Pasado alas onse na nang gabi nang sapitin nilang dalawa ang tahanan nina Freya. Ipinarada ni Julian ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada, na papasok sa makipot na eskinita. Nagmamadali si Freya na lumabas ng sasakyan. Labis siyang nag-aalala na baka magalit sa kanya ang ina. Una pa naman niya itong labas pero nagpapa-gabi na siya dito kaagad.
"Maraming salamat sa paghatid." sambit niya habang yakap-yakap ang palumpon ng mga bulaklak galing dito, "Ako na niyan." turo niya sa mga paperbag ng pagkain na bitbit nito.
"Mabigat ito, hindi mo kaya." sambit ng lalaki na itinaas ang mga paperbag ng pagkain, "Ihahatid na kita sa harapan na pintuan ng bahay niyo."
Agad na bumangon ang hiya sa mukha ni Freya. Lalo pa nang makita niya ang paperbag na dala. Naisip niya na hindi naman siguro siya nagmukhang pulubi sa dami ng pagkaing inuwi.
"Naku huwag na," mabilis na pagtanggi ng dalagita sa kanya, "Ang liit-liit ng bahay namin at isa pa ay gabi na. Gagabihin ka na sa daan."
Umiling-iling sa kanya ang binata. Sanay na siyang umagang umuwi. Minsan pa ay pumapasok siya sa kanyang trabaho na bangag, lutang at lasing. Hindi na iyon bago sa kanya.
"Ayos lang Freya, ihahatid lang kita sa labas ng inyong pintuan." pagpupumilit niya, "At isa pa ay kaya mo bang dalhin ang lahat ng ito nang isang buhat lang? May Flowers ka pang dala."
Nais pa sanang tumanggi ng dalagita sa kanya, sinulyapan niya ang mga paperbag ng pagkain. Naisip niya na mukha nga yatang mahihirapan siyang magdala sa mga kasama ng bulaklak.
"S-Sige na nga, pero pasensiya ka na sa liit ng bahay namin ha?"
"Walang problema." tugon nitong malawak na ngumiti sa dalagita sabay buhat sa mga paperbag.
Magkasabay na tinahak nilang dalawa ang makipot ngunit maliwanag na eskinita. Sa sobrang kipot nito ay nag-iisa lang ang kasya.
"Gising pa kaya si Aling Felia?" tanong ng lalaki na nakasunod sa kanyang likuran.
Bahagya siyang nilingon ni Freya, habang iginagala ng lalaki ang mga mata sa kabuohan ng daanan.
"Si Mama? Baka tulog na iyon." tugon nitong ipinagpatuloy ang paghakbang, "Usually nine or ten ay tulog na iyon. Depende, baka hinihintay niya pa akong umuwi kaya malamang ay gising pa 'yon ngayong oras."
Pagkaraan pa ng isang minuto ay tumigil sa paglalakad si Freya. Marahan niyang itinulak ang gate na kahoy ng kanilang maliit na tahanan. Pumasok siya dito kasunod niya ang binata.
"Umuupa ba kayo sa bahay na ito?"
Paulit-ulit na umiling si Freya sa kanya.
"Hindi, nabili ito ni Mama noong dalaga pa siya. Maliit man pero maayos na rin para sa aming dalawa." tugon niya nangingiti, "May dalawang silid, may maliit na sala tapos may banyo at kusina rin. Ito iyong ipapa-renovate ko kapag nakapagtrabho na ako o sakaling makaalis ako ng bansa."
Pinihit ng dalagita ang seradura ng main door nila ngunit nakasarado na iyon.
"Hindi ko dala iyong extrang susi ko." bulong niya habang hinahalughog ang sling bag na dala. "Kailangan kong tawagan si Mama, saglit lang ha?" lingon niya sa lalaki na tumango lang.
Idi-nial ng dalaga ang numero ng kanyang ina. Sinilip niya sa maliit na bintana ang loob ng kanilang sala. Bukas pa ang kanilang TV. Positibo siyang nanonood pa ito sa mga oras na iyon.
"Mama, pabukas po ng pinto." agad ay saad niya pagkasagot na pagkasagot nito sa kanyang tawag, "Hindi ko po nadala ang aking extrang susi."
"O sige, teka lang naidlip pala ako 'nak."
Inaantok na Ginang ang bumungad sa kanilang dalawa pagbukas nito ng pintuan. Nahihiya itong ngumiti nang makitang kasama niya si Julian.
"Good evening po Aling Felia, pasensiya na po at gabing-gabi na nang ma-ihatid ko si Freya." ang binata na muling nagmano sa Ginang.
Sinulyapan siya nito na humantong sa mga paperbag na kanyang dala-dala.
"Aah, heto nga po pala, pagkain." nahihiya niyang abot ng mga paperbags, "Hindi na rin po ako magtatagal dahil may trabaho pa ako bukas. Marami pong salamat ulit sa pagpayag."
Maligayang tinanggap ng Ginang ang mga inaabot nito sa kanya. Saglit niyang sinulyapan ang kanyang anak na tahimik na nakatayo sa may gilid.
"Walang anuman iyon hijo," nakangiting tugon ng Ginang, "Ayaw mo ba talagang pumasok muna?"
"Hindi na po. Salamat po sa pag-alok." tugon nitong bumaling sa dalaga, "Maraming salamat sa oras Freya ha, next time ulit."
Paulit-ulit na tumango dito ang nakangiting dalaga.
"Aalis na po ako."
"Mama, pahawak." mabilis na saad ni Freya sabay bigay sa ina ng palumpon ng mga bulaklak, "Ihahatid ko lang siya sa labasan."
Pagkalabas ng kahoy na gate ng lalaki ay nakangiti siyang sinundan ng dalaga.
"Juls, ihahatid kita sa labasan." aniya na ikinalingon ng binata. Kapansin-pansin ang pagkagulat sa kanyang masayang mukha. "Sanay ako sa lugar na ito, huwag kang mag-alala."
Walang nagawa si Julian kung hindi ang tumango sa masayang mukha ng dalaga. Nakasuksok sa bulsa ng kanyang pantalon ang mga kamay. Tahimik silang naglakad na dalawa hanggang sa tuluyang makarating sa main road.
"Salamat Freya." kaway ng binata sa nakabukas nitong bintana, "Bumalik ka na sa bahay niyo."
"Sige. Mag-iingat ka. Drive safely." ganting tugon ng dalaga, "Salamat sa oras mo Juls."
Sabay nilang nilisan ang naturang lugar. Ang dalaga na pabalik na sa kanilang tahanan. At ang binata na humaharurot na palayo ang maingay na sasakyan.
Nakangiting pumasok ng bahay nila si Freya. Naabutan niya pa ang ina na nakaupo sa sofa. Katabi ang paperbags ng mga pagkain at ang kanyang malaking palumpon ng mga bulaklak.
"Akala ko ba ay sasamahan mo lang siyang mamili Freya?" seryosong tanong nito sa anak, "Bakit may pa take home na pagkain at pa-bulaklak?"
Hyper na naupo si Freya sa tabi ng kanyang ina. Handa na sanang magkuwento sa mga nangyari.
"Mama, siguro ay palusot niya lang iyon sa akin." tugon nitong sumandal pa sa sofa, "Wala naman siyang binili e. Pumasok kami sa restaurant na nasa loob ng magarang hotel. Tapos.."
"Tapos?" matamang pakikinig sa kanya ng ina.
"Ayon kumain kami doon." patuloy nito, "Na-meet ko iyong dalawang kaibigan niya. Sa bandang huli ay pinalayas niya ang mga ito. E 'di kaming dalawa nalang iyong kumain doon. Tapos, iyang mga 'yan ay tira-tira lang namin. Iyong iba nga diyan ay ni hindi pa nabawasan."
"Anak, baka mamaya ay isipin ni Julian na magastos ka." seryosong sambit ng ina, "Na pera lang ang habol mo sa kanya." natigilan ang dalaga sa sinabi ng kanyang ina, "Baka mamaya ay ayawan ka noon dahil ganyan ka. Next time ay huwag ka ng mag-uuwi, okay lang iyon."
"Pero Mama ang sabi niya ay binayaran naman niya iyon saka itatapon lang rin naman iyon."
"Kahit na anak, pangit tingnan iyong ganyan."
Hindi na umimik si Freya, nabaling ang kanyang mga mata sa mamahaling mga bulaklak. Sa patuloy na pagsasalita ng ina ay napagtanto niyang mali nga na nag-uwi siya ng mga pagkain.
"S-Sorry po, hindi ko na po uulitin Mama."
Yumukod ang dalaga upang tanggalin ang suot niyang sandals. Naramdaman nito ang labis na hiya sa kanyang ina.
"Kapag binigyan ka ng flowers tanggapin mo." dagdag pa ng inang nakatitig sa kanyang anak, "Kapag binigyan ka ng pagkain ay kainin mo. Ngunit kapag inalok ka na mag-uwi nito, huwag mong tatanggapin. Baka mamaya ay ma turn off iyon sa'yo."
Tumayo ang Ginang upang magtungo na sa kanyang silid. Bago tuluyang pumasok doon ay lumingon muna siya sa anak na natitigilan pa rin.
"Ipasok mo iyang mga 'yan sa ref kung kinakailangan. Busog pa ako."
Ayaw niyang ipahiya ang anak. Ang nais niya lang ipaalam dito ay umasta ito nang maayos. Ayaw niyang mata-matahin ito ng mga maykaya.
"Sige po Mama, goodnight po."
Hindi na nai-kwento pa ng dalaga ang mga sumunod na nangyari sa kanila. Hindi niya na nasabi pa na nakita nila ang ex-girlfriend nito. Hindi niya na nasabi sa ina na ginamit siya nito upang magpanggap bilang present girlfriend.
Tahimik na pumasok ang dalaga sa kanyang silid. Nagpalit siya ng pantulog na damit. Agad din siyang lumabas ng sala upang ayusin ang mga pagkaing kanyang ini-uwi. Isa-isa niya iyong inilagay sa tupperware bago ilagay sa ref. Pagod na pagod siya nang bumalik ng kwarto. Ni hindi niya na nagawa pang i-check ang kanyang cellphone.
Nang maalala ang bulaklak na ibinigay nito ay mabilis siyang lumabas muli ng silid. Kinuha niya ang bouquet ng bulaklak na nasa sofa. Muli ay pumasok siya ng silid. Inilapag niya iyon sa kanyang study table bago kinuha ang cellphone. Nagsimulang humikab ang dalaga habang nagtitipa ng mensahe na para kay Julian.
Freya:
Ingat ka pauwi, thank you for the dinner and for the flowers. Goodnight Julian.
Dahan-dahan siyang nahiga sa kama. Inayos niya ang kanyang kumot at binuksan ang electric fan. Inilagay niya sa kanyang dibdib ang cellphone. Umaasa at naghihintay siya ng reply ng lalaki. Unti-unti nang sumasara ang talukap ng kanyang mga mata nang mag vibrate ito. Naniningkit ang mga mata niya itong binuksan at binasa.
Julian:
Nasa labas pa ako. Kasama ko sina Lacim at Mico. Umiinom lang kami ng ilang boteng beer. Pauwi na rin ako pagkatapos nito. You're welcome and have a goodnight Freya. See you.
Mabilis na bumangon sa pagkakahiga ang dalaga, nang dahil sa nabasa. Naisip niya ang mukha ng magandang babae na nakita nila kanina.
"Hindi ba at katatagpuin ng babaeng iyon sina Mico at Lacim?" tanong niya habang paulit-ulit na binabasa ang text nito, "Magkasama sila? Pagkatapos niyang magpanggap sa harapan nito na present girlfriend niya ako?"
Freya:
Ibig mong sabihin ay kasama niyo iyong babae kanina?
Ilang minuto ang tumagal bago nag-reply ang binata sa dalaga. Titig na titig ito sa huling mensahe na natanggap niya mula sa babaeng ka-text.
"What do you think dude?" mayabang na pakita niya ng text nito sa kanila, "Nagseselos ba siya?"
"I don't think so dude." si Mico na nilagok na ang alak sa kanyang baso, "Sa tingin ko ay curious lang siya sa mga ginagawa mo ngayon."
Tumango-tango ang binata sa opinyon nito. Bumaling siya kay Lacim na nagsimulang ngumisi sa kanya.
"Sa tingin ko ay hindi iyan basta curious dude." saad nito na ikinatingin ni Mico sa kanila, "Parang nagseselos siya na baka kasama mo si Brenda ngayon at umiinom kayong dalawa."
Malakas na humalakhak ang binata sa kalokohang opinyon ng kaibigan. Masaya siyang nagtipa ng apat na salita.
Julian:
Hindi ko siya kasama.
Wala ng natanggap na reply mula sa babae ang binata. Tuluyan nang hinila ito ng antok. Hindi niya na nabasa pa ang reply ng binata. Paulit-ulit namang tiningnan ni Julian ang screen ng kanyang cellphone. Excited na excited siya sa magiging reply nito.
"Tulog na iyon dude." si Mico nang mapansing hindi siya mapakali sa kanyang inu-upuan. "Alam mo naman ang buhay estudyante, nakakapagod."
Tumango-tango siya sa sinabi nito.
"Naku, baka nilamon na iyon ng selos dude." si Lacim na purong kalokohan ang mga sinasabi.
"Uuwi na ako." tayo ni Julian at paalam sa dalawa, na labis nilang ikinagulat.
"Ang aga pa Julian, wala pang alas dose." si Lacim na nakangisi pa rin.
"Gago. May trabaho pa tayo bukas."
"E ano naman kung meron?" patuloy na hamon nito sa kanya, "Kaya mo ngang pumasok ng lasing at dumalo sa maraming meeting."
"Uuwi na rin ako." si Mico na tumayo na rin na nasa cellphone ang buong atensyon. Sabay siyang tiningnan ng dalawa. "Mga dude, may curfew na ako." halakhak nito sa kanyang sariling biro.
"Is this for real?" si Lacim na nais pang lumaklak, "Ni hindi pa tayo nag-iinit sa ating mga upuan."
"Pasensiya na dude, maghanap ka nalang ng makakasama mo." mahinang tapik ni Julian sa balikat nito.
Bago pa siya muling maka-react ay iniwan na siya ng dalawa na malakas na nagtatawanan. Kakamot-kamot siya sa ulo na umiling. Naninibago sa inaasta ng dalawang kaibigan.
Muling nagtipa ng reply si Julian kay Freya, umaasa siya na magre-reply na ito kahit na malapit nang mag alas dose ng hatinggabi.
Julian:
Pauwi na ako. Ilang baso lang ng alak ang nainom ko. Hindi rin ako nalasing.
Malakas na alarm ng kanyang cellphone ang gumising kay Freya kinabukasan. Marahan siyang bumangon at nag-inat ng mga braso. Bumaba siya ng kama at tumalon-talon upang tuluyan nang magising ang kanyang katawang lupa. Dahan-dahan niyang itinupi ang kanyang kumot at pinagpatong-patong ang mga unan. Nakangiti siyang lumabas ng kanyang kwarto habang isinasampay sa balikat ang hinilang tuwalya.
"Good morning Mama." maligaya niyang bati dito.
Tumango ang kanyang ina na kasalukuyang naghahanda ng kanilang almusal. Nakaligo na ito, patunay ang tuwalyang nasa kanyang ulo. Araw-araw ay sabay silang umaalis ng bahay ng kanyang ina. Para pumasok siya ng paaralan at ito naman ay upang magtungo sa kanyang trabaho.
Tuloy-tuloy siyang pumasok ng banyo. Mabilis na naligo upang sabayan sa pagkain ang kanyang ina.
"Anak may itatanong ako sa'yo." sambit ng kanyang ina sa pagitan ng kanilang pagkain, "Kung liligawan ka ni Julian may pag-asa ba?"
Halos maibuga ni Freya ang gatas na kanyang iniinom. Agad na nandilat ang kanyang mga mata sa ina na malakas nang tumatawa.
"Mama, hindi niya po ako nililigawan!"
"Kaya nga anak may 'kung' sa sinabi ko 'di ba?"
"At isa pa Mama, ang yaman-yaman nila." nguso ng dalaga sa harap ng kanyang ina, "Maraming bigas pa akong kakainin bago bumagay sa kanya. Matangkad rin siya, mababa lang ako."
Tuluyan na silang nagkatawanang dalawa. Nawala na ang bahagyang alitan sa pagitan ng mag-ina na nangyari ng nagdaang gabi.
"Kapag naging boyfriend mo si Julian at naging asawa mo na ay hindi mo na kailangang mag-aral pa Freya." patuloy ng kanyang ina, "Nag-iisa lang siyang apo ng Donya. Nag-iisang heredero. Ano pa ang silbi doon ng pag-aaral mo?"
Hindi sumagot si Freya. Nilunok niya muna ang pagkaing nasa kanyang bibig bago tumingin dito.
"Mama, gusto ko pong makatapos ng kolehiyo." aniya na determinado sa kanyang pagtatapos. "Umamin nga po kayo sa akin, wala na po ba kayong pangpa-aral na pera sa akin? Ubos na po ba ang mga ipon niyo nang dahil sa akin?"
Malakas na humalakhak muli ang kanyang ina. Naiiling sa mga naiisip ng sariling anak.
"Maganda pa rin iyong may pinag-aralan Mama." patuloy ng dalaga sa kanyang pagkain, "Iba pa rin iyong may pinag-aralan. Hindi maaapi at hindi mamamata ng ibang mga tao."
"Oo na." pagsuko ng inang aliw na aliw sa anak, "At isa pa ay may fund ka pa para sa pag-aaral. Pinag-ipunan ko iyon noong nasa elementary at highschool ka palang." paliwanag niya dito, "Ang pinupunto ko lang ay kapag nag-asawa ka na at si Julian iyon ay mawawalan ng silbi ang pag-aaral mo. Hindi ka pwedeng magtrabaho. Babawalan ka."
Malawak na ngumisi si Freya sa ina. Ibinaba niya ang kanyang hawak na tinidor at kutsara.
"Mama, uulitin ko lang po ha?" aniya na naiiling muli sa ina, "Hindi po nanliligaw sa akin si Julian. Magkaibigan lang po kaming dalawa. Kung saan-saan na po kayo dinadala ng pagiging advance niyong mag-isip Mama. Okay na po?" tanong niya na ikinatango lang nito, "At isa pa po ay bata pa ako Mama, batang-bata pa."