Agad nanlaki ang mga mata ng dalaga sa naging tanong nito sa kanya. Titig na titig siya sa mukha ng binata na nakalingon pa rin sa kanyang banda. Ilang sandali pa mabilis siyang paulit-ulit na umubo.
"Okay ka lang ba?" tayo nito sabay lapit sa kanya, hinawakan nito ang lubid ng duyan upang tumigil. "Gusto mong kunan kita--"
"Ako na, ako na!" taas ng kamay ng dalaga habang umaahon sa kanyang inuupuang duyan, hawak niya ang kanyang leeg. "Ako na ang kukuha ng tubig."
"Sigurado ka ba--"
Hindi niya pa natatapos ang sasabihin nang talikuran siya ng dalaga. Patakbo na itong naglaho sa kanyang paningin. Pabagsak siyang naupo sa duyan. Ilang sandali pa ay pasabunot niyang hinawakan ang buhok.
"Are you nuts Julian?!" tanong niya sa sarili na isipa-sipa pa ang mga paa sa lupa, "Bakit binigla mo siya?!"
Unti-unting namula ang kanyang mukha sa labis na hiya. Ganundin ang kanyang tainga na marahas niyang hinawakan. Dama niya ang init na dito ay bumabalot.
Sa kabilang banda ay hindi magkandatuto si Freya. Habol ang hininga niyang binuksan ang maliit na bakal na gate. Panay ang kanyang buntong-hininga habang hawak ang kanyang dalawang tuhod. Nanginginig ito nang dahil sa kanyang ginawang mabilis na pagtakbo.
"Mama, u-uwi na po tayo!" bulalas niya na habol pa rin ang kanyang mabilis na paghinga.
Nababahalang tumayo ang Ginang sa hindi mawaring itsura ng kanyang anak. Gulantang rin ang Donya na panay ang sulyap sa pinanggalingan ng dalaga. Naguguluhan namang sinipat siya ni Aleigh.
"Anong nangyari sa'yo hija?" tanong ng matanda sa kanya, pilit naman siyang ngumiti dito at umiling.
"Gusto mo ng tubig Freya?" alok ni Aleigh sa hawak na baso na may lamang tubig, "Ano bang nangyari sa'yo?"
Tinanggap iyon ng dalaga at sunod-sunod na nilagok.
"Wala," paulit-ulit niyang iling na tiningnan ang tatlong pares ng mga mata na nasa kanyang harapan. "Naalala ko na kailangan kong mag research ngayon. Kaya...kaya tumakbo ako para makauwi na agad sa amin."
"E si Senyorito Julian, nasaan?" mahaderang tanong ng kanyang pinsan. "Iniwan mo sa garden?"
Agad napadilat ang nanliliit na mata ng dalaga. Tiningnan niya ang matanda na nakatitig sa kanya, hinihintay nito ang magiging sagot niya.
"Ang sabi niya ay pwede ko siya doon na iwan." pagsisinungaling ng dalaga, ang tanging paalam niya dito ay kukuha lang siya ng tubig na maiinom.
Maliit na ngumiti ang matanda sa kanya. Nauunawaan na may kung anong nangyari sa kanilang dalawa.
"O siya sige na hija, mukhang importanteng research iyang gagawin mo."
Nahihiyang napatungo ang dalaga sa tinuran nito. Ayaw niyang magsinungaling sa matanda hangga't maaari. Hindi niya lang maiwasan ngayon dahil sa labis na kaba.
"Pasensiya na ho kayo Senyora." hingi naman ng paumanhin ng kanyang inang si Felia, "Subsob talaga 'tong batang ito pagdating sa kanyang pag-aaral."
Tumango-tango ang matanda.
"Ayos lang Felia, marami pa naman tayong pagkakataon na ulitin ito."
"Salamat po Senyora."
Marahang inakbayan ng Ginang ang kanyang anak. Inihatid pa sila ni Aleigh sa labas kung saan naghihintay ang sasakyan na maghahatid sa kanila pauwi ng bahay.
"Mama, umiyak ka ba?" tanong ng dalaga nang mapagmasdan ang bahagyang pamamaga ng mga mata nito, "Sa anong dahilan Mama?"
"Hindi ako umiyak." pagkakaila ng Ginang, "Inaantok na ako kaya parang namamaga sila."
Ipinagsawalang bahala iyon ng dalaga. Isinandal niya ang kanyang likod sa upuan ng sasakyan. Binalikan niya sa kanyang isipan ang huling tanong ng binata sa kanya.
Pwede pa kitang ligawan, Freya?
Mariing ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan.
Sa kabilang banda ay nananatiling nakaupo sa duyan ang binata na iniwan ng dalaga. May kung anong nagbubulong sa kanya na sundan niya ito. Ngunit mas lalong nanaig sa kanya na magtiwala nalang dito na babalik ito. Iinom lang ito ng tubig gaya ng iniisip niya tapos babalikan siya nito upang bigyan ng sagot ang kanyang naging katanungan dito. Iyon ang buong akala niya at pinanghahawakang pag-asa. Ngunit kalahating oras na ang lumilipas ay hindi pa rin ito bumabalik gaya ng kanyang inaasahang gagawin ng dalaga.
"Ano pang hinihintay mo dito dude?" si Lacim na nakatayo ilang hakbang ang layo sa kanya.
Pababa siya kanina mula sa silid ng kanyang kaibigan nang marinig niya ang pagpapaalam ni Freya na uuwi na. Tiningnan lang siya ng binata, alam niya na ang sagot.
"Umuwi na iyong hinihintay mong bumalik dude." dagdag nito na humakbang palapit sa kanya, "Ano bang ginawa mo sa kanya ha?" naupo ito sa katabing duyan.
"Wala akong masamang ginagawa sa kanya?!" mariing pagtanggi nito na masama ng nakatingin sa kanyang kaibigan na may pagbibintang ang mga mata, "Tinanong ko lang siya na kung pwede akong manligaw sa kanya."
"Iyon dude!" bulalas nito na tumayo pa, ginulo-gulo ang kanyang buhok na bahagyang mahaba na, "Ginulat mo siya. Binigla mo siya, Julian. Nakita ko ang pamumutla niya sa sala habang nagpapaalam kay Lola."
Masama pa rin siyang tiningnan ng binata, hindi naniniwala sa mga pinagsasabi nito.
"Bakit naman siya matatakot at mamumutla?" tayo nito na humakbang na palapit sa kaibigan, "Hindi ko naman siya niyakap at hinalikan ah."
"Dude, use your common sense!" palatak ng kaibigan, "Ni wala pa siyang nagiging boyfriend sabi mo, ibig sabihin magugulat talaga siya sa kabilisan mo!"
"Matagal na ang dalawang buwan Lacim." pagtatama ng binata sa sinabi ng kaibigan, "Dapat siyang magulat kung sa unang pagkikita namin e nagsabi na ako."
Siya naman ang tiningnan ng masama ng kaibigan.
"Kung ganyan lang rin ang mindset mo, tigilan mo na ang iyong plano!"
Agad nagsalubong ang kilay ng binata sa sinabi niya.
"We came this far, bakit ko titigilan?!" sigaw niya na, "I already invest my time, my effort, even my own money. Dude, you all know that! Bakit ko titigilan?!"
Napanganga sa kanyang mga sinabi ang kaibigan. Noon niya lang nakita na muli itong magalit.
"Dude, calm down." anitong tinitigan ang nanlilisik na mga mata ng binatang kaharap, "Do you..do you like her for real?"
Lalo pang sumama ang tingin sa kanya ng kaibigan.
"No." iling niya kahit naghu-huramentado na ang kanyang puso sa dibdib, "I just want to use her on our plan, that's all." nag-iwas siya ng tingin sa kaibigan.
Umigting ang panga ng binata habang pilit niyang isinisiksik sa kanyang utak na gagamitin niya lang ito. Gagamitin niya lang ang babaeng kanyang natitipuhan na, hanggang sa matapos ang kanilang sinimulang plano. Gagamitin niya lang ito, kahit gusto niya na ito.
"Salamat po sa paghatid." duet na saad ng mag-ina sa driver ng sasakyan nang tumigil na ito.
Bumaba na dito ang dalaga kasunod ang kanyang ina.
"Pakisabi po kay Lola na maraming salamat." kaway ni Freya sa driver na agad tumango sa kanya at umalis.
Tahimik na naglakad ang mag-ina papasok sa eskinita. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ng dalaga ang huling katanungang sa kanya ni Julian. Hindi niya alam kung anong isasagot niya sa binata kaya tumakas siya dito.
"Tungkol saan ang ire-research mo?" tanong ng Ginang habang binubuksan ang main door ng kanilang bahay.
Maliit siyang ngumiti sa ina. Naghahanap ng topic na nais niyang gawing dahilan dito upang tumahimik na. Nabuksan na ng Ginang ang kanilang pintuan.
"Tungkol po iyon sa isang sickness Mama." tugon niya dito na tuluyan nang pumasok sa loob. Binuksan niya ang main switch ng kanilang ilaw sa bahay. Naupo siya sa sofa habang tinatanggal ang sintas ng kanyang suot na sapatos. "Hahanapan po namin iyon ng pansamantalang cure." patuloy niya sa kasinungalingan.
"Hindi ka nagsisinungaling sa akin?" sunod sa kanya ng ina, "Mapapahiya tayo kay Senyora."
Kinagat ng dalaga ang kanyang pang-ibabang labi. Ayaw niyang pangatawanan ang kanyang make up stories pero nandoon na siya. Walang ng atrasan.
"Bakit naman ako magsisinungaling?" balik-tanong niya sa ina, "Alam ko namang masama po iyon Mama."
Pinagmasdan siya ng kanyang ina. Sinusuri kung tunay ba ang kanyang mga sinasabi. Kung totoo ba ito.
"Freya, alam mong masamang magsinungaling 'di ba?" tumango ito sa kanyang ina, "Bakit ka namumutla kanina? May mga bagay ka bang itinatago sa akin?"
Mabilis na naging malikot ang kanyang mga mata. Kinakain na siya ng kanyang konsensiya nang dahil sa pagsisinungaling niya sa kanyang ina. Tumawa siya.
"Mama kung anu-ano na po ang pumapasok sa isip niyo. Bakit naman po ako mamumutla? Syemre tumakbo po ako." nguso niya na ipinagpatuloy ang ginagawa, "Ang mabuti pa po ay magpalit na kayo ng damit."
Hindi natinag ang Ginang sa kanyang harapan. Nanatili itong nakaupo doon habang sinisipat ang kanyang anak.
"Bakit ka tumakbo?" makahulugan pa nitong tanong, "May masama bang sinabi sa'yo si Julian?" tanong ng Ginang na nag-aalala na sa sekretong itinatago niya.
Nag-angat ng tingin ang dalaga sa kanya.
"Wala po Mama." iling nito sa ina, "Hindi naman po siya masamang tao e."
Nakahinga nang maluwag ang Ginang sa sagot nito.
"Bakit ka nga tumakbo?" ulit niyang tanong sa anak, "May ginawa bang masama sa'yo si Julian?"
Natigilan ang dalaga sa paghuhubad ng kang medyas. Mataman niyang tiningnan sa mata ang kanyang ina.
"Mama, mabuti pong tao si Julian." ulit niya sa ina, ayaw niyang sabihin dito ang tunay na nangyari. "Tumakbo po ako mula sa dilim dahil natatakot ako."
"Bakit hindi ka sinamahan ni Julian?" patuloy nitong tanong sa kanya, "May nangyari sa inyong dalawa."
"Mama!" bulalas niya na mabilis tumayo, "Wala po. Wala pong nangyari sa aming dalawa ni Julian!"
Nakangising umahon mula sa pagkakaupo ang Ginang.
"E bakit mo ako sinisigawan?" tuluyan na itong humalakhak, "Halata kang guilty."
Umiling-iling ang dalaga nang talikuran siya ng kanyang ina. Nakangisi pa rin itong pumasok ng kanyang silid. Tumayo ang dalaga bitbit ang kanyang hinubad na medyas at sapatos. Pumasok siya sa kanyang silid. Pagkatapos ibaba ang sapatos sa sahig ay hinubad ng dalaga ang kanyang suot na sling bag. Pahagis niya iyong ibinato sa ibabaw ng kanyang kama.
"It's been a long day." sambit ng dalaga na sinimulan nang hubarin ang pang-itaas na damit.
Hindi pa niya tuluyang nahuhubad iyon nang mabaling ang kanyang paningin sa naghuhuramintado nitong cellphone na nasa loob ng kanyang sling bag. Kibit-balikat niyang tinanggal doon ang kanyang mga tingin. Sa kanyang loob ay ang binata iyon, ko-komprontahin kung bakit hindi niya na ito binalikan pa sa garden.
Nang mamatay ang tawag ay muli iyong nag-vibrate. Hinubad ng dalaga ang kanyang pang-ibaba. Humila siya sa kanyang drawer ng isang sando at isang pajama. Muling namatay ang tawag. Napabungisngis sa kanyang kalokohang mga ginagawa sa binata.
"Sasagutin ko na kapag tumawag ka ulit." bulong nito habang isinusuot ang kanyang pajamang hawak.
Nang muli itong mag vibrate ay walang pag-aalinlangan niya iyong sinagot at inilagay sa kanyang tainga. Hindi niya na inabala pa ang kanyang sarili na tingnan ang pangalan ng paulit-ulit na tumatawag sa kanya.
"Hello?" kinakabahan nitong sagot sa tawag, pigil ang hininga niyang hinintay ang tugon nito.
"Uy insan ano bang nangyayari sa'yo?!" si Aleigh na halos mabasag na ang kanyang eardrum, "Ang tagal-tagal mong sumagot!"
"Ikaw iyong kanina pa tumatawag?" wala sa sariling tanong ng dalaga, dismayado na ang tinig.
"Yes! At sino sa akala mo? Si Senyorito Julian?" humalakhak ito sa kabilang linya, "Pagkatapos mo siyang iwanan sa garden umaasa ka na tatawag pa?"
Mariing napapikit ang dalaga sabay bagsak sa kanyang kama. Unti-unti niya nang nararamdaman ang guilt. Labis na nahihiya siya sa kanyang asal sa binata.
"Aleigh--"
"What? Bakit mo ba kasi siya iniwan doon?" muli ay palatak nito, "Ayon, umalis kasama ni Lacim. Sigurado akong patungo silang night club. Maglalasing!"
Mabilis napadilat ang dalaga sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang kailangan nitong maglasing dahil doon. Hindi niya naiisip na ganun kababaw ng lalaki.
"Paano mo nalaman?"
"May legit source ako." pambabara nito sa kanya, "Tell me bakit ka namumutla kanina? Hinalikan ka?"
"Are you crazy?!" sigaw ng dalaga na mabilis nahiga sa kanyang kama, "Bakit naman ako hahalikan ni Julian?"
Malakas na humalakhak muli ang kanyang pinsan sa kabilang linya. Sa sobrang lakas nito ay naiirita na siya.
"Ano nga bakit ka namumutla? Niyakap ka ba?"
Lalo pang naningkit ang mga mata ng dalaga. Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga.
"Baliw ka na talaga!" bulalas niya na naiinis na, "Walang masamang ginawa sa akin si Julian."
"E bakit ka nga kasi namumutla?" ulit nito sa tanong, "Nag-aalala sa'yo si Senyora, alam mo ba iyon?" huminga ito nang malalim, "Nagmamadali ka rin na umuwi na kayo ni Tita Felia."
Natameme siya. Hindi makasagot sa kanyang pinsan.
"Aleigh.." humina ang kanyang tinig, "Pakisabi kay Lola na sorry, pasensiya na kamu. Sadyang mayroon akong ire-research. Hindi lang ako nagdadahilan."
"Freya, ang gusto naming malaman ay kung bakit ka namumutla kanina." ulit ng kanyang pinsan, "Iyon ang ipinag-aalala ni Senyora sa'yo. Hindi rin matanong ng matino si Senyorito dahil nagmamadaling umalis."
Mahinang kinagat ng dalaga ang kanyang pang-ibabang labi. Lalo pang nagui-guilty sa marahas niyang ginawa.
"S-Sorry Aleigh.." sambit ng dalaga, "Sorry."
"Huwag kang iiyak!" sigaw nito mula sa kabilang linya, "Gusto mo bang puntahan kita ngayon diyan? Ha?"
"Aleigh.."
"Ano ba talagang nangyari?" muli ay tanong nito, "Alam mo naman na mapagkakatiwalaan mo ako 'di ba?"
Humikbi ang dalaga. Labis na nahihiya sa pinsan.
"Sasabihin mo o pupunta na ako diyan?"
Mariing pumikit ang dalaga sabay higang muli sa kama.
"S-Sasabihin.."
"Bilisan mo at ang lamig na dito sa labas!"