Chapter VI: Agreement

1147 Words
"I'm furious about what you did earlier." Galit na saad ni Kai nang pumasok siya sa kotse. Yumuko siya. "Pasensya na, Kai. Ayoko lang talaga lumipat sa Gold Wing." "Pero nong si Dad ang nag-offer sa'yo ang dali mong pumayag. Sino ba boyfriend mo?" Lumingon siya dito. "Kai sa pagkaka-alam ko pinagpapanggap mo lang ako." Mahigpit na hinawakan nito ang mga pisngi niya gamit ang isang kamay nito. "Ipahiya mo pa ako ulit. And you're going to face the consequences." Binitiwan nito ang pisngi niya bago nagmaneho pabalik ng Emerald Heights. Napahawak siya sa pisngi niya. Ang sakit. Pero mas masakit isipin na ano ba ang nagawa niya para mapunta siya sa ganitong sitwasyon? Gusto niya lamang makapagtapos sa Emerald Heights. Buong buhay niya puro pag-aaral ang ginagawa niya dahil gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Nagsisikap siya, pero may isang taong nagpapahirap lalo sa kanya. Isang taong, kahit anong gawin niya ay hindi niya maiiwasan. "Aren't you getting out of the car?" Kai said in an irritated voice na ikinagulat niya. Nasa parking lot na sila ng Emerald Heights. Oo nga pala, malapit lang ang bahay ng anak ni Satanas sa paaralan nila. She sighed bago bumaba. At pagbaba niya ay agad na hinawakan ni Kai ang braso niya at hinila siya. "Kai masakit,ano ba ?" Nilingon siya nito. "The hell I care." Anito bago tuloy-tuloy na naglakad habang hinihila siya. "Kai kaya ko namang maglakad mag-isa. Hindi mo ko kayang kaladkarin." Reklamo niya rito ngunit parang hindi siya nito naririnig. Hanggang sa nakarating sila ng Platinum Wing ay hila-hila siya nito. Maraming nakakakita sa kanila at nagbubulung-bulungan. "Is that his new girl?" Dinig niyang tanong ng isang babae sa katabi nito. "Or, his new toy. That's more like it." Sagot ng babaeng kausap nito. "Poor thing." "What a gold digger." "Hindi ba't schoolar yan na nakatira sa Bronze Wing? What the Hell pumatol diyan si Kai?." "Maybe she gives Kai what he wants. And in return she gets money." Laughter. Ilan sa mga iyan ang narinig niya sa mga nadaanan nilang mga estudyante. Na tila ba sinasadya ng mga ito na marinig niya. Nang tumingin siya kay Kai ay nakita niya pang ngumisi ito. Ngisi na animo'y nagugustuhan nito ang mga narinig na binibintang sa kanya. Dibale, kailangan niya na lang tiisin yong mga naririnig niya. Hindi ba at wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng iba ? Nang makarating sila sa suite ni Kai ay may ibinigay ito sa kanyang papel at ballpen. The Agreement. Tumingin siya rito. "Kailangan ba talaga nito Kai? Hindi kita tatakasan, o mas tamang sabihin na hindi ako makakatakas sayo kaya hindi ko na kailangan pumirma rito. "Just read it. Para naman mabasa mo na may nakalagay diyan na You will obey everything I say." Sigh. Sinimulan niyang basahin ang agreement. May pirma na agad dito si Kai, pirma na lamang niya ang kailangan. Agreement na nasa isang kapirasong papel lang ngunit kay Kai lang lahat ng pabor. Ano pa nga bang ipinagtataka niya ? Kaya pinirmahan niya na lamang ito bago ibinalik kay Kai. "Masaya ka na?" Matabang na sabi niya pagtapos iabot dito ang papel. He smirked. "Nakalagay diyan na matatapos yong pagpapanggap ko kapag na in-love ako sayo. Bat ako lang? Dapat pati ikaw din?" He scoffs. "And who the hell do you think you are ? Tingin mo maiinlove ako sayo? I'm Kai Delgado. I don't fall in-love." Bahagya siyang tumawa. "Oo nga pala, wala kang puso. Anong aasahan ko. By the way,balik tayo don sa titigil ang pagpapanggap ko kapag na in-love ako sayo." Huminga siya ng malalim, ang susunod niyang sasabihin ay ang tanging makakapagpalaya sa kanya kay Kai. Sinisigurado niya. Hindi niya kayang banggitin ngunit kailangan. "I love you, Kai." Aniya habang nakatingin sa mga mata nito. Nguniti ito. Mga ngiting kahit sinong babae ay maiinlove dito. Ngunit iba siya, sinisigurado niyang hindi siya magmamahal ng katulad ng isang Kai Delgado. "What did you say?" Tanong nito. "I love you." Sagot niya. "Kelan pa?" Nagtatakang tanong ni Kai sa kanya. Hindi ito makapaniwala. Natuwa siya. Sa wakas,mukhang napapaniwala niya ito. "N-nong hinalikan mo ako. Hindi ko alam kung bakit,pero bigla akong nagkagusto sayo non." Umiling ito. "I don't want to have any connection with the woman who loves me." Ngumiti siya at ginalingan ang pag-arte. Lumapit siya rito at hinawakan ang mga pisngi nito. "Pero yon yong totoo Kai Yumuko ito. "I'm sorry. But I can't do it anymore. Umalis ka na." Napangit siya. Ngunit nakita niyang yumuyugyog ang balikat ni Kai. Umiiyak ba ito? Ngunit agad naman nasagot ang kanyang katanungan nang marinig niya ang mahinang tawa nito bago tumingin sa kanya. Tumawa ito ng malakas. "Have you heard what you wanted to hear?" Tiningnan niya ito ng pagtataka. "Did you really expect I believed you?" Hinawakan ni Kai ang mga balikat niya at isinandal siya nito sa wall. Yumuko ito at inilapit nito ang mukha sa mukha niya. "I'm not an idiot, Lia. And so are you. So you should've realized that I wouldn't fall for your little scheme." Sa pagkakataong iyon ay naaamoy niya na ang hininga ni Kai sa sobrang lapit nito sa kanya. Tulala siya. Hindi makapag-salita. "But I can believe you. If you kiss me right now, I think I will." Nanunuyang wika nito. Ngunit hindi siya makasagot. Ang lakas-lakas ng t***k ng puso niya. Matapang siya,ngunit kapag nagiging ganito si Kai sa kanya, na parang nakakakita siya ng demonyong Kai ay tinatablahan siya ng takot. Umiling ito. " Sinasabi ko na nga ba e." Wika nito. "Now, accept my punishment." Nakakatakot na wika nito. At pagkatapos non ay siniil siya nito ng halik. Halik na ibang-iba sa unang halik nito sa kanya. Halik na nararamdaman niya ang galit nito sa kanya. Humiyaw siya at nagpumiglas ngunit hawak nito ang mga kamay niya. Wala siyang lakas laban kay Kai kaya umiyak na lamang siya. Umabot ng ilang segundo bago siya nito pinakawalan. "Now, siguro naman----" Hindi nito naituloy ang sasabihin sa kanya dahil sinampal niya na ito. Galit na tumingin ito sa kanya at itinaas ang kamay para sampalin siya kaya napapikit siya. Inihanda niya na ang sarili na masampal ni Kai ngunit wala siyang naramdamang sampal kaya iminulat niya ang mga mata niya dahilan para makita ang galit na galit na mukha ni Kai. "You're the first woman to ever slap me.!" Itinuro nito ang pinto. "Get out!" Sigaw nito. "Leave! Before I can do something to you!" Umiiyak man at takot ay nagawa niyang tumakbo sa pinto at lumabas ng suite. Paglabas niya ay sumalubong sa kanya ang mga estudyanteng nakatira sa Platinum Wing na nag-aabang sa kanyang paglabas. Mga matang mapang-husga. Kaya lalo siyang nanliit sa hiya. Gayunpaman ay lakas-loob siyang tumakbo palayo sa lugar na iyon. Doon niya napagtanto, hindi ang katulad ni Kai ang magpapatibok ng kanyang puso.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD