Chapter V: The Meet-up

902 Words
"Halos kapit-bahay lang ng Emerald Heights Academy yong bahay niyo nag-kotse pa talaga tayo." Reklamo niya nang makarating sa bahay nina Kai. Tinitigan siya nito ng masama. "Did I hire you para magreklamo? And besides,it's hot kaya ayoko maglakad." Iritableng wika nito bago bumaba ng sasakyan. Napa-hinga siya ng malalim. Dito na ata magsisimula lahat ng paghihirap niya. Bakit ba kasi napasok siya sa ganito? Ang hirap talagang maging mahirap. Napapikit siya, sana pwedeng matapos lahat ng problema sa isang kisap lang. Katok sa bintana ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Nang tingnan niya ito ay ang nakasimangot na mukha ni Kai ang nakita niya. Kaya binuksan niya ang pinto ng kotse at bumaba na. "What are you waiting for? Are you waiting for me to open the door for you? Seriously? Tigilan mo kakapanuod ng mga drama." Pagalit na sambit nito. "And remember this, last semester ako nagsimulang manligaw, at kasasagot mo lang sa akin kagabi. Beside that, you can tell him everything na,your family,your name and so on. He won't care anyway. Now Follow me." Ma-otoridad na wika nito kaya sinundan niya na lamang ito. Atleast hindi lahat kasinungalingan,yon na lamang ang nasa isip niya. A large mansion surrounded by a perfectly trimmed garden. Don pa lamang ay napanga-nga na siya. Kaya nong makapasok sila sa loob ng bahay ay natulala na siya. Ano kaya kung ganito rin kaganda ang bahay at buhay niya? The house is filled with expensive furnitures and have an indoor pool. Nagulat siya nang biglang may humawak sa kamay niya. "Come on." Wika ni Kai na hinila siya. "Teka lang, Kai. Kinakabahan ako e." "There's no time for that. And ohh, I forgot to tell you, we're going to have a breakfast with him." Anito bago siya hinila papunta sa dining area. Naka-ngiting si Mr. Delgado ang inabutan nilang naka-upo sa malawak na mesa. Sa mesa pa lang nila, parang kwarto niya na ito sa bahay nila. "Dad. Meet my girlfriend, Lia." Bungad ni Kai sa ama. "Good morning sir." Bati niya kay Mr. Delgado. "Good morning. Ms. Soriano, is it okay to call you Lia?" Tumango siya. "Yes sir." Nagtaka. Kilala siya nito? Baka naman hindi pa sila nagsisimulang maghabi ng buhangin ni Kai ay alam na nito ang totoo. "You can stop calling me sir kapag nasa labas ng Academy, you can call me tito outside. And ohh where's my manners, you may sit." And for the first time ay naging gentleman si Kai, inalalayan siya nitong umupo. Pagiging gentleman na alam niyang may magiging kapalit kapag dalwa na lamang sila. Gayunpaman ay umupo na siya. "Maybe you're wondering kasi kilala kita. You know, I know our schoolars better than the other board members." "Dad. I know Lia's starving. Enough with the interrogation. You can talk to her later." Putol ni Kai sa iba pang sasabihin ng ama. Ngumiti si Mr. Delgado. "As you wish. Let's eat before the food gets cold." "Thank you po." Aniya bago kumain. Mukha naman atang mabait si Mr. Delgado. Ngayon niya naisip, papaano kaya kapag nalaman ni Mr. Delgado na nagpapanggap sila. Mawawala ba ang schoolarship niya? Takot na napa-iling siya. Kaya naisip niya na dapat galingan niya ang pagpapanggap. Nagsisimula na silang kumain nang magsalita si Mr. Delgado. "So, Lia. I heard from Kai last semester na may nililigawan siya. And honestly I thought he's just bluffing. Ngunit totoo pala." Tumingin ito sa kanya. "Sana tumagal kayo ng anak ko. Wala pang nagtagal na girlfriend itong si Kai e." Pabirong wika ni Mr. Delgado kaya bahagya siyang ngumiti. "Dad. I have a request. You know that I hate the Bronze Wing." Panimula ni Kai. "Kai hindi na kailangan." Pabulong niya rito. Tumingin ito ng masama sa kanya bago lumingo sa kanyang ama. "I want you to put Lia to the Gold Wing. It's possible right?" Natatakot siya kay Kai ngunit ayaw niyang isipin ni Mr. Delgado na mabibili siya dahil lang mababa ang estado niya sa buhay kaya nagsalita siya. "Mawalang-galang na po, sir. Ahm, tito. Pero wag niyo na pong intindihin yong sinabi ni Kai. Okay po ako doon sa dorm ko." Lumingon siya kay Kai at hindi man ito mukhang galit ay alam niyang galit na galit na ito kaya nilaksan niya na lamang ang loob niya at hinawakan ang nakakuyom nitong kamay. "Diba nag-usap na tayo tungkol dito?." Nakangiti ngunit nangangatog na wika niya. Gusto niyang masuka dahil sa paghawak niya sa kamay ni Kai. Pilit na ngumiti si Kai. "I'm sorry, I just wanted my girlfriend to be comfortable. "Kumportable ako don." Please Kai wag mo kong papatayin mamaya panalangin niya. "Okay as you wish." Matabang na sagot ni Kai. Narinig nilang tumawa ng bahagya si Mr. Delgado. "Kids." Anito. "Anyway, Lia. My son's request is just an easy thing to grant. So please, just accept it." "Pero tito---" "I insist." Putol nito sa pagtatanggi niya. "I'll give it to you as my gift, tatanggihan mo ba ako?" Sigh. "S-sige na nga po. Tatanggapin ko na po." Ngumiti si Mr. Delgado at lumingon kay Kai. "She accepted my offer. Next week help her move her things." "Yes dad." Anito bago tumingin sa kanya ng masama na para bang sinasabi nito na. "Ready yourself for what awaits you later." Napakagat-labi na lamang siya at taimtim na nagdasal. Dasal na sana siya na lang, na wag nang ibunton sa kapatid niya ang galit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD