10.

1027 Words
ELIHA "Isang malaking balakid na nagpakita sa inyo si Deriba. Kailangan na nating maghanda," pangaral ni ina. "Keegan, nais kong magsanay kayo ngayong araw upang mas mapabilis ang ating paghahanda," hikayat ni ama. "Masusunod, ama at ina. Pero maaari bang tatlo lang kami? Hindi ko kasi batid kung nais bang magsanay nila Karagon, Manaron at Eli." Sagot ni Keegan sabay lumapit sa akin. "Maaari naman ang iyong nais. Hindi rin kasi tayo sigurado kung sa atin ba susuporta ang inyong mga pinsan," pagwawari ni ina. "Ano ang inyong pinag-uusapan? Maaari ba akong makinig?" Eli asked. Umirap bigla si ina kaya natawa ako. "Umupo ka, Eli," tugon ni ama. Tumingin sa akin si Eli sabay kumindat. Nainis ako nang bigla siyang umupo sa pagitan namin ni Keegan. Pero pagpapasensyahan ko siya. "Gusto mo bang magsanay kasama nila Keegan, Eliha at Pluma?" tanong ni ama kay Eli. "Bakit naman hindi? Masaya ako na makasama sila sapagkat kasama ko si Keegan.. at syempre ang aking pinsan na si Eliha!" masayang sagot niya. Nakagat ko ang labi ko dahil sa inis. "Magsimula na kayo ngayon!" dikta ni ina. Yumuko kami para magbigay ng galang. Si Eli nama ay kaagad na hinawakan sa kamay si Keegan. "Naliligaw ka ba, Eli?" pagdududa ko habang nakatingin sa kamay niya. "Pasensya na! Akala ko kasi ay kamay mo!" kantiyaw niya. Si Keegan naman ay mabilis na inalis ang kamay ni Eli. "Eli, humarap ka sa akin," utos ko. Masaya naman siyang humarap sa akin sabay umirap. Hindi na ako nag-isip pa ng maraming beses, kaagad ko siyang sinuntok sa mukha. "A-ano b-bang problema mo?!" galit na sigaw niya. Tumingin ako sa unahan, wala na si ama at ina. "Sa susunod na hawakan mo si Keegan na walang pahintulot ko ay hindi lang kita susuntukin dahil ipaparanas ko sa 'yo ang sipa ng isang Eliha." "Nakakainis ka! Ang arte mo at ang weirdo!" maktol ni Eli sabay umalis. Si Keegan naman ay hinawakan ako sa ulo sabay ginulo ang aking buhok. Itinapat niya ang mukha niya sa mukha ko. "Ang cute mong magselos." Hinampas ko lang siya sa balikat sabay ngumiti. Pero naiinis pa rin ako. Keegan and I quickly disappeared. We got to the back of their mansion. A lot of different swords opened up for us. I also saw that Eli followed us. Nakita ko na parang nagalit si Pluma nang makita niya si Eli. Grabe ka Eli, kahit ang lion na bampira ay naaamoy ang kasamaan mo. Pero hindi pa rin ako sigurado kung masama siya, magkaiba kasi 'yun kung gusto niya lang mang-asar. "Pluma, ikaw na ang bahala kay Eli," utos ni Keegan. Si Pluma naman ay kaagad na nagtungo kay Eli na mukhang natatakot. D'yan ka kay Pluma maging maarte, ewan ko na lang sa 'yo Eli. Binigyan ako ng isang espada ni Keegan. "Mahusay ka ba sa paggamit ng espada, mahal?" "Hindi, pero magaling ako sa larangan ng martial arts." "Ano ang martial arts, mahal? Ito ba ay may kaugnayan sa pakikipaglaban?" "Oo, Keegan. Ang martial arts ay paraan sa pakikipaglaban. Sa katunayan, ginagamit ito upang protektahan ang sarili sa kalaban. At syempre, maaari ko ring ibahagi ang aking kaalaman sa iyo. Pero unahin muna natin ang pag-aaral sa paggamit ng espada." Tumango si Keegan sabay ngumiti. Pumunta siya sa likod ko sabay hinawakan nang mahigpit ang aking kamay. Unti-unti niyang kinontrol ang aking kamay habang hawak ang espada. "Sa paggamit ng espada, huwag mong hahayaan na hindi ito nakatutok sa kalaban dahil maaari kang maunahan. Ang mga asong lobo ay gumagamit ng espada sapagkat para sa kanila ay ito ang paraan para mas mabilis nilang mapatay ang mga kakalabanin nila." "Oo, Keegan," masayang sagot ko. "Maaari mo ba akong tawaging mahal? K-kung nais mo lang naman, Eliha." Nakakailang naman, pero ang unfair ko naman kung hindi ko man lang siya tatawagin na mahal. "O-oo n-naman, m-mahal!" Binitawan ni Keegan ang kamay ko. Humarap siya sa akin habang nakangiti. Nagseryoso siya nang itapat niya sa akin ang espada. Itinapat ko rin ang aking espada sa kanya para protektahan ang aking sarili. Nang sumugod siya ay umatras ako nang umatras dahil baka masugatan ako. "Ang hina mo naman!" sigaw ni Eli. Tumigil ako sa pag-atras sabay mabilis kong inatake si Keegan. Nagulat ako nang mabitawan niya ang espada. "Ang lakas mo, mahal. Nakakatuwa ka," puri niya. I just smiled at him. And I smirked to Eli. "Hindi naman, mahal. Keegan, tanong ko lang.. ano ba ang kapangyarihan ko?" Biglang lumapit sa amin si Eli. "Nauntog ba 'yang ulo mo Eliha? Bakit hindi mo maalala? Ang kapangyarihan mo ay apoy. Ikaw ang makapangyarihan sa ating lahi. Alam mo ba na maaari mong mapatay ang mga bampira at mga taong lobo sa isang segundo lang?" "Totoo ang sinabi ni Eli, mahal. Pero noon pa lang ay hindi mo pinipiling ilabas ang iyong kapangyarihan dahil sa wala ka namang masamang hangarin sa iba." Akalain mo 'yun, may apoy pala akong kapangyarihan sa mundong ito. Paano ko kaya mailalabas? Ngumiti na lang ako sa kanila. Kaagad kong pinuntahan si Pluma. Mariin siyang tumitig sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang dating ako na nakakulong sa kulungan habang tulog. "P-pluma, do you have power of vision?" Si Pluma ay hindi nagsasalita, bagkus kiniskis niya lang ang kanyang ulo sa aking mukha. Nang titigan ko siya ulit ay wala na ang dating ako, nakita ko na lang ang aking sarili ngayon. Nararamdaman ko na parang naaawa siya sa akin. "Eliha, lumapit ka sa akin," Keegan ordered. Kaagad naman akong lumapit sa kanila ni Eli. "Gusto niyo bang dalawa na maging mabilis ang inyong pagtakbo?" "Kokontrolin mo ba kami gamit ang iyong kapangyarihan, Keegan?" Eli asked. "Oo, gusto niyo ba? O Eli, baka nais mong sumakay na lang sa iyong walis tambo para mas maging mabilis ka." "Oo nga!" natatawang sabat ko. Tumitig naman ng masama si Eli sa akin. "Ayaw ko, kontrolin mo na lang kami ni Eliha," maktol niya. "Tumakbo kayong dalawa ngayon, bibilisan ko ang inyong pagtakbo," Keegan commanded. Tumango lang ako. Mabilis akong tumakbo pero mas naging mabilis ako dahil siguro sa sinimulan na ni Keegan ang pag-control sa akin. Nakakamangha talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD