Chapter 36

2031 Words

Hindi naging madali kay Freya ang pananatili sa Hongkong ng isang buwan. Palagi niyang naaalala ang iniwang ina sa Pilipinas. Madalas naman silang kumain sa labas ni Julian. Nanonood ng sine, namamasyal sa mall. At madalas rin ang pagtambay nila sa parke ng mga aso. Kung minsan ay kasama nila ang dalawang kaibigan ng lalaki. "Anong gusto mong breed ng aso?" tanong ni Julian na prenting naka-upo sa kanyang tabi. Nanonood sila ng dog show na nasaktuhan sa parke. "Ducshund." tugon ng dalaga na nakatingin sa mala hotdog na katawan ng itim na aso hindi kalayuan. "Ayaw mo ng ibang aso?" umiling sa kanya ang dalaga, "I mean iyong asong may mabalahibong katawan, Freya?" "If you can't get me ducshund, stop thinking about it right away Julian." Pagak na tumawa ang lalaki sa kanya. Nang-iinis.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD