13.

1081 Words
ELIHA Masaya akong bumangon mula sa kama. Pero kumunot ang noo ko nang may makapa akong ibang katawan. Nang tingnan ko kung sino ay si Eli. Nasa gitna namin siya ni Keegan. Hindi ko napigilan ang aking emosyon. Kaagad kong hinila si Eli at ibinalibag ko. Masama siyang tumingin sa akin. Ngunit si Keegan ay hindi man lang nagising. "Anong klaseng mahika ang ginamit mo kay Keegan?!" "Hulaan mo." Tumayo siya habang inaasar ako gamit ang mga mata niya. Inilahad ko ang dalawa kong kamay kaya mayroong lumabas na apoy. Gulat na gulat si Eli. "E-Eliha, h-hindi ko naman sinasadya na gamitan ng pampatulog si Keegan. Teka, gigisingin ko na siya." Mayroong ginawa si Eli. Mabilis namang nagising si Keegan. "Eliha, bakit hindi pa rin nawawala ang apoy sa dalawang kamay mo?" natatakot na tanong ni Eli. "Eliha, delikado ang apoy sa akin. Ano bang nangyari?" pagtataka ni Keegan. "Ang babaeng 'yan! Ginamitan ka ng mahika para matagal kang magising at tumabi pa sa pagitan natin habang tayo ay tulog!" Naging asul ang mga mata ni Keegan nang lumingon siya kay Eli. Nanginginig ang mga kamay ko. Gusto kong sunugin si Eli. "Eliha, kahit na mali ang ginawa ni Eli ay sana ay huwag mo siyang sunugin," Keegan whispered. Hindi ako tumingin kay Keegan dahil alam kong kapag tumingin ako sa kanya ay manghihina ako. "Keegan, kulay pula na ang mga mata ni Eliha!" "Nag-aapoy na siya sa galit dahil sa iyong ginawa. Kahit saan mang banda o anggulo ay hindi makatuwiran ang iyong dinulot na suliranin, Eli." Hindi ko napigilan ang sarili ko. Itinapat ko kay Eli ang aking isang kamay kaya naman ngayon ay nasusunog na siya. "E-Eliha, p-pinsan m-mo pa rin si Eli-" "Manahimik ka, Keegan!" pukaw ko sa aking asawa. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa apoy na kapangyarihan na ibinigay ni Eliza. Hindi ko ma-control ang aking galit. Nakita ko na gumagawa nang paraan si Keegan para maalis ang apoy sa damit ni Eli. Si Eli ay umiiyak na at nagmamakaawa kay Keegan. Nang tingnan ko si Keegan ay nahihirapan siya. Hindi ko alam ang gagawin ko! Ano ba itong nagawa ko?! May itim na usok ang sumulpot sa aming kwarto. Bigla siyang naging isang nilalang, si Eliza. Kaagad niyang tinulungan si Eli upang mawala ang apoy. "Eliha! Ano bang ginawa mo sa iyong pinsan?!" galit na sigaw ni ina. Nanginginig ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Si Keegan naman ay pumunta sa aking likod. Hinawakan niya ako sa likod sabay hinimas, siguro para ako'y kumalma. Lumapit sa akin si Eliza. "Hindi kita binigyan ng kapangyarihan para saktan si Eli!" "Pasensya na, ina. Siya ang nagsimula ng-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong sinampal. Hindi pa siya nakuntento dahil sinampal niya pa ako nang sinampal. "Paumanhin, ina ngunit sobra na ang inyong ginagawa," awat ni Keegan. Hindi siya pinansin ni Eliza. "Eli, halika rito, sampalin mo si Eliha." "Pero tita! Kailan mo pa ginagawa ang pananakit sa kanya? Kilala kita, tita. Alam ko na hindi mo hahayaan na masaktan si Eliha!" "Mali ang ginawa niya ngayon kaya inuutusan kita!" Sapilitan na lumapit sa akin si Eli sabay sinampal niya ako ng isang beses. "Sa susunod na may gawin kang masama kay Eli ay babawiin ko ang kapangyarihan mo. Isa kang inutil." Sinampal ulit ako ni Eliza. This time ay hindi ko na napigilang umiyak dahil naalala ko na naman ang pananakit ng aking ama. Akala ko sa mundong ito ay mahahanap ko ang isang ina na magmamahal sa akin pero hindi pala. Nag-bow lang ako kay Eliza para magbigay ng galang. Hindi na ako nagsalita dahil trauma na naman ito para sa akin. Bakit ba may mga taong mahilig manakit? Pero nanakit ako kanina kaya naman nagalit si Eliza. Hindi na ako sasagot pa dahil kasalanan ko talaga. Ang hindi ko lang matanggap ay hindi niya man lang ako pinakinggan. "Pumanhin sa inyong dalawa, kanina ay hindi ako nangialam dahil nirerespeto ko kayo bilang kalahi ng aking asawa. Oo nakasakit siya at maaari kayong magalit dahil sa ginawa niya. Pero karapat-dapat na pakinggan niyo muna ang kanyang paliwanag. Sa susunod na hindi niyo siya pakinggan ay ibang usapan na 'yun. Ang isang nilalang, ang kailangan ay tagapakinig," mariin na sabi ni Keegan. "Keegan, ang masasabi ko lang ay mag-ingat ka dahil kapag ikaw ang nahuli niyang may masamang ginawa ay ikaw ang susunod na susunugin niya," banta ni Eliza. "Alam ko na hindi niyo pa rin ako tanggap para sa inyong anak. Ngunit sana ay respetuhin niyo ang aming pagsasama. Alam ko na ang kapangyarihan ni Eliha ay magagamit niya sa mabuti, hindi sa masama." Mabilis na naglaho si Eliza kasama si Eli. Humikbi ako kay Keegan nang humarap siya sa akin. Siguro ay nagulat din siya sa ginawa ko. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa likod ng mansyon. Bumungad sa akin si Pluma. Mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at umupo siya. Humiga ako sa katawan niya at doon umiyak. "Iniisip mo ba na magiging balakid ang iyong kapangyarihan sa aking buhay, Eliha?" "Eliha, alam ko na hindi ko 'to dapat itanong pero.. okay ka lang ba?" Keegan was always there to ask me questions, and I'm very thankful for that. Humarap ako sa kanya. "Paano kung magalit ako bigla sa 'yo? Dahil sa hindi inaasahan na ginawa mo? Baka masunog kita. Natatakot ako, Keegan. Kanina ay nagalit ako nang sobra dahil importante ka sa akin." I saw that his cheeks blushed. But he immediately bowed. When he looked at me again, there were tears in his eyes. My heart was melting. I can't imagine a vampire who has emotions and the capability to cry. I thought that vampires were undead creatures who did not feel anything, just cravings for blood. But a vampire like Keegan, even though he had a black heart, still beats. So, Keegan, were you human before? And reborn again as a vampire? There was a vampire who was not human before. I mean, a type of pure vampire. Lumapit ako kay Keegan. Pinunasan ko ang mga mata niya at kanyang pisnge. "Eliha, hindi ako natatakot na masunog. Sa katunayan ay handa ako sa gano'ng pangyayari. Alam mo ba ang ikinakatakot ko? 'Yun ang hindi kita makasama nang mas matagal bago ako durugin ng apoy." Ngumiti ako sa kanya. At mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at hinimas. Sino ba naman ako para hindi mahulog sa isang katulad mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD