15.

1024 Words
KEEGAN Nagagalak ang aking ina at ama nang makita nila si Hopa. Si Hopa ay ang aming buhay ngunit mahal niya si Deriba kaya mas pinili niya ito. Winawasak ang puso ko ngayon sapagkat hindi ko kasama si Eliha. Ngunit nang dahil sa ang kanyang ina na ang nagdesisyon ay wala akong magagawa. Matagal ko nang iniisip ang mukha ni Eliha. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon pa lang. Unang kita ko pa lang sa kanya noong nililigawan ko siya ay sigurado na ako na nakita ko siya noon pero wala akong maalala. "Ikinasal ka na pala kay Eliha, masaya ako para sa iyo, Keegan." Niyakap ako ng aking kapatid. "Mahal kita, Hopa. Sana ay mapatawad mo ak-" "Keegan, napakabuti mong kapatid. Kailan man ay hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa 'yo. Ang tanging itatanim ko lang ay ang mga alaala natin. Keegan, hindi ko kaya na mapalayo kay Deriba kahit na gano'n siya sa akin." "Hopa, batid mo na tutol ako sa inyong relasyon pero kung saan ka sasaya ay susuportahan kita." "Salamat, wala ka bang balak na bisitahin kaagad ang iyong asawa?" Umiling lang ako dahil batid ko na kapag sinabi kong may plano akong bisitahin si Eliha ay sasama siya sa akin. Ayaw kong masaktan siya ng baliw niyang asawa. "Anak, bisitahin mo raw ang hari sa kanyang palasyo," sambit ng aking ina. "Masusunod, ina."Tumango ako at mabilis na naglaho. Sa aming mundo, sa Dipsa Chupar Vampire World, mayroong hari ang mga bampira. Siya ang makapangyarihan sa lahat. Nakarating ako sa palasyo ng hari. Sumalubong sa akin ang tatlo niyang alagad na mga bampira rin. "Matagal ka ng hinihintay ni haring Keg. Halika, sumunod ka sa amin." Naglakad ang alagad niya sa direksyon kung saan nakaupo ang hari. Nagbigay ako ng galang sa pamamagitan ng pagluhod kay haring Keg. "Matagal ko ng pinapaalala sa 'yo na gusto kong ikaw ang pumalit sa akin," mariin na saad niya. "Ipagpatawad mo, haring Keg, ngunit hindi ako papayag sa kapalit na iyong ninanais." "Blood factory lang naman ang aking gusto, bakit ayaw mo? Ang inyong blood factory ay maliit lamang na pag-aari keysa sa aking palasyo at iba pang kayaman na mapupunta sa 'yo." "Maaaring maliit na pag-aari ang aming blood factory ngunit hindi ko hahayaan na mabago ang magpapatakbo roon. Alam ko na ang gusto niyo ay ang dugo ay nagmula sa buhay na tao kagaya ng inyong ginagawa sa mundo ng mga tao. Hindi ako papayag na gano'n." "Matigas talaga ang iyong ulo, Keegan Vampyres. Gusto mo bang magkaroon ng digmaan sa pagitan nating magkakalahi?" "Kung 'yan ang inyong nais ay hindi ako tututol. Ipaglalaban ko ang aming karapatan." Mabilis na nakarating sa harapan ko ang hari habang nakalabas ang pangil. Kulay pula ang kanyang mga mata. Umatras siya, ngayon ang humarap sa akin ay ang mga alagad niya. Mabilis nila akong sinugod. Akma nilang babaliin ang ulo ko pero hindi ko hinayaan dahil ibinalibag ko kaagad sila. Patuloy kong nilalabanan ang tatlong alagad ng hari. Naalala ko si Eliha at ang kanyang mga itinuro patungkol sa isang larangan ng martial arts. Napangiti ako dahil nang gamitin ko ang aking kaalaman ay napabilis ang pagkatalo ng tatlo. "Wala pa ring pinagbago ang iyong lakas. Pero mahina ka sa paningin ko dahil ayaw mong pumanig sa akin." "Mas gugustuhin kong maging mahina sa inyong paningin keysa gamitin ang aking kapangyarihan sa kasamaan at sa 'di makatuwiran na gawain." "Sa tingin mo ba na ang mga katulad nating bampira ay mga tao? Ipapaalala ko sa 'yo, Keegan na ang mga bampira ay likas na masasama. Huwag kang umasta na isang tao. O kaya naman dahil ikaw ay ganyan ay dahil sa tao ka noon?" panlilito niya. "Aalis na ako, haring Keg." Tumalikod ako. "Si Eliha!" malakas na sigaw niya, "gusto mo bang madamay siya bago ka pumayag?" Hindi ako lumingon. "Ipagpatawad mo ngunit hindi ko nais marinig ang mga banta na nagmula sa iyong maruming bibig." Mabilis akong naglaho. At mabilis akong nakarating sa lugar na may niyebe. Gagamitin ko ang aking kapangyarihan para maging isang paniki. Kailangan kong makita si Eliha sapagkat hindi ko kaya na siya'y hindi makita. Mas nauuhaw ako sa kanyang mukha keysa sa dugo. Siya ang aking pampakalma sa mundong ito. Nagpalit anyo ako bilang isang maliit na paniki. Hindi isang malaking paniki dahil baka may makakita sa akin. Nagtungo ako sa mansyon ng mga taong lobo. Hinanap ko kung saan banda ang kwarto ni Eliha. Hanggang sa naamoy ko siya. Nakita ko na nakasilip siya sa bintana at mukhang malungkot. Mabilis akong lumapit sa kanya. Pero dahil sa maliit lang ako na paniki ay alam kong hindi niya maririnig ang aking sinasabi. Itinaboy niya ako gamit ang kanyang kamay. Akala niya siguro ay hindi ako ang kanyang asawa dahil maliit akong paniki. "Ipinadala ka ba ni Keegan para tingnan ako? Pasensya na kung itinaboy kita. Gusto mo bang pumasok sa loob?" Kahit na bukas ang bintana ay hindi ako pumasok. Dumapo na lamang ako sa bintana para masilayan ko siya. "Bakit ayaw mong pumasok? Nahihiya ka ba?" nagtatakang tanong niya. Pumasok bigla si Deriba sa kwarto ni Eliha. Kilala ko ang lalaking 'to, hindi maganda ang nasa loob ng isip nito. Kinontrol ko ang katawan ni Eliha para kung saktan man siya ni Deriba ay mabilis siyang makakakilos. Akala siguro ng lalaking 'to ay hindi ko kayang protektahan ang aking asawa. "Lumabas ka roon, magtanim ka ng maraming bulaklak. 'Yan ang utos ng iyong ina. Kung ako ang masusunod ay hindi lang 'yun ang ipagagawa ko sa 'yo. Pasalamat ka dahil makapangyarihan si Eliza." "Susunod na ako," Lumapit si Deriba kay Eliha. Inamoy niya si Eliha pero kaagad kong kinontrol si Eliha para itulak siya sa pader nang malakas. "Hindi pa tayo tapos, Eliha!" "Hindi pa, Deriba. Sa susunod ay hindi lang 'yan ang mangyayari sa 'yo." Tumalikod si Eliha sabay humarap sa akin. Tinitigan niya ako ng mabuti. Siguro ay nakikilala na niya ako, bago siya magsalita ay hinintay niya muna na makalabas si Deriba. "Ikaw ba 'yan, Keegan?" masayang tanong niya. Dumapo ako sa daliri niya para kumbinsihin siya na ako 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD