Chapter 16

2514 Words
Dalawang buwan ang matuling lumipas at mabilis humakbang. Nakasanayan na ng binata na sunduin ang dalaga sa kanyang paaralan tuwing hapon. Maaraw man ito o malakas ang buhos ng ulan. Hanggang sa sinimulan na rin nitong hintayin siya sa umaga upang ihatid sa paaralan. Nasundan pa nang nasundan ang paglabas nilang dalawa tuwing weekend. Iniisip ng mga schoolmate ng dalaga na kasintahan na nito ang mayamang binata. "Hindi ko boyfriend iyon." pagtanggi nito nang tanungin siya ng isang mahaderang kaklase. "Weh? Hatid-sundo ka girl, wala lang iyon?" "Totoo. Magkaibigan lang kami." Saglit silang nagtawanan. Nakaramdam ng kaunting insulto doon ang dalaga. "Girl, hinahatid at sinusundo ka dito tapos wala lang iyon? Wala kayong label na dalawa?" Napilitan siyang itikom ang kanyang bibig. Hindi na siya muling sumagot sa mga katanungan nito. Hindi niya nalang pinansin ang mga sinasabi nang mga ito na wala na sa hulog at puro kung anu-ano. Madalas silang kumaing dalawa sa restaurant na kinainan nila noong una siya nitong sinundo. Bago siya nito ihatid sa kanilang tahanan ay sinisigurado nitong busog ang kanyang kalamnan. Kapag magtatanong ang dalaga sa binata na kung ano ang ibig sabihin nito, palagi nitong sinasabi na.. "It just a merienda. Hindi iyon big deal sa akin. Friendly-merienda, kagaya ng friendly date natin." Tinanggap ng dalaga ang mga paliwanag niya. Walang rason na kulitin niya pa ito nang kulitin. "Napapagkamalan ng mga kaklase ko na boyfriend kita." wala sa sariling sambit niya isang hapon, ikina-angat iyon ng tingin ng binata sa kanya. "Tuwing sinasabi ko sa kanila na magkaibigan lang tayong dalawa ay hindi sila naniniwala sa akin." Pagak na tumawa si Julian sa kanyang tinuran. "Huwag mo nang pakaisipin iyon Freya, basta alam mo sa sarili mo kung ano iyong totoo." Natigilan sa pagkain si Freya, bahagya siyang nasaktan sa sinabi nitong huli. Maging siya ay naguguluhan na rin sa inaasta ng lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siya nitong ihatid at sunduin sa paaralan. Hindi iyon gawain ng magkaibigan lang. Inililibre siya nito ng merienda at kape tuwing hapon. Gusto niya na rin itong tanungin, kaya lang ay natatakot pa rin siya sa magiging sagot nito sa kanya. Hindi pa siya handa. Sa paglipas ng mga buwan ay unti-unti na siyang napalapit sa binata. Unti-unti na siya ditong nahuhulog, iyon ang tamang term sa doon. At natatakot siya na isang araw ay mananatili pa rin na magkaibigan lang sila. Binubuksan niya na ang sarili sa binata, natututo na siya ditong magtiwala. Araw at gabi silang magka-text at magka-usap. Ilang beses na rin siyang nagtungo sa mansion. Sumabay sila sa agahan ng matanda, saglit niya ring nakausap si Aleigh. Umalis ito nang araw na iyon kasama ng matandang amo para sa kanyang buwanang check up. "Mukhang gustong-gusto ka na ni Senyorito." si Abi na dinalhan siya ng merienda, saglit na umakyat si Julian ng silid upang magpalit ng damit. "Hindi pa iyan nag-uuwi ng babae dito bukod doon sa una niyang naging kasintahan, iyon ang sabi sa amin ni Ate Delia." Pilit na ngumiti si Freya sa kanya bago nagpasalamat. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya naiirita sa katauhan ni Brenda. "M-Magkaibigan lang kami." Umiling-iling sa kanya si Abi. "Hindi ka niya dadalhin dito at ilalapit pa kay Senyora Juliana kung hindi ka niya gusto." Pinanghawakan ng dalaga ang mga salitang iyon ng isa sa mga kasambahay ng lalaki. Lalo pa siyang napalapit sa lalaki, maging ang mga kaibigan nito ay unti-unti niya nang nakasundo. Lahat ng bagay na mahalaga sa lalaki ay pinahalagahan niya. Iginalang niya lalo na doon ang nag-iisa nitong pamilya, ang Senyora. "Pakibigay ito kay Lola." hapon ng biyernes ay abot ni Freya sa isang kilong hinog na mangga kay Julian, "Nalaman ko na paborito niya 'yan." Nahihiya iyong tinanggap ng lalaki. "Hindi ka na sana nag-abala pa Freya." sambit nito habang inilalagay iyon sa loob ng sasakyan, "Mahal pa naman ang kilo nito ngayon." "Don't worry, tinawaran ko ang presyo niyan." Dating restaurant ang kanilang pinuntahan para sa kanilang merienda nang hapong iyon. "May lakad ba kayo mamayang gabi nila Mico?" tanong niya habang pauwi na sila ng bahay, "Biyernes ngayon walang trabaho bukas." "Wala, nasa Batangas si Mico." Tumagilid siya paharap sa lalaki. "E si Lacim?" "Wala rin, busy sa bago niyang babae." "Nagkita ba kayong muli ni Brenda?" Saglit siyang sinulyapan ng binata na abala sa kanyang pagmamaneho ng sasakyan. Mabilis itong nag-preno nang may patawid na mga bata. Kung hindi naka seatbelt si Freya ay tumilapon na siya sa unahan ng sasakyan nito. Namumutla niyang tiningnan ang lalaki na gulat na gulat. "Kapag may pedestrian lane mag slow down ka." anang dalaga na panay ang hinga nang malalim, tinapik-tapik niya pa nang mahina ang kanyang dibdib. "Maraming bata, matanda o estudyanteng tumatawid doon dahil alam nilang safe sila dito." Paulit-ulit na tumango sa kanya ang binata. "Hindi mo ba talaga ako naaalala?" tanong nitong muli na malawak nang ngumisi sa kanya, umiling ang binata. "Tumatanda ka na nga, Juls." pagak siyang tumawa nang malakas, "Sa tingin mo ay saan tayo unang nagkita?" Nangunot ang noo ng binata sa kanya. Hindi maintindihan kung ano ang mga sinasabi niya. "Sa mansion, noong bumisita ka kay Aleigh." tugon nito na marahang muling pinaandar ang sasakyan. "Hindi ba doon?" Paulit-ulit na umiling sa kanya ang dalaga. "Hindi doon Julian." sambit niyang nakangisi na, "Muntik mo na ako noong masagasaan--" "Ikaw ang estudyanteng iyon?!" pagputol ng binata sa susunod niyang sasabihin sana, "Hala! Is this true? Ikaw iyon? Kaya pala pamilyar ka sa akin." Napuno nang malakas na halakhakan ang loob ng naturang sasakyan. Habang binabalikan nilang dalawa ang makasaysayang araw na iyon. "And you didn't even bother to say sorry." si Freya na naluluha na sa labis na pagtawa. "Akala mo ay ikaw ang may-ari noon ng kalsada e, kaskasero!" "I was having a bad day that time." pagku-kuwento ng binata sa kanya, palagay na palagay na ang loob niya sa dalaga. "Iyon ay ang unang beses na nakita kong muli si Brenda pagkaraan nang hindi na mabilang na mga taon." Tumango-tango sa kanya si Freya. Ngayon ay nauunawaan niya na ang rason ng lalaki noon. "And sorry, kung natakot kita ng araw na iyon." "Anong natakot?" patuloy na tawa ng dalaga, "Nagalit kaya ako noon sa'yo." Malakas na humalakhak ang binata sa pagiging prangka ng kanyang babaeng kasama. "Thank you sa paghatid Julian!" she waved at him. He waved back at her. "You're welcome." Kinabukasan ay maagang gumising ang dalaga. Maaga silang nagsimulang maglinis ng bahay kaya maaga rin silang natapos dito. Nakapagpalit sila ng kurtina, sofa cover, bedsheet at pillowcase. Nakapatong sa maliit na lamesita ang isang baso ng grape juice na umuusok sa labis na lamig. Katabi noon ay ang kanyang cellphone na kanina niya pa paulit-ulit na sinisipat at tinitingnan. Nakasanayan na ng dalaga na makatanggap ng text mula kay Julian tuwing umaga. Weekdays man iyon o weekend. Wala iyong palya. Kaya naman ngayon ay nagtataka at nag-aalala na siya. "Anong problema Freya?" lingon sa kanya ng ina na saglit inalis sa screen ng maliit na TV ang mga mata. Tapos na silang mag tanghalian, pinapanood na nila ang nakasanayang noontime show sa tanghali. "Kanina ka pa hindi mapakali." "Wala po Mama." pagkakaila nito kahit na nakabusangot na ang kanyang buong mukha. "E bakit mukhang masama antmg timpla mo?" Hininaan ng Ginang ang volume ng TV at muling hinarap ang kanyang anak na lalo pang humaba ang nakausling nguso. "Sabihin mo sa akin baka natulungan kita." "Wala nga po Mama." anang dalaga na isinubsob ang kanyang malungkot na mukha sa unang yakap. "Hindi ka magiging ganyan kung wala lang." bumuntong-hininga ang ginang at umiling. "Si Julian ba ang dahilan?" Nag-angat ng mukha ang dalaga. Hindi niya na magagawa pang maglihim sa kanyang ina. "Hindi pa po siya nagte-text." sambit niya na mahinang tinig, "Simula pa kaninang umaga." Tinitigan ng Ginang ang kanyang anak na dalaga. Naglalaro sa kanyang isipan ang pagiging malapit nito sa binatang kamakailan niya lang nakilala. "Sabihin mo nga sa akin Freya, may gusto ka sa kanya?" deretsang tanong dito ng ina, "Umamin ka." Naburo ang mga mata ng dalaga sa kanyang ina. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na hindi nga ganun ang kanyang nararamdaman para sa binata. Umiling siya nang marahan sa Ginang sabay ngiti dito nang hilaw. "Hindi po sa ganun--" "Nakikita ko sa iyong mga mata 'nak." Binitawan ng dalaga ang yakap na unan. Gulantang siya sa obserbasyon sa kanya ng ina. Hindi niya magawang aminin ang kanyang tunay na pagtingin. "Mama--" "Baka naman natutulog pa iyon." pag-iiba ng ginang ng usapan, ayaw niyang mahiya sa kanya ang anak na bago palang nagdadalaga. "Mayaman sila anak, kaya nakadepende sa kanila ang oras ng kanilang paggising." Napakagat-labi ang dalaga sa sinabi nito. Isa iyon sa mga dahilan na naisip niya na. Subalit sa ilang beses niya nang pagpunta sa mansion, ay alam niyang araw-araw itong sumasabay ng almusal sa kanyang lola. Weekdays man o weekend ito. "Imposible po iyon Mama." aniyang pinulot ang binitawang unan kanina, nakalimutan niya na ang pagdududa ng kanyang ina kanina. "Araw-araw po siyang sumasabay ng almusal sa Senyora." Tinitigan siya nang ilang sandali ng Ginang. Ilang saglit pa ay binawi niya na ang mga titig dito. Hindi niya maiwasang makita ang kanyang batang sarili, sa kanyang anak na kausap. "Baka may biglaan emergency." anitong ibinalik na ang mga mata sa screen ng TV, nilakasan niya na rin nang bahagya ang volume nitong pinahina. "O baka may importanteng nilakad kaya nakalimot." Hindi sumagot ang dalaga. Ang kanyang isipan at lumilipad at naninimbang kung tatawagan ang pinsan. Itatanong niya dito kung nasaan si Julian. "Basta anak, kapag nagmahal ka huwag mong ibuhos lahat." anang Ginang na sa TV pa rin nakatingin, "Magtapos ka ng pag-aaral. Huwag mong intindihin iyong pagbibiro ko noon sa'yo. Kahit na mayaman sila, kailangan mo pa rin ng diploma upang pumantay ka sa antas niya." Hindi umimik ang dalaga na nakatitig lang sa ina. Damang-dama niya ang lungkot sa tinig nito habang sinasabi ang nasa huling litanya. "Nagtatapos po ako Mama." aniyang mabilis na tumungo, "Aabutin ko ang mga pangarap ko kahit na magmahal ako ng isang mayamang binata." Wala sa sariling tumayo ang dalaga. Tinawid niya ang maikling pagitan nila. Niyakap niya mula sa likuran ang kanyang inang bahagyang nagulat sa kanya. Isinandal niya ang kanyang ulo sa likod nito. Nakangiti niyang ipinikit ang kanyang mga mata. "Maraming salamat po Mama, sa lahat." bulong niya, "Sa pagmamahal, sa pag-aalaga. Sa patuloy na pag-alalay mo sa akin para maging matibay." Hindi makapagsalita ang Ginang sa tinuran ng kanyang anak. Sobrang naantig siya sa ginawa nito. "Maraming salamat po Mama." ulit ng dalaga na bahagyang naluluha na, "If ever na ipapanganak ulit ako nang ilang milyong beses, ikaw pa rin ang aking paulit-ulit na pipiliing maging ina." "F-Freya.." "Walang kulang sa akin Mama, wala." ulit ng dalaga na unti-unti ng lumuha, "Ikaw lang sapat na." Speechless. Walang masabi ang Ginang sa kanya bukod sa sinabayan niya ito sa pagluha. Lalo pang isiniksik ng dalaga ang mukha sa katawan ng ina. "Mahal ka ni Mama, Freya." aniyang bahagyang hinaplos ang mahabang buhok ng anak, "Mahal na mahal kita anak palagi mo iyong tatandaan." "I love you more Mama." Naging punong-puno ng emosyon ang tanghaling tapat na iyon sa maliit na sala ng mag-ina. Nagyakap pa sila nang mahigpit, kapwa impit at mahina ang kanilang boses sa pag-iyak. "Tahan na..tahan na.." pag-alo ng ina sa anak na patuloy pa rin ang pagbuhos ng sariling mga luha. Pilit na ngumiti ang dalaga sa ina na patuloy na nagpapatigil sa kanya. Ang hindi alam nito ay nasasaktan siya sa kalagayan nilang mag-ina. Hindi niya maiwasang isipin ang kanyang ama na hindi kilala. Naisip niya na kung siguro ay sinusuportahan sila nito, financially ay iba-iba. Hindi siya masasaktan habang pinagmamasdan ang kanyang sariling ina na nagtra-trabaho. Gusto niyang itanong sa ama ang typical na tanong ng isang anak sa kanyang magulang. Bakit sila nito iniwan? Mayroon na ba itong ibang pamilya? Nagkaroon ba sila ng thirdy party? Bakit hindi siya dito nagpakita man lang? Mga katanungan na hindi niya alam kung masasagot pa ba. Kung may sasagot pa dito. Gusto niya ring sabihin dito na sana ay nagpaka-ama ito sa kanya, kahit hindi na nagpaka-asawa sa kanyang ina. Gusto niya iyong sabihin nang paulit-ulit sa amang hindi niya na nakilala. "Matutulog po muna ako Mama." paalam nito sa ina nang bahagyang kumalma sa pag-iyak. Nababasa ng Ginang ang nilalaman ng isipan ng anak. Alam niya kung bakit ganun nalang ang pag-iyak nito. Natatakot siya na baka isang araw ay bigla nalang sumulpot ang tunay na ama nito. Ayaw niya iyong mangyari, dahil alam niya na labis na masasaktan at madudurog ito sa katotohanan. "S-Sige 'nak, tatapusin ko lang ang palabas." Malungkot na napangiti ang dalaga nang lumapat sa kama ang kanyang nananakit na likuran. Sinalat-salat niya ang ibaba ng mga mata na namamaga. Paulit-ulit niyang binalikan ang mga katanungan sa ama, sakaling makilala niya ito isang araw. Muli siyang bumangon upang buksan ang electric fan. "Ano kayang gamot sa sakit ng katawan?" tanong niyang binuksan ang maliit na cabinet ng kanilang mga gamot sa silid, "Bioflu na ba agad?" Lumabas siyang muli ng kanyang silid. "Mama, ano pong gamot sa sakit ng katawan?" tanong niya sa inang mabilis na tumayo, "Bioflu?" "A-Alaxan 'nak." tugon nitong umiiwas sa kanyang paningin. Kapansin-pansin ang labis na pamumula ng mga mata nito. "Tatlong baso ng tubig ang inumin Freya, ingatan ang kidney okay?" Wala sa sariling tumango ang dalaga. Pinatay ng kanyang ina ang TV bago tahimik itong pumasok sa kanyang sariling silid. Uminom muna ng gamot ang dalaga bago niya tinungo ang silid ng kanyang ina. Bitbit ang isang baso ng tubig ay mahina siya ditong kumatok. "Mama?" "Oh?" tugon nito sa paos na tinig, "May kailangan ka ba?" "Dinalhan kita ng isang basong tubig." "Teka.." Ilang sandali pa ay binuksan ng ina ang pintuan. Bumungad sa dalaga ang mga mata at ilong nito na lalo pang naging kulay pula. "Salamat." tanggap nito sa baso ng tubig, "Matulog ka na nang tumangkad ka pa." Pilit na ngumiti ang dalaga sa kanya. Tumalikod siya sa silid nang muling isarado ng ina ang pinto. Muli siyang bumalik sa kanyang silid. Nakalimutan niya nang kunin pa ang cellphone na nasa lamesa. Muli siyang nahiga sa kama at ipinikit ang kanyang namimigat na mga mata. Agad siyang nakatulog. Sa kabilang banda ay panay ang kamot sa ulo ni Julian. Hindi niya maiwasang mainis sa sarili. "Badmood ka Moody?" si Lacim na abalang kumakain ng dinalang meryenda sa kanila. "Hindi ako nakapagtext sa kanya!" anitong panay ang tingin sa relong nakalagay sa ibabaw ng lounger ng kanilang swimming pool, ala una palang iyong ng hapon. "Kayo ang may kasalanan nito!" turo niya sa dalawang kaharap. "Bakit kami?" inosenteng tanong ni Mico sa kanya, "Hawak ba namin ang cellphone mo dude?" "Kaya nga!" halakhak ni Lacim na punong-puno ang loob ng bibig, "Minsan ka nalang rin namin makasama dude, ibalato mo na ang araw na 'to." "Maghihintay iyon ng text ko." "O e 'di e-text mo ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD