"Whaaaaaat?" Gulat na sigaw ni Meghan nang sabihin niya rito kung ano ang kailangan ni Kai sa kaniya.
"And he said he would court you? You know better than anyone na ibang panliligaw ang gagawin niya."
Tiningnan niya ito. "So dapat ba pumayag na lang ako, ganon?"
"It doesn't look like you have a choice."
"Kilala mo ako Meghan, di niya ako masisindak."
"But Lia. We're talking about Kai Delgado here. Iba si Kai. Lahat ng gusto non, makukuha niya."
Huminga siya ng malalim at tumayo. "Halika na. May klase pa tayo, wag na natin siyang pag-usapan."
"Yeah right. And I hate that subject." Sagot nito at tumayo na rin.
"Lahat naman ng subject ayaw mo." Sabi niya ditong natatawa.
Meghan rolled her eyes then laughed. "But there's someone that I love. And it's you."
Ngumiti siya. "Oo na, I love you too."
"How I wish masabihan mo rin ako ng I Love you." Sabay silang napalingon sa nagsalita, at pareho silang nagulat nang makita kung sino iyon. Si Kai!
"Halika na Meghan." Wika ni Lia habang hinihila si Meghan, ngunit nagulat si Lia nang may humablot sa buhok niya at kinalakad siya sa harap ni Kai.
"You better know your place,bitch." Wika nong babaeng kumaladkad sa kaniya. Si Athena, isa sa mga kasamahang bully ni Kai.
"Hey what the hell?" Narinig niyang sigaw ni Meghan.
"Meghan mauna ka na sa room. Susunod ako." Sabi niya kay Meghan.
"But----"
"Mauna ka na Meghan." Sigaw niya rito upang hindi na ito madamay pa. Lumingon siya rito at tinitigan ito.
"Please."
"Okay." Maluha-luhang sabi nito.
Nang makaalis si Meghan ay tiningnan niya si Athena. "Anong problema mo?" Tanong niya rito.
Lumapit ito sa kaniya at nagsalita. "Ito ang problema ko." At pagkasabi non ay bigla siyang sinampal. Akma siyang gaganti ngunit may dalwang babaeng humawak sa kanya. "I would never do that if I were you." Sabi nito.
"Hey girls. That's enough. I'll take it from here." Awat ni Kai
"But we're just getting started Kai." Sagot ni Kai.
"That's enough Athena, you heard Kai." Singit ni Dylan na isa sa mga kaibigan ni Kai.
"You're lucky this time." Mataray na sabi ni Athena bago umalis.
"Are you okay, Lia?" Tanong ng isang kaibigan ni Kai na si Adrian.
Hindi niya ito sinagot. Lumingon siya sa paligid at halos maiyak siya sa hiya dahil maraming nakatingin sa kanila.
"Patayin mo na lang ako Kai. Pero di ako papayag sa gusto mo." Umiiyak na sabi niya kay Kai bago umalis.
Napangiti sina Dylan at Adrian habang nakatingin sa papalayong si Lia.
"Mukhang mahihirapan ka dude a." Kantyaw ni Dylan.
"Oo nga. Parang tigre pala yang napili mo. Palitan mo ng iba, madali lang makahanap dyan, andaming may gusto sayo." Wika pa ni Adrian
"Dude sayang naman. Ang ganda nong Lia ohh. Hindi halatang hampas-lupa sa kinis ng kutis."
"Papayag yan, I swear. I have an idea. Hindi ba may kapatid na lalaki yan na nag-aaral sa public school." Ngumiti ito. "Let's pay him a visit. Hindi ko lang masapak yang si Lia dahil babae e."
"You can sleep here in my room muna, Lia. I can't let you to be alone. Knowing Athena, babalikan ka ng mga yon." Ani Meghan habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Okay na ko sa kwarto ko, Meghan. Wag mo na akong intindihin." Sagot niya rito .
"But aren't you going to answer your phone? Kanina pa nagri-ring."
Tiningnan niya ito. "Number lang e. Baka kung sino lang yan."
"Baka naman importante." Sagot ni Meghan.
Huminga siya ng malalim atsaka sinagot ang kaniyan cellphone. At hindi pa siya nakakapag-salita ay nagsalita na ang tumatawag.
"Come here, sa gym." Si Kai.
"San mo nakuha number ko? At bakit naman ako pupunta diyan?"
"There's someone who needs your help." Sagot nito.
"Ate----." At biglang naputol ang linya.
"Migs?" Lumingon siya kay Meghan.
"Meghan kailangan kong pumunta. Kasama ni Kai si Miguel."
"I'm coming with you."
Tumango siya. "Tara."
Dali-dali silang pumunta sa gym at laking pasasalamat ni Lia nang abutan na walang galos sa katawan si Miguel at agad nila itong nilapitan.
"Miguel okay ka lang. Sinaktan ka ba nila?" Tanong niya sa kapatid.
Umiling ito. "Hindi ate, okay lang ako."
Tumingin si Lia kina Kai, Daylan at Adrian. "Anong mga problema niyo?" Galit na sigaw niya.
"Hey, hey. Wala pa kaming ginagawa sa kapatid mo. Chill." Tumatawang wika ni Dylan.
Lumapit sa kanya si Kai. "So what's your answer to my proposal?"
Umiling si Lia. "Wala kang mapapala sa akin, ayokong maging tau-tauhan mo."
Tumingin ito kay Miguel. "You know, I can't hurt you. Di ako nananakit ng babae."
"E yong kanina, inutusan mong saktan ako nina Athena. Walang pinagkaiba yon."
"Atleast it wasn't me who laid a hand on you. And back to what I am saying, I can't hurt you. Pero si Miguel. I can." Sabi ni Kai. At alam niyang seryoso at galit ito kaya nakaramdam siya ng takot.
Tinitigan niya si Kai. "Maawa ka naman ohh. Gusto ko lang naman makapag-tapos sa Emerald Heights." Nagmamaka-awang sabi niya.
"Then accept my proposal. It's not like malulugi ka. Ayaw mo non, sa tingin ng lahat boyfriend mo ang pinaka-gwapo at isa sa pinaka-mayaman sa Emerald Heights Academy."
Umiling siya. "Hindi ko kailangan yon."
"Well." Tumingi ito kina Dylan at Adrian at nagka-intinidhan ang mga ito. Lumapit ang mga ito kay Miguel at hinawakan ni Dylan ang mga kamay ng kapatid niya.
Akma namang lalapit si Meghan ngunit pinigilan ito ni Adrian.
"Please, just leave us alone." Pagmamaka-awa ni Meghan.
"I'm afraid we can't do that." Sagot ni Adrian.
Tatakbo sana siya palapit kay Miguel nang hawakan ni Kai ang kamay niya.
"Now choose." Bulong nito sa tenga niya. "You'll say yes tonight, o bubugbugin namin ang kapatid mo tuwing ganitong oras habang nanunuod ka."
Sa puntong iyon ay umiyak na siya. Nanginginig siya sa takot, takot na bago niya lang naramaman sa buong buhay niya.
"Ate, wag kang makinig sa kanila----"
"Hey you shut up." Sigaw ni Adrian sa kapatid niya.
Hinawakan ni Kai ang mga pisngi niya. "What now, Lia?"
"Kai, nasasaktan ako."
"Kai stop it!" Sigaw ni Meghan ngunit hindi nakinig si Kai. Mas lalo nitong hinigpitan ang paghawak sa mga pisngi niya.
"Kai please." Umiiyak na wika ni Meghan na hindi rin makalapit sa kanya dahil hawak ito ni Adrian.
"Tigilan niyo ang ate ko." Narinig niyang sigaw ni Miguel at nang lingunin niya ito ay nasuntok na ito nina Dylan na ikinatumba nito.
"Miguelll." Sigaw niya sabay hawi sa mga kamay ni Kai at tumakbo papalapit kay Miguel. "Tama na please. Tama na." Umiiyak na maka-awa niya.
"Stop it.!" Sigaw ni Kai sa dalawa. "I didn't say a thing!" Galit na galit na sigaw nito sabay lingon sa kanya. Hinawakan nito ng mahigpit ang mga braso niya at dinuro siya. "At ikaw pumayag ka na hindi yong naghahanap ka pa ng sakit sa katawan, dinadamay mo pa kapatid mo."
Tumingin siya kay Miguel habang umiiyak. "Oo na." Mahinang sabi niya.
"What did you say? I want to hear it clear and loud."
Tiningnan niya ito ng masama. "Pumapayag na ako, kaya tigilan niyo yong kapatid ko." Sigaw niya habang umiiyak.
Ngumisi si Kai at pinunasan ang mga luha niya. "Papayag ka rin naman pala pinahirapan mo pa sarili mo."
"Pumayag ako dahil tinatakot mo ako at dinamay mo pa kapatid ko." Pagalit na sagot niya dito. "Ngayon pwede ko na bang iuwi si Miguel?" Nakataas ang kilay na tanong niya dito.
"Ihahatid ko kayo." Presenta nito.
Umiling siya. "Hindi na kailangan."
"I insist. And you don't have any choice. You're my girlfriend now so akin ka."
"Hindi mo kailangan gawin to, Kai. Akala ko panggap lang tayo sa dad mo. Ibig sabihin non pag wala siya, hindi natin kailangan magpanggap."
"Yeah, but I want our relationship to be more exciting. And I'll start with this. Nagka boyfriend ka na ba ?"
Galit na tinitigan niya ito.
Tumingin ito kay Miguel. "Sasagot ka ba?"
"H-hindi pa ko nagka boyfriend Kai." Natatakot na sagot niya.
Ngumiti si Kai. "So, wala ka pang first kiss?" Nakakalokong tanong nito habang kinakagat ang sariling labi.
Nanginginig na umiling siya.
Ngumisi ito at yumuko ng kaunti dahilan para magkalapit ang mga mukha nila. "Then consider this as my first gift for you." Then he kissed her. A soft, gentle kiss, yet it sent a powerful rush through her. It lasted only a second, but she was stunned, unable to react, completely powerless to resist.
Ganito ba talaga ang pakiramdam ng hinahalikan? Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman niya, pero hindi ba dapat at galit siya? Nalilito siya,hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga katanungang nasa isip niya. But one thing's for sure, she didn't resist. And even for a second,she didn't think of doing it.