"Bad morning Lia. Nag-aantay sa labas si Kai." Wika ni Meghan.
Bumangon siya ngunit nakapikit pa. Pati ba naman sa panaginip ayaw siya tigilan ni Kai. Pati sa panaginip ginugulo siya.
Kinusot niya ng mga kamay niya ang kaniyang mata at lumabas ng kwarto.
"You're more beautiful pag bagong gising. How I wish I could see that face every morning." Naka ngiting salubong sa kanya ni Kai.
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi ito panaginip. Dali-dali niyang sinara ang pinto at inayos ang mukha. Nang matapos ay lumabas siya.
"Ang aga mo naman, di pa nga ako nakakapag hilamos at mumog e."Sigh.
"Uuwi muna ako sa dorm."
"Halika na." Anito sabay hawak sa kamay niya at hinila siya. "Dadalhin ko muna yong kaibigan mo Meghan." Wika nito kay Meghan.
"Teka nga. Ano ba, nasasaktan ako." Reklamo niya dahil hinihila siya nito.
"Well bilisan mo para hindi ka masaktan."
"At teka lang, saan tayo pupunta? Di naman to papunta sa dorm ko."
"We're going to my room. Last night kasi, you're disappointed kasi hindi kita dinala doon."
"Ano? Hindi ako disappointed at pwede ba bitiwan mo ko. Tingnan mo naman tong mukha ko, nakakahiya sa mga nakatira sa Platinum Wing."
Ngunit tila ba hindi siya nito naririnig. Dire-diretso ang lakad nito habang hinihila siya kaya yumuko na lamang siya upang hindi siya makilala ng mga makakasalubong nila.
Malawak na sala, may sariling kwarto, katulong, sink at bathroom at marami pang iba. Iyan ang bumungad kay Lia pagpasok niya ng suite ni Kai.
"Hey, Lia. Are you daydreaming?"
"Ang sarap naman ng buhay mo. Tapos pinag-aaksayahan mo ng panahon yong katulad ko." Wala sa sariling nasabi niya kaya natampal niya ng bahagya ang mga labi. "Sorry." Nakayukong wika niya.
Tumawa ito ng bahagya."Don't hit your precious lips,only my lips have the right to do that."
Napasimangot siya."Alam mo,di ka lang bully, manyak ka rin."
Nawala ang ngiti nito sa mga labi.
"Ate." Tawag nito sa katulong. "You can leave na. I'll call you if I need anything."
Tumango naman ang katulong at umalis. Bigla siyang kinabahan, dalwa na lamang sila sa loob ng suite.
Natatakot siyang baka saktan siya ni Kai. Kaya bigla siyang nagulat at napasigaw nang may dumapong kung ano sa mukha niya.
"Stop overreacting,Lia. It's just a towel. Take a bath, there's everything you need in the bathroom including your clothes."
"Anong klaseng damit naman yon. T-shirt girl ako, hindi ako nagsusuot ng sleeveless at above the knee."
"In short, manang?" Panlalait nito.
"But whether you like it or not you're gonna wear those. I'm sure it will fit you."
Napalunok siya bago tumalikod ngunit lumingon din siya uli kay Kai.
"W-wala naman sigurong CCTV sa bathroom mo di ba ?" Paninigurado niya.
"Wala. And if ever naman, I won't be needing a CCTV just to see your naked body. If I want I can look at it now."
Sagot nito na nagpangiwi sa kanya.
"I'm serious,now go take a bath. We're gonna be late."
Dali-dali siyang tumalikod, pumasok sa banyo at nag-lock bago pa may maisipan na naman si Kai. Ilang minuto pa bago siya naligo dahil pinapakinggan niya pa yong mga galaw ni Kai sa labas.
Dahil sa totoo lang, nagkaroon na siya ng takot kay Kai. Pero meron sa kabilang parte ng isip niya ang nagtatanong kung gusto niya ba ang presensya ni Kai.
"Ayan ka na naman. Tama na. Walang ganon, hindi pwedeng ganon." Kausap niya sa sarili bago tuluyang naligo.
At pagkatapos niyang maligo ay hinanap niya ang damit na isusuot niya, at napanganga siya nang makita ito. Kumpleto ito, may mga panloob. Ang masama lang e bestida ito na above the knee. Nagbibestida siya kapag nagsisimba pero lagpas tuhod.
Hindi niya siya nagsusuot ng ganito pero naisip niyang wala siyang magagawa don kaya isinuot niya na lamang ito.
"Yes dad. We'll be there before 9." Sagot niya sa kanyang ama bago ibinaba ang telepono.
Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo ay lumingon siya agad kay Lia para pagalitan ito dahil ang tagal nitong maligo ngunit hindi sya nakapagsalita nang makita kong gaano kaganda ni Lia sa suot nito.
"Bakit ba bestida ang isusuot ko?"
Napalunok siya. "Siyempre para presentable. Ihaharap kita kay dad alangan naman naka t-shirt at jogging pants ka.
"Anong masama ron? Yon naman din talaga isusuot ko kung sakali don ako naligo sa dorm."
"Bilisan mo na lang, dami pang sinasabi." Reklamo niya sabay abot ng isang karton kay Lia. "That's your shoes. And on that table there are lot of make-up na pinabili ko sa katulong. Put something in your face, nang magmukha kang healthy. Para kang may sakit sa kaputlaan."
Inabot ni Lia ang sandals."Pwede bang lipstick at powder na lang? Di ako sana may make-up."
"Sige na sige na. Bilisan mo na dyan." Sagot niya.