16.

2056 Words
ELIHA Ako ay naglilinis ng mansyon. Inutos sa akin kanina ni Deriba, dapat daw ay walang alikabok. Sa palagay ko naman ay mauubos ang alikabok sa mansyon nila dahil kanina pa ako nakatitig sa maid nila. "Lera! Ikaw ba 'yan?" "Paumanhin ngunit sino si Lera?" "Hindi mo ba ako kilala, Lera? Ako 'to si Eliha!" "Ikaw nga si Eliha, ang asawa ng mataas na bampira na si Keegan." "'Yun lang? Hindi mo ba natatandaan na ako ang kaibigan mo at kagrupo sa isang samahan ng mga gangster?!" "Ipagpatawad mo ngunit nagkakamali ka yata, Eliha." "Siguro nga ay nagkakamali ako dahil ang kaibigan kong si Lera ay patay na. Namatay siya noong nagkaroon ng gangster fight sa pagitan namin at isang gangster group. Pero kamukha mo kasi talaga siya. At imposible naman siguro na mag-travelled siya sa Dipsa Chupar dahil patay na siya." Nag-bow lang ang maid sa akin na mukhang naiilang sa mga sinasabi ko. Umalis na siya. Napakamot na lang ako sa ulo dahil ang lakas ng tama ko. Naaawa ako kay Lera noong mga panahon na 'yun. Si Lera ay may aksidenteng nasaksak habang nakikipaglaban kami kaya naman pinatay siya ng kasamahan ng kalaban namin. Wala man lang akong nagawa sa tatlong namatay sa aming grupo. "Alam mo ba na minsan ay humanga na sa akin si Keegan?" tanong ni Deribia na kararating lang. Nakakainis ang babaeng 'to dahil maraming inuutos sa akin. "Wala naman akong pakialam kung humanga siya sa 'yo. Alam mo kung bakit? Akin na siya ngayon." "Ikaw nga ba talaga 'yan, Eliha?" pagdududa niya. "Bakit mo naman naitanong?" "Hindi ka kasi nanginginig sa tuwing nakikita ako. Ikaw ay takot sa akin, pero kung makasagot ka ay parang hindi kita nasaktan noon." "Nagbabago ang panahon, Deribia." Itinapon ko ang hawak kong basahan sa harap niya. Nagmadali akong pumasok sa kwarto na tinutulugan ko. I knew Keegan was the little bat dahil naging malakas ako. I knew he was there to protect me. I peeked out the window, hoping he might come again. Pero walang maliit na paniki ang nagpakita sa akin. Siguro ay busy si Keegan. Miss na miss ko na kasi siya. What if tumakas ako? Pero baka mahanap lang ako ng aking ina. Nakatadhana na ako ay palaging tatakas. Pero sa bisig ni Keegan ay ayaw ko ng kumawala. Hindi pa rin nagpaparamdam si Keegan. Ano ba ang nangyari sa kanya? May kumatok sa pinto. Naglakad ako papalapit, pagbukas ko ay nakita ko si Eli. "Pumunta ka raw sa gubat, kumuha ka raw ng mga kahoy roon. At huwag mong subukan na tumakas dahil mahahanap ka rin ng iyong ina." "S-sige, Eli. Gusto ko lang din humingi ng paumanhin sa aking nagawa noon-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil naglakad siya papalayo. I quickly went to the forest. I'm not scared, but it looks like a strange creature is watching me. I just continued to get the wood. Suddenly, I saw an ax falling on me, so I quickly caught it. Who has the courage to throw an ax at me? Nakita ko si Deribia mula sa taas ng puno habang tumatawa. "Huwag kang mamulot lang! Gumamit ka ng palakol para sibakin ang ibang parte ng puno!" dikta niya at mabilis na bumaba sa puno. "Ayaw ko! Mas gusto kong pulutin 'yung mga kahoy sa baba keysa sibakin ang ibang parte ng puno! Masama 'yun!" Lumapit siya sa akin. "Gusto mo bang ikaw ang sibakin ko?" Itinaas ko ang palakol at itinapat sa balikat niya. "Ikaw ang sisibakin ko kapag hindi ka nanahimik." "Hihintayin kita sa tapat ng mansyon. Mayroon tayong gagawin na ikatutuwa mo." Umakyat siya sa isang puno at sa ibang puno para makalayo. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako. Ang bigat ng mga kahoy pero pipilitin kong makarating sa mansyon na walang nahuhulog. Kailangan kasi 'to sa mansyon ng mga taong lobo sa kanilang paraan para makapagluto. At para magpainit ng kanilang mga katawan. Ang aarte ng mga 'to pero sabagay, hindi pa yata invented ang mga advance technology sa panahon nila. Nasa tapat na ako ng mansyon. May humarang sa akin na tatlong taong lobo sabay kinuha ang mga kahoy na dala ko. Nakita ko si Deribia na nakangisi habang nasa pinto. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin. Aatakihin niya ba ako? Sinuntok niya ako sa mukha. Pero hindi ako kaagad lumaban. Hindi naman ako galit sa kanya kaya wala akong nararamdaman na kahit anong emosyon. Hinawakan ko ang panga ko. Medyo masakit ang pagsuntok niya. "Ano bang problema mo?" "Labanan mo ako." Hinawakan niya ang buhok ko at kinaladkad ako sa gilid ng mansyon. "Deribia! Ano bang ginagawa mo sa kanya? Anak siya ni Eliza!" saway ni Deriba. "Huwag kang mangialam dito, kapatid ko. Hayaan mong talunin ko ang babaeng 'to." Patuloy niya akong hinila hanggang sa makarating kami sa likod ng mansyon. Hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya dahil sa tingin ko ay kulang lang siya sa pansin. Pero nagulat ako nang buhatin niya ako at ibinalibag. "Lumaban ka!" "Hindi ako lalaban sa 'yo sapagkat isa kang mahinang nilalang." Tumayo ako at nagpunas ng damit. Ngunit mabilis niya akong sinipa. Akma niya akong kakagatin pero nahawakan ko ang bunganga niya. Binuka ko ito nang malaki. "Gusto mo bang punitin ko ang bunganga mo?" Umiling lang siya at naging green ang mga mata. Sinuntok niya ako sa tyan kaya tumalsik ako. Tumayo ako nang mabilis para ipakita sa kanya na hindi ako magpapatalo. Sinugod niya ulit ako at hinawakan sa braso, pilit niyang binabali ang braso ko pero hindi ako natitinag. Umikot siya nang mabilis habang hawak ang isa kong kamay, nasasaktan na ako pero tinitiis ko lang. Nakaramdam na ako ng init sa aking katawan dahil sa hindi pa rin tumitigil sa pag-ikot si Deribia. Sa sobrang inis ko ay may lumabas na apoy mula sa kamay ko. Sumigaw siya nang mapaso ko siya at biglang bumitaw kaya napatalsik siya sa malayo. Hindi pa rin siya natinag, tumakbo siya nang tumakbo papalapit sa akin habang labas ang kanyang pangil. Tumalon siya nang mataas at pumatong ang mga paa niya sa balikat ko. Hinawakan ko ang mga paa niya para sana ibalibag siya pero tumusok sa akin ang mga matatalas niyang kuko. Mahigpit niyang hinawakan ang ulo ko at pikit na ibinababa. Hindi niya mabali ang ulo ko kaya bigla na lang kaming napahiga sa semento. "Itigil niyo na 'yan!" sigaw ni Deriba mula sa pinto. "At bakit?!" sagot ni Deribia. "Mayroong bisita si Eliha." Turo ni Deriba sa likod namin. Nakita ko si Pluma na papalapit sa amin. "Sa tingin mo ba ay matutulungan ka ng bampirang lion na 'to?" paghahamak ni Deribia. Ngumisi lang ako sa kanya. Masaya akong tumakbo papunta kay Pluma. "Nandito ka ba para sunduin ako?" Nagulat ako nang makita kong bumagsak si Pluma. Nasa likuran niya pala si Eliza. "Ano po bang ginawa niyo? Siya ay alaga ng asawa ko at kaibigan ko!" "Hadlang siya sa pananatili mo rito. Huwag kang mag-alala, ibabalik ko siya sa mansyon ng mga Vampyres" paliwanag niya, "sa ngayon ay magpahinga ka na muna sa kwarto mo!" Tumango lang ako. Hahawakan ko sana si Pluma pero naglaho na sila ni ina. Teka, pinadala ba ni Keegan si Pluma para sa akin? Alam ko kasi na gagawa ng paraan si Keegan ma-check lang kung okay ako. "Ipagluto mo kami para mamaya, okay?!" dikta ni Deribia. Ngumiti lang ako ng sapilitan sa kanya. Dumiretso ako sa kusina. Gumamit ako ng mga kahoy para makagawa ng apoy. Ang lulutuin ko ay karne ng isang hayop na hindi ko mawari kung anong klase. Sila 'yung tipo na maraming katulong pero ako ang inuutusan. Pagkatapos kong magluto ay may nasagi akong baso kaya nabasag ito. Lumapit si Deribia. "Hindi mo ba alam ang salitang pag-iingat?!" Yumuko lang ako dahil kasalanan ko naman. Pero nabigla ako nang itinusok niya sa braso ko ang isang parte ng basag na baso kaya may lumabas na maraming dugo. "Ang bango naman ng dugo ng mangkukulam. Nasipsip na ba 'yan ni Keegan?" natatawang tanong niya. "Tumigil ka, Deribia. Eliha, sumunod ka sa akin." Naglakad papalayo si Deriba kaya sumunod na lang ako. Ano bang trip nilang magkapatid? Ilang araw na nila akong main character. Nakarating kami sa labas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na maraming taong lobo sa labas. "Gusto kong makilala mo sila." "Para saan, Deriba?" "Alam mo ba kung bakit ka naririto? Ihahanda ka namin sa gera sa pagitan ng mga bampira kaya umayos ka. At ito rin ang kagustuhan ng iyong ina." "Hindi maaari! Asawa ko si Keegan! At bakit naman gano'n si ina? 'Di ba pumayag nga siya na ikasal kami ni Keegan?!" "Kaya nakipagkasundo ang iyong ina sa aming mga taong lobo ay dahil sa kasama siya sa darating na gera. At kahit ikaw na asawa ng pinakamataas na bampira!" masayang sigaw niya. Mamaya ay tatakas ako. Hindi maaari ang sinasabi niya. "Wala akong gana na makilala ang mga taong lobo na 'yan, magpapahinga na ako." Tumalikod ako. Pero hinawakan niya ako nang mahigpit sa aking braso. "Bitawan mo ako, Deriba. Akala mo ba ay hahayaan kong gawin niyo akong instrumento para mapatay ang asawa ko? Kayo muna ang papatayin ko." "Sabihin mo 'yan sa harapan ng iyong ina. Kaya mo bang patayin ang iyong ina?" Sa totoo lang ay oo. Hindi ko naman kilala si Eliza. Pero sa isip ko ay ina ko siya kaya kailangan ko pa rin siyang respetuhin. Kinilabutan ako dahil sa alulong ng mga nasa harapan ko. "Ipinakikilala ko sa inyong lahat si Eliha! Siya ang makapangyarihan na mangkukulam na anak ni Eliza at siya rin ang tutulong sa atin upang masakop ang teritoryo ng mga bampira at kanilang pag-aari na blood factory!" Sinakop ng kanilang alulong ang buong paligid, so creepy. Nag-bow na lang ako sa kanila dahil nakakahiya naman. At ayaw ko ring isigaw na wala akong balak na tulungan sila. Eliza Parah, sino ka ba talaga? Bakit galit na galit ka kay Keegan? At bakit ikaw pa ang naging ina ko sa mundong ito? Oo pinangarap ko ang magkaroon ng ina, pero hindi ang katulad mo. Sa mundong ito, ang hindi ko lang pinagsisihan na nangyari sa akin ay ang ikinasal ako kay Keegan. Siya lang ang maituturing na magandang nangyari sa buhay ko. Pero bakit kailan kong mapalayo sa 'yo, Keegan? Bakit ngayon pa? Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaan na gamitin nila ako laban sa 'yo. Hahanapin ko ang katotohanan sa likod ng lahat ng ito. Tumakbo ako papasok sa loob. Sumalubong sa akin si Eli. "Sa paghahanap mo ng katotohan ay baka ikaw lang ang masaktan," bulong niya at naglakad palabas. Dumiretso ako sa aking kwarto pero mabilis na humarang si Deribia. "Kailan ka ba titigil?" naiiritang tanong ko habang tinitingnan ang kabuuan niya. "Hindi ka dapat nagpapahinga sa malambot na kama." Hinila niya ang braso ko. Nasa likod kami ngayon ng mansyon nila. Nakita ko na may kulungan at maraming nakakulong na mga taong lobo. "Bakit sila nakakulong?!" "Sila kasi ay mga hadlang sa aming plano. At ikaw, isa ka rin sa magiging hadlang dahil hindi pa namin alam kung papayag ka ba sa gera kaya ikukulong kita." Binuksan niya ang isang kulungan at itinulak ako doon. Hindi na ako nagreklamo dahil nakikita ko sa mukha niya si Dad. Ayaw kong matakot dahil may trauma na ako sa kulungan. Hindi ko ipapakita sa kanya na mahina ako kagaya ng kung paano ko hindi ipinakita sa aking ama. Pinagmasdan ko ang kulungan, maliit lang ito at malinis. Sumandal ako sa rehas. "Nasaan ka na ba, Keegan? Hindi naman ako nagtatampo dahil wala ka rito. Ako ay labis lamang na nag-aalala sa 'yo." Masasabi ko bang nahulog na talaga ako ng tuluyan sa 'yo, Keegan? Hindi ko na kasi maipaliwanag ang aking nararamdaman sa 'yo. Naalala ko noong high school, mayroon akong naging crush pero hindi ko naman nakita ang mukha. Paano ko siya naging crush? Nababasa ko kasi ang mga gawa niyang quotes sa 'quotes room station' namin sa school katabi ng library. Sabi ng mga kaklase ko ay anonymous daw ang mga nagsusulat doon pero nalaman ko na lalaki siya dahil may nakalagay na kung ano ang gender. Ang quotes niya palagi ay about sa kanya as bad boy at sa mga magulang niyang pinatay ng mga magnanakaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD