Chapter 35

2347 Words

Inayos ni Julian ang comforter nila. Binabaan pa ang numero ng aircon ng naturang silid bago nahiga. "Saan tayo pupunta bukas?" tanong ng dalaga. Tumagilid siya ng higa paharap sa dalaga. Nagtama ang kanilang mga mata. Bigla niyang hinalikan sa labi ang nagulat na nobya. Isang halik na mabilis lang pero sapat ng dahilan para mamula ang mukha nito. "You are blushing," amused na saad nito, "Do you like it?" Mabilis na itinakip ni Freya ang comforter sa mukha. "Joke lang naman." anitong hinila ito pababa sa mukha ng dalaga, "Pupunta tayo bukas sa downtown ng kalyeng kinatitirikan ng building na ito." dagdag niya na ikinatango ng babae, "May ilang mall na malapit at doon tayo bibili ng ilang damit mo, shoes o kahit ano. Pero hindi kita bibilhan ng pantulog mo." Nangunot ang noo ni Freya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD