12.

1017 Words
ELIHA "Eliha, bakit wala ka pang anak? Wala bang gana sa 'yo si Keegan? O hindi mo siya mabigyan ng anak? Mahina kang nilalang kahit na makapangyarihan ka." Sabi ni Eli habang nagsisindi ng kandila. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisnge niya. She smiled and smirked at me. Sinampal ko siya nang malakas. "Kailan ka pa nagkaroon ng permiso para pasukin ang buhay namin ni Keegan? Ang pagkakaroon ng anak at hindi muna pagkakaroon ng anak ay dapat walang diskriminasyon. Ano bang alam mo? Isa ka lang namang hamak na basura sa paningin ko." "Alam mo?! Parang hindi ikaw 'yung Eliha na kilala ko. Hindi ka palaban!" "Ibahin mo ako ngayon, Eli. Huwag kang papansin dahil hindi ka naman kapansin-pansin." Bumalik ako sa lamesa kung nasaan si Keegan pati sila ina at ama. Umiinom sila ng dugo. Inantay kong matapos si Keegan sa pag-inom. I also served blood for his parents. "Keegan, gusto mo bang matuto ng martial arts? Naalala mo? 'Yung sinabi ko sa 'yo no'ng nakaraan!" hikayat ko habang yakap ang kanyang braso. "Naaalala ko, mahal. Saan mo gustong magsanay?" "Sa likod ng mansyon dahil nandoon si Pluma," Hinawakawan niya ang bewang ko, tuluyan na kaming naglaho. Pinagmasdan ko ang paligid, bakit kaya wala si Pluma? Siguro ay nasa gubat siya. I went behind Keegan. I held his two hands. I controlled his hands with my hands. "Hindi ako masyadong magaling sa isang laranagan na ituturo ko sa 'yo, Keegan. Pero sana ay makatulong ito sa pakikipaglaban mo o sa pagtatanggol mo sa iyong sarili." "Salamat, Eliha," he whispered. I continued teaching Keegan. But he was actually strong, so he didn’t need it. But, if he loses the way to fight, he will remember that he still has other fighting knowledge. And he will also remember me. After I finished teaching him I went to the kitchen to serve him a glass of blood. I need to accept what type of environment Keegan's had. And if I ask myself, do I already have feelings for Keegan? I can't explain quickly. But one thing I am sure about is that I am comfortable with him. All I want is to spend more days with him because if there's a chance that I will travel to the real world where I originally lived, I will make our memories forever. After Keegan drank the blood, he hugged me tightly. "Ayaw mo bang kagatin ako, Keegan? Pakiramdam ko ay nanghihina ka sa iniinom mong dugo." Umiwas siya nang tingin sa akin. Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya para iharap sa mukha ko. "Bakit ayaw mo? Mayroon bang mangyayaring masama sa akin?" "Eliha, sa mundo ng mga tao kami kumukuha ng dugo pero sa mga patay na tao. Sa tingin mo ba ay kakagatin kita kung sa tamang paraan kami kumukuha ng dugo sa ibang mundo? Nirerespeto kita at mahal na mahal kita." "S-sorry, Keegan.. pakiramdam ko kasi ay nanghihina ka." "Simula bata pa lang ako ay gano'ng klaseng dugo na ang iniinom ko. Kaya naman mahal ko, huwag kang mag-alala." "Pasensya na talaga, Keegan." Hinimas ko ang mga kamay niya. Mayroong magandang walis tambo ang nakalutang sa harapan namin ni Keegan. "Ano ang ibig sabihin nito, Keegan?" "Siguro ay pinapapunta ka ng iyong ina sa inyong mansyon." "Pero nakapunta na ako roon, 'di ba?" "Eliha, bakit parang umiiwas ka sa iyong ina?" "Hindi naman sa gano'n, Keegan. Pero p'wede mo ba akong samahan?" Tumango siya sabay ngumiti. Inalalayan niya akong makatayo. Kaagad kaming lumapit sa walis tambo ngunit biglang may lumabas na itim na usok. "Ang tanging pupunta lang ay si Eliha," sabi ng itim na usok. Keegan stared at me with concern. I don't want him to feel worried because I know that Eliza won't hurt me. I gave Keegan a big smile so he wouldn't think I was scared. "Babalik ako sa 'yo, Keegan ko!" masayang paalam ko. Mabilis niyang hinalikan ang aking noo. I rode the reed broom. I waved at Keegan as I walked away on the broom. I immediately arrived at my mother, Eliza's, home. When I went inside, she opened up to me while laughing. She made me sit in her chair made of bone. "Bakit parang takot na takot ka, anak?" Tanong niya habang lumalapit sa akin. "Ano ang kailangan niyo sa akin?" "Ikaw ang may kailangan sa akin, anak. Mayroon akong ibabalik na kapangyarihan sa 'yo." "Ang apoy na kapangyarihan ba, ina? "Paano mo nabatid?" "Sinabi sa akin ni Eli at Keegan." "Ibabalik ko ang kapangyarihan mo na 'yun dahil ayaw gumana sa akin. Tsaka para mapatay mo rin ang iyong asawang si Keegan," tumawa siya nang tumawa. "Ano?!" "Binibiro lang kita, anak!" tumawa ulit siya. "Ina, narinig ko na ayaw mo raw sa relasyon namin ni Keegan noon. Ito ba ang dahilan kung bakit mo ibabalik ang apoy na kapangyarihan? Hindi ko kayang saktan si Keegan!" "Kapag sinabi kong binibiro lang kita ay totoo 'yun. Gusto ko lang na tumawa ka dahil mukha kang natatakot sa akin." "Hindi po magandang biro ang inyong sinabi." Hindi siya sumagot, bagkus tumawa lang siya nang tumawa. She held my two hands tightly until I could feel the hot sensation in my hands. I saw my hands on fire, so I walked away from Eliza. I attempted to blow my hands, but the heat increased and the fire grew larger. "Ano ang gagawin ko para mawala ang apoy, ina?!" "Kumalma ka at kontrolin mo sa isip mo na mawala ito. Mawawala 'yan." Huminga ako nang malalim. Inisip ko na mawala ang apoy. Ilang segundo lang ay nawala ito. "Ang kapangyarihan na 'yan ay magagamit mo para patayin ang mga bampira na magtatangka sa buhay mo. At kapag niloko ka ng asawa mo, patayin mo dahil apoy lang ang katapat ng isang bampirang katulad ni Keegan." "Bakit ba pinagpipilitan mo na patayin ko si Keegan?!" "Kapag nagloko lang naman siya," she whispered sabay bumungisngis. Hindi ako makapaniwala na mayroon na akong kapangyarihan. Pero hindi ko naman ito gagamitin para manakit ng iba. Hindi ko kasi ugali na abusuhin ang kahinaan ng iba dahil sa malakas ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD