DK Maaga akong nagising. Di pa kasi sanay ang katawan ko sa oras dito sa Pilipinas. Napanaginipan ko si Jamie pero kakaiba ang panaginip ko kagabi dahil masaya siya. Masaya kaya si Jamie dahil nagkakilala na rin kami finally ng kanyang first love? Yup, naalala ko kagabi habang hinahagkan niya ang kamay ko na siya yung nakuwento ni Jamie na childhood sweetheart niya. Wala naman kaming masyadong napag-usapan. Tinitigan lang niya ako ng tinitigan na para bang mawawala ako bigla sa kanyang paningin. Nakakakilig. Pero kinontra ko agad ang damdaming nagsisimula kong maramdaman parasa kanya. He is Jamie's. Paulit-ulit ko iyong sinasabi. And I don't want to complicate things more dahil sa damdaming pilit na sumisiksik sa puso ko. I can't believe I even blushed in front of him nung marini