Pinilit niyang ngumiti sa ina kahit na may namumulang mga mata. Umiling-iling sandali. "Sa labas lang po ako ng kwarto, Mama." Mabilis siyang nilapitan ng Ginang at niyakap. Tumalikod naman si Sioling, ayaw masaksihan ang bunga ng pagkakamali niya sa buhay. "Freya..." Lalo pa siyang humikbi sa hindi maipaliwanag na dahilan. Halo-halo ang kanyang emosyon. "Nasasaktan po ako ngayon," pag-amin niya sa inang humihikbi pa rin, "Siguro dahil gusto ko 'ring makilala ang aking tunay na ama, Mama." Tahimik na umiyak si Felia, sinabayan ang anak. Sobrang nasasaktan siya para sa dalaga. "Pasensiya na Freya kung minsan ay nagiging masama at malihim sa'yo si Mama, ha?" Lalo pang naiyak ang dalaga sa balikat ng ina. Hinaplos-haplos ng Ginang ang buhok ng anak. Ilang sandali pa ay tinanggal nito