17.

2029 Words
ELIHA "Pakawalan lahat ng bilanggo at ipila nang maayos!" sigaw ni Deriba. Hindi ako tumatayo dahil inaantok pa ako. Wala akong pakialam sa kanila. Bakit? Sila ba si Keegan? May nagbukas sa kulungan ko at hinila ako palabas. "Pumila ka d'yan at tumayo nang tuwid!" sigaw ng isang lalaki. Umirap lang ako sa kanya. Marami na ring nakapila na mga bilanggo. Ang sarap nilang hikayatin na tumakas kami rito kaso baka madamay sila sa parusa ni Eliza. "Tumingin ang lahat sa akin!" utos ni Deriba, "lahat kayo ay gagamitin namin sa darating na gera sa pagitan ng mga bampira. Huwag niyong tangkain na tumakas o hindi makisama dahil babaliin ko lang ang inyong mga ulo." Nag-bow ang mga bilanggo at sinakop ng alulong nila ang paligid. Ang sama naman nila Deriba, bakit nila naaatim na ikulong ang kalahi nila? "Eliha, lumuhod ka," utos ni Deribia na kararating lang. "Why should I do that?" "Ginagamitan mo na naman ba ako ng mahika?!" "Of course not, you are just a waste of time." Sinakal niya ako, akma niya akong kakalmutin sa mukha pero mabilis siyang hinila ni Deriba. "Lumuhod ka na lang, Eliha. Kailan mong manumpa na sasama ka sa paghahanda at pagsasanay namin para matalo ang mga Vampyres at iba pa nilang kalahi." "Wala akong maitutulong sa inyo." "Mayroong maitutulong ang apoy mong kapangyarihan dahil 'yan ang kahinaan ng mga bampira." Tinapik ko ang balikat niya. "At kahinaan niyo rin." "Pero kasapi namin ang iyong ina," "Ano bang klaseng panunumpa ang kailangan kong gawin, jerk?" "Ano ang jerk?" pagtataka niya, "lumuhod ka at isigaw mo na sinusumpa mo na sa amin ka sasanib sa pagsasanay at sa labanan na magaganap." Lumuhod ako at sinunod ang sinabi niya. Ayaw ko kasi ng maraming sinasabi. Basta mamaya ay gagawa ako nang paraan para makatakas. Binigyan kami ng espada ng alalay ni Deriba. Si Deriba naman ay pumwesto sa gitna habang hawak ang kanyang espada. Sumakop na naman sa paligid ang alulong ng mga kasama niya. As usual, tanging kandila lang ang nagbibigay ng ilaw sa paligid at mga kahoy na mayroong apoy. Nagsimula na si Deriba na ipakita ang kanyang husay sa paggamit ng espada at ang alam niyang mga techniques. Sabi niya ay sundan daw namin siya para matuto kami at maging magaling katulad niya. Sinunod ko na lang ang gusto niya kahit na labag sa kalooban ko. Pagkatapos ng pagtuturo ni Deriba ay ipinasok lahat ng bilanggo sa kanya-kanyang kulungan. Niyapos ko bigla ang isang taong lobo na humihila sa akin papasok sa aking kulungan. "Maganda ba ako?" Nakita ko na namula ang pisnge ng lalaki sa tanong ko. Natawa na lang ako nang itulak niya ako bigla sa kulungan. Kinando na niya ang kulungan ngunit bago siya umalis ay kumindat muna. "Nakuha rin kita." Itinaas ko ang susi at masayang tinitigan ito. Wala ng mga bantay sa paligid kaya hinawakan ko kaagad ang kandado. Huminga ako nang malalim nang mabuksan ko na. Ginamit ko ang kapangyarihan kong apoy para humarang ang usok sa aking dinadaanan para hindi ako makita ng ilang bilanggo. Kailan kong puntahan ang aking asawa. Mabilis akong nakarating sa lugar na may niyebe. Tumakbo ako nang tumakbo para mabilis na makarating sa mansyon ng mga Vampyres. Pero bigla akong nahulog sa bangin na hindi ko inaakala na bangin pala. Hindi ako makabangon dahil sa sobrang sakit ng aking katawan. Nang tumingin ako sa taas ay mataas pala ang aking binagsakan. Dahan-dahan akong umupo at nang hawakan ko ang likod ko ay maraming dugo ang lumalabas dito. Hindi ko alam pero nanghihina na talaga ako. K-Keegan.. kailan ka ba darating para sa akin? Pinilit kong makatayo pero hindi ko kaya. Babalik na lang siguro ako sa kulungan ko dahil hindi na rin ako aabot sa mansyon ng mga Vampyres. Tsaka baka makahalata si Deriba lalo na si Eliza. Ayaw kong mapahamak ang mga bampira kahit na alam ko na malakas sila. Ginamit ko ulit ang aking kapangyarihan. Hinagisan ko ng apoy ang semento kung saan ako nahulog, nang mabiyak ang malaking bato ay kinontrol ko para itaas ako at dalhin sa aking kulungan. Naniniwala na ako ngayon na hindi panaginip ang aking pag-travelled sa mundong ito dahil sa may kapangyarihan ako at ngayon ay nasaktan ako ng todo. Mabilis akong nakarating sa gilid ng kulungan ko. Kaagad akong pumasok doon at humiga. May sumilip sa rehas ko. "Okay ka lang ba?" tanong niya. Ang maid na kamukha ni Lera. "O-oo naman!" "Nakita kasi kita habang pumapasok sa kulungan mo na marami kang dugo, gusto mo bang gamutin kita?" Napangiti ako sa offer niya. At sa katotohanan na kamukha siya ni Lera. Tsaka ganyan na ganyan mag-alala sa akin si Lera. "Lumapit ka sa akin, Eliha, gagamutin ko ang sugat mo dahil mayroon akong kapangyarihan para manggamot." Ngumiti ako sa kanya at kaagad na lumapit. Ngayon ay pagitan namin ang rehas habang patalikod niya akong ginagamot. Humarap ako sa kanya nang matapos siya. "Thank you, Le.. I mean salamat." "Walang anuman, magpahinga ka na lang." Nag-bow siya at umalis. Habang nakahawak ako sa rehas ay may nakita akong mga paniki sa aking harapan. "Isa ba sa inyo ay si Keegan?!" nagagalak na tanong ko pero mabilis din silang lumipad. Siguro ay napadaan lang ang mga iyon. Sumulpot sa harapan ko ang itim na usok. Nang mawala ang usok ay bumungad sa akin ang aking ina na si Eliza. May hawak siyang mahabang stick, umilaw iyon at itinapat niya sa kulungan ko. May nakita akong magandang itim na gown. "Para sa iyo 'yan, suotin mo mamaya dahil magkakaroon ng selebrasyon ang mga taong lobo at mga mangkukulam sa mansyon na 'to. Siguraduhin mong makakapunta ka at huwag tatakas. Pero sabagay, ako naman ang susundo sa 'yo mamaya," banta niya at naglaho nang mabilis. Napangiti ako nang makita ko ulit ang gown. Naalala ko tuloy 'yung puting gown na suot ko noong nagising ako at bigla na lang ikakasal kay Keegan. Nakakainis lang dahil hindi makikita ni Keegan na naka-gown ako. Hinawakan ko ang gown at kaagad na sinukat. Masaya akong umikot habang suot ito. Pero nalulungkot pa rin ako dahil sa plano ng aking ina at ng mga taong lobo. Yakap ko ngayon ang aking tuhod, iniisip kung bakit nagsinungaling ang aking Mama at kung kumusta na ba si Dad. Alam mo Dad, kung hindi ako nag-travelled sa mundong ito ay pilit kitang ipapagamot sa doctor at papainumin ng gamot kahit na sobrang laki ng kasalanan mo sa akin. Gusto ko kasi Dad na sabay tayong mag-heal sa pain na idinulot ni Mama. At gusto ko rin na maramdaman mo na kahit naging masama ka ay hindi ako katulad mo dahil ako ay naniniwala na magbabago ka pa. I gave up my own dream of being a policewoman for you, Dad. You offered me a work-from-job because you are too afraid. Why so selfish? You never ask me what my plans are for you when I already have my own family. You also never ask me if I'm still okay or if I can still breathe. "Nakabihis ka na pala," Pagtingin ko ay si Eliza. Binuksan niya ang kandato gamit ang kanyang mahika. Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan palabas. "Anak, maging masaya ka lang dapat!" masaya niyang sigaw. Being called anak by Eliza is very heart-melting for me. How could I say no to this woman if she called me anak and treated me without too much pain? But when I remembered how she hated my husband, it made me also hate her. Keegan is a man who does not deserve any hate. Nakarating kami ni Eliza sa loob ng mansyon. Natuwa ako dahil maraming mga naka-gown na kababaihan at naka-tuxedo na kalalakihan. Nakita ko naman si Deribia at ang kanyang suot.. bakit kami magkaparehas? Mabilis siyang lumapit sa akin sabay hinawakan ang aking gown. "Inagaw mo na nga sa akin si Keegan tapos aagawin mo pa ang paborito kong gown?" "Hindi lang ikaw ang mayroon nito, ibinigay ito sa akin ng aking ina." "Manahimik ka." Hinila niya ang gown ko at pilit na hinuhubad. Nang tingnan ko ang ibang mga nilalang ay nakatingin sila sa amin at nagbubulungan. Mas nakakahiya dahil nasa gitna pala kami ni Deribia. Nanlaki ang mga mata ko nang mahubad bigla ang aking gown. Pero nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin. "Ano bang ginagawa mo, Deribia?! Lumayo ka!" Pagkalingon ko ay si Deriba pala. Mabilis kong inayos ang gown at kaagad akong lumayo sa kanya. Sino ba siya para yakapin ako? Alam ko naman na gusto niya lang akong pagsamantalahan. Oo, advance ako mag-isip. Umiling lang si Deriba sa akin at ngumisi. Lumayo ako sa kanya at pumunta sa isang maliit na table kung saan mayroong inumin. Maya-maya pa ay may lumapit sa akin na guwapong taong lobo. "Maaari ba kitang isayaw?" Ngumisi ako, "Ikaw ba si Keegan?" Napakamot sa ulo ang lalaki at mukhang napahiya kaya umalis na lang. So true naman, si Keegan lang ang gusto kong sumayaw sa akin. Pinanuod ko ang mga nilalang habang sumasayaw ng sweet dance. Hind ko akalain na uso ito sa kanila, parang mga hindi sakim sa kapangyarihan. Ini-imagine ko na lang na aalukin ako ni Keegan na sumayaw. Pero nakakalungkot kaya huwag na lang. "Kalimutan mo muna ang iyong asawa, anak. Ayaw mo bang makihalubilo o makipagsayaw man lang?" "Paano ko naman gagawin 'yun kung ang sarili kong ina ay pinaghiwalay kami ng aking asawa? Ano ba talagang balak mo? Mayroon ba akong kasalanan sa 'yo? Nanay ba talaga kita?" "Balang araw ay maiintindihan mo rin ang aking ipinaglalaban." "Kapag naintindihan ko na ay hindi pa rin sapat na dahilan ang inyong ninanais." Hinawakan niya ako nang mahigpit sa braso. "Ako ang nagdala sa 'yo rito kaya matuto kang sumunod." Ano raw? I was expecting na ang sasabihin niya ay 'anak kita'. Inalis ko ang kamay niya. "Eliza, maaari ko bang isayaw ang iyong anak?" Tumango lang si Eliza at itinulak ako may Deriba. Hinawakan ni Deriba ang mga kamay ko at ipinatong sa balikat niya. "Ang ganda mo, hindi na ako magtataka kung bakit ikaw ang mahal ni Keegan," he whispered habang dahan-dahan kaming sumasayaw. "Alam ko naman 'yun. P'wede ba akong magtanong?" Tumango lang siya habang malalim na nakatitig sa akin. "Mahal mo ba talaga ang iyong asawa na si Hopa?" "Oo naman, pero sa mga katulad naming taong lobo.. ang uunahin ay ang mga gusto naming teritoryo." "Sa tingin mo ba ay magpapatalo sa 'yo si Keegan?" "Hindi, pero sa tingin mo ba ay hindi siya magpapatalo kung hawak ka namin at kakampi?" "Hindi ko na nais marinig pa ang ilan sa mga sasabihin mo, Deriba." Inalis ko ang mga kamay niya sa beywang ko. Pero mabilis niyang ibinalik at mahigpit na hinawakan ang beywang ko. "Nami-miss mo na ba ang asawa mo?" Hindi ako sumagot. Napaka-bobo mo, Deriba, malamang! "Gusto mo bang malaman ang kalagayan niya ngayon?" natatawang tanong niya. Napatitig ako sa green niyang mga mata dahil nacu-curious ako. "Paano mo naman malalaman ang kalagayan niya? Palihim ka bang bumibisita sa kanya?" "Sabi ko na nga ba, sasagot ka rin kapag tungkol na sa kalagayan niya. Mayroon akong kaunting bakas para mahulaan mo. Ngayon ay si Keegan ay hindi makatayo." Hinawi niya ang buhok ko sabay ngumisi. "Ano bang ibig mong sabihin?!" "Gusto mo pa ba ng maraming bakas para mahulaan mo? Paano kung ayaw ko nang magbigay?" kuro niya. "Kahit anong bakas pa ang sabihin mo ay hindi ako maniniwala sa 'yo, Deriba. Alam ko na sinasabi mo lang 'yan para saktan ang aking nararamdaman." Tumawa lang siya at inilayo ako sabay inikot sa kanyang bisig habang nagsasayaw kami. Nilalapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko, bastos. Lumilingon na lang ako sa gilid habang sumasayaw kami para hindi niya mailapit ang mukha niya. "Hindi makatayo ang asawa mo dahil mayroon siyang kailangan," "Ano ba talaga?!" "Ang asawa mo ay mahina ngayon at hindi makatayo dahil kailangan niya ng-" hindi niya itinuloy ang sasabihin niya at kaagad na umalis. Naiwan akong nakanganga habang tinatanong sa sarili ko kung ano ang kailangan ni Keegan. Iyon ba ang dahilan kung bakit wala siyang paramdam sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD