Chapter III: Is this love?

922 Words
"Ate ?" Saka siya natauhan nang nasa harap na niya sina Meghan at Miguel. Pinunasan niya ng daliri ang dugo sa mga labi ni Miguel. "Sorry Migs. Okay ka lang ba?" "Oo ate. Ikaw ?" "Wag mo na ko isipin, ikaw yong inaalala ko." "Don't bother Lia." Sabat ni Meghan. "Kung nakita mo lang kanina kung paano sinuntok ni Migs si Kai." "Ano?!" Gulat na sambit niya. "Ginawa mo yon Migs? K-kumusta ka?" Aniya habang tinitingnan kung may iba pang sugat ang kanyang kapatid. "Okay lang ate. Nakakapag taka nga, hindi gumanti si Kai. Pinigilan niya rin yong mga kaibigan niya." Lumingon siya sa paligid. Wala na sina Kai at ang mga kaibigan nito. "Napakasama talaga ng ugali, and he's also a perevert. He doesn't have any right to kiss you like that." "Kaya nga ate, bakit ka pumayag?" Nasubsob niya ang kaniyang mukha sa mga kamay. "Ayoko na munang pag-usapan to. Sa dami nang nangyari ngayon mas iniisip ko pa kung paano sasabihin kina Nana at Dada yang punit mong labi Miguel. "Eh di isumbong natin para maireklamo nina Dada. Ate wag kang papayag sa ginagawa sayo nong Kai na yon." "Miguel you don't know Kai. And you also don't know how rich they are. Kaya nilang bilhin ang mga buhay niyo." Wika ni Meghan "Kaya sana Miguel wag makarating to kina Nana at Dada." "Tsk, sige na ate. Ako na bahala gumawa ng lusot dito." Ngumiti si Lia. "Tara na, iuuwi na kita." Aniya kay Miguel. "Meghan kita na lang tayo bukas." "Wait, di mo ko isasama ? Baka mapano ka." "Kaya ko na Meg. Pahinga ka na." "Naku I'm coming with you no." Pagpupumilit nito. "Wag na, chat kita kapag naka-uwi na ako sa dorm." Napa-buntong hininga ito. "Okay, just be careful" "I thought you're not coming out." Salubong ni Kai sa kanila paglabas nila ng gym. "Ihahatid ko na si Miguel." "Come on, my car's outside." Anito saka tumalikod. Kaagad naman silang sumunod kay Kai at alam naman nilang wala silang magagawa kundi magpahatid dito, at isa pa malapit nang dumilim. Nang makasakay sila sa kotse ni Kai ay nagsalita ito. "I'm sorry for what my friends did, bro." Sabi nito kay Miguel na ikinagulat niya. "Pero I'm warning you, you don't want to hit me again or else." "E papano naman hinalikan mo ate ko." "Miguel please." "Girlfriend ko ang ate mo." "Pinagpa panggap mo lang. At isa pa pumayag lang dahil pinilit at tinakot mo." "Miguel ano ba ? Tama na." Pagalit na tugon niya kay Miguel. "Sorry ate." "Hindi na ako magpapakita kina Dada Migs ha. Bahala ka na mag-explain sa kanila." "Opo ate." Sagot ni Miguel na yumuko na lang at piniling manahimik. Nang maihatid si Miguel sa bahay nila ay agad ding bumalik sa Emerald Heights Academy sina Kai at Lia. "Where are you going?" "Sa dorm." Tipid niyang sagot. "I am not letting my girlfriend to sleep in that filthy place. Come with me." "Kai, pwede ba." Napahinto siya sa kanyang sasabihin nang tiningnan siya ng masama ni Kai. "Come on." Anito bago hinawakan ang kamay niya saka siya hinila. Simpleng hawak, simpleng dikit ng mga balat nito sa balat niya bakit parang kakaiba ang nararamdaman niya? Nagkakagusto na ba siya sa anak ni Satanas nang dahil sa isang halik lang? O baka nalilito lang siya dahil first kiss niya iyon. "We're here." Wika ni Kai na ikinagulat nito. "Gold Wing? Akala ko sa Platinum yong room mo?" Tumawa nang mahina si Kai. "You're so wild my girl. Kasasagot mo lang sa akin kanina gusto mo agad tumabi sa akin?" Tumaas ang kilay niya. "H-hindi naman, akala ko lang don mo ko dadalhin kaya nga halos ayokong sumama." "Enough with the excuses. Anong room si Meghan? Ihahatid kita. "Room 20." "Well come on. And tomorrow morning susunduin kita. We will meet dad." Wika nito habang naglalakad sila papunta sa kwarto ni Meghan. "Bukas kaagad?" Takang tanong niya. "Yes. Any objection?" Umiling siya. "Wala." "And after we meet dad, pag-uusapan natin yong magiging agreement natin. Mga rules na siyempre wala kang magagawa kundi sundin mo." Tumango siya. "We're here." Anito at bigla siya nitong hinila papalapit sa kanya. "Can I kiss you again?" Tinulak niya ito. "Tigilan mo nga ako." Galit na wika niya. "I'm just kidding. Bye." Paalam nito at tumalikod na. "Can you please repeat what did you just say, Lia?" Tumingin si Lia kay Meghan."Na in-love ka na ba ?" "Yeah, but it's just a one sided love. Last year. Why did you ask?" Yumuko siya at napakagat-labi. "Paano kapag inlove? Ganito ba ?" "Paanong ganito? What do you mean?" Takang tanong nito. "Hindi ko ma-explain e." "Teka, di ko ma-gets e. Don't tell me----oh no no no no." Napatayo ito. "What the heck? Don't tell me, si Kai?" Gulat na gulat na tanong nito. Tumango siya. "Kelan pa?" Di makapaniwalang tanong nito. "Ewan Meghan." Napahiga siya sa kama. "Wait don't tell me na you liked his kiss?" Napabalikwas siya. "Baka nga, baka nang dahil lang sa kiss kaya ganto. Kasi first time ko yon. Hindi ko alam kung paano ako magrereact kaya medyo nalilito ako" Napakamot siya ng ulo. "Kasi impossible namang magka gusto ako don sa anak ni Satanas. Dibale baka bukas wala na to." Aniya at nahiga uli. Napasimangot si Meghan. "Right, we should just go to bed." Ipinikit ni Lia ang kanyang mga mata at humiling na sana kinabukasan ay maayos na ang lahat. Na isang bangungot lamang ito na kailangan niyang magising. Ngunit nagkakamali siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD