14.

1216 Words
ELIHA "Kung sa mundo ng mga tao, ang masasama ay napupunta sa impiyerno. Ano sa tingin niyo ang mundo natin? Tinatapunan ba ng mga masasama o mabuti?" kuro ni ina. Napakaganda niya talaga, hindi halatang matanda na. Sabagay, likas naman sa mga bampira ang pagiging immortal. Ako, si Keegan at si ama ay nakaupo sa couch habang nakikinig kay ina. Sa katunayan ay kanina pa siya nag-di-discuss about sa mundong ito pero wala akong maintindihan. Iniisip ko kasi si Eli dahil dalawang araw na rin na hindi siya bumabalik. Oo, aminado akong mali ang ginawa ko kahit na kasalanan naman niya kaya ako nagalit. "Gusto mo bang pumunta ulit tayo sa lugar na may niyebe?" bulong ni Keegan. "Pero may sinasabi pa si ina, Keegan." Ngumiti lang siya sa akin at kumindat. Nakita ko na lang na nasa lugar na kami na mayroong snow. Napahawak ako nang mahigpit kay Keegan nang may marinig akong alulong. "Hindi ko pala nasabi sa 'yo mahal na malapit ang lugar na ito sa mansyon ng mga taong lobo. Siguro kaya mayroon tayong narinig na alulong ay dahil sa naamoy nila tayo." "Natatakot ako, Keegan.. p'wede bang umuwi na tayo?" "Bakit naman kayo uuwi? Kararating niyo lang 'di ba?" Napaatras ako sa aking narinig. Pagkalingon namin ni Keegan ay bumungad sa amin si Deriba. "Ayaw niyo bang sumama sa aming mansyon?" dagdag niya. "Salamat na lang, Deriba pero aalis na kami ng aking asawa," sagot ni Keegan. "Sayang naman, Keegan. Ayaw mo bang makita si Hopa?" Keegan's eyes turned blue. I knew it. He was angry. Who is Hopa? "Matagal mo na siyang kinuha sa akin. Huwag mo siyang gamitin sa pagiging mangmang mo." "Pero inatake siya ng isang bampira, ayaw mo pa rin ba siyang makita? Ipagkakait mo ba sa kanya ang iyong kapangyarihan para pagalingin siya?" Naglaho na lang kami bigla. Nandito kami ngayon sa isang magandang mansyon pero ang creepy nang muli kong marinig ang alulong ng mga taong lobo na sumalubong sa amin. They look like hunters na gusto kaming tuhugin o patayin. Habang naglalakad kami papasok ng mansyon ay maraming nakatingin sa amin na mga taong lobo. Hinawakan ni Keegan nang mahigpit ang kamay ko dahil siguro sa nararamdaman niya na natatakot ako. "Sino si Hopa, Keegan?" "Makikilala mo rin siya," he whispered. I just nodded. When we went inside, Deriba's sister, Deribia, came up to us. "Ipakita mo si Hopa," utos ni Deriba sa kapatid. Deribia just smirked to us. Maya-maya pa ay may isang magandang babae ang lumabas sa isang kwarto. Mabalahibo siya at kulay green ang mga mata. "K-Keegan!" nanghihina na sabi ng babae. "H-Hopa!" Mabilis na pumunta si Keegan sa tabi ng babae. Hinawakan niya ang sugat nito sa tyan at mayroong lumabas na pulang usok sa kanyang mga mata. Ginagamot na niya siguro si Hopa. Sino siya sa buhay ni Keegan? "Bakit niyo pinabayaan si Hopa?! Kalahi niyo rin siya!" galit na sigaw ni Keegan. "Oo kalahi namin siya pero kapatid mo siya! Sino ang matutuwa sa gano'n?" pangmamata ni Deriba. Lumapit si Keegan kay Deriba. Sinakal niya ang lalaki. "Isinakripisyo ko ang sarili kong kapatid para maayos na ang gulo sa pagitan natin! At bukod doon ay mahal ka niya at pinakasalan! Kaya bakit mo naaatim na pabayaan ang iyong asawa?!" "K-Keegan, hindi naman niya ako pinapabayaan!" sagot ni Hopa. Biglang binitawan ni Keegan si Deriba kaya ako ang lumapit sa kanya. "Keegan, paano mo naging kapatid si Hopa kung isa siyang taong lobo?" "Ang aming ina ay kalahating taong lobo at bampira. Pero iba si Hopa, hindi likas sa kanya ang pagiging bampira." Tumango lang ako sa isinagot niya. Nagulat ang lahat nang biglang sampalin ni Deribia si Hopa. "Tingnan mo ang iyong kapatid, Keegan. Gusto mo bang makasama siya ulit?" "Hindi mo na kailangang itanong ang isang tanong na oo ang sagot," Keegan whispered. "Maaari mo na siyang iuwi," sabat ni Deriba, "ngunit, mayroong kapalit!" "Kahit kailan talaga ay hindi mo ako minahal, Deriba!" sigaw ni Hopa. "Manahimik ka!" "Ano ang kapalit?" seryosong tanong ng aking asawa. Tumawa si Deribia, "Pakasalan mo ako bilang pangalawa mong asawa," Uminit ang aking ulo sa aking narinig. Si Keegan ay tumingin sa akin dahil alam niyang maaaring hindi ko ma-control ang aking kapangyarihan. "Kahit ako'y maging abo ay hindi kita papakasalan," saad ni Keegan. "Manahimik ka, Deribia! Hindi 'yun ang gusto kong kapalit. Keegan, papayag ka ba kung tatanungin kita na kapalit ng iyong kapatid ay ang iyong asawa?" hikayat ni Deriba. "Baliw ka ba? Gusto mo bang sunugin kita?" Inilahad ko ang aking kamay at inilabas ang aking kapangyarihan. "Pakiusap.. huwag mong sasaktan ang aking asawa," wika ni Hopa. Si Keegan naman ay nananatiling blue ang mga mata. "Ano bang kailangan mo sa akin, Deriba? Kung papayag ba ako sa gusto mo ay hahayaan mong magkasama ang magkapatid?" "Oo naman! Basta dito ka muna sa mansyon ng mga taong lobo sa loob ng isang buwan," Deriba answered. "Hindi ako papayag," mariin na sambit ni Keegan. "Isinakripisyo mo ang iyong kapatid dahil mahal mo siya. Keegan, alam kong mahal mo rin ako, kaya p'wede bang ako rin muna ang isakripisyo mo para sa kapayapaan at para magkasama kayo ng iyong kapatid?" Hindi sumagot si Keegan. Alam ko at nararamdaman ko na nami-miss na niya ang kanyang kapatid the way na tingnan niya ito. "Ano naman ang gagawin ko rito sa mansyon mo, Deriba?" "Ako ang nagsabi na dito ka muna sa mansyon ng mga taong lobo. Ito ay parusa mo sa pananakit sa iyong pinsan na si Eli." Napanganga ako sa biglang sumulpot. Siya lang naman ang aking ina na si Eliza. "Kailan pa kayo nagkasundo ng mga taong lobo, ina?" nagtatakang tanong ni Keegan. "Matagal na, Keegan Vampyres. Sa tingin mo ba ay hindi kami magkakasundo ng mga taong lobo? Kayo lang namang mga bampira ang hindi ko matanggap." Hindi nakasagot si Keegan. Tumitig lang siya sa akin na para bang naaawa sa akin. "Umalis na kayo, Keegan. Isama mo ang iyong kapatid na si Hopa. Ang aking anak ay pagbabayaran ang kanyang kasalanan dito sa mansyon ng mga taong lobo. Pero huwag kang mag-alala, hindi naman siya papatayin dito." "Nirerespeto ko ang inyong desisyon, ina. Ina, maaari ko ba siyang dalawin dito?" "Hindi! Isang buwan kayong hindi magkikita!" Napangisi ako sa isinagot ng aking ina. Gusto kong magwala pero ayaw kong mag-alala si Keegan. Lumapit ako kay Keegan. "Hintayin mo ako, Keegan. Kahit hindi tayo magkasama ay alam kong mananatiling nakatali ang ating mga puso." Hindi ko pa siya mahal. Pero gusto kong mapanatag ang kanyang puso. Pero hindi ko pa nga ba siya mahal? O mahal ko na siya pero hindi ko lang masabi? Isa lang akong hampaslupa na mahal na mahal ng isang Keegan Vampyres. Ang masasabi ko lang ay deserve niyang mahalin pabalik. Pero paano ko ba maipapaliwanag sa kanya na ako ay nanggaling sa ibang mundo? Hinalikan niya ako sa noo. "Naghintay na ako ng matagal sa iyo noon at mas maghihintay ako sa 'yo ngayon. Hindi mapapagod ang puso ko sapagkat ikaw lang ang nilalaman nito." Ipinakita ko kay Keegan na masaya ako sa naging desisyon ng aking ina kahit na masama ang loob ko. Kaagad silang pinaalis ng aking ina kaya naglaho sila bigla ni Hopa. Matagal din na hindi kita makakasama, Keegan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD