Halos kalahating oras nang nakaparada ang sasakyan ng binata sa garahe. Panay ang sulyap niya sa dalaga na hindi niya magawang gisingin na kasalukuyang natutulog pa rin. Hindi niya makalimutan ang katotohanang inamin sa kanya ng Ginang.
"Huwag mo na sanang mabanggit pa kay Freya, hijo." anito na agarang namula ang mga mata, "Sobrang kumplikado ng aming kwento. Ayokong maramdaman niya ang sakit ng katotohanang aming pilit itinatago sa kanya."
Paulit-ulit na tumango ang binata sabay hugot ng malalim na hininga. Tiningnan niya ang Ginang ng kanyang mga matang naninimbang.
"Successful na po ngayong businessman si Froylan." sambit nito ba pilit ngumiti sa Ginang, "Palagi po siyang mababasa sa front page ng iba't-ibang pahayagan. Ganundin po online, nakapaskil ang kanyang mukha. Hindi man po kami palaging nagkikitang dalawa, alam ko po na na-mimiss niya na kayo. Bukambibig niya noon na, kapag naging successful na siya sa buhay ay hahanapin niya kayong dalawa."
"A-Alam niyo?"
"Ako lang po sa aming grupo ang nakakaalam na mayroon siyang ina at isa pang kapatid."
Hindi na naiwasan pa ng Ginang ang kanyang mga luha. Sinapo niya ng dalawang palad ang kanyang mukha at dito ay mahina at impit na umiyak.
"Hindi ko man po alam kung ano ang totoong nangyari sa pamilya niyo. Alam ko po na mahal niya kayo."
Ipinakita dito ng binata ang kanyang cellphone. Ini-scroll niya ang album noong nakaraang taon lang.
"Heto po siya tita Felia," abot dito ng binata, "Nagkita po kami sa taunang event na para sa mga batang successful na negosyante sa bansang Hongkong."
Patuloy na lumuha ang Ginang. Sinalat-salat niya ang screen ng cellphone habang pinagmamasdan ang larawan dito ng kanyang panganay na anak.
"F-Froy..patawarin mo ang Mommy, iniwan kita."
Napatungo nalang si Julian sa emosyon na kanyang nakikita sa Ginang. Damang-dama niya ang sakit sa bawat patak ng mga luha nito sa mukha. Alam niya iyon bilang isang tao na walang magulang na kinagisnan. Gusto niyang yakapin ito pero naduduwag siya dito.
"Hijo, mauuna na akong bumaba." anang Ginang na labis na nahihiya, pagkaraan ng ilang minutong pagbuhos nito ng malungkot na mga luha. "Sabihin mo kay Freya kapag nagising ay pinuntahan ko na si Aleigh."
Marahang tumango ang binata sa kanya bago binuksan ang lock ng pintuan sa may gilid ng Ginang. Hindi niya alam kung ano ang kanyang ire-react sa sitwasyon. Wala rin siyang mapagsabihan lalo na at maselan ang bahaging iyon ng buhay nito. Ayaw niyang banggitin ito sa dalawang kaibigan na kilalang-kilala rin si Froylan.
Malungkot niyang pinagmasdan ang dalaga na mahimbing na natutulog pa rin sa kanyang tabi. Mapait siyang ngumiti nang maalala ang kanyang itinanim na masamang plano dito. Naninikip ang kanyang dibdib sa tuwing naiisip niya na umiiyak ito nang dahil sa sakit ng ginawa niya. Hindi niya maatim na saktan ang isa sa kapatid ng kaibigang itinuring niya na ring kapatid niya.
"Itutuloy ko pa ba o hindi na?" tanong niya sa kawalan habang pinagmamasdan ang maamong mukha nito, "Naduduwag na ako sa aking sariling plano."
Sa lalim ng pag-iisip ay hindi niya namalayang tumagal pa sila nang tumagal sa parking lot ng mansion. Mahina niyang tinapik sa pisngi ang dalaga upang gumising na. Pupungas-pungas itong nagdilat ng kanyang mga mata. Hindi mapigilan ng binata na lalo pang masaktan sa mga titig nito sa kanyang, napaka-inosente. Pilit na ngumiti siya sa dalaga na ngumiti na rin sa kanya.
"Nandito na tayo, ang takaw mo talagang matulog." aniyang pinasaya ang mga mata, "Halika na, baba na."
"S-Sorry.." aniyang nahihiyang inayos ang buhok, mabilis siyang lumingon sa kanilang likuran. "Si Mama?"
Lalo pa siyang ngumiti kahit na sa kanyang loob ay nasasaktan na siya para sa dalaga. Mayaman ang Daddy ni Froylan, maykaya ang pamilya nila. Subalit nang dahil sa isang problema ay nagkahiwalay sila. Iyon ang pagkakaalam niya na sinabi ni Froylan sa kanila. Natatandaan niya pa ang gabing uminom sila na binanggit ni Froylan na mayroon siyang kapatid na babae. Hindi niya akalaing si Freya ang tinutukoy nito.
"Nasa loob na."
"Hala, si Mama talaga!" nahihiya niyang saad sabay kamot sa kanyang ulo, "Hindi na nahiya."
"Hayaan mo na Freya, namiss niya siguro si Aleigh."
Umiling ang dalaga sa kanya. Sa loob-loob nito ay ang mansion ang sadya ng ina at hindi ang kanyang pinsan.
Wala sa sariling inilahad ng binata ang kanyang kamay sa dalaga. Walang gatol naman niya iyong tinanggap. Nagsimula na silang maglakad papasok ng mansion.
"Freya, paano kung makita mong muli ang iyong ama?" tanong niya sa dalaga na bahagyang natigilan sa paglalakad, "Tapos may kapatid ka pa palang di kilala."
Nagkibit ng kanyang balikat ang dalaga. Hindi niya alam.
"Tapos mayaman?" tanong niya sa binata na agad naglaho ang matamis na ngiti, pagak siyang tumawa sa nakuhang reaction ng binata. "Simple lang. Gusto kong ipaliwanag niya sa akin kung bakit niya kami iniwan ni Mama. At kung bakit hindi niya na kami hinanap pa."
"Patatawarin mo siya at muling tatanggapin?"
Natigilan ang dalaga sa kanyang muling tanong. Ilang saglit pa ay marahan na siyang umiling sa binata.
"Hindi." tugon niya na halos hindi marinig sa hina ng tinig, "Imposible namang mangyari iyon Julian." pagak siyang muling tumawa, "Ano kami nasa teleserye?"
Julian shrugged his shoulder too. Ayaw niyang ipakita sa dalaga na mayroon siyang alam na sekreto nito.
Sa kabilang banda ng maulap na isipan ni Freya ay nangangarap siyang manirahan sa naturang mansion. Magpapakasal sa lalaking mahigpit na hawak ngayon ang kanyang kamay habang sila ay naglalakad. Gusto niyang maging bahagi ng araw-araw na buhay ng binata. Gusto niyang maging asawa ito, hindi pa man ito kanyang orihinal na kasintahan ngayon.
"Welcome sa mansion ng mga Velasco, Freya Lou!" maingay na tili ni Aleigh na nasa tanggapan ng mansion.
Nandoon rin ang iba pang kanilang mga kasama sa bahay at ang dalawang kaibigan ng binata. Sa tabing upuan ng Senyora ay nandoon ang kanyang ina, prenting nakaupo at malawak ang mga ngiti sa kanila. Agad hinila ng dalaga ang kanyang isang kamay sa binata nang bumaling ang mga mata ng lahat doon.
"Pumapag-ibig na sila!" si Aleigh na naglalagay ng tubig sa basong hawak ng Senyora.
Agaran ang pamumula ng mukha ng dalaga sa kantiyaw ng kanyang pinsan. Hindi rin maitago ni Julian ang hiya sa pamamagitan ng pamumula ng kanyang mga tainga.
"Dude, dumada moves ka na." si Lacim na sinundan nang malakas na tawanan.
Mabilis na hinila ng dalaga ang kanyang palad sa binata. Hindi niya na kaya ang labis na pagkahiya. Lalo pa at tinutukso-tukso na sila ng mga nakakakita.
"Ikaw na ba dude?" magiliw na tanong dito ni Mico, "Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake niya?"
Malakas na nagtawanan ang mga naroroon sa pabiro nitong paglalarawan sa nararamdaman ng kaibigan. Mabilis na humakbang si Julian palapit kay Mico at pabiro niya itong sinuntok sa kanyang ulo.
"Gago! Ginawa mo kaming nakakatawa!" palatak nito na umambang mananapak naman.
"Joke lang iyon dude." patuloy na halakhak nito.
Walang imik na lumapit si Freya sa matandang nakangiti. Tuwang-tuwa siya sa nakikita. Pakiramdam niya ay nalalapit na ang pagkakaroon niya ng mga apo.
"Mano po Lola," hawaka niya sa kulubot na kamay ng matanda, "Kumusta na po kayo?"
"Ayos lang ako apo, ayos lang." wika ng matandang hinaplos-haplos ang kamay ng dalaga, "Ikaw kumusta?"
Malawak na ngumiti sa matanda ang dalaga.
"Gaya po ng nakikita niyo, maayos lang rin po ako."
Tumingin ang matanda sa kanyang ina. Tumango-tango ito na para bang may usapan na silang dalawa.
"Salamat at pina-unlakan niyong mag-ina ang imbitasyon namin sa'yo, kahit na biglaan."
Lalo pang ngumiti ang dalaga sa kanya.
"Ayos lang po Lola, wala na rin naman kaming gagawin sa bahay ni Mama." anitong lumingon sa ina, "Di ba Mama?"
Ngumiti ang Ginang bago ito tumango sa kanila.
"Nakahain na ang lamesa, kumain na tayo." anunsyo nito na hinawakan sa kamay si Aleigh, "Hija, si Julian na ang bahalang magtulak sa akin. Samahan mo na sila sa ating inihandang dining area."
"Sige po Senyora."
Wala sa sariling ini-angkla ni Aleigh ang kanyang isang kamay sa isang braso ni Freya. Pasimple siyang bumulong sa kanyang nakangiti pa ring pinsan.
"Buti pumayag si tita Felia?"
Nilingon siya ng dalaga, natatawa.
"Kainan e, sa tingin mo tatanggi kami?"
Pasimpleng pinalo ni Aleigh ang braso ng kanyang pinsan. Bukod sa maloko ito ay prangka rin. Sinulyapan ng dalaga si Julian na itinutulak ang wheelchair ng Lola. Sinuklian niya ang ngiti nito na ibinigay niya sa lalaki. Lalo pang humanga si Freya pagdating nila sa kusina. Hindi iyon ang unang beses na punta niya dito. Ngunit namamangha pa rin siya sa mga makalumang kagamitan.
Tinulungang maupo ni Julian ang kanyang Lola sa kabisera ng mahabang marmol na lamesa. Agad namang nilapitan iyon ni Aleigh upang tumulong. Napatda ang mga mata ng dalaga sa braso ng kanyang pinsan na bahagyang nahawakan ni Julian. Hindi niya maalis doon ang kanyang paningin kahit na sandali. Kumurap-kurap siya nang may sakit na biglaang dumaan sa kanyang puso na patuloy na pumipintig.
Naupo na ang kanyang pinsan sa kaliwang bahagi ng matanda. Umikot naman si Julian upang maupo sa kanan ng Senyora. Naupo ang kanyang ina sa tabi ni Aleigh. Wala siyang nagawa kung hindi ang maupo sa tabi ng kanyang ina. Nahihiya siyang tunguhin ang katabing upuan ng binata na bakante pa. Ilang saglit pa ay naupo si Lacim sa tabi ni Julian, sinundan iyon ni Mico na nagiging tagapagmasid sa buong paligid.
"Bakit diyan ka naupo?" pasimpleng bulong ng binata sa kanyang katabi, "Panira ka talaga."
Clueless na tiningnan siya ni Lacim. Gusto sana niyang hintayin na maupo sa kanyang tabi ang dalaga. Siguro dahil nahihiya pa ito kaya sa tabi ng kanyang ina ang upuan na kanyang pinili. Nagpalipat-lipat ang tingin ng Donya sa dalawa na mahinang nagbubulungan.
"Mas pinili niya sa tabi ng ina niya dude."
Sinamaan niya ito ng tingin.
"Dahil diyan ka naupo!" pasinghal nitong bulong.
"Nauna na siyang umupo, bago ako umupo!"
Tumigil sa kakabulong si Julian nang tingnan siya nang tingnan siya nang masama ng Donya. Isang maikling panalangin ang inusal ng matanda habang nakatitig sa kanyang apo bago sila magsimulang kumain. Isa ito sa mga bagay na nagustuhan ng dalaga sa kanilang mag lola. Nahihiyang sumandok ng kanin ang dalaga. Inabot niya rin ang isang putahe ng karne na kanyang nasulyapan. Bukod doon ay puro seafood na ang nakahain sa hapagkainan. Bukod sa isda ay allergy rin ang dalaga sa lahat ng seafoods. At hindi iyon alam ng matanda. Ang buong akala niya lang ay sa isda ito allergy.
"O 'di ba apo mas masayang kumain kung marami tayo," anang matanda habang pinagmamasdan ang mga kasamang kumain, "Kailan mo ba maiisipang--"
"Lola, nakakahiya po may mga bisita tayo." pagputol sa kanya ng binata, nahihiya.
Walang ano-ano ay magkaduet na humalakhak ang kanyang dalawang kaibigan. Nag-apir pa ang mga ito. Sinamaan sila ng tingin ng binata. Samantalang abala si Freya sa pagmamasid sa kanila. Hindi nakalagpas sa kanyang paningin ang malalagkit na tingin ni Aleigh sa binatang kapwa na namumula ang dalawang tainga.
"O sus nahiya ka pa apo e para na rin naman natin silang pamilya." dagdag ng matanda na saglit tumingin kay Freya, "Hindi ba hija, Freya?"
"P-Po Lola?" nahihiyang sagot ng dalaga na halatang lutang, tiningnan siya ng lahat. "Aah, oo naman po."
"See Julian?" lingon ng matanda sa kanya, "Hindi na iba ang trato nila sa atin. Pamilya na tayo."
Nahihiyang ngumiti ang binata sa may banda ng dalaga. Nahihiya ring tumungo ang dalaga sa kanyang pagkain. Ini-angat niya ang paningin nang may inilagay sa kanyang plato si Lacim na isang slice ng melon.
"Kain ka pa ng madami Freya," anitong ikinangiti niya, "Para tumangkad ka na agad gaya ni Aleigh."
Tiningnan niya ang kayang pinsan na agad namula ang buong mukha. Ibinalik niya ang tingin kay Lacim na kagaya ng kanyang pinsan ay namumula rin ang mukha.
"Oo nga naman Freya, huwag kang mahihiya." pakikisali ni Mico sa usapan nila, "Masarap 'to inihaw na pusit."
Natigilan ang dalaga habang nakatingin sa hiwa ng katawan ng pusit na nasa kanya ng plato. Sinundan iyon ng nag-aalalang tingin ng kanyang ina. Nanlalaki naman ang mga mata ni Aleigh habang nakatingin rin sa kanya. Hindi maunawaan ni Julian ang kanilang dahilan, ganundin si Mico na agad na kinabahan.
"S-Salamat Mico." pilit na ngiti ng dalaga.
"You're welcome Freya." mayabang na tango pa nito.
"Ang thoughtful talaga ni Mico," anang matanda na natutuwa, "Bakit hindi mo siya gayahin apo?"
Sinandok ni Freya ang laman ng pusit at inihalo iyon sa kanin na nakalagay sa kanyang kutsara. Nahugot ni Aleigh at ng kanyang tiyahin ang kanilang hininga, nang i-angat ito ng dalaga at akmang isusubo na sa bibig.
"Huwag!" pigil ng kanyang ina sa kamay ng dalaga na nakaangat, "Alam mong allergy ka sa kanila."
Nanlalaking tiningnan ng dalaga ang kanyang ina. Binabalot na siya ng labis na hiya sa mga kasama.
"Pasensiya na po kayo Senyora," baling ng kanyang ina sa matanda na natitigilan, "Salamat rin Mico sa pagiging thoughtful mo. Allergy si Freya sa kahit na anong pagkain na nanggaling at nakukuha sa dagat."