9.

1143 Words
Eliha's POV: "Eliha, anak," Nang tumingin ako sa tumawag sa akin ay nakita ko si Dad sa aking harapan. Napangiti ako nang sobra dahil sa wakas ay nakauwi na ako. Pero mayroon sa puso ko na mami-miss ko si Keegan. Sorry, Keegan, sana ay hindi ka malungkot ngayon. At sana ay magkita pa rin tayo sa aking panaginip. "D-Dad!" masayang sigaw ko sabay lumapit ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa pisnge sabay may tumulong luha sa mga mata niya. Teka, nagbabago na ba siya? Nakonsensya na ba siya sa ginawa niya sa akin noon? "Patawarin mo ako, anak." Niyakap niya ako nang mahigpit. Tuluyan nang tumulo ang aking luha. Humarap ako sa kanya. "Pinapatawad na kita, Dad!" "Talaga, anak? Kung gano'n ay pinapalaya na kita." Nagulat ako nang biglang mawala si Dad. Napabalikwas ako sa kama. Nang tingnan ko ang paligid ay wala namang nagbago. Nandito pa rin ako sa kwarto namin ni Keegan. Teka, panaginip lang ba 'yun? Pero paano? Paano ako mananaginip kung nasa isang panaginip ako? O sadyang nag-travelled talaga ako by magic. Naguguluhan na talaga ako at natatakot. Dad, bakit mo ako pinapalaya? O pahiwatig lang ito na hinahanap na niya ako. "Masama ba ang iyong panaginip? Halika, hayaan mong yakapin kita." Malayang binuka ni Keegan ang kanyang mga kamay. Kaagad akong lumapit sa kanya. "Masaya ako sa aking panaginip. Pero may anggulo na nalungkot ako kasi akala ko ay wala ka na, Keegan." Iniharap niya ako sa kanya. "Kailan man ay hindi ako mawawala sa 'yo dahil kahit sa kabilang buhay ay hindi ako papayag na hindi ikaw ang aking magiging kapilas ng buhay." Hinampas ko siya. "Bakit ka ba ganyan?!" Ngumiti siya nang malaki sabay kinindatan ako. Nagulat naman ako nang bigla siyang maghubad sa harapan ko. Ay teka! Mahabagin. Nakita ko na marami siyang tattoo sa katawan. "Magbihis ka nga, Keegan!" kunwaring naiinis sa saway ko. "Maaari bang ikaw ang magsuot ng aking damit?" "Ay! Si Keegan nagpapalambing!" pang-aasar ko. Tumawa lang naman siya sabay kumuha sa cabinet ng bagong damit. At siya na ang nagbihis sa kanyang sarili. Mabuti na lang talaga dahil nasasanay na ako sa mansyon nila, ang creepy kasi talaga. Lalo na ang mga kasama ko rito, kahit ang mga katulong ay parang mga walang dugo. "Gusto mo bang makita ang aking alaga?" masayang tanong niya. Napahawak ako sa aking bibig. "Keegan! Hindi pa ako handa!" "Ano ang iyong ibig sabihin, Eliha? 'Di ba nakita mo na ang aking alaga?" Hala! Oo ba ang isasagot ko? "Ay! Oo!" natatawang sigaw ko. "Tara na." Aya niya sabay hinawakan ang kamay ko. Bigla kaming naglaho at nakarating sa likod ng mansyon nila. Teka.. mali yata ang nasa isip ko. Akala ko kasi ay huhubarin niya ang- Nagulat ako nang may biglang tumalon kay Keegan. Grabe! Isa lang naman itong malaking lion na kulay puti at may mapulang mga mata. Bampirang lion ba ang isang 'to? "Siya si Pluma, napakagandang pangalan hindi ba?" Keegan asked. "O-oo! P-pero, hindi ba 'yan nangangagat, Keegan?" Umiling si Keegan sabay ngumiti. Nagulat naman ako nang tumingin sa akin si Pluma. Nakakatakot ang mga mata niya. Napaupo ako nang bigla siyang lumapit sa akin. "Huwag mo akong kakainin, please? Ang amo mo lang ang may karapatan, joke!" Tumawa nang tumawa si Keegan. Hay naku, ang weird ko talaga. Ang lion na bampira na si Pluma ay kiniskis ang ulo niya sa aking mukha. Ang lambing naman niya. "Si Pluma ang kasama ko sa tuwing mayroong gera sa pagitan ng mga ibang bampira at mga taong lobo." "Talaga? Mabuti naman dahil okay lang siya.. lalo ikaw." "Alam mo ba na si Pluma ay higit na mas malakas keysa sa akin at sa aking mga magulang? Sa katunayan, kung may hari ang mga asong lobo sa malayong mansyon ay mayroong hari rin ang mga lion na bampira na katulad ni Pluma. Ngunit si Pluma ay mag-isa na lang dahil sa naubos ng mga taong lobo ang kanyang mga kalahi." Hinimas ko ang ulo ni Pluma. "Nakakaawa ka naman pala, Pluma. Pero sana ay huwag maghari ang paghihiganti sa 'yo." "Siya ay mabuting lion, Eliha. Ngunit kapag alam niya na may mali at hindi makatarungan ay lumalaban talaga siya. Tsaka si Pluma rin ang dahilan kung bakit hindi sumusugod ang mga asong lobo rito." "Naaawa talaga ako kay Pluma. At sana talaga ay hindi na manggulo ang mga asong lobo. Ano ang itsura nila, Keegan?" "Hindi sila ang inaakala mong mga nagpapalit anyo bilang aso. Sila ay tinatawag na taong lobo dahil sa ang anyo nila sa tuwing nagpapalit ay katulad sa mga tao. Pero marami silang balahibo at hindi ko maitatanggi na mababangis sila at mahusay makipaglaban." "Gano'n? Siguro kapag sinuntok ko ang mga 'yun ay tulog sila!" pagmamayabang ko. Natawa naman si Keegan. "Gusto mo bang sumakay kay Pluma?" "Ayaw ko, Keegan! Baka mahirapan siya." Pero ang totoo niyan ay mas malaki pa sa elephant si Pluma. Binuhat ako ni Keegan sabay ipinatong niya ako kay Pluma. Nagulat ako nang biglang tumakbo si Pluma kaya kaagad akong napayakap sa kanya. Grabe! Ang sarap sa pakiramdam. Habang mabilis na tumatakbo si Pluma ay naramdaman ko na katabi lang din namin si Keegan dahil mayroon siyang kapangyarihan upang maging mabilis. Hanggang sa bigla kaming nakarating sa gubat. Woah! Ang ganda. Pero biglang tumigil si Pluma. Nang tumingin ako sa gilid ay nakita ko si Keegan na nakasandal sa puno. "D'yan ka muna kay Pluma," Keegan ordered. Tumango lang naman ako. Nagulat ako nang may biglang bumaba mula sa puno. Isang mabalahibong nilalang ang nasa harapan namin na kulay dilaw ang mga mata. Isa siyang matipunong lalaki at guwapo ngunit ang creepy. "Matagal na tayong hindi nagkikita, Keegan and Pluma." Dahan-dahan siyang lumapit. Si Pluma naman ay dahan-dahan din na lumapit sa kanya na tila ba'y hindi natatakot. Kaagad akong kinuha ni Keegan at mabilis kaming nakarating sa baba. "Ang teritoryo niyo ay dapat sa amin!" sigaw ng lalaki. "Siya ay isang asong lobo, mahal," Keegan whispered. Tumango lang ako. Kaagad na sinugod ng lalaking lobo si Pluma. At hindi naman umatras si Pluma kaya kaagad silang naglaban. "Tumigil ka sa iyong kilos, Deriba!" sigaw ni Keegan. Tumigil naman ang dalawa. Si Deriba ay kaagad na lumapit kay Keegan. "Hindi pa tayo tapos. Babawiin ko ang nararapat sa amin." Dinuro ni Keegan si Deriba. "Hindi ko hahayaan na ang isang katulad mo ang kukuha ng aming teritoryo." Tumawa lang si Deriba sabay ngumisi. Nagulat ako nang bumaling siya ng tingin sa akin. "Kahit siya ay kukunin ko sa 'yo, Keegan." Mabilis na sumugod si Keegan kay Deriba. Babaliin na niya sana ang ulo ni Deriba pero kaagad siyang pinigilan ni Pluma. Nang titigan ko si Keegan ay naging asul na naman ang mga mata niya habang nakatingin kay Deriba. Pero nang tumingin siya sa akin ay naging pula. Keegan, huwag ka nang magalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD