Luke Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Sa bawat lakad, kembot, galaw, ngiti at tingin niya ay nakasunod ang mga mata ko. Si Jamaica del Mar. Ang aking si Jamie. Hindi pa rin ako makapaniwala. After ten years, she's finally back. Sampung taon akong naghintay. Tatlong taon akong nagtiis sa pagmamasid lamang sa kanya at sa mga larawang palihim kong kinukuha tuwing pumupunta ako sa New York upang silipin siya. Oo. Sinisilip ko lang siya. Malakas na pagpipigil ang ginagawa ko para hindi siya lapitan at kausapin. Alam kong may galit siya sakin dahil akala niya ay nakalimutan ko na siya. Hindi ko siya masisisi. Kahit gusto kong pumunta sa New York noong ipadala siya ni Tito Josef doon para manirahan at mag-aral, hindi ko nagawa ang makipag-usap sa kanya. Wala akong titirahan sa New York