming noon." Hindi sumagot ang dalagita sa kanya. Ilang sulyap pa ang ginawa niya dito pero nananatili itong nakatingin sa lugar na kanilang dinadaanan. "She is a cheater. She left me for someone else." patuloy niyang saad upang magpaliwanag. Naagaw ang atensyon ng dalagita sa huling sinabi nito. Unti-unti niya itong tiningnan. Kitang-kita niya kung paano bumangon ang matinding galit nito gamit ang kanyang mga mata. "Ipinagpalit niya ako habang kami pa. Ang tanging rason niya ay kulang ang atensyon na ibinibigay at inilalalaan ko sa kanya." patuloy nitong panay na ang paghugot ng malalim na hininga, "Kaya naghanap siya ng ibang lalaki, iyong maraming oras na aaksayahin sa kanya. Hindi niya sa akin sinabi, magagawan ko naman ng paraan iyon." Hindi maipaliwanag ang kirot na nararamdaman ni Freya habang nakatingin sa binata. Bago iyon sa kanyang pakiramdam. "Mahal mo pa ba?" tanong niya sa binata na agad naguluhan sa kanyang katanungan, "Kung mahal mo pa ay pwede mo naman siyang balikan. I-ayos niyo ang lahat, itama niyo ang mga pagkakamali noon. Punan niyo ang bawat pagkukulang. Hindi pa huli ang lahat, maiisalba niyo pa 'yang dalawa." Paulit-ulit na umiling sa kanya si Julian. Humigpit pa ang kanyang hawak sa manibela. Binilisan niya ang pagpapatakbo sa kanyang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ni Freya. Walang imik na humawak siya sa handle na nasa kanyang uluhan. Ganitong-ganito ang binata nang una niya itong makita. Ganito siya kabilis magpatakbo ng sasakyan na akala mo sa kanya ang kalsada. "J-Juls..." sa unang pagkakataon ay sambit niya sa palayaw nito, "Baka maka-aksidente tayo." Unti-unti nang lumalalim ang gabi pero marami pa ring nagkalat na mga tao sa gilid ng kalsada. "I'm sorry.." sambit niyang ibinitaw ang isang kamay sa manibela, inihawak niya iyon sa namamanhid at nanlalamig na kamay ng dalagita na labis na natakot kanina. "I'm sorry.." pisil niya nang marahan sa kanyang isang kamay. Hindi binawi ng dalagita ang kanyang kamay sa binata. Hinayaan niya iyong hawakan nito hanggang sa tuluyan na itong kumalma. "Wala ba kayong closure na dalawa?" pagbabalik ni Freya sa usapan nilang dalawa kanina. Tumango ang binata kasabay ng pagbangon ng poot na matagal niyang itinago sa loob ng dibdib. "Nagmakaawa ako noon sa kanya, halos lumuhod ako sa kanyang harapan upang huwag niya lang iwan." sambit nito na parang isang paslit, "Hindi siya nakinig sa akin. Pinili niya pa ring sumama sa lalaking iyon na bago niya lang kakilala. Tapos ngayon ay babalik siya na parang walang masamang nangyari sa pagitan naming dalawa." dismayado nitong saad na may namumuo ng luha sa mga mata, "Kung makipag-usap siya sa akin ay para bang walang siyang mabigat na naging kasalanan noon. Na parang ako pa ang nagloko at hindi siya. Na para bang kasalanan ko pa ang nangyari sa relasyon naming dalawa." "J-Julian.." "Minahal ko siya noon!" sambit niya na mabilis pinalo ng kamay ang kaharap na manibela, "Ibinigay ko ang lahat sa kanya. Pagmamahal, oras, atensyon sa abot ng aking makakaya." Nag-uunahang nahulog ang mga luha ni Julian pababa sa kanyang mga mata. Pag-iyak na ayaw na ayaw niyang ipakita sa kanyang mga kaibigan, sa kanyang lola at lalo na sa babaeng kasama. Mga luhang hindi niya na nagawang itago pa. "P-Pasensiya na, hindi naman ako ganitong tao." saad niya na mabilis bumitaw sa kamay ng dalagita, inihilamos niya iyon sa kanyang mukha. "Hindi ko lang mapigilan iyong sakit na bumalik." "Stop the car Julian." lakas loob na utos sa kanya ni Freya, nilingon siya ng binata nang hindi niya ito agad nakuha. "Ang sabi ko ay itigil mo saglit ang sasakyan, Julian." ulit ng dalagita. Nag-aalinlangan man ay sinunod pa rin siya ng lalaki. Itinigil niya ang sasakyan sa makipot na gilid ng kalsada. Sinulyapan ni Freya ang kape nitong nasa gitna nila na tuluyan nang lumamig. Dinampot niya iyon at nakangiting ini-abot sa lalaking punong-puno ng pagkalito ang mga mata. "O kape mo, para magkaroon ka ng tapang diyan." Napipilitang ngumiti sa kanya ang binata. "Malamig na iyan." "Ganyan ang nangyayari sa baso ng kape kapag napapabayaan mo Julian." saad niyang dinukot sa sling bag na dala ang roll ng kanyang tissue, ini-abot niya iyon sa binata gamit ang pagturo ng nguso niya sa basa nito sa luha pang mga mata. Tinanggap iyon ni Julian, nahihiya sa naging asal. "Para lang iyang relasyon, kapag napabayaan mo at nawalan ka ng oras dito, parang kape lang iyon nawawala ang excitement at lumalamig." Hindi sumagot ang binata habang pinupunasan ng tissue ang kanyang dalawang mata. Unti-unti na siyang humahanga sa kalokohan ng dalagita. "Once in a while ay kailangan rin nating umiyak." dagdag pa ng dalagita, "Ang sabi ng teacher ko noon sa Physics ay kailangang gawin natin iyon upang mahugasan ang ating mga mata. Sa physics nga ba iyon? Hindi ko na maalala." Julian slightly chuckled while looking at her. "Wala akong napag-aralan noon na ganyan." pagsakay niya sa kalokohan ng dalagita. "Hindi pa kayo noon advance mag-isip." tugon ni Freya na malakas na tumawa. "Pwede ba akong pahingi ng yakap?" nag-aalinlangan niyang tanong sa dalagita, naburo ang mga mata nito sa kanya. Nagtatanong, kumakalap ng mahalagang impormasyon. "Isang mahigpit lang na yakap Freya." Maligayang ibinukas ni Freya ang kanyang dalawang bisig. Tumango-tango siya dito. "Yakap na." Nakangiting tinanggal ng binata ang kanyang suot na seatbelt. Walang pag-aalinlangan na niyakap niya nang mahigpit ang dalagita na patuloy siyang inaalo. "S-Salamat.." sambit ng lalaki na ipinikit pa ang mga mata. Hindi ipinakita ng dalagita na naiilang siya sa lalaki. Bagkus ay tinapik niya nang mahina ang likod nito. "Walang anuman," ngiti nito sa kawalan, "Salamat rin sa masarap na mga pagkain na aking natikman." Naisip ni Freya na siguro ay hindi pa talaga naghihilom 'yong sugat nito ng kanyang nakaraan. Kaya siya nakakaramdam ng sakit, hindi niya pa ito tuluyang natanggap at napapatawad nang lubusan. Para sa kanya ay nasa ikalawang pahina na siya ng buhay ni Julian. Katauhan nito na unti-unti niyang nakikilala sa pagdaan ng bawat minuto. "Sorry, nakita mo pa tuloy 'yong side kong iyakin." wika ng lalaki nang mahimasmasan, mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap ng dalagita sa kanya. "Nakakahiya tuloy." "Ayos lang, ako rin naman ay iyakin pero depende ang dahilan noon." cool niyang saad na inayos ang suot na damit na bahagyang nagusot, "Depende kung ano or sino ang iniiyakan ko." Muli siyang ngumiti sa dalagita na parang walang nangyaring iyakan kanina. Muli rin niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Isang sulyap muli ang iginawad nito kay Freya bago tuluyang bilisan ang takbo ng kanyang humaharurot na sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD