11.

1087 Words
ELIHA Nang imulat ko ang mga mata ko ay katabi ko si Keegan habang tulog. Nang tumingin ako sa bintana ay nakita ko si Pluma na nakasilip. Kaagad kong binuksan ang bintana. "Ano ang ginagawa mo rito?" Gumalaw lamang ang buntot niya. "Hintayin mo ako." Dumiretso ako sa banyo para maligo at para magbihis. Nang matapos ako ay nandoon pa rin si Pluma habang naghihintay sa akin. Tumalon ako sa bintana, nagulat ako nang bigla niya akong saluhin. "Jogging tayo!" masayang sabi ko. Gumalaw lang ang buntot niya habang sumusunod sa akin. Hindi ko alam pero.. sobrang gaan ng loob ko kay Pluma. At mayroong kakaiba sa kanya na kailangan ko ring malaman dahil sa mayroon siyang alam sa aking kasalukuyan. Pero hindi ko muna aasikasuhin ang sikrero niya dahil masaya ako sa tuwing kasama ko siya. "Malalaman ba ni Keegan na kasama kita ngayon kapag nagising siya?" Muli niyang iginalaw ang kanyang buntot. Tumango lang ako. Habang nagjo-jogging ako ay sobrang sarap ng pakiramdam ko. Nakarating kami ulit sa gubat. Umupo ako sa puno at sumandal. Si Pluma naman ay tumabi sa akin. Tumitig ako sa mga mata niya. Hinawakan ko ang ulo niya. "Alam mo ba na noong bata ako ay iniwan ako ng aking ina? Iyon ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Alam mo ba na halos araw-araw ay hindi ko alam kung paano ako gigising sa umaga dahil nami-miss ko siya? Ang sakit no'n!" "At alam mo ba ang mas masakit? Ang taong akala ko na mag-aalaga sa akin dahil wala ang aking ina ay sinasaktan lang ako noon at kinukulong. Siya ang aking ama, Pluma. Bata pa lang ako ay mahigpit na siya sa akin. At kahit ako'y tapos na sa pag-aaral at may trabaho na ay selfish pa rin siya. Pluma, masama bang mangarap na magkaroon ako ng buong pamilya? 'Di ba hindi naman?" Hindi ko na napigilan ang aking luha, dumaloy ito nang dumaloy sa aking pisnge. I stared at Pluma intently. Ang mga mata niya ay kumikinang ngunit mukhang hindi masaya. "Hindi mo naman siguro naiintindihan ang sinasabi ko 'no? Huwag mo na lang pansinin." "P-pluma?" Pagkalingon ko ay si Karagon. Mayroon siyang dala na ulo ng isang hayop. Humarap sa kanya si Pluma sabay kaagad siyang sinunggaban nito. "Pluma, huwag!" awat ko. Nakita ko si Karagon na takot na takot habang nakapatong sa kanya si Pluma. Totoo nga na powerful si Pluma dahil takot na takot sa kanya ang tuso na si Karagon. "Wala akong balak na masama! Pumatay lang ako ng hayop dito sa gubat!" katuwiran ni Karagon. "Nakakatawa ka naman, Karagon," pang-aasar ko. Maya-maya pa ay may bumungad sa amin na isang magandang babae pero mabalahibo. "Sino siya?" tanong ko kay Karagon. "Siya ay si Deribia, ang kapatid ng taong lobo na si Deriba." Hindi lumalapit sa amin si Deribia, inaamoy niya lang kami mula sa malayo. "Hoy ikaw! Kasama namin si Pluma kaya huwag kang magtangka na patayin kami," banta ni Karagon. Mabilis na pumunta si Deribia sa harapan ni Karagon sabay sinakal niya. Nang tingnan ko si Pluma ay hindi siya kumikilos. Hahayaan na lang ba niya si Karagon? "Bitawan mo ako!" Nagwawala na sigaw ni Karagon. "Papatayin kita, ikaw ay salot! Hindi mo ba natatandaan noon? Ako sana ang magiging kasintahan ni Keegan kung hindi mo ako siniraan kay Keegan!" sigaw ni Deribia sabay tumingin sa akin nang masama. Binitawan niya si Karagon. Mabilis siyang lumapit sa akin pero mas mabilis na humarang si Pluma para ipagtanggol ako. "Isa ka pa! Kung hindi ka dumating sa buhay ni Keegan sana ay payapa ang mga asong lobo at mga bampira dahil kung kami ang ikinasal ay sa amin na rin ang teritoryo ng mga bampira!" "I don't care about you and your existence. Keegan chose me because he knew I was worth loving. And also, you can't blame destiny if I was destined to be the wife of Keegan." Madiin na sabi ko sabay ako na ang lumapit sa kanya. Napatulala siya sa sinabi ko pati na rin si Karagon. Alam ko kasi na wala silang alam sa sinasabi ko. "Ikaw ay isang mangkukulam, ginagamitan mo ba ako ng mahika?!" "Hindi ko na kailangang gamitin sa 'yo ang aking kapangyarihan dahil sa ugali mo pa lang ay mukha nang isinumpa." Hinawakan niya nang mahigpit ang aking braso. Isa siyang malaking babae kaya nakaramdam ako ng takot, baka kasi ibalibag niya ako. Sinabunutan niya ako sabay hinila. Gagalaw na sana si Pluma pero nag-hand gesture ako na tumigil siya. Si Karagon naman ay tumatawa lang. "Bitawan mo siya," Pagkalingon ko ay si Keegan. Hindi ako makapaniwala dahil kakaiba ang dating niya ngayon, lalo siyang naging guwapo sa bago niyang hairstyle na medyo messy. Binitawan ako ni Deribia sabay lumapit kay Keegan. Mahigpit niyang niyakap si Keegan sabay hinalikan niya sa pisnge. "Are you out of your mind? He is mine! I am her wife!" malakas na sigaw ko dahil sa inis. "Mahika ba 'yan na ang dahilan ay nagseselos ka? Sabagay, sino ba naman ang hindi magseselos kung ako sana ang magiging kasintahan niya?" pang-aasar ni Deribia. Umiwas ako nang tingin. Nakita ko na nag-aabang ng sagot si Pluma dahil chill lang siya habang nakaupo. At nang tingnan ko si Keegan ay siya ang mas nag-aabang ng isasagot ko. "Oo! Nagseselos ako! At sino namang babae ang hindi magseselos kung may katulad mong babae ang dikit nang dikit? Sino ka para tanungin kung nagseselos nga ba ako? Malamang!" Lumayo si Keegan kay Deribia. Lumapit siya sa akin sabay mabilis akong niyakap. We quickly disappeared. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa lugar kami na mayroong snow. Pero maliwanag ang paligid, bigla tuloy akong nag-alala para kay Keegan. "Ang ganda naman dito, Keegan! Pero hindi ka ba nanghihina dahil sa maliwanag ang paligid?" "Hindi ako nanghihina sapagkat kasama ko ang aking lakas. Ikaw 'yun, Eliha." Hinampas ko siya sa kamay. "'Yung totoo, okay ka lang ba talaga?" "Wala namang sinag ng araw tsaka malamig ang paligid kaya hindi ako naaapektuhan. Huwag ka nang mag-alala, mahal." "Mabuti naman kung gano'n, ayaw ko kasing napapahamak ka." He pinched my cheeks. "Nagustuhan mo ba? Malayo ang lugar na ito kaya walang istorbo sa atin. Noong nakaraan ay dito ako nanggaling, mayroon kasi akong nais ipakita sa 'yo." Hinawakan niya ang kamay ko. "A-ano?" "Ayan na!" masayang bulong niya. Napangiti ako nang umulan ng snow. "Ang ganda ng niyebe parang mga ngiti mo, Eliha." I couldn't stop crying. Keegan hugged me tightly and kissed me on my forehead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD